EPISODE 9
SARAH’S POINT OF VIEW.
“I’m sorry.”
Napatingin ako kay Matt nang magsalita ito. Nandito na kami sa kanyang opisina at umalis na rin si Winter. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito sa opisina ni Matt, ang alam ko lang ay hinawakan niya ang aking braso beywang at umalis kami doon sa may parking lot. Tulala lang ako nang sabihin ni Matthias kay Winter na ako ang babaeng pakakasalan niya.
“Alam kong galit ka ngayon sa akin. Kung nagtitimpi ka lang ngayon, pwedeng-pwede mo akong suntukin sa mukha. Pwede mo akong sigawan at murahin nang paulit-ulit, hindi ako magrereklamo,” muling sabi ni Matthias habang nakatingin ng seryoso sa akin.
Nagsalubong ang aking kilay habang nakatingin sa kanya. Bakit ko naman gagawin ang mga bagay na iyon? I’m not mad at him—I will never be mad at him.
“Uhm, bakit mo pala ginawa ‘yun?” tanong ko sa kanya.
Umiwas ng tingin sa akin si Matthias at huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin at nagsalita.
“I want to break up with her,” he answered.
“Why?”
“It’s a long story, Sarah.”
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Matt.
“I need to know, Matt—I mean Kuya Matt! Sinali mo ako sa isyu ng girlfriend mo na si Winter. I need to know what’s happening para pag kumalat ang balita sa mga sinabi mo kanina, alam ko kung ano ang aking gagawin,” seryoso kong sabi sa kanya—na may konting inis.
Matapos niya akong hilain kanina at sabihin na ako ang babaeng pakakasalan niya kaya makikipaghiwalay na siya sa girlfriend niya, sasabihin niyang it’s a long story? E ‘di make it short! Kaya nga may salitang summary eh.
Huminga siya ng malalim at tumitig sa akin.
“Winter got a contact in New York. She will work with some Hollywood actors and have big projects, but in her contract, she should be single, not married. Last month, we decided to plan our marriage. She’s willing to sacrifice her career to marry me. But when I saw how much she loves her work now, I don’t think I can still be with her.” Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Matthias habang sinasabi niya iyon sa akin. Hindi ko rin mapigilan na masaktan dahil mahal ko siya at nasasaktan ako na nasasaktan siya dahil sa nangyayari sa kanila ng babaeng mahal niya.
“Kaya gusto mong makipag hiwalay sa kanya?” tanong ko sa kanya.
Matagal siyang hindi sumagot, pero tumango rin si Matthias at umiwas ng tingin sa akin.
“I’m sorry kung nadamay ka pa rito sa problema ko. Aalis na rin naman si Winter sa susunod na buwan kaya makakalimutan niya rin ang sinabi ko kanina at hindi ka niya guguluhin,” sabi niya.
Napakagat ako sa aking labi habang nakatingin kay Matthias. Pwede bang wag munang matapos ito? Fini-feel ko pa kasi ang moment na ikakasal kami ni Matthias, na ako ang mahal niya. Wish ko lang talaga na mangyari iyon, siguro sa panaginip ko na lang? Huwag na akong umasa pa, hindi ako ang kanyang type.
“Paano ba kita masusuklian sa ginawa ko kanina? Nagu-guilty pa rin ako dahil nadamay kita sa sitwasyon ko, Sarah. Baka pagalitan ako ni Tita at Tito kapag nalaman nila na dinadamay kita sa ganitong problema.”
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
“You don’t have to worry, Kuya Matt. Hindi magagalit si Mommy at Daddy at hindi nila malalaman ang tungkol dito,” sabi ko.
Ngumiti naman siya at tumango.
“Thank you so much, Sarah.”
Bahagya akong natulala dahil ang pogi ni Matthias habang nakangiti—para siyang isang anghel na bumaba sa lupa. Bakit ba ang perpekto ni Matthias? Naiiyak ako! Kaya hindi ako nagkaka-boyfriend kasi masyadong mataas ang standard ko, parang si Matthias. Siya lang talaga ang pasok sa standard ko kaya hindi ko kayang tumingin sa ibang lalaki kahit na marami na ang nanliligaw sa akin simula pa noong elementary student pa lang ako.
“P-Pero sinabi mo sa akin na gusto mong bumawi diba?” tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at tumaas ang kanyang isang kilay.
“What is it?”
Sasabihin ko ba? Pero gustong-gusto ko talaga na si Matthias ang maging escort ko sa aking birthday party. Nasabi ko na rin kay Mommy na susubukan ko na makumbinse si Matt na siya ang gawin kong escort at ngayon ay gusto niyang makabawi sa akin dahil sa kanyang sinabi kanina at pagdamay niya sa akin sa kanyang problema. Ito na ang oras ko para mag take advantage sa pangyayari—in a good way.
“Uhm, birthday ko na kasi next month… My Mom wants me to have a birthday party, and with that—I need an escort.”
Matagal siyang hindi nakasagot. Nakatingin lang sa akin ngayon si Matthias kaya hindi ko mapigilan na kabahan dahil para akong mapapaso sa kanyang titig. Minsan kasi parang nakakakaba ang mga titig niya, para kasi siyang mangangain ng tao.
“You want me to be your escort?” he asked.
Napalunok ako sa aking laway at tahimik na tumango.
Of course! Kaya nga ako nag open up tungkol sa party ko at tungkol sa escort dahil gusto ko siya ang magiging escort ko.
“Yes… kung pwede lang sayo, Kuya Matt? Pero kung hindi naman—”
“I’ll be your escort, Sarah.”
Hindi ko mapigilan na kiligin sa kanyang sinabi at napangiti na ako. Ngumiti siya pabalik sa akin kaya ako na ang unang umiwas ng tingin dahil baka bigla na lang akong mapatili sa sobrang kilig.
“T-Thank you so much, Kuya Matthias. Uhm, dahil ikaw na ang escort ko sa party, kailangan niyo rin na pumunta sa mga practice at sa pagsusukat ng susuotin sa party ko,” sabi ko sa kanya.
Muli siyang ngumiti at tumango.
“No problem with me, Sarah. Just text me, and I’ll be there.”
Shems! Bakit ba nagpapakilig itong si Matthias Archer Coleman? Mukhang normal lang naman sa kanya ang mga salitang iyon, pero ako naman na assuming ay hinahaluan ko ng malisya kaya ang ending ay ako rin ang masasaktan sa huli dahil assuming ako!
“Ano ‘yang dala mo?”
Napatingin ako sa aking hawak pa rin na maliit na lunch box kung saan nakalagay ang mga pinaluto ko kanina kay Manang. Ngayon ko lang napagtanto na may dala nga pala akong pagkain para kay Matthias.
Ngumiti ako sa kanya at inilapag ko sa kanyang table ang dala kong lunch box at binuksan ko ito. Tumayo naman si Matt at nakita kong humakbang siya palapit sa akin kaya naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso.
“Uhm, nagpaluto ako kay Manang ng mga pagkain para sayo, Kuya Matthias. Nakwento kasi sa akin ni Lucianna na hindi ka raw kumakain kapag lunch break.”
Tumaas ang isang kilay ni Matthias at tumingin siya sa akin.
“She said that?”
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
“Kaya mas kailangan mong kumain, Kuya Matt! Paano na lang kung mahilo ka dahil hindi ka kumain? Tapos magkasakit ka pa bigla! Mag-aalala sa iyo si Tita Isabelle at Tito Luke,” sabi ko sa kanya. Bahagya akong ngumuso upang maiwasan na mapangiti ulit.
Mag-aalala rin ako sayo! Kaya kailangan mong kumain.
Bumuntong-hininga si Matthias at tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Fine, kakain ako pero dapat kasama kita.”
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
“Deal!”
Hinanda ko na ang mga gamit sa pag kain namin ngayon at binuksan ang mga dinala kong ulam para sa amin ni Matt. Humingi na lang kami ng kanin sa labas dahil wala akong dalang kanin, ulam lang. Nakaupo ngayon si Matthias sa kanyang swivel chair at ako naman ay nakaupo rin sa isang silya habang nakaharap sa kanya. Pinipigilan ko ngayon ang aking kilig dahil ito ang unang beses na nakasama ko si Matt sa pag kain na kami lang dalawa, hindi kasama ang aming mga pamilya.
Kahit pinipigilan ko na hindi mapatitig sa kanya dahil baka mahalata niya ako, hindi ko talaga maiwasan na matingin sa pagmumukha ni Matthias! Ang tangos ng kanyang ilong—parang matutusok ka talaga kapag inilapit mo ang iyong kamay sa kanyang ilong dahil sa sobrang tangos. Tapos ang kanyang mukha… ang makinis niyang mukha. Para siyang may ina-apply na mga beauty products sa sobrang kinis ng kanyang mukha! Malambot kaya ang mukha niya? Ano kaya ang pakiramdam kapag nahawakan ko ang mukha ni Matthias? Baka mahimatay na lang ako bigla sa sobrang kilig! Ang kilay niya… ang makapal niyang kilay na mas lalong nag papa pogi sa kanya. Nakakaakit din ang kanyang mga mata na kapag ika’y tinitigan nito ay para kang matutunaw dahil—
“Sarah?”
Dahil sa sobrang ganda ng kanyang mga mata at nakakabaliw!
“Sarah!”
“Ay, pogi!” mabilis kong tinakpan ang aking bibig at nagulat ako sa lumabas na salita sa aking bibig dahil sa sobrang gulat. Nakita ko ang pagkamangha sa pagmumukha ni Matt habang nakatingin sa akin at bahagya ring nakaangat ang gilid ng kanyang labi.
“Ako ba, Sarah? Well, thank you—”
“H-Hindi! Hindi ikaw… ikaw ang pogi…” f*ck! Bakit ba kasi ako natulala bigla? Baka napansin iyon ni Matthias—napansin niya talaga iyon big time! Kaya ka nga niya itinawag diba?
Narinig ko ang pagtawa ni Matthias kaya muli akong napatingin sa kanya at hindi nga ako nagkamali, nakangisi na ito ngayon habang nakatingin pa rin sa akin na para bang tuwang-tuwa.
“It’s okay, Sarah. Normal lang talaga na matulala ka kapag nasa harapan mo ang crush mo,” nakangisi niyang sabi sa akin at kinindatan niya pa ako.
Bahagyang napaawang ang aking bibig at hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi. Naramdaman ko rin ang pamumula sa aking mukha kaya mabilis akong yumuko at sumubo ako ng pagkain ko para mabaling sa iba ang aking atensyon. Nakakainis! Bakit niya ginagawa sa akin ‘to? Aasa na naman ako for the 9th time.
“T-Tumahimik ka nga,” mahina kong sabi.
Mahina siyang tumawa.
“Okay, Sarah.”
Hindi na ulit siya nagsalita at hindi na niya ako inasar. Ipinagpatuloy na lang namin ang aming pag kain sa mga dala kong ulam at kahit hindi ako gutom ay naubos ko ang laman ng aking plato dahil sa sobrang awkwardness na nararamdaman ko ngayon sa pagitan naming dalawa ni Matthias.
Nang matapos kaming kumain, tinulungan ako ni Matthias sa pagliligpit sa aming mga pinagkainan kahit nag volunteer na ako na ako na ang gumawa, pero nagmamatigas pa rin siya kaya ang ending… kami na lang dalawa ang naglinis. Para kaming mag jowa ngayon—ayan! Nag a-assume na naman ako.
“Dito ka lang muna sa loob ng aking office, okay? Kailangan kong e-check ang third floor ng building at hindi ka pwede doon dahil delikado,” seryosong sabi ni Matthias habang may mga kinukuha siyang mga gamit sa kanyang table.
Nakaupo na ako ngayon sa may couch na malapit lang din sa kanyang table.
“Magsusuot naman ako ng hard hat, Kuya Matt,” sabi ko.
Matalim niya akong tinignan kaya napanguso na ako.
Umiling siya at isinuot na niya ang kanyang hard hat na kulay puti. Kaya puti ang hard hat niya hindi kagaya ng mga workers sa labas na kulay yellow ay dahil isa siyang civil engineer. Mas lalong naging hot si Matthias kapag suot niya ang hard hat niya. Hays, wala na talaga akong takas dito… hulog na hulog na talaga ako sa kanya.
“Hindi nga pwede, Sarah. Bakit ba ang kulit mo? Maglaro ka na lang sa phone mo kung nabo-bored ka dito sa loob ng aking office,” sabi ni Matthias na may konting inis.
Muli akong napanguso habang nakatingin sa kanya.
“Walang signal dito eh… hindi ko naman alam ang password ng wifi,” mahina kong sabi.
Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin.
“Give me your phone para ma connect natin ‘yan sa wifi ko rito sa office,” sabi niya.
Mabilis ko namang nilabas ang aking phone at binigay ko ito kay Matthias. Ilang segundo niya lang itong kinonek at muli na niyang ibinalik sa akin ang phone at nakita kong connected to wifi na ako.
“Huwag kang lumabas ng basta-basta sa office ko. Kapag may kumatok, ‘wag mong buksan. Alam ng mga trabahador dito na aakyat ako ngayon kaya wala silang rason para pumunta dito sa opisina ko. Nagkakaintindihan ba tayo, Sarah?”
Bumuntong-hininga ako at tumango.
“Opo, Kuya Matthias,” tinatamad kong sabi.
Ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.
“Good girl. I’ll be back, okay? Ihahatid kita sa bahay ninyo mamaya.”
Lumabas na si Matthias sa kanyang office at ako naman dito sa aking kinauupuan ay naiwan na tulala.
Oh my gosh… hindi ako makapaniwala sa sunod-sunod na nangyari sa akin, sa mga moments namin ni Matt!
Napahawak ako sa aking dibdib kung saan nararamdaman ko ngayon ang malakas na t***k ng aking puso. Siya ang magiging escort ko sa aking birthday! Makakasayaw ko siya… siya ang makakasama ko buong araw sa kaarawan ko!
Kumpleto na ang araw ko, kinumpleto ito ni Engineer Matthias!
TO BE CONTINUED...