EPISODE 10
SARAH’S POINT OF VIEW.
Ang bilis ng araw, sa susunod na araw na ang birthday ko at kumpleto na ang lahat, maayos na ang lahat. Buong buwan ay ang birthday party ko ang inasikaso ni Mommy. Tapos na rin ako magpasukat sa mga susuotin ko na gowns at si Tita Isabelle ang designer nito kaya super special talaga ng birthday ko dahil siya ang designer ng mga susuotin ko at ang kanyang anak naman na gustong-gusto ko ang aking magiging escort.
“Anong gusto mo na gift na ibibigay ko sayo, Sarah? Name it and I will buy it for you!” sabi sa akin ni Adele at nginisihan ako.
Mahina akong tumawa sa kanyang sinabi sa akin.
“Kahit ano na lang, Adele. Tatanggapin ko naman ‘yang regalo mo kahit ano pa ‘yan dahil may tiwala ako sayo,” nakangiti kong sabi.
Ngumiti siya at kumapit sa aking braso.
“Hmm, mamaya pala ang practice ninyo ni Matthias sa sayaw para sa birthday party mo sa susunod na araw. Kumusta naman na mapalapit ka sa crush mo, Sarah?” tanong sa akin ni Adele.
Hindi pa rin ako makapaniwala na na papalapit na ako kay Matthias. Kaswal naman siya sa akin at pinapansin niya ako kapag kinakausap ko siya. Hindi man siya laging present sa mga practice, sinasabi niya naman sa akin sa text para hindi na ako maghintay sa kanya. Marami rin kasi siyang mga trabaho at kailangan niya iyong unahin.
“Okay lang naman,” maikli kong sagot kay Adele at nginitian ko siya.
Mahina niya akong pinalo sa aking balikat kaya tumawa na ako.
“Malandi ka talagang babae ka! My Gosh, Sarah!”
Nginisihan ko na lang si Adele at hindi na ulit nagsalita.
Nandito kami sa aming classroom at pag uwian ko na, diretso na kaagad kami sa venue para sa aming huling practice. Wala na kasing practice bukas dahil kailangan ko rin daw mag beauty rest sabi ni Mommy.
Nang matapos na ang klase namin ni Adele, sabay na kaming lumabas sa building ng aming department at pumunta na sa may gate upang hintayin ang driver namin. Pero nang nakarating na kami sa may gate ay nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan at nakabukas din ang bintana sa may driver’s seat kaya kitang-kita ko kung sino ang nasa loob. Natigil ako sa aking paglalakad at napatingin dito kung namamalikmata lang ba talaga ako, o totoo ang aking nakikita ngayon.
Narinig kong tumili si Adele kaya napatingin ako sa kanya. Kita sa kanyang mukha ang kilig at lumapit siya sa akin para yugyugin ang aking balikat.
“Oh my Gosh, Sarah! Nandito ang crush mo! Nandito si Matthias para sunduin ka!” kinikilig nitong sabi at muling tumili.
Hindi ko mapigilan na kiligin at bahagya akong nagulat nang mapatingin sa aming gawi si Matthias at bahagya siyang kumaway sa akin. Muntik na akong ma out of balance dahil muli akong niyugyog ni Adele, buti na lang at hindi natuloy dahil kung natuloy man ay nakakahiya talaga dahil nakatingin sa amin si Matthias.
“Adele, tumigil ka nga!”
Pinanlakihan ko ng aking mga mata ang aking kaibigan at tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at ngumuso na lang. Parang tanga naman kasi ‘to, gusto kong magpaka-lowkey tapos ito namang si Adele ay parang pinapamukha na super nababaliw na talaga ako kay Matthias—slight lang naman.
“Sarah!”
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala si Matt sa kanyang sasakyan at papalapit na siya sa akin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Kumalma ka, Sarah Del Junco!
“K-Kuya Matthias, ikaw pala! Anong ginagawa mo rito? Susunduin niyo po ba si Lucianna?” tanong ko sa kanya.
Syempre ay tatanungin ko muna kung ano ang ginagawa niya rito bago ako mag assume na nandito siya para sa akin.
“Hi, Engineer Matthias! Ang pogi nyo naman ngayon,” bati ni Adele kay Matthias at nagpa-cute pa siya dito kaya siniko ko na siya at siya naman ay napa sulyap sa akin at sumimangot.
Ngumiti pabalik si Matt sa aking kaibigan at binati niya rin ito bago siya muling humarap sa akin at sagutin ang aking tanong sa kanya.
“I’m here to fetch you, Sarah,” sagot niya sa aking tanong.
Nanlaki ang aking mga mata at napakurap dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
“H-Huh? T-Talaga?”
Magsasalita na sana si Matthias nang maunahan siya ni Adele at naramdaman ko rin ang pagkapit nito sa aking braso kaya napatingin na ako sa kanya.
“OMG! True ba ‘yan, Engineer Matt? Alam mo, kanina pa namin napagkwentuhan niton bestfriend ko na sunduin siya ng crush niya at nangyari na nga—nandito ka na sa harapan namin ngayon! Kinikilig po si Sarah, Engineer,” nakangising sabi ni Adele.
Kinurot ko siya sa kanyang beywang kaya natigil siya pero nakangisi pa rin siya ngayon. Nakakahiya! Kaya ayaw kong nakakasama ko itong si Adele kapag nasa malapit si Matthias dahil sigurado akong asarin niya lang ako at kung anu-ano ang mga sinasabi kagaya ng ginawa niya ngayon.
Napatingin ako kay Matt at nakita ko siyang nakangiti lang at parang natuwa pa siya sa sinabi ng aking kaibigan.
“Napaaga ako sa venue at sinabi ng Mom mo na nandito ka pa sa campus kaya nag volunteer na lang ako na ako na ang susundo sayo rito,” wika ni Matthias habang nakatingin sa akin.
Muli… hindi na naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ano ba! Nakakarami na siya.
“A-Ah, ganun po ba, Kuya Matthias? Salamat po dahil sinundo niyo kami,” nahihiya kong sabi.
Ngumiti siya sa akin at tumango.
“Let’s go? Naghihintay na doon sila Tita at ibang mga bisita.”
Tumango ako at sabay na kaming naglakad ni Adele papunta sa sasakyan ni Matthias. Ilang ulit kong sinasabi kay Adele na tumigil siya at mag behave dahil nahihiya ako kay Matt. Buti na lang at tumahimik na si Adele dahil ka textmate niya rin ngayon ang bago niyang boyfriend. Ako ngayon ay nandito nakaupo sa tabi ni Matthias habang si Adele naman ay nasa may likod. Ayoko sana dito sa front seat pero sabi ni Adele ay magmumukha lang na driver si Matt kaya kailangan kong umupo sa tabi nito kaya wala na akong nagawa.
Nakatingin lang ako sa labas dahil hindi ko kayang tumingin kay Matthias at hindi ko rin alam ang gagawin ko—ang awkward!
“Sa susunod na araw na pala ang birthday mo, ang bilis ng panahon at 20 ka na.”
Napatingin ako kay Matt nang sabihin niya iyon. Bahagya akong ngumiti sa kanya at tumango.
“Opo, Kuya Matt. Kailangan ko na rin humanap ng lalaking pakakasalan ko.”
Nagsalubong ang kanyang kilay at napasulyap siya sa akin.
“Ang aga pa para magpakasal ka, Sarah.”
“It’s our family’s tradition, Kuya Matt. Kailangan kong sundin ang tradisyon ng pamilya namin at handa na rin ako na magpakasal,” seryoso kong sabi.
Umiling siya at hindi na ulit nagsalita. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Bahala nga siya! Hindi naman siya ang lalaking pakakasalan ko dahil ayaw niya naman sa akin eh. Pipilitin ko ba siya? Ang gusto niyang pakasalan ay si Winter Griffin, hindi si Sarah Del Junco.
NAKARATING na kami sa venue. Lumabas na kami sa sasakyan ni Matt at sabay na kami ng aking kaibigan na si Adele na pumasok sa loob. Hindi pa rin umi imik si Matthias na para bang nabadtrip siya dahil hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang kanyang noo.
“My baby!”
Nang makapasok kami sa loob ng venue ay agad kong nakita si Mommy kaya patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Malaki ang pasasalamat ko sa aking Mommy dahil naging hands on siya sa pag pe-prepare para sa aking engradeng birthday party. Siya talaga ang nangunguna sa mga desisyon dito at syempre tinanong niya rin ako kung ano ang mga gusto ko kagaya ng mga color theme at iba’t iba pa para sa birthday ko. Ibinigay ko na itong lahat kay Mom dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya.
“Si Matthias ba ang sumundo sa inyo ni Adele?” tanong ni Mommy sa akin at ngumiti siya na para bang kinikilig.
“Mommy, tumigil ka nga, nakakahiya,” mahina kong sabi.
Mahina siyang tumawa at tumango.
“Fine! Pagbibigyan na lang kita ngayon dahil malapit na ang birthday mo,” sabi ni Mom at kinindatan ako.
Tinawag na kami ng choreographer para sa aming sayaw. Pag nagsimula na kami ang party at bumaba na ako sa may hagdan ay kailangan naming sumayaw kasama pa ang ibang mag pa-partner at kasali na rito si Adele na partner ang pinsan ko. Para kaming mga prinsesa at prinsipe at sinadya ito nila Mommy dahil ako raw ang kanilang princess.
“Okay, from the start tayo ah! Alam na ninyo ang steppings at pakinggan niyo lang ang tugtog para masabay ito sa pag galaw ng mga katawan ninyo,” wika ng choreographer. Tumango naman kaming lahat.
Ang lakas na ng kabog ng aking puso ngayon dahil ang lapit namin sa isa’t isa ni Matthias. Nakahawak ako sa kanyang balikat habang siya naman ay nakahawak sa aking beywang. Ang tangkad masyado ni Matt at hanggang sa may kilikili niya lang ako kaya kailangan ko pa talagang tumingala sa kanya kung titingnan ko siya.
Magaling sumayaw si Matthias at madali niya lang nakabisado ang mga steps, tinulungan niya pa nga ako dahil masyado akong kinakabahan sa presensya ni Matthias.
“Focus on the steps, Sarah.”
Napatingin ako kay Matthias nang sabihin niya iyon. Hindi ako makahinga ng maayos nang napagtanto ko kung gaano kalapit ngayon ang aming mga mukha. Naramdaman ko rin ang paghihigpit ng pagkakahawak niya sa aking beywang na mas lalong nagpabaliw sa akin.
“S-Sorry,” mahina kong sabi at umiwas ng tingin sa akin.
Sinubukan ko na lang na mag focus sa mga steps para hindi ulit ako mapuna ni Matthias dahil nakakahiya naman sa kanya kapag nagkamali ako.
Mabilis lang kaming natapos sa aming practice at tinawag na muna kami ni Mommy para mag snacks kaming lahat. Tatawagin ko na sana si Matthias pero nakita ko itong naglalakad palabas sa venue at may kausap ito sa phone niya ngayon, para siyang nagmamadali sa paglabas sa venue. Sino ang tumatawag sa kanya? May emergency ba?
“Sarah, kumain ka na dito!” rinig kong tawag sa akin ni Adele.
Tumingin naman ako sa kanila at tumango.
“Busog pa ako. Susunod na lang ako, may pupuntahan muna ako!” sabi ko sa kanila at naglakad na ako palabas sa may venue, susundan ko si Matthias.
Nang makalabas na ako ay agad ko siyang hinanap. Mabilis ko lang nahanap si Matt at nakatayo siya ngayon malapit sa may fountain at hindi lang siya nag-iisa… kaharap niya ngayon si Winter na nakasuot ng malaking sunglasses at nakasuot din ito ng sombrero. Bahagya akong lumapit sa kanila at nagtago ako upang hindi nila ako makita.
Naririnig ko na ang pag-uusap nila.
“Aalis na ako sa susunod na araw, Matthias. Seryoso ka na ba talaga sa desisyon mo na hindi mo ako ipaglalaban? Matt, kaya kong tumigil sa pag-aartista ko para lang makasama kita! Mahal na mahal kita at… at ikaw lang ang gusto kong pakasalan.”
Naninikip ang dibdib ko habang sinasabi iyon ni Winter kay Matthias ngayon. Mahal na mahal niya talaga ang lalaki at kahit ang pinakamamahal niyang career sa pag-aartista ay kaya niyang iwan para lang kay Matthias. Sino ba ang hindi mapapamahal kay Matt? Nasa kanya na ang lahat.
“Itigil na natin ang kahibangan na ito, Winter. Nakipagkita lang ako ngayon sayo para sabihin na hindi na ako makikipagbalikan,” malamig na sabi ni Matt.
“Mahal mo ba talaga siya?”
Natigilan ako sa naging tanong ni Winter kay Matthias.
“Sino?” rinig kong tanong ni Matt.
“Ang babaeng pinakilala mo sa akin na pakakasalan mo? She's Del Junco, right? Wow! A Del Junco and a Coleman… sigurado akong walang tututol sa inyong dalawa lalo na’t parehong makapangyarihan ang pamilya ninyo sa business world.”
“Let’s not talk about her, Winter. Walang kinalaman dito si Sarah at huwag mo na siyang idamay.”
“Why not, Matthias? Oo o hindi lang naman ang isasagot mo sa tanong ko, bakit hindi mo masagot?”
Napakagat ako sa aking labi sa sinabi ni Winter.
Ang dahilan kung bakit hindi masagot ni Matthias ang tanong ni Winter ay dahil hindi naman ako nito mahal. Nadamay lang ako… ginamit niya lang ako para lumayo sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.
Hinawakan ko ang aking dibdib dahil para na itong kinukurot sa sobrang sakit.
Kahit alam ko na ang totoo, hinintay ko pa rin kung ano ang isasagot ni Matthias sa tanong ni Winter.
“Do you want to know the truth, Winter?”
“Yes, Matthias. I want to know the truth… para alam ko kung ano ang aking dapat na gawin... kung tutuloy ba ako sa New York, o ipaglalaban kita.”
Tumango si Matthias at napahawak ito sa kanyang beywang bago muling tumingin ng seryoso kay Winter.
“Yes, mahal ko si Sarah. Mahal ko siya at siya ang babaeng gusto kong pakasalan, hindi ikaw.”
Tuluyan na akong naiyak sa sinabi ni Matthias kay Winter. Tumalikod na ako at patakbong umalis dahil ayoko nang makarinig ng mga kasinungalingan ni Matthias.
Hindi ako umiyak dahil natutuwa ako sa sinabi niyang mahal niya ako, umiyak ako dahil alam kong kasinungalingan lang ang kanyang sinabi at hindi niya talaga ako mahal. Hindi ako mahal ni Matthias.
TO BE CONTINUED...