EPISODE 8
SARAH’S POINT OF VIEW.
Ang saya-saya ko ngayon! Pinayagan kasi ako ni Matthias na pumunta sa site upang makadalaw doon. Meron na rin akong cellphone number niya at ang pangalan na naka registered niya dito sa phone ko ay My future hubby. Assuming na kung assuming, cellphone ko naman ito at walang ibang makakakita kung ano ang pangalan niya dito sa phone ko.
“Ang ganda naman ng dalaga ko!”
Napatigil ako sa aking pagsusuklay ng bumukas ang pinto ng aking kwarto at nang lumingon ay at tingnan kung sino ang pumasok, nakita ko ang nakangiti kong Mommy. My Mommy already knows that I have a crush on Matthias and she supported me.
Tumayo ako at lumapit kay Mommy upang mahalikan siya sa kanyang pisngi. Hinawakan ni Mommy ang magkabila kong balikat at naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Sandali nga, bakit parang may nakikita akong makeup sa pagmumukha ng dalaga ko? Naglagay ka ba ng makeup sa mukha mo, Sarah?” tanong ni Mommy at hinawakan niya ang magkabila kong pisngo.
Hindi ko mapigilan na pamulahan sa aking pisngi at ngumiti ako kay Mommy at sinagot ang kanyang tanong.
“Pupunta kasi ako sa site, Mommy. Dadalaw ako doon at makikita ko si Matthias,” sagot ko sa tanong niya.
Ngumiti sa akin si Mom na para bang kinikilig.
“Aasa na ba kami ng Daddy mo, Anak? Mukhang tuloy-tuloy na iyang tungkol sa inyo ni Matt, ah?”
Umiling ako sa sinabi kay Mom at nahihiyang ngumiti. Baka sabihin niya kay Tita Isabelle ang tungkol sa pagkagusto ko kay Matt at baka bigla na lang kaming ipakasal dalawa. Oo, gusto kong makasal sa kanya pero ayaw ko na mapilitan siya na makasal sa akin at kapag ang mga magulang na namin ang gumawa ng way para makasal kaming dalawa, baka magalit sa akin si Matthias at kamuhian niya ako—ayokong mangyari iyon.
“M-May girlfriend po si Matthias, Mommy.,” mahina kong sabi
Nawalan ang ngiti sa mukha ni Mommy ng sabihin ko iyon.
“May girlfriend si Matt? Sino ba ang girlfriend niya? Kakilala ba natin?” tanong niya.
Tumango ako at malungkot na ngumiti bago sinagot ang kanyang tanong.
“Yes, Mommy, kilala natin ang girlfriend ni Matthias. Si Winter Griffin ang girlfriend niya—anak ni Cole Griffin, iyong sikat na artista at singer,” sagot ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat sa aking sinabi.
“Oh! Girlfriend ni Matthias si Winter? I didn’t know that! I’m a fan of her at pinapanood ko lahat ng mga movies niya—pero kahit idol ko siya, ikaw pa rin ang mas maganda, Anak,” wika ni Mommy.
Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi ni Mommy at niyakap ko rin siya. Lumalabas ang pagiging fangirl niya pero hindi niya pa rin ako kinakalimutan at ayaw niya akong masaktan.
Hindi na namin pinag-usapan ang tungkol kay Winter—pati na rin kay Matthias, tinulungan niya na lang ako sa pag-aayos sa aking sarili ngayon upang makaalis na ako.
Napagpasyahan ni Mommy na gawing wavy ang aking buhok kaya pinapakulot niya ngayon ang aking buhok at ako naman ay nakatingin lang sa kanya sa repleksyon sa salamin na nasa aming harapan.
“Malapit na ang 20th birthday mo, anak. Nakaisip ka na ba kung sino ang magiging escort mo sa party?” tanong ni Mommy.
Napaisip ako sa naging tanong niya sa akin. Oo nga pala, malapit na ang birthday ko… ang 20th birthday ko. Ayoko man na mag celebrate ng bongga sa birthday ko ngayon, hindi papayag si Mom at Dad dahil nag-iisang anak lang nila ako. Pinagbigyan na nila ako sa 19th birthday ko at ang ginawa ko lang ng birthday ko last year ay nag travel kami papuntang Paris ni Adele na kami lang dalawa. Ngayon ay kailangan kong mag celebrate at ia-announce din nila sa mismong party ang paghahanap ko ng pakakasalan. Kakaiba man ang naging tradisyon ng pamilya namin, nasanay na rin ako at ihahanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari.
“Wala pa po, Mommy. Pero itatanong ko po kay Matthias mamaya kung pwede ba siya na maging escort ko sa aking birthday party,” sagot ko sa tanong niya.
Ngumiti si Mom at hinaplos ang aking buhok.
“Your happiness is our happiness, Sarah, iyan ang lagi mong tatandaan. Nandito lang si Mommy para sayo, okay?” malambing niyang sabi at hinalikan ang aking pisngi.
Natapos na akong mag-ayos sa aking sarili sa tulong ng aking pinakamagandang Mommy. May dala akong pagkain at papunta na ako ngayon sa site. Nag text na rin ako kay Matthias at wala pa akong natatanggap na reply galing sa kanya, siguro ay busy siya kaya hindi pa nababasa ang message ko. Alam niya naman na pupunta ako ngayon kaya wala ng problema.
“Maraming salamat, Manong! Magte-text na lang po ako mamaya kung magpapasundo ako sa inyo,” nakangiti kong sabi sa aming driver ng makababa na ako sa sasakyan.
Nakangiti ako ngayon habang naglalakad palapit sa may site. Narinig ko na ang ingay sa loob at nakita kong nagtatrabaho na ang mga lalaki sa may building. Bago ako makapasok sa loob, natigil ako sa aking paglalakad nang makarinig ako ng ingay—isang lalaki at babae na nagtatalo dito malapit sa may parking area.
Kilalang-kilala ko ang boses ng lalaki at hindi ako pwedeng magkamali—si Matthias! Boses iyon ni Matthias kaya kailangan kong makita kung sino ang kasama niya.
“Matt, hindi mo pwedeng gawin sa akin ‘to! Hindi porket nalaman mo na magkakaroon ako ng contract sa Hollywood ay hihiwalayan mo na ako? We can be together, Matthias!”
Oh… It’s Winter Griffin speaking right now.
Nagtago ako sa isang sasakyan at sumilip kay Matthias at Winter. Nakaharap sa aking gawi ngayon si Matthias at kitang-kita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon, para siyang nahihirapan na napapagod sa kanilang pag-uusap ni Winter. Hinagod niya ang kanyang buhok at seryosong tumingin kay Winter at nagsalita.
“Winter, alam mo na hindi lang iyan ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito ngayon,” seryosong sabi ni Matthias.
“Ano?! Tungkol ba ito sa pagseselos mo sa amin ng co-actor ko na kasama ko sa isang s*x scene? Matthias, artista ako! Iyon ang trabaho ko at walang personalan habang ginagawa namin ang scene na iyon!”
“It’s not the reason, Winter! Kaya gusto kong makipaghiwalay sayo ngayon dahil may iba na akong mahal!”
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napatakip sa aking bibig sa gulat sa sinabi ngayon ni Matthias kay Winter. May mahal na siyang iba? Sino ang mahal niya? Mas maganda kay Winter? Mas talented?
Muli akong napatingin sa kanila. Nakita kong natigilan din si Winter at hindi makapaniwala sa sinabi ni Matthias. Kahit nakatalikod ito sa akin ay nahahalata ko pa rin kung ano ang ekspresyon sa mukha niya dahil nakikita ko ito sa mga galaw ni Winter.
“A-Ano? Matthias, sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang ngayon. Hindi totoo ang sinabi mo… hindi ako naniniwala sayo!” wika ni Winter.
Napatingin ako kay Matt at nakita ko siyang nag palinga-linga sa paligid at aakmang magtatago na ako para hindi niya ako makita—napatingin siya sa aking pinagtataguan at nagsalubong ang aming mga mata. sh*t! Nakita niya ako!
Bago ako makaalis sa aking pinagtataguan, tinawag ni Matthias ang aking pangalan na mas ikinagulat ko.
“Sarah, come here.”
Sh*t.
Bakit niya ako pinapalapit? Ayokong madamay sa isyu ng girlfriend niya na si Winter!
“Sarah,” muling tawag ni Matt sa aking pangalan.
Huminga ako ng malalim at wala akong magawa kundi ang lumapit kay Matthias at Winter. Nakatingin na sa akin si Winter at para siyang nagtataka.
Nang makalapit na ako sa kanila, hinila ako ni Matthias sa aking braso kaya napalapit na ako sa kanya. Aakmang lalayo ako sa kanya ng mahawakan niya ako sa aking beywang at mas lalo lang niya akong idinikit sa kanya na mas lalong ikinagulat ko. Tumingala ako kay Matthias at tinignan siya ng puno ng pagtataka. Anong ginagawa niya?
“Matt, what is the meaning of this?” tanong ni Winter na gusto ko rin na malaman galing kay Matthias. Bakit niya ako hinila rito at nakahawak pa siya sa aking beywang habang nasa harapan namin ang girlfriend niya.
“This is the reason why I want to break up with you, Winter. I’m marrying this woman, and no one can stop us.”
Tuluyan ng bumagsak ang panga ko sa biglaang sabi ni Matthias. Napasulyap ako kay Winter at nakita kong umiiyak na ito ngayon habang masamang nakatingin kay Matt. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Matthias sa aking beywang na para bang doon siya kumukuha ng lakas ngayon.
Tahimik akong napaisip habang nakatingin sa kanilang dalawa at sa sitwasyon naming tatlo ngayon.
This doesn't seem right—this is so wrong.
Bakit ba ako nadamay dito? Gusto ko lang naman na makasagap ng chismis—bigla na lang akong nasali sa gulo!
TO BE CONTINUED...