EPISODE 7

2235 Words
EPISODE 7 SARAH’S POINT OF VIEW. “Akala ko ba ayaw mo na kay Matthias Archer Coleman? Bakit gusto mo pa rin na pumunta sa construction site para lang makita siya? Are you insane, Sarah Del Junco?” sunod-sunod na tanong ni Adele habang naguguluhan na nakatingin sa akin. Si Adele kaagad ang pinuntahan ko pagkatapos akong ma-busted kay Matt. Umiyak ako nang umiyak at kung anu-ano na lang ang mga masasamang salita ang lumabas sa aking bibig pero hindi ako iniwan ng best friend ko at hindi niya ako kwenestyon kung bakit ganun ang naging reaksyon ko. Kahit ano naman ang gawin ko ay siya pa rin ang nilalaman ng aking puso eh. Ilang ulit ko nang sinubukan na mag move on at ialis ang nararamdaman ko para kay Matthias, pero wala pa rin… siya pa rin ang tinitibok ng aking puso. Nang dahil sa kanya ay tumaas ang standard ko sa isang lalaki—hindi na ako nagkakagusto sa mga lalaking kaedad ko, kahit na ilang ulit na akong niligawan ng mga schoolmates at kakilala ko. “Kilala mo ako, Adele, kahit anong gawin ko ay si Matthias pa rin talaga ang nilalaman ng puso’t isipan ko,” mahina kong sabi habang nakatingin sa aking kaibigan. Inirapan niya ako at sumimangot din siya. “Ewan ko sayo, Sarah! Konting-konti na lang talaga at makukurot na kita sa singit mo eh! Jusko, pag nalaman ko lang talaga na maging desperada ka diyan sa kabaliwan mo kay Matthias Coleman—kukurutin kita!” Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Hindi nga kasi ako magiging desperada, Adele!” “Weh? Sure ka na niyan? Baka malaman ko na lang na pinilit mo, o hinostage si Matthias para lang pakasalan ka niya, ah?” Hindi ko na napigilan na mainis at masaktan sa sinabi ni Adele. Alam ko naman na sinabi niya lang iyon para hindi ko iyon gawin, pero nakaramdam ako ng sakit at maintindihan niya naman kung bakit ito ang naging reaksyon ko ngayon. “Alam mo, ewan ko sayo! Nakakainis ka,” sabi ko at nag walk out. Narinig ko pa ang pagtawag ni Adele sa aking pangalan pero hindi ko na siya nilingon. Nasa university ako at wala kaming class dahil hindi pumasok ang professor namin. Hindi naman siguro iyon pupunta sa room dahil masyadong late. Sa ngayon, lalayo na muna ako kay Adele at gusto ko munang mapag-isa upang makapag-isip. “Sarah!” Napatigil ako sa aking paglalakad ng may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko ito at nakita ko ang patakbong palapit sa akin na si Ryker Saavedra. Kaklase ko siya noong high school at dito rin siya nag-aaral sa university sa kursong Civil Engineering. Mabait naman si Ryker at itinuring ko na rin siya na kaibigan, pero hindi close friend. Sinubukan na niya akong ligawan ng ilang beses pero mabilis ko itong binasted dahil isa siyang playboy at marami na siyang pinaiyak na babae. “What do you want, Ryker?” hindi ko maiwasan na maging mataray sa pagsasalita ko ngayon dahil badtrip ako. Ngumisi at lumapit sa akin. “Mukhang masama ata ang araw mo ngayon, ah! Ano bang nangyari?” he asked. Inirapan ko siya. “Pake mo? Close ba tayo?” Aakmang aalis na ako at iwan na si Ryker ng mahawakan niya ang aking braso kaya muli akong napaharap sa kanya. “Sandali lang! Ngayon nga lang tayo ulit nagkita eh, aalis ka na kaagad? Alam mo bang ikaw ang iniisip ko palagi kapag nasa loob ako ng classroom namin? Nakakainis kasi! Bakit ang layo ng department namin sa inyo? Hindi tuloy nakikita palagi ang maganda mong mukha,” nakasimangot niyang sabi—nagpapa-cute sa akin. Muli akong napairap at napailing sa sinabi ni Ryker. Mga linya niya palang ay halatang-halata ng isang playboy. Marami na akong naririnig tungkol sa lalaking ‘to kaya hindi ko talaga pinapayagan na ligawan niya ako. “Ewan ko sayo, Ryker! Bakit ka ba nandito? Ang layo ng engineering department! Bakit napadpad ka dito sa amin? May nilalandi ka na naman dito, ‘no!” Umiling siya. “Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi ‘no! May project lang kami at kailangan naming pumunta sa iba’t ibang department kaya ako napadpad dito. Alam mo, napaka judgemental mo eh—pero gusto pa rin kita! Paligaw ka na kasi sa akin, Sarah.” “Manahimik ka nga, Ryker. Bakit, si Matthias ka ba para payagan ko na ligawan ako? Hindi.” “Sungit! Hindi ka papatulan ni Matt! May girlfriend na ‘yun—si Ate Winter ang girlfriend niya!” Natigilan ako sa sinabi ni Ryker at napatingin ako sa kanya. Hindi na bago sa akin ang balita na may girlfriend si Matthias dahil sinabi niya iyon sa aking harapan. Kaya nga ako nasaktan diba? Pero hindi ako makapaniwala na tama nga ang hula namin ni Adele, si Winter Griffin ang kanyang girlfriend. “A-Anong sabi mo?” nauutal kong tanong. Ngumisi si Ryker bago sinagot ang aking tanong. “Akala ko pa naman ay updated ka sa mga pangyayari diyan sa crush mo, Sarah? Bakit parang hindi mo alam na may relasyon si Matthias at si Ate Winter?” pang-aasar niyang sabi sa akin. Hindi ako makapagsalita, umiwas ako ng tingin sa kanya at natahimik. Si Winter Griffin nga ang itinuturing na girlfriend ni Matthias nang sabihin niya sa akin na wala na akong pag-asa sa kanya dahil may babae na siyang iniibig at si Winter ito. Halatang-halata sa mga galaw at tingin ni Matt na mahal niya si Winter nang makita namin siya ni Adele na kasama ito. F*Ck! All this time… all this time ay kitang-kita na sa dalawang mga mata ko ang katotohanan na may minamahal ng babae si Matthias, hindi ko lang matanggap. “Kaya wala ka ng pag-asa kay Matthias, Sarah. Sa akin ka na lang kasi! Hindi naman kita sasaktan eh.” Tinignan ko ng masama si Ryker at walang sabi na iniwan siya sa kanyang kinatatayuan at umalis na. Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagtawag sa akin ni Ryker pero hindi ko ito pinakinggan. Dahil inis pa ako kay Adele at ayokong bumalik sa classroom namin, napagpasyahan ko na pumunta na lang doon sa favorite kong café shop upang mapag-isa at humupa ang inis ko. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong nag order ng iced tea at red velvet cheesecake. Habang hinihintay ko ang aking order, naghanap na ako ng aking mauupuan at nagulat na lang ako nang makita ko si Matthias sa isang table na malayo sa may counter kaya hindi ko agad ito napansin. May laptop sa ibabaw ng kanyang table at seryoso siyang nakatingin dito at minsan ay nakikita ko siyang nagtitipasa keyboard. Marami ring mga papers sa gilid ng kanyang laptop at kitang-kita ngayon sa aura ni Matthias na busy siya sa kanyang ginagawa. Sabi ko, gusto ko mapag-isa dito sa café, pero bakit nagpakita naman si Matthias? Huminga ako ng malalim bago napagpasyahan na lapitan siya. “Hi!” Binati ko siya ng makalapit na ako sa kanyang table. Natigil siya sa kanyang ginagawa at nag-angat siya ng tingin sa akin. Tinanggal niya ang suot niyang eyeglasses at inilapag niya ito sa may table. Bago makapagsalita si Matthias, umupo na ako sa harapan niya dito sa kanyang table at nginitian siya. “What are you doing here?” seryoso niyang tanong sa akin at nakita ko na napatingin siya sa aking suot na uniform. Lunes kasi ngayon kaya kailangan naming magsuot ng uniform at pagkatapos nito ay pwede na kaming magsuot ng kung anong damit ang gusto namin. “Tumakas ka sa klase ninyo?” muli niyang tanong sa akin, parang nagdududa. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na umiling. “H-Huh? Anong tumakas ka diyan? Hindi ‘no! Wala kaming klase kaya ako pumunta dito. Ikaw, bakit ka nandito? Akala ko ba ay focus ka sa project doon sa site?” Napatingin siya sa kanyang tinatrabaho ngayon sa table at muling tumingin sa akin. “I have other work, Sarah. Hindi pwedeng pabayaan ko ang iba kong trabaho at mag focus lang sa project, tatawagan lang din naman nila ako kapag may problema doon sa site,” sagot niya sa aking tanong. Tahimik naman akong napatango at bahagya akong ngumuso habang nakatingin sa kanya. Ang busy ni Matthias, ang dami niyang trabaho—kaliwa’t kanan. Kaya rin iniwan na niya ang pagbabanda kasama ang mga pinsan niya ay dahil hindi na ito makakaya sa kanyang schedule. Kaya rin siguro nagustuhan ko si Matthias dahil katulad na katulad siya ni Daddy—responsableng lalaki. “Ah… ganun ba? Favorite mo rin dito ‘no? Madalas kitang nakikita na pumunta dito eh, nahihiya lang akong lumapit sayo,” nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango siya at nagsalita. “Yeah. I like the coffee here and the ambiance of the place.” Muling bumalik si Matthias sa kanyang ginagawa at hinayaan niya rin ako na maupo ako rito sa table niya kasama siya at nang dumating na ang order ko ay ininom ko muna ang inorder ko na Iced tea at kumain na rin dahil nakaradam ako ng gutom. Habang ngumunguya ako ngayon sa aking red velvet cheesecake na inorder, naramdaman ko ang titig ni Matt kaya napatingin ako sa kanya at hindi nga ako nagkamali… nakatingin nga siya sa akin. “G-Gusto mo?” tanong ko at inoffer ko sa kanya ang pagkain na inorder ko. Wala kasi akong nakitang pagkain dito sa table niya, coffee lang kasama ang mga papers niya at laptop. Umiling si Matthias kaya napatango na rin ako. Bahagya akong ngumiti at ibinalik ko ang aking focus sa aking pagkain at sa pag inom ng aking iced tea. “Sarah…” Napatigil ako sa aking pag inom nang marinig ko ang boses ni Matt na tinatawag ang aking pangalan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at binigyan siya ng ekspresyon sa mukha na may pagtatanong. Bumuntong-hininga siya bago magsalita at tumingin ulit sa akin. “I want to say I’m sorry for what I did when you visited the construction site. I know I’m kind of mean, and I should never do that ‘cause it will hurt you.” Naramdaman ko ang malakas na kabog ng aking puso nang sabihin iyon ni Matthias. Hindi rin ako makapagsalita sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon. Hindi ako makapaniwala na hihingi ng tawad sa akin si Matt at io-open up niya ang nangyaring sagutan namin sa may office niya. “Hindi ko dapat ginawa ‘yun kaya I’m sorry, sana mapatawad mo ako,” muling sabi ni Matt at bahagya siyang ngumiti sa akin. “O-Okay lang… hindi naman big deal iyon sa akin,” mahina kong sabi. Hindi big deal? Iniyakan mo nga iyong pangyayaring iyon eh! Pero sino ba naman ako para hindi patawarin kaagad si Matthias? Understandable naman iyong mga sinabi niya sa akin dahil bigla na lang akong sumulpot doon para lang sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya. Hindi ko naman pinipilit na magustuhan ako pabalik ni Matthias—ang gusto ko lang ay hayaan niya na muna ako na gustuhin ko siya. “Thanks, Sarah. Hindi ko na uulitin ‘yon, at sana bago ka pumunta doon sa site ay sabihan mo muna ako, delikado ang lugar na iyon at alam ko nang umalis ka noong pumunta ka doon ay nagkasugat ka sa paa mo.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Matthias. Pwedeng-pwede na akong dumalaw doon hangga’t kailan ko gusto? OMG! At sasabihan ko siya? Itetext mo siya, so magkaroon ako ng cell number ni Matthias? Magiging mag textmate kami! “Pinapayagan niyo na ba akong pumunta doon kung kailan ko gusto?” tanong ko sa kanya, hindi mapigilan ang sobrang tuwa ko. Nagsalubong ang kanyang kilay at umiling siya habang seryosong nakatingin sa akin. “No.” “Huh? So ano iyong ibig mong sabihin na sasabihan muna kita bago ako pumunta doon?” “Ang ibig kong sabihin ay hihingi ka muna ng permiso sa akin kung pupunta ka doon. Kung pumayag ako, pwede kang pumunta,” sagot niya sa aking tanong. “Kung hindi ka pumayag?” tanong ko ulit. “E ‘di hindi ka pupunta.” “Matthias—I mean Kuya Matthias!” nakasimangot kong sabi. Ang sama kasi ng tingin niya nang hindi ko siya tinawag na kuya. “Sumunod ka na lang sa gusto ko. Hindi mo na mauuto ang mga trabahador doon kasi pagsasabihan ko na sila at hindi ka nila papasukin kahit gamitin mo pa ang pangalan ni Tito. Nasabihan ko na rin si Tito at Tita and they agreed of what I want. Para rin ito sa safety mo, Sarah, kaya sumunod ka na lang.” Mas lalo akong napasimangot at hinay-hinay na tumango. “Okay…” Bumuntong-hininga siya at muling nagsalita. “Ayoko na pumunta ka doon na wala ako, Sarah. Hindi sa lahat ng araw ay nandoon ako sa site, minsan ay may iba akong trabaho na ginagawa. Kaya kailangan mo munang mag text sa akin para malaman mo kung nandoon ba ako, o wala. Hindi ako makakapayag na pumunta ka dun na wala ako. Pwede ka lang na pumunta doon na kasama mo, okay? Baka may mangyaring masama sayo.” Napalunok ako sa aking laway at hinay-hinay na tumango. “O-Okay…” mahina kong sagot. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD