NAGING abala ang mga sumunod na araw para kay Charlene at Art. Content meeting para sa tv show, tapings, idagdag pa ang sunod-sunod na interviews dahil nagkagulo ang media nang malaman ang pagbabalik ni Art Mendez sa sirkulasyon. Bukod doon ay ginulat din siya ng binata nang dalawang araw matapos nilang bumalik ng Maynila ay nagpasama ito sa ospital. Buo na daw ang desisyon ni Art na sumailalim sa therapy para mas mapabilis ang paggaling ng mga binti nito. “As much as I enjoy leaning against you, gusto ko pa ring makaya nang tumayo at maglakad na mag-isa. I don’t want to be a burden to you, Char.” Iyon ang sinabi ni Art. Kaya hayun, isiningit nila ang pagpunta sa ospital kung saan ito na-confine ng tatlong linggo dahil sa car accident. Hindi lang si Charlene ang natuwa sa