Sunday, naisip ko na ayain si Ate na mag-mall dahil wala lang. Walang okasyon o ano na dapat naming i-celebrate, kung dati kasi, nagpupunta lang kami sa mall kapag birthday ko o kaya ay may okasyon pero ngayon isang normal na araw lang ‘to at ang sarap palang sa pakiramdam na magpunta sa mall ng walang kahit na anong okasyon. Simpleng araw lang talaga. “Nakakain ka ba nang marami, Ate?” tanong ko. Habang kumakain kasi kami, nakikita ko ang mukha niya na hindi maipinta habang kumakain kami kaya pakiramdam ko ay hindi niya nagustuhan ang pagkain sa kinakainan naming restaurant. Tumingin sa akin ang maganda niyang mga mata. “Oo naman, ang sarap kaya ng pagkain nila,” sabi pa niya. Nanunuya ko siyang tiningnan. Sinisipat kung totoo ba ang sinasabi niya. “‘Wag mo akong tingnan ng ganiyan, tut