AK5 - Secretary(Chris POV)

1839 Words
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti ko habang inaayos ni Ate Kristine ang k’welyo ng polo na suot ko. “Ang bango-bango mo,” ani ate habang inaamoy ako. Humahalimuyak ang pabango ko. “Kailangan, baka palayasin mo ako kapag bumaho na ako,” biro ko. Umikot sa hangin ang mga mata ni Ate. “Tss, ilang taon kong natiis ang amoy mong amoy araw no’ng bata ka pa.” “Foul ‘yan, Ate! Hindi naman ako nagreklamo no’ng naamoy kitang amoy ka bayabas noon, ah?” Pinanlakihan ako ng mga mata ni At dahil sa sinabi ko. “Aba naman, nakakahiya naman ‘yong amoy ng tae mo na kumakapit sa damit sa tuwing huhugasan kita.” Namula ako sa sinabi niya. Nakakahiya ang mga sinasabi sa akin ni Ate. Kapag talaga sa sumbatan wala akong panalo sa kaniya dahil siya ang nag-alaga sa akin noon. “Naalala mo pa ba ‘yong nag-swimming ka sa kanal? Tsk! Kaliligo mo lang noon tapos nag-swimming ka sa kanal, balak ko na sanang lunurin ka sa kanal noon dahil sa sobrang inis ko!” “E-eh… no’ng pinabili mo ako sa tindahan ng napkin mo dahil first period mo no’n ako pinaglaba mo ang panty mo dahil sabi mo pakiramdam mo m*mamatay ka na— aray!” Hindi ko na naituloy ang panunukso ko sa kaniya nang paluin niya ang braso ko. “‘Wag mo ng ipaalala ‘yan,” nanggigil na asik niya. Napakamot na lang ako sa ulo. Lakas mang-asar pero lagi namang pikon. Tiningnan ko siya at niyakap. “Pikunin ka talaga,” bulong ko. Hinalikan ko ang leeg niya. “Hmm, ang bango-bango mo talaga, Ate,” malambing na wika ko. “Ikaw lang naman ang mabaho,” aniya. Napasimangot ako pero na agad ding napangiti nang nakakaloko. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya saka bumulong. “Hintayin mo na lang ako mamayang gabi, ha? ‘Wag ka munang matutulog,” nakangising bulong ko bago kuhanin ang mga gamit ko at maghanda na sa pagpasok sa opisina. “Alis na ako, Ate.” Kumaway pa ako sa kaniya. “Mag-iingat ka,” bilin niya pa. Humigit-kumulang isang oras ang nauubos ko sa tuwing papasok ako sa opisina kaya maaga akong umaalis sa bahay para hindi ako ma-late, manager pa naman ako kaya kailangan na ipakita ko sa mga empleyado na kailangan nila akong tuluran. Binati ako ng guard na nasa entrance nang makarating ako sa kompanya. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagpasok sa gusali. Nang makarating ako sa floor namin ay agad akong sinalubong ng kaibigan ko na si Cleo. “Oy, Chris, mabuti at nandito ka na,” bati niya sa akin pero ang napansin ko kaagad ay ang makahulugan niyang ngiti sa labi. “Good morning, Manager,” nakangiti pa ring bati niya sa akin. “Good morning, Cleo. Mukhang maganda ang gising mo ngayon, ah?” nangingiti na ring tanong ko. Nakakahawa kasi ang kalokohan ng isang ‘to pero hindi ko alam, kinakabahan ako sa ngiting ipinapakita niya sa akin. “Oo naman pero alam ko na mas gaganda ang umaga mo kapag nakita mo na siya.” Kumunot ang noo ko. “Huh? Sino?” takang tanong ko. “Ikaw ha, hindi mo naman sinasabi sa akin na tulad niya pala ang mga gusto mo sa babae,” aniya pa na mas lalong dumagdag sa pagtataka ko. Wala akong idea sa sinasabi niya. Inakbayan ako ni Cleo at sinabayan sa paglalakad papunta sa opisina ko. “Sa wakas, ginalaw mo na rin ang baso, ang akala ko ay tatanda ka na talaga na binata.” Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. “Wala akong alam, hindi ko alam ang sinasabi mo.” “Sus, ‘wag ka nang mahiya, kaibigan mo naman ako.” Huminto kami sa tapat ng opisina ko. Humarap siya sa akin na malaki pa rin ang ngiti sa mga labi. Inayos nito ang necktie na suot ko kaya tinapik ko ang kamay niya. “Itigil mo na nga ‘yan, nakakaloko ka, Cleo.” “Congrats sa ‘yo,” anito. “Cleo, ilang buwan na simula no’ng ma-protmote ako, tama ka na.” Hinawakan ni Cleo ang doorknob at tinapik ako sa balikat. “Galingan mo.” Saka binuksan ang pinto. Napailing na lang ako at humarap papasok sa loob ng opisina ko pero hindi pa man ako nakakahakbang papasok ay natigilan na ako. “Jackpot ka, Chris,” bulong ni Cleo na alam kong nakatingin na rin sa tinitingnan ko. Nakangiting tumingin sa akin si Mr. Gonzales. “Mr. Lopez, you’re here,” bati niya sa akin. Lumunok ako at nagpilit ng ngiti sa harap niya pero muling nalipat ang mga mata ko sa babae na nakaupo sa kaharap niyang upuan. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Naramdaman ko pa ang pagsiko sa akin ni Cleo kaya tiningnan ko siya nang masama. Naglakad na ako papasok. “Mr. Gonzales, magandang umaga, napadalaw ka ‘ata sa opisina ko?” tanong ko kahit na nagtataka na ako sa nangyayari. Tiningnan kong muli ang babae sa harap ko. Nakangiti pa rin siya. “Ah, yes, Mr. Lopez. May kailangan lang akong i-discuss sa ‘yo,” aniya. “Napapansin ko kasi na parang kinakapos ka sa oras dahil sa dami ng mga ginagawa mo kaya nandito si Ms. Hydie Mercedes.” Iminwestra pa niya ang babae. Tumango ako. “Mr. Lopez, it’s nice to meet you,” sabi ng babae na tinawag na Hydie ni Mr. Gonzales. Tinanggap ko ang kamay niya ay nakipagkamay sa kaniya. “Nice to meet you, Ms. Mercedes.” “Ms. Hydie, he’s Mr. Chris Lopez and Mr. Lopez, this is Ms. Mercedes, your new secretary.” Natigilan ako sa sinabing ‘yon ni Mr. Gonzales. Binawi ko ang kamay ko mula sa babae na mahigpit ang pagkakahawak dito. “Wait, ano, Mr. Gonzales?” “Nag-hire ako ng secretary mo na sa gano’y hindi ka na kapusin sa oras at magawa mo pa ang ibang mga bagay na kailangan mong gawin.” Nakangiting humarap ang lalaki sa babae na nasa harap ko. “Mabait at masipag si Ms. Hydie, dati na siyang nagtrabaho sa kompanya ng kaibigan ko at hindi naman masasayang ang ibabayad natin sa kaniya.” “Pero, Mr. Gonzales, kaya ko naman i-manage ang oras ko, nagagawa ko naman ang lahat ng mga trabaho na ibinibigay mo sa akin kaya baka hindi ko na kailanganin ng tulong ni Ms. Mercedes,” paliwanag ko. Maganda ang ginawa niya, alam kong nag-aalala lang sa akin si Mr. Gonzales pero ayaw ko, kung kukuha man ako ng makakatulong sa mga trabaho ko sa opisina, lalaki na lang ang pipiliin ko. Tiningnan ko si Ms. Mercedes, mukha naman siyang mabait at palangiti pero meron sa akin na nagtutulak na tanggihan ang sinasabi ni Mr. Gonzales. “I know, I know, Mr. Lopez. Pero nag-o-overtime ka, kung minsan ay nakakatulog ka rin sa opisina mo, kung makakasama mo si Ms. Mercedes, maaari mong ipagawa sa kaniya ang iba mong gawain at magkaro’n ka ng mga vacant time,” pagpupumilit niya. “‘Di ba, Ms. Mercedes?” “Yes, Mr. Gonzales, maaasahan niyo naman po ako,” magalang na sagot nito. “Oh, pa’no? Maiwan ko muna kayo, ikaw na ang bahala sa kaniya, Mr. Lopez.” Tinapik ng lalaki ang balikat ko. Balak ko pa sana siyang habulin at tanggihan ang ginawa niyang ‘to pero hindi ko na nagawa. Bagsak ang mga balikat ko na tumingin kay Ms. Mercedes. Tama naman si Mr. Gonzales, kung tutulungan ako ni Ms. Mercedes sa mga trabaho ko, p’wede akong makauwi nang maaga kumpara sa oras ng uwi ko na nakakasanayan ko. Sa palagay ko ay wala namang masama kung makikipagtrabaho ako sa kaniya. Napabuntonghininga na lang ako. “Masaya ako na makatrabaho ka, Ms. Mercedes.” “Gano’n din po ako, Mr. Lopez,” magalang na sagot nito sa akin. Umiling ako. “Kahit na Chris na lang ang itawag mo sa akin, masyadong pormal kung ‘Mr. Lopez’,” sabi ko. “Saka, mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad nating dalawa.” Ngumiti siya sa akin. Kinuha ko naman ang pagkakataon na ‘yon at naglakad palapit sa swivel chair ko at naupo ro’n. “Ah, opo, twenty-three pa lang po ako. Nabanggit po sa akin ni Mr. Gonzales na twenty-two ka pa lang daw po,” k’wento niya. Napatingin ako sa kaniya. Ang akala ko ay mas ahead ako sa kaniya pero nagkamali ako. “Mas matanda ka pala sa akin, ‘wag ka ng mag-‘po’. Maging natural lang tayo sa isa’t isa.” Nakita ko na namula ang mga pisngi niya. “S-sige, Chris. Kung gano’n, Hydie na lang din ang itawag mo sa akin para hindi rin ako mailang sa ‘yo.” Napatango ako sa sinabi niya. “Okay.” Tumango-tango ako bago kuhanin ang mga papeles na nakapatong sa lamesa ko. “Maupo ka muna, Hydie. Kapag may trabaho na lang na gagawin ay tatawagin na lang kita.” “Sige.” Nagpunta siya sa couch na nandito sa opisina ko. Nasa papeles ang mga mata ko pero ramdam ko ang pagtitig sa akin ng dalaga. Nagkunwari ako na walang nararamdaman. Mukhang makakasundo ko naman si Hydie dahil maganda naman ang ipinapakita niya sa akin sa tuwing nagtatrabaho kami. Naunahan lang talaga ako ni Mr. Gonzales. Balak ko naman talagang mag-hire ng makakatulong ko at si Cleo ang naiisip ko dahil kaibigan ko naman siya at hindi ko na kailangan mag-adjust pa. Hindi katulad ngayon kay Hydie. Pumilig ang ulo ko nang mahulog ang ballpen ni Hydie, nakatalikod siya sa akin nang yumuko siya para kuhanin ang ballpen niya na nahulog. Tumaas ang suot niyang maikling skirt at halos makita ko na ang underwear niya. Napalunok ako pero hindi ko maialis ang mga mata ko sa pang-upo niya. Maganda ang pagkakahulma nito pero… Bigla na lang siyang tumayo at humarap sa akin kaya napasapo ako sa noo ko. ‘Chris, umayos ka, puputulin ni Ate Kristine ang kaligayahan mo.’ Huminga ako nang malalaim. “‘Eto na ‘yung mga papeles na ipinapabigay ni Mr. Gonzales, pirmahan mo na lang daw.” Napailing ako at napabuga ng hangin sa bibig. “Okay.” Kinuha ko ang ballpen ko bago simulang basahin ang mga papel na nasa harap ko pero habang abala sa pagbabasa ay muling sumagi sa isipan ko ang posisyon ni Hydie kanina. Naikuyom ko ang aking mga kamay. Sh*t. Umayos ka, Chris. Isipin mo na lang si Ate Kristine. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Napangiti na lang ako nang pumasok sa isipan ko ang magandang mukha at katawan ni Ate, tama ‘yan, dapat siya lang lagi ang iniisip ko. Wala ng iba. Madaling iwasan ang tukso pero kung ang tukso na ang mismong lumalapit sa ‘yo, ano na lang ang gagawin mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD