Nakatingin lang ako sa malayo habang hawak ang tasa ng kape. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng bahay namin at nakatanaw sa malayo. Iniisip ko ang bago kong serkretarya na si Hydie. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mapanatag ang loob ko sa kaniya. May parte sa akin na ayaw siyang makatrabaho pero malaki naman ang parte sa akin na nagsasabing wala akong kailangan na gawin sa kaniya at hayaan lang siya na maging sekretarya ko. Tatlong linggo na simula nang magsimula siya sa pagtatrabaho sa kompanya kung saan ako nagtatrabaho pero hanggang ngayon, naiilang pa rin ako sa kaniya. Karamihan kasi sa mga katrabaho ko ay lalaki kaya hindi ako nahirapan makisama pero sa kaniya… Napabuntonghininga na lang ako. Naisip ko na sabihin kay Mr. Gonzales na tangga