Napangiti na lang ako nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto ng bahay namin. Senyales na nandito na si Ate. Bumili na ako ng pagkain namin ngayong hapunan para pag-uwi ni Ate ay hindi na siya magluto at kakain na kami. Para hindi na siya mapagod. Lumabas ako sa kusina at masayang sinalubong si Ate Kristine. “Ate, kain na tayo, marami akong biniling pagkain para sa ating dalawa—” “Kumain ka na, busog pa ako.” Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamig na boses nito. Natigilan ako nang lagpasan lang ako ni Ate. Ilang ulit akong napakurap bago habulin ng tingin si Ate na ngayon ay nasa hagdan na at papunta na sa k’warto niya. “Ate, baka lumamig ‘yong pagkain, marami masyado ‘yon baka hindi ko maubos.” “Pagod ako, Chris. Magpapahinga na ako,” aniya. Hinabol ko siya at h