Chapter 2

2525 Words
Naramdaman ni Fina ang mga kamay na humahaplos sa kaniyang hita. Sunod, naramdaman niya na dahan-dahan na inangat nito ang laylayan ng kaniyang bestida. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita ang isang lalaki na nakakadiri at bakas ang pagnanasa na nasa ibabaw niya. Umaalingasaw ang baho ng bibig nito. Madungis at halong nangingitim ang mukha dulot ng mga natuyong pagkain na hindi man lang nito pinunasan at hinayaan na lang. Nanglilimahid ang libag nito sa leeg pati na rin sa buong katawan. At ang dugyot na lalaking ito ay nais siyang halayin. "Huwag po," mahinang pagmamakaawa niya sa lalaking halata naman na hindi siya bibitawan. "Nakikiusap ako, bitawan mo ako." aniya. Ngunit, imbis na umalis ang lalaki sa kaniyang ibabaw ay muli nitong hinaplos ang kaniyang hita paangat. Subalit, hindi niya ito hahayaan. Napangiwi si Fina. Sa ilalim ng unan ay hinigpitan niya ang hawak sa isang bote at sunod na napabalikwas ng gising at sabay na pinukpok ang bote sa ulo ng lalaking nais na manghalay sa kaniya. "Oh, tangina mo!" sigaw niya pa sa lalaki na ngayon ay nakahawak sa ulo nito at namimilipit sa sakit. "Tangina! aray!" sigaw pa ng lalaki habang nakaupo sa kalsada. Sunod ay nakita ni Fina ang dugo na dumaloy mula sa ulo pababa sa mukha nito. Malamang sa malamang pumutok ang ulo nito. Bote ba naman ng gin bilog ang binasag niya sa ulo nito eh. Tiyak na mapupuruhan talaga. "Buti nga sa iyong, manyak ka! anong tingin mo sa akin? hahayaan ka lang na manyakin ako? hayop ka! tignan mo nga ang sarili mo!" sigaw niya pa at akman babatuhin ulit ng isang bote ang lalaki, ngunit umatras ito. Alam na niya ang tagpong ganito, handa na siya at sanay na siya. Kaya talaga madalas ay natutulog siya ng may hawak na bote sa ilalim ng unan niya. Dahil madalas talaga ay nagiging biktima siya ng mga ganitong manyak sa kalye. Dahil sa lakas ng sigawan nila nang lalaki ay napatingin sa kanila ang mga taong nasa paligid at dumadaan. Nasa labas lang siya ng simbahan, dito siya madalas na natutulog dahil sa lugar na ito ay marami siyang kasama na katulad niya. Simula rin ng dito siya sa simbahan naghanap ng masisilungan ay nabawasan ang mga manyak na nakakasalamuha niya. Ngunit wala talagang pinipiling lugar ang mga taong manyak at asal demonyo kagaya ng lalaking ito. Isa lang ito sa mga lalaking ilang beses nang nagtangka sa kaniya, na walang pinipili na lugar kahit sa labas pa ng tahanan ng Diyos. Kung sa bagay, hindi na siya nagtataka. Dahil sa simbahang kagaya nito makikita ang iba't ibang klase ng makasalan. "Walang-hiya kang babae ka!" sigaw pa ng lalaki at akmang lalapit nang maglabas si Fina ng kutsilo. "Sige! subukan mong lumapit! itong kutsilyo na ang ibabaon ko sa bumbunan mo!" sigaw niya habang nakatutok pa rin ang kutsilyo sa lalaki. Humiyaw ang ilan sa mga palaboy na naroon, ang mga taong grasa na tila nasisiyahan sa gulo na kanilang nililikha. Sumigaw pa ang mga iyon na tila sinusuportahan siya na saksakin na ang lalaki. "Hoy! ano 'yan?! itigil niyo iyan!" sigaw ng isang lalaki na lumapit sa kanila upang patigilin din ang away. Isa iyong tanod sa lugar na nagbabantay rin sa labas ng simbahan. "Ayang gagong iyan! ikulong niyo iyan! manyak 'yan! nais akong halayin sa pagtulog!" sigaw pa ni Fina habang nakaturo sa lalaki. Gumatong rin ang ilan sa mga namamalimos roon na dapat ngang hulihin ang lalaki. Dahil bukod daw sa gumagamit ito ng droga ay marami na rin itong dinukutan sa labas ng simbahan. Dahil sa takot na makulong, kumaripas ng takbo ang lalaki kaya naman ay hinabol rin ito ng ilang tanod na naroon. Linggo kasi at maraming nagsisimba, kaya marami ang bantay sa simbahan na hindi nalalayo sa plaza. "Hayop na iyon! sana mahuli na at makulong iyong manyak na iyon!" aniya pa bago inayos ang kaniyang sarili at muling naupo sa karton na kaniyang inilatag. "Sabi ko naman sa iyo, Fina eh. Sumama ka na lang sa akin roon sa kariton ko. Masikip man, pero kasya pa rin tayong dalawa, basta magkapatong." kantyaw ni Mario na isang pulubi na magbobote at madalas na iparada ang karitong tahanan nito sa labas ng simbahan. Kagaya ng mga lalaking nakilala niya ay isang manyak rin ito. Isa sa mga malilibog na pulubi na nais makuha ang diyosang pulubi na katulad niya. "Mas gugustuhin ko rito sa hagdan o sa may kalsada kesa sa mabantot mong kariton, Mario." aniya pa sa lalaki at natawa ito. "Grabe ka naman, Fina! eh pare-pareho naman tayong mababantot dito! Ang arte mo talaga!" Nagtawanan ang mga pulubi na nasa paligid nila. Aminado siya, iisa lang ang amoy nilang mga pulubi ngunit iyon na nga ang punto roon. Mabaho na nga siya, pipili pa ba siya ng mas mabaho sa kaniya para lamang sa matitirahan na kariton. "Hoy, Mario! ibahin mo ako! mabaho man ang katawan ko dahil walang ligo. Pero mabango ang puki ko! naghuhugas ako araw-araw! huwag mong itulad diyan sa kulubot mong bayag na amoy bugok na itlog!" aniya kaya mas lalong natawa ang mga naroon. Kinantyawan pa nila si Mario at bumakas ang inis sa mukha nito. "Bakit naamoy mo na itlog ko?!" sarkastikong tanong nito. "Gago! hindi ko na kailangan amoyin para malaman ko kung gaano kabaho iyan. Dahil sa bibig mo pa lang, umaalingasaw na sa baho, ano pa kaya iyang bayag mo?." asar niya pa kaya napatikom na ito. "Hoy kayo diyan!" sigaw ng tanod kaya natahimik sila. "Pinagbigyan na nga kayo na matulog dito sa labas, gagawa pa kayo ng gulo!" sermon nito kaya naman ay bumangon na ang iba sa mga nakalatag roon. "Ilang minuto na lang, tutunog na kampana at magsisimula na ang misa. Tumayo na kayo diyan at magligpit! bumalik na lang kayo mamaya kapag tapos na." utos pa ng tanod habang hawak ang batuta na lagi nitong dala. Nagkanya-kanyang kalas ang mga naroon, Nagligpit na ng kanilang mga higaan at nilisan na ang kanilang mga p'westo. Ang ilan ay wala pang laman ang kanilang tiyan ay nagpunta na sa harapan ng simbahan upang mamalimos. Si Fina naman ay iniligpit na rin ang kaniyang higaan at itinago muna ang kariton sa may gilid ng halaman kung saan niya iyon madalas tinatago. Ang kaninang labas ng simbahan na puno ng mga pulubi na natutulog ay malinis na. Napalitan iyon ng mga tao na nagbebenta ng mga candila, bulaklak, lobo at mga candy na pwedeng ialok sa mga magsisimba. Unti-unti na rin na sumisikat ang araw, at nagsisidatingan na rin ang mga magsisimba upang mag-tirik ng kandila. At sakto na tumunog na rin ang kampana, magsisimula na ang misa. Bitbit ang sabon na kaniyang tinitipid ay nagpunta siya sa likuran ng simbahan kung saan may palikuran. Maswerte siya lalo pa at hindi mahaba ang pila. Buti na lang walang masyadong tao. Makapaghugas na nga ng pempem. Aniya sa kaniyang isipan at nagbayad ng limang piso sa bantay roon. Doon siya nagbanyo at naglinis. Hindi man pwedeng maligo roon ay at least makakapaghugas siya at makakapag-hilamos ng mukha. Matapos niyang maghugas ay nagtungo siya sa lababo. Agad siyang naghilamos at nagmumog. Sunod ay binasa niya ang panyo na lagi niyang dala at pinahid iyon sa kaniyang leeg, sunod ay sa kaniyang kili-kili. Hindi siya nagpalit ng damit dahil bukod sa damit na suot niya ay wala na silang ibang damit pa. Ang damit nga na ito ay bigay lang sa kaniya ni Nay Rusing. Isa sa mga daster na napagliitan ng anak nitong nagtitinda ng kakanin. May kasama itong blazer ngunit sinusuot niya lang iyon kapag gabi at malamig. Kaya ang suot niya lang ngayon ay ang spaghetti strap dress na abot taas ng kaniyang tuhod. Marumi na iyon at nanlilimahid dahil hindi nalalabhan. At dahil sa nangyari kanina ay nagkaroon na rin ang tastas n'on sa bandang laylayan. "Hoy! tama na iyan, ang dami mo nang nagamit na tubig!" saway ng babaeng bantay ng CR. "Grabe, nagbabayad naman eh. Sa'yo na iyang tubig! lunurin mo sarili mo!" Napasimangot si Fina at inirapan ito pagkatapos ay lumabas na ng palikuran. Bumalik siya sa harap ng simbahan at sakto ay naroon na ang matanda, kung saan niya kukunin ang kaniyang mga paninda. "Nay, Rusing! magandang umaga po." aniya sa matanda at nilapitan ito. Agad naman na napangiti ang matanda nang makita siya. "Hay, iha. Nandyan ka pala. Hinahanap kita, sabi ng mga namamalimos ay napa-away ka raw kanina?" tanong nito sa kaniya at tumango siya. "May bago pa ba, Nay?" tanong niya sa matanda tinulungan ito na mag-ayos ng mga paninda. "Ang ganda ng mga sampaguita mo, Nay. Tiyak mauubos ko ito ngayon." aniya sa matanda at kinuha ang ilang sampaguita na nakabalunbon na ginawa nito para ibenta niya. Tinutulungan niya ito na magbenta ng sampaguita, at siyempre may porsyento siya na nakukuha kung saan ginagamit niya pambili ng kaniyang makakain. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit si Nanay Rusing ang tinutulungan niya. Ngunit dahil isa rin ito sa mga matatanda rito sa labas ng simbahan ang noon pa lang na tumutulong at tumitingin sa kaniya. At madalas ay may dala rin itong "Mamaya ka na mag-tinda. Maupo ka muna rito at mag-agahan. May dala akong kakanin at puto. Alam ko na hindi ka pa kumakain." ani nito sabay abot ng pagkain. Tinanggap iyon ni Fina at agad na kumagat sa puto. "Oo nga pala, may ilang bagay din akong dala para sa'yo. Nagbigayan na ng ayuda roon sa baranggay namin. Hiningian kita dahil alam ko kailangan mo. May damit din diyan, para naman makapag-palit ka na." Tinignan niya ang supot at agad na napangiti nang makita ang isang pares ng bagong bra at panty ay may complete set pa ng sabon, shampoo, toothpaste at tootbrush ang naroon. "Wow naman, Nay! kumpleto! kailan pa nagbigay ng bra at panty ang baranggay?" Natawa ang matanda. "Oo na, nahuli mo na ako, ako ang bumili niyang bra at panty dahil alam ko na kailangan mo. Ilang taon na ba iyang binili kong bra mo? maliit na at hindi na kasya ang dibdib mo kaya naman madalas kang nababastos rito. Pero iyang mga sabon at pagkain, galing iyan talaga sa baranggay." Napalabi si Fina. Na-touch siya sa ginawa ng matanda para sa kaniya. Ngunit alam niya naman na may pinaglalaanan ito ng pera, kaya nahihiya siya. "Nay, hindi ka na sana bumili, alam kong mas kailangan mo ang pinambili mo rito eh. Sana binili mo na lang ng gamot mo." aniya sa matanda. May maintenance na kasi ito at kailangan pa ng pang-gastos para sa apo niya na may kapansanan. Umiling si Nanay Rusing, "Magkano lang naman iyan, maliit na bagay. Saka kailangan mo 'yan. Tanggapin mo na." Napangiti si Fina at niyakap ang matanda. "Pasensya ka na, Nay. Alam kong mabaho ako pero gusto talaga kitang mayakap." "Hay, ikaw talagang bata ka!" natatawang sabi nito sa kaniya. "Sabi ko naman sa iyo eh, doon ka na lang tumuloy ulit sa akin. Maliit lang ang kubo ko pero at least doon ay ligtas ka? malayo sa mga lalaking hayok rito. Alam mo naman na dalaga ka na at delikado ang lansangan para sa kagaya mo." Umiling si Fina at muling nginitian ang matanda. "Ayos lang ako rito, Nay." Dati siyang tumira sa matanda, ngunit hindi siya nagtagal dahil ginapang siya ng lasingerong asawa ng anak nito. Nahiya siya na sabihin sa matanda ang totoo kaya naman ay umalis na lang siya at bumalik sa simbahan." Para sa kaniya, marami mang tao na nais manakit sa kaniya, na manamantala sa kaniya, ay ang lansangan pa rin ang pinaka-ligtas na lugar para sa kaniya. Sa ilang taon na namalagi siya sa lansangan. Saulo na niya at pamilyar na siya sa paligid. At sa lugar na ganito ay alam na niya kung paano iiligtas ang kaniyang sarili. "Ayos na ako dito, Nay Rusing! feeling mayaman nga ako eh! akalain mo iyon? kapag gabi na ay parang pagmamay-ari ko na itong buong parke. At isa pa, mabilis ang biyaya rito. And speaking of biyaya, hindi dapat pinaghihintay." dinampot niya ang pagkain at sampaguita bago tumayo na. "Doon na ako kakain habang nagaalok nito. Nagsisidatingan na ang mga tao. Sayang ang benta." aniya pa at napatango ang matanda. At kagaya ng kaniyang sinabi ay nag-alok siya ng sampaguita sa may entrada ng simbahan habang kinakain ang puto na ibinigay sa kaniya ng matanda. Ngunit napatigil siya sa kaniyang pagkain nang makita ang mga pamilyar na tao sa buhay niya. Palabas ng pinto ng simbahan ang kaniyang Tiya Babeng kasama ang tatlong pinsan niya at mukhang mga asawa at kasintahan ng mga ito. May dalawang bata na mukhang mga pamangkin niya sa pinsan. Maayos ang mga gayak ng mga ito, malinis at mukhang mamahalin ang mga damit. Ang Tiya Babeng niya ay nababalot rin ng mamahaling mga alahas na gawa sa ginto. Alam niyang maginhawa ang buhay ng mga ito. Ngunit kagaya na lamang ng mga nakaraang taon, tila isang hangin siya sa mga ito. Dadaanan lang na parang hindi siya kilala. At nasanay na rin siya na sa ilang taon na inabandona siya ng mga ito ay tinrato niya rin ang mga ito na tila hangin. Napagod na siyang magmakaawa. Lagi siya nakikita noon ng kaniyang tiya o mga pinsan rito sa labas ng simbahan. Na sa tuwing lalapitan niya ang mga ito upang humingi ng tulong ay lagi lang din siyang pinagtatabuyan ng mga ito. Tinatrato na parang hindi siya kilala. Isang nakakadiring pulubi lang sa harapan nila. At iyon nga ang nangyari sa kaniya, naging pulubi. Masangsang na palaboy sa paningin nila. Kaya ta-tratuhin din niyang mga estranghero ang mga ito. Dahil kung may nakakaalam sa tunay na kulay ng mga ito, ay walang iba kundi si Fina. Sa gayak, tindig ng mga ito, na kahit balutan ng magagandang damit at mamahaling alahas, walang mas babaho sa ugali ng mga ito. Ugali na bulok at masangsang. Na kahit magsimba pa ay hindi mahuhugasan ng dasal ang kagarapalan ng mga kasalanan nito sa kaniya. Kahit anong simba pa ng mga ito sa simbahan na ito. Para kay Fina ay mas masahol pa ito sa nangangalingasaw na pulubi sa lugar na ito. "Fina! Hindi ba si Aling Babeng iyon? mga pinsan mo iyan 'di ba?" tanong ng isang matagal nang namamalimos sa simbahan. Napatingin siya sa gawi ng mga ito. Napansin niya rin na napatingin sa kaniyang si Evette na kaniyang pinsan. Alam niyang namumukhaan siya ng mga ito. Na kilala siya ni Evette ngunit wala itong naging imik simula pa noon. "Hindi. Hindi ko kamag-anak ang mga iyan. Wala akong kamag-anak sa lugar na ito." aniya. aniya. At nag-alok ng sampaguita sa mga dumaraan maliban sa mga hinayupak niyang kamag-anak. Pansin niya pa sa gilid ng kaniyang mata na sumakay ang mga ito sa magarang sasakyan. Maliban kay Evette na bumalik at nilapitan siya. "Fina." mahinang sabi nito sa kaniya. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya, na totoong binibigkas ng kaniyang pinsan ang pangalan niya. Napaangat ang tingin niya rito, hindi siya nagsalita. "Fina, p'wede ba tayong magusap?" tanong nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD