Kabanata 12

1112 Words

SINUBUKAN kong pumiglas muli sa pagkakahawak ni Seth sa akin pero hindi ako nito hinayaang makawala. Matapang na sinalubong ko ang galit nitong mga titig. "Hindi ba't kitang-kita ang ebidensya? Nagpa-imbestiga ako at 'yon ang lumabas! Ako pa ang gagawin mong tanga?!" asik nito sa akin. "Paano kung sinabotahe nang totoong magnanakaw ang lahat ng mga ebidensiyang nasa iyo?!" galit kong tugon dito. "Magaling ang mga tauhan ko, Ms. Galvez. Huwag mong bibilugin ang ulo ko dahil hindi mo ako mabibilog! Goddamit!" galit nitong tugon at napaigik ako nang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso. "Nasasaktan ako, Mr. Montenegro!" asik ko rito. Agad naman nitong niluwagan ang pagkakahawak sa aking kabilang braso, pagdakay marahas ako nitong itinulak dahilan para mabuwal ako sa sahig. Argh!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD