EPISODE 12

1317 Words
EPISODE 12 SARAH’S POINT OF VIEW. “Sarah, are you okay?” Umiwas ako ng tingin kay Matthias at Winter nang marinig kong nagsalita si Lucianna at hinawakan niya rin ang aking balikat. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. She knows. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “I-I’m good,” sagot ko sa kanyang tanong. “Stop lying. You look stupid.” Gulat akong napatingin kay Alessandra nang sabihin niya iyon. Pareho kaming nagulat ni Lucianna sa sinabi ng kanyang pinsan. “Alex, you’re being mean!” saway ni Lucianna sa kanyang pinsan. Tumingin sa akin ng seryoso si Alessandra at hindi ko maiwasan na kabahan dahil para niyang binabasa ang buo kong pagkatao. “You’re jealous—halata sa pagmumukha mo. But don’t worry, hindi naman mahilig bumalik si Matthias sa mga ex niya, just like Winter—hindi na niya babalikan ang babaeng ‘yun. Magiging iyo rin siya,” malamig na sabi ni Alessandra at ininom niya ang hawak niyang baso na may laman na alak. Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi at nagkatinginan lang kaming dalawa ni Lucianna na pati siya ay hindi rin makapagsalita. Muli akong napatingin kung nasaan ngayon si Matt at Winter at hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin siya. Napakagat ako sa aking labi at napatingin sa oras sa suot ko na relo. 8 PM na at gusto ko na rin na umuwi, ayoko na dito. Muli akong humarap kay Lucianna at nginitian ko siya. “Uhm, Cian, aalis na ako,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at umiling. “Huh? Anong aalis? Wala pa si Kuya, Sarah. Diba ihahatid ka niya pauwi sa bahay ninyo? Siya ang nagdala sayo dito kaya siya rin ang maghahatid sayo sa bahay,” wika nito. Umiling ako at hinawakan ang kanyang kamay. Alam ni Lucianna na may gusto ako sa Kuya niya, sigurado rin ako na alam niya na may relasyon si Matthias at si Winter Griffin, hindi ako naniniwala na wala siyang alam. “Lucianna, pagod na ako… gusto ko nang magpahinga,” mahina kong sabi at muling ngumiti sa kanya. Bumuntong-hininga siya at walang magawa kundi ang pagbigyan ako sa aking kagustuhan. Tumayo na ako at kinuha ang aking gamit at nagpaalam na sa mga kasama ko sa aming table. Hindi ko na ulit sinulyapan kung nasaan si Matthias dahil masasaktan lang ako. “Sarah! Saan ka pupunta?” Natigil ako sa aking pag alis ng nakasalubong ko si Alaric, ang nakababatang kapatid ni Matthias at Lucianna. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon at katatapos lang din niyang grumaduate sa college. Ngumiti ako kay Alaric at binati ko siya. “Aalis na ako, Ric. Kung magkita man kayo ni Matthias, pakisabi na lang sa kanya na aalis na ako—” “Bakit ka naman aalis na wala ako?” Bahagya akong napatalon sa gulat at mabilis na napatingin sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Matthias. Matalim siyang nakatingin sa akin na para bang may malaki akong kasalanan. “Aalis ka na?” muli niyang tanong. Napalunok ako sa aking laway at umiling. “A-Ah. Pupunta lang ako sa CR, iihi lang ako,” kinakabahan kong sagot sa kanyang tanong. “Diba sabi mo sa akin kanina na uuwi ka na, Sarah?” rinig kong sabi ni Alaric na hanggang ngayon ay nandito pa rin pala siya? Tinignan ko si Ric at pinanlakihan ko siya sa aking mga mata pero parang hindi niya ako naintindihan sa aking gustong ipahiwatig. “My brother said you want to leave the party, Sarah. Bakit hindi mo ako tinawag?” rinig kong sabi ni Matthias. Ngumiti sa akin si Alaric at tahimik siyang umalis at iniwan kaming dalawa ng kanyang Kuya. Huminga ako ng malalim at muli akong humarap kay Matthias at tinignan ko siya ng seryoso. “Busy ka kasi at may kausap ka. Sandali nga, isipin ko lang kung sino ‘yung kausap mo kanina… ah! Si Winter nga pala. Sino ba naman ako para istorbohin ang pag-uusap ninyo diba? Birthday party ko na bukas kaya kailangan kong makapag pahinga ng maaga kaya aalis na ako,” sabi ko sa kanya at tinalikuran na ito. Naglakad na ako paalis sa venue at mas binilisan ko pa ang aking paglalakad ng nasa may hallway na ako. “Sarah! F*ck! Sandali lang!” rinig kong tawag ni Matthias sa akin. Sinusundan niya ako ngayon kaya mas binilisan ko pa ang aking galaw hanggang sa tumakbo na ako paalis para hindi niya ako maabutan. Nakalabas na ako sa hotel at natigil lang ako nang makita ko na madilim sa labas at walang katao-tao, sa may emergency exit pala ako napadaan at walang mga tao dito at natatakot akong gumalaw dahil baka may mga masasamang tao na bigla akong dudukutin. “Sarah!” Mabilis akong napatingin sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Matthias. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa aking braso kaya hindi na ako makakatakas sa kanya. Hinihingal siya ngayon habang matalim na nakatingin sa akin. “Bakit ka ba tumatakbo, ah? Anong kasalanan ko sayo? Anong ginawa ko para magalit ka sa akin?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Tinignan ko ng masama si Matthias at pinigilan ang sarili ko na mapasigaw ngayon sa kanyang harapan. “Gusto mo malaman kung bakit gusto ko nang umuwi at kung bakit naiinis ako ngayon?!” “Yes, I want to know, Sarah.” Humakbang ako palapit sa kanya at sinuntok ko siya sa kanyang dibdib. Hindi siya nagulat sa aking ginawa at nakatingin lang siya sa akin. Muli ko siyang sinuntok hanggang sa sunod-sunod na ang ginawa kong pagsuntok sa kanya at naiyak na ako ng tuluyan. “Nakakainis ka! I hate you! I freaking hate you… I hate you so much! Bakit ba ang hirap mong kalimutan?! Bakit ba sayo pa ako napamahal?! Ang dami namang lalaking nanliligaw sa akin, bakit sa walang pusong katulad mo pa ako nahulog!” Tuluyan na akong humagulgol at nanghina. Kung hindi pa siguro ako hinawakan sa braso ni Matthias ay baka napaupo na ako sa sahig ngayon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at malungkot na ngumiti. “Alam kong alam mo na may gusto ako sayo, Kuya Matt. Kaya mo nga ako dinamay sa problema mo sa inyo ni Winter diba? Pero ayoko na… ayoko na! Imposible man ang kagustuhan ko nakalimutan ka, pero pipilitin ko! Kaya please, hayaan mo na akong lumayo sayo.” Naramdaman ko ang paghihigpit ng paghawak ni Matthias sa aking braso kaya napatingin ako rito bago muling tumingin sa kanyang mukha. “Bitawan mo ako, Kuya Matthias,” malamig kong sabi sa kanya. Napasinghap ako nang hawakan niya ang aking pisngi at pinagdikit niya ang aming mga noo. Hindi ako makagalaw at hindi rin ako mahinga ng maayos. “Hindi mo ako pwedeng iwan, Sarah. Hindi ako makakapayag na kalimutan mo ako.” Muli akong naiyak at sinubukan kong mapalayo sa kanya pero mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa akin. “A-Ang selfish mo! Bitawan mo ako!” “Let’s give it a try, Sarah!” Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Tinignan ko siya na may halong pagtataka. Muli niyang hinawakan ang aking pisngi at tiningnan niya ang aking mga mata. “Mahal mo ako diba? Susubukan ko… susubukan ko na mahalin ka pabalik, Sarah. Don’t give up on me.” Inilapit ni Matthias ang kanyang mukha sa aking mukha hanggang sa nararamdaman ko na ang pagdikit ng aming mga labi. Napahawak ako sa kanyang balikat at napapikit sa aking mga mata. Hinawakan niya ako sa aking beywang at mas lalo akong idinikit sa kanya. Ginalaw ko na rin ang aking labi at sinunod ko lang ang mga galaw ni Matthias habang naghahalikan kami ngayon. Matthias Archer Coleman got my first kiss. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD