(Let's Talk) “Ate, wait lang!” tawag ko sa kanya na nauunang maglakad sa akin. “Ate naman, sandali lang! Mabigat ‘yong halaman na dala ko!” Inayos ko ang pagkakayakap sa paso na karga-karga ko. Mabilis maglakad si Ate na para bang walang naririnig. “Ate, mabigat ‘yong dala ko!” Huminto ‘to sa paglalakad at tiningnan ako pero napahinto ako nang makita ko ang napakatalim na mga mata nito habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at napaatras. “Bakit hindi mo ‘yan ipadala sa sekretarya mo!?” inis na tanong nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa likod niya. Napailing ako saka siya hinabol. “Ate, huminto ka muna, hinihingal na ako. Mag-usap tayo,” tawag ko pa rito. “Hayaan mo naman akong magpaliwanag. Mali ‘yong pagkakaintindi mo, hindi gano’n ‘yon, mal