Hindi pa sumisikat ang araw ay maingay na sa bahay namin. Paano ba namang hindi iingay ay nandito si Cleo. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa kaniya papunta rito sa bahay namin ni Ate, mabuti na lang talaga at maagang nagigising si Ate kaya naman walang nakita si Cleo. “Good morning, baby boy,” bati sa akin ng loko na prenteng nakaupo sa sofa sa may sala. Nakataas pa ang mga paa nito at nakapatong sa round table. “Ibaba mo nga ‘yang mga paa mo, hindi mo bahay ‘to,” sabi ko pero nginisihan niya lang ako. “Nga pala, nabili mo ba ‘yong mga pinapabili ko sa ‘yo?” tanong ko. May pinapabili kasi ako sa kaniya, ang balak ko sana ay kukuhanin ko na lang sana kapag nakita kami sa opisina. Lumapad ang ngiti sa kaniyang mga labi saka may inginuso sa tabi. Sinundan ko ng tingin