“Oy, Chris!” Napahinto ako sa paglalakad nang harangin ako ni Cleo isang araw habang naglalakad ako patungo sa opisina ko. “Good morning,” nakangiti na agad na bati niya sa akin pero hindi ko gusto ang ngiti na ipinapakita niya sa akin dahil halata naman na may ibang kahulugan ang ngiti niya na ‘yon. “Morning, Cleo,” bati ko pabalik. Inakbayan niya ako. “Ano? Kumusta na kayo ng sexytary mo?” tanong niya habang may nakakabaliw na ngisi sa kaniyang labi. Pabiro ko siyang siniko para kumalas siya sa akin. “Tumigil ka nga, Cleo,” saway ko rito. “Ayos naman kaming nakakapatrabaho ni Hydie, magaling naman siya sa mga bagay na pinapatrabaho ko sa kaniya.” “Sa trabaho lang ba talaga magaling si Hydie?” nanunuksong tanong nito. Hindi ko na maiwasan ang mapangiti at mapailing dahil sa kalokohan