CHAPTER 10

1066 Words

OH, GOD. Kung nakakakilos lang si Art ng maayos, siguradong napalundag na siya palayo. Sa mga sandaling iyon lalo siyang nakaramdam ng inis na hindi na sumusunod sa gusto niya ang mga binti niya.  Sa halip ay napakuyom na lang ang mga kamao niya sa bedsheet ng kama niya nang biglang lumuhod sa harap niya si Charlene. Hindi pa nakuntento ang dalaga, tiningala pa siya at inosenteng ngumiti. Malamang. Siya lang yata ang nagkamalisya sa sitwasyong iyon.             Sino bang lalaki sa edad niya ang hindi magkakamalisya kapag may isang magandang babae ang biglang lumuhod paharap sa kandungan niya? Lalo na siya na dalawang buwan na nag-ermitanyo. He was not a womanizer but he has a healthy s****l drive. Na sa kabutihang palad ay mukhang hindi nadisgrasya ng car accident na kinasangkutan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD