Isang araw, nagulat na lang ako nang ipatawag ako ni Mr. Gonzales sa opisina niya. Agad naman ako nagpunta sa opisina ng ginoo at nang makapasok ako sa loob, bumungad sa akin si Mr. Gonzales. Nakakunot ang kaniyang noo at matamang nakatingin sa kawalan na tila ang lalim ng iniisip niya. “Mr. Gonzales? Ipinatawag mo raw ako?” tawag ko sa atensyon nito dahil mukhang pati ang pagpasok ko sa opisina niya ay hindi niya naramdaman. Ilang ulit itong napakurap at matamang tumingin sa akin. “Mr. Lopez,” untag niya. Tumango ako. “Salamat sa pagpunta, have a seat, please.” Iminwestra niya sa akin ang kaharap niyang upuan. Agad naman akong naupo ro’n. “Yes, wala naman akong ginagawa masyado,” sabi ko pa. Huminga ako nang malalim. “May problema ba, Mr. Gonzales?” Umiling ang lalaki at bahagyang ngu