EPISODE 11

2617 Words
EPISODE 11 SARAH’S POINT OF VIEW. “Sarah, masyado ka nang nag paapekto sa nararamdaman mo kay Matthias. Hindi na ‘yan healthy! Hindi na ‘yan simpleng crush thing,” rinig kong sabi ni Adele. Nandito siya sa loob ng aking kwarto at ako naman ay nakahiga lang sa aking kama habang nakatalikod sa kanya. Nakikinig ako ngayon ng mga sad songs. Bakit iyon ang mga pinapakinggan ko? Wala lang, gusto ko lang namang mag drama dahil birthday ko na bukas… at bukas na rin ang alis ni Winter Griffin papuntang New York. “Sino ba ang may sabi na crush ko lang siya?” mahina kong sabi kay Adele. Narinig ko ang kanyang pagsinghap at nagsalita ulit siya. “Diyos ko! Sarah Del Junco, nababaliw ka na!” Mabilis akong naupo sa aking kama at humarap ako kay Adele. “Bakit?! Normal lang naman ito kapag nagmamahal ka ng isang tao ah?! Sabi pa nga ni Ed Sheeran sa kanta niya, loving can hurt! Kaya ako nasasaktan ngayon!” Napasapo siya sa kanyang noo at umiling bago muling tumingin sa akin na puno ng disappointment. “Yes, love can hurt, but loving someone also has a limitation, Sarah. You should not forget to love yourself if you love someone.” Umiwas ako ng tingin kay Adele nang sabihin niya iyon dahil may point naman siya. Inaamin kong nasobrahan na rin ako sa pagmamahal ko kay Matthias at hindi ko namamalayan na nakakalimutan ko nang mahal ang aking sarili. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha at hinayaan ko lang ito na kumalat sa aking mukha. Muli akong tumingin sa aking kaibigan na si Adele at nang makita ko ang lungkot sa kanyang mukha ay tuluyan na akong naiyak. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Sumiksik ako sa balikat ni Adele at napapikit sa aking mga mata at dinama ang kanyang yakap sa akin. “Sarah, masyado pa tayong bata sa mga ganitong bagay. Oo, nasa legal na nga tayong edad, pero wala pa tayong masyadong alam sa pag-ibig. Hindi dapat tayo nag fo-focus sa ganitong bagay, dapat ini-enjoy natin ang bawat araw dahil dadating naman sa tamang panahon an pag-ibig na para sa atin eh. Kung si Matthias nga ang para sayo, hayaan mo na siya ang lumapit sayo, Sarah, hindi iyong ikaw ang lumalapit sa kanya at naghahabol. Know your worth, friend.” Mas lalo akong naiyak sa kanyang sinabi at umiyak na lang ako ng tahimik. Hindi na ako kinulit ni Adele at hinayaan niya ako na mapalabas ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Ikinuwento ko rin sa kanya ang mga nalaman ko… ang tungkol kay Winter at ang ginawa ni Matthias. Galit na galit si Adele kay Matthias dahil ginagamit lang daw ako nito dahil alam ng lalaki na may gusto ako sa kanya. Hinayaan ko na lang na magalit si Adele kay Matthias dahil pati ako ay nakaramdam din ng galit sa ginawa nito sa akin. Pero anong magagawa ko? Kahit mag reklamo pa ako kay Matthias ay hindi pa rin talaga mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. “Anak, nandito sa labas si Kuya Matthias mo. Gusto ka raw niyang makausap.” Napamulat ako sa aking mata nang sabihin iyon ni Mommy sa akin pagkapasok niya sa aking kwarto. Umuwi na si Adele sa kanilang bahay dahil may importante pa itong gagawin. Dahil wala akong gagawin, napagpasyahan ko na lang na matulog pero hindi ako makatulog kaya ipinikit ko na lang ang mata ko at nagpanggap na natutulog. Pero nagising ang diwa ko sa sinabi ni Mommy. Nandito si Matthias? Bakit niya ako gustong makita at makausap? “Sarah!” muling tawag ni Mommy sa akin. Wala akong magawa kundi ang bumangon sa pagkakahiga sa aking kama. Wala akong ayos sa aking sarili kaya bago ako lumabas sa aking kwarto at harapin si Matthias, nag-ayos na muna ako sa aking sarili para magmukha akong presentable sa kanyang harapan. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako at matamlay akong lumabas sa aking kwarto at bumaba sa may hagdan upang pumunta doon kung saan naghihintay si Matthias. Nang makababa ako sa may hagdan ay nakita ko kaagad siya sa may living room namin habang kausap niya si Daddy. Natigil lang sila sa kanilang pag-uusap ng makita ako ni Daddy na nakababa na. Napatingin na rin sa akin si Matthias at ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. “Nandito na pala ang princess ko, Matthias! Sarah, gusto kang dalhin ng Kuya Matthias mo sa isang event.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Dad at napatingin na rin ako kay Matthias na seryoso na nakatingin sa akin. “Event para saan? Bakit ako kasama?” tanong ko. “It’s a birthday party for my friend Eric Hudson. You will be my date tonight,” sagot ni Matthias sa aking tanong. Muli akong nagulat sa kanyang sinabi at napailing. “Huh? N-No! Ayoko.” “Sarah…” Napatingin ako kay Dad nang banggitin niya ang aking pangalan. Pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata na para bang sinasabi na hindi siya sang-ayon na hindi ako pumayag na maging date ako ni Matthias ngayon. “Dad, birthday ko bukas! Diba sabi ni Mommy na kailangan kong mag beauty rest? Iyon ang gagawin ko ngayon. Isa pa, hindi ako pumupunta sa isang party na hindi naman ako kaagad na inform,” sabi ko at napa sulyap kay Matthias na nakatingin pa rin ng seryoso sa akin. “Baby, maaga ka naman iuuwi ni Kuya Matt mo dito sa bahay. Samahan mo na ang Kuya Matt mo, siya naman ang escort mo bukas eh,” sabi ni Mommy na kadadating lang at lumapit siya kay Daddy at nginitian ako. Huminga ako ng malalim at muli akong napatingin kay Matt at hindi ko mapigilan na mapairap. Ito ang kinaiinisan ko sa lahat kapag gusto ko nang mag move on kay Matthias, bigla na lang siyang e-eksina at bumabalik na naman ang nararamdaman ko sa kanya… nagiging marupok na naman ako. “Fine! Anong oras ba magsisimula ang party?” Nakita ko ang kakaibang ngiti ng aking mga magulang ng pumayag ako pero hindi ko na ito pinansin. Nang sabihin ni Matthias sa akin na 6 PM mag sa-start ang party ay natataranta na ako dahil 4 PM na at may dalawang oras na lang ako para mag handa at pumili ng aking susuotin. Nakakainis! Gusto pala akong maging date ni Matthias, bakit hindi niya ako sinabihan kahapon sa practice? Anong dahilan niya, nakalimutan niyang sabihin sa akin kasi nakausap niya ang babaeng mahal niya? E ‘di siya na ang magaling! Bwisit. “Anak, bakit nakasimangot ka diyan? Akala ko ba ay may gusto ka kay Matthias, bakit parang nagagalit ka pa dyan na gagawin ka niyang date?” tanong ni Mom habang inaayusan niya ako ng buhok. Bumuntong-hininga ako at tinignan si Mommy sa repleksyon sa salamin. “May mga pagkakataon talaga Mommy na minsan ay ayaw mong makita ang taong gusto mo, kagaya ngayon… gusto kong mapag-isa,” sagot ko sa kanyang tanong. Natigil si Mommy sa pag-aayos sa aking buhok at tinignan niya ako ng seryoso. “Is there a problem, anak? Gusto mo bang sabihin na lang natin kay Matthias na masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka makakatuloy ngayon?” alalang tanong ni Mommy. Humarap ako sa kanya at umiling. Nginitian ko rin si Mommy para ipakita sa kanya na okay lang ako. “It’s okay, Mommy, I can handle it. Hindi naman ako magtatagal doon sa party at magpapahatid na lang ako dito kay Matthias,” malambing kong sabi. Tumango si Mom at ngumiti rin sa akin pabalik. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa aking buhok at hindi na ulit nagtanong si Mommy tungkol sa problema ko dahil nakikita niyang ayaw ko itong sabihin sa kanya. Ayokong magalit si Mom kay Matthias dahil nakakaapekto ito sa business namin, lalo na sa collaboration ng Del Junco at Coleman Company. Ayokong masira ang magandang relasyon ng pamilya namin sa mga Coleman ng dahil lang sa ginawa ni Matthias sa akin. Makalipas ang isang oras ay natapos na ako sa pag-aayos sa aking sarili at sa aking outfit sa party sa tulong ng aking napaka supportive at magandang mommy. Niyakap niya ako at kinunan niya muna ako ng litrato gamit ang kanyang phone at nag selfie rin kaming dalawa bago namin napagpasyahan na lumabas na sa aking kwarto upang makababa. Nang makababa na kami ni Mom ay agad naming nakita si Dad at Matthias na naghihintay sa may baba. Unang nakapansin si Matthias sa pagbaba namin at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at humakbang palapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng aking puso ngayon pero hindi ko lang ito pinapahalata. “Ang ganda ng prinsesa ko!” komento ni Dad at lumapit siya sa akin upang mayakap ako at mahalikan sa aking pisngi. “Thank you, Daddy.” “You look exquisite, Sarah.” Napatingin ako kay Matthias nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil parang lumundag ang puso ko nang mapansin niya ang ayos ko ngayon. “Hijo, huwag mong pabayaan doon sa party ang unica hija namin, okay? Iuwi mo kaagad siya dito sa bahay dahil birthday niya pa bukas,” paalala ni Mom kay Matt. Ngumiti naman si Matthias at tumango. “Of course, Tita.” Humarap na sa akin si Matthias at inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan kaya tinignan ko siya. “Let’s go?” nakangiti niyang sabi. Tumango naman ako at tinanggap ko ang kanyang kamay. Nagpaalam na ako sa aking mga magulang at umalis na kami ni Matthias. Nang makasakay na ako sa kayang sasakyan at nakaalis na kami sa amin, hindi ko maiwasan na mapatanong sa kanya dahil kanina pa ito gumugulo sa aking isipan. “Bakit ako ang naisip mo na makadate ngayon? Hindi ako naniniwalang wala lang, alam ko na may dahilan,” seryoso kong tanong habang nakatingin sa kanya. Sumulyap sa akin si Matthias bago niya sagutin ang aking tanong. “Pinsan ni Winter si Eric at pupunta siya doon sa party. Magtataka si Winter kapag hindi kita dinala ngayon papunta doon,” sagot niya sa aking tanong nang walang pag-iingat. Hindi man lang marunong magsinungaling si Matthias, pwede bang magsinungaling naman siya sometimes? Masyado kasing masakit ang pagiging honest niya sa akin eh. “Ah… ganun ba,” mahina kong sabi at umiwas na ako ng tingin sa kanya. Hindi na rin nagsalita si Matthias at nag focus na lang siya sa kanyang pagdadrive. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa isang hotel na pagmamay-ari ng mga Miller. Unang lumabas si Matthias sa kanyang sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya ako sa aking paglabas. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat at kumapit na ako sa kanyang braso. Ayaw man sabihin ni Matthias sa akin ang totoong pakay niya, pero alam ko kung ano ang gusto niya… ang sabayan siya sa kanyang pagpapanggap upang mas mapaniwala pa lalo si Winter na mahal ako ni Matthias at tumuloy na ito bukas sa flight niya papuntang New York upang ipagpatuloy ang pag-aartista. “Kuya Matthias, buti naman at nakarating ka na! Kanina ka pa hinahanap nila Kuya Ambrose—Oh my Gosh, Sarah!” Nang makapasok kami ni Matthias sa venue ay sinalubong na kaagad kami ni Lucianna. Mabilis niya akong niyakap nang makita niya akong kasama ng kanyang kuya. Pagkatapos naming magyakapan dalawa ay nginisihan niya ako at pinagalaw-galaw niya ang kanyang kilay. “Hmm, now I know kung bakit na-late si Kuya Matt makarating dito, may date pala siya,” sabi ni Lucianna at humagikhik ito. Umiwas ako ng tingin at lihim akong napahawak sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-iinit nito. “Lucianna, where’s Eric? Nakita mo ba siya?” tanong ni Matthias. “Yes, Kuya! Hinanap ka nga nun sa akin, sinabi ko na lang na paparating ka na. He’s with Alessandro and the twins ata, puntahan mo na lang,” sagot ni Cian sa tanong ng kanyang Kuya. “Okay, thanks. Pupunta muna kami doon para mabati siya.” Humarap sa akin si Matthias at bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa may tainga ko kay atomatiko akong na estatwa sa aking kinatatayuan. “Pupuntahan natin si Eric at babatiin ko lang siya. ‘Wag kang lumayo sa akin at dito ka lang sa tabi ko, okay?” seryoso niyang sabi. Tahimik naman akong tumango. Naglalakad na kami ni Matthias papunta doon sa sinabi niyang kaibigan na nagbi-birthday ngayon. Lumapit kami sa mga lalaking nag-uusap ngayon at natigil lang sila sa pag-uusap ng mapalapit na kami. Nakita ko ang mga pinsan ni Matthias dito lalo na ang miyembro ng banda nila na sila Aiden, Caden, Alaric, at Alessandro. Bahagyang kumaway sa akin si Aiden at ngumiti naman ako sa kanya. Kilala na nila ako dahil lahat ng mga Coleman ay kilala nila Mommy at Daddy. “Engineer Matthias! Buti naman at dumating ka na!” lumapit ang isang lalaki na nakasuot ng isang puting tuxedo kay Matt at nagyakapan silang dalawa kaya bahagya akong napalayo at binigyan sila ng moment sa isa’t isa. “Happy birthday, Man! I’m sorry kung medyo na late ako,” nakangiting sabi ni Matthias. Ang kayakapan niya pala ngayon ay ang birthday celebrant na si Eric Hudson. “Oh! May kasama ka palang date ngayon. Hmm, pwede mo bang ipakilala sa amin?” nakangiting sabi ni Eric at tumingin ito sa akin. Hinawakan ako ni Matthias sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya. “She’s Sarah Del Junco, Eric. She’s my date tonight. Sarah, this is my friend who’s celebrating his birthday right now, Eric Hudson.” “Happy birthday po sa inyo, and nice to meet you,” bati ko kay Eric. “Thank you for the greetings, and nice to meet you too, Miss Sarah,” nakangiting sabi ni Eric at kinindatan niya ako. Muling tumingin si Eric kay Matt at nakita ko ang seryoso sa mukha nito. “Matthias, my cousin Winter is here.” “I know that she’s here, Eric, and I know what I am doing now.” Para akong nanliliit sa aking kinatatayuan ngayon. Gusto kong tumakbo palayo—palayo kay Matthias, pero hindi ko magawa. “Pupunta kami sa table namin. Happy birthday ulit, Man!” Umalis na kami ni Matthias at pumunta kami sa isang table kung saan nakaupo si Lucianna kasama ng pinsan nito na si Alessandra Marie Coleman, ang nag-iisang anak na babae ni Tita Naime at Tito Alec. Buti na lang at dito ako dinala ni Matthias dahil nakaramdam na ako ng awkwardness kanina nang kausap namin si Eric. Okay na ako na nandito ako kasama sila Lucianna dahil kakilala ko naman sila. Nagpaalam sa akin si Matthias na may pupuntahan lang siya. Syempre sino ba naman ako para hindi siya payagan? Hindi niya naman ako girlfriend. After all, Matthias is a businessman and he should interact with his business partners and clients as an Engineer. Nakikinig lang ako ngayon sa mga kwento nila Lucianna at ang mga kadaldalan ng kanyang nakababatang pinsan na si Athena at Artemis Miller. Napatingin ako sa paligid at hinanap ko sa aking paningin si Matthias nang hindi ko na ito makita kasama ang kanyang mga pinsan. Natigilan ako at napatulala nang makita ko si Matthias na kaharap na ngayon si Winter Griffin at seryoso silang nag-uusap ngayon. Sabi ko na nga ba… sana hindi ko na lang itinuloy ang kahibangan ko. Sana hindi na lang ako sumama. Panibagong sakit na naman ang naramdaman ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD