AK12 - Tampo(Kristine POV)

2242 Words

“Chris, may gagawin ka ba sa day off mo?” agaw ko sa atensyon ng kapatid ko na tutok na tutok sa harap ng laptop niya. Napapansin ko, mas lalong napapadalas ang pag-o-overtime ni Chris, kung minsan pa hanggang dito sa bahay ay nagtatrabaho siya, hindi na rin siya nakakasabay sa akin sa pagkain dahil kung hindi sila kumain ni Hydie sa labas, nawawalan na siya ng ganang kumain dahil sa trabaho niya. Napabuntonghininga na lang ako. Tiningnan ko si Chris nang tingnan niya ako saglita. “Ahh… may meeting akong kailangan puntahan, Ate,” sagot niya na nasa screen na naman ng laptop ang mga mata. Napangiti na lang ako. Ilang buwan na simula nang maging manager siya, siguro nga gano’n kahalaga ang trabaho na kailangan niyang gawin para kahit sa day off niya ay kailangan niyang magtrabaho. Nakikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD