Natulala na lang ako sa pinto na nilabasan ng kapatid ko. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya sa akin. May isang maliit na ngiti sa aking labi pero kasabay nun ay may naramdaman rin akong parang mahapdi sa dibdib ko. Napahawak ako ro’n habang pinapakiramdam ‘to. Nasaktan ako, ‘yon ang unang beses na pakiramdam ko, nakalimutan niya ako. ‘Nagiging madrama ka na naman, Kristine.’ Napailing na lang ako. Magliligpit na sana ako ng mga kinainan namin nang makita ko ang lunch box na may laman na pagkain ni Chris. Naiwan niya. Binilisan ko na lang ang paglilinis ko saka nagmamadaling pumunta sa kompanya na pinagtatrabahuhan ng kapatid ko. Ilang beses pa lang akong nakakapunta ro’n pero naging pamilyar na sa akin ang daan patungo rito kaya hindi na ako naligaw. Nang makarating na ako sa