GABI na natapos ang panonood nila sa mga episode ng television show kung saan magiging guest judge si Art. Sumakay sila ng taxi at sa kabila ng pagpoprotesta ni Charlene ay iginiit ni Art na siya ang unang ihatid himbis na ang binata kahit na kung tutuusin ay mas malapit ang Bachelor’s Pad sa opisina nila kaysa sa Marikina kung saan naman siya nakatira. Pagpasok pa lang niya sa loob ng gate ay napansin na niya ang kotse ng ate Cherry niya sa garahe. Kinabahan siya. Bakit naroon ang ate niya na mula naman nang magsama ito, si Jay at ang anak ng mga ito na si Justine ay hindi na napadpad sa bahay nila dahil busy sa mag-ama? Hindi pa kasi pwedeng magpakasal ang dalawa dahil masusukob naman sa kuya Charlie niya. Pero isang buwan ang nakararaan ay napapayag ng dalawa ang mga magul