"Okay ka lang ba?"
Nag-angat ako nang tingin sa kaibigan kong si Delilah. "May iniisip lang ako. Let's go," saad ko at mula sa upuan ay tumayo.
Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot kong iyon pero wala na akong pakialam. Hindi ko maitatanggi na magpahanggang ngayon masakit pa rin para sa'kin ang pagkawala ng aking pinakamamahal na ina. Damn it! Pinipigilan ang sariling mga mata na mapaluha.
"Kumain muna tayo, libre ko."
Napasulyap sa nakangiti kong kaibigan. "Are you sure, dahil hindi ako tatanggi," saad ko, sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Madali lang namang mag-iba ang aking mood.
"Yes, para naman mapasaya kita. Kitams, napangiti kita."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Naglalakad kami ngayon patungo sa cafeteria ng school. Napasulyap ako sa orasan. Sa wakas, uwian na rin. It's 4:30 in the afternoon.
"Hayan na naman ang dalawa, duh!"
"Whatever, bakit naman kasi kasama niya pa 'yang pokpok niyang kaibigan?"
"Sabagay, baka same sila na pokpok rin?"
Mabilis na pinigilan ko ang isang braso ng kaibigan kong si Delilah. "Ignore them," matatag kong paalala sa aking kaibigan.
"Babasagin ko na ang mga mukha ng mga 'yan!"
"Aba, lumalaban na si pokpok, guys!"
Napahilot ako sa sariling sentido. Damn! Sinasabi ko na nga ba. Sana hindi na lang kami pumunta rito. "Lumabas na lamang tayo rito," saad ko sa kaibigang si Delilah.
"What, are you nuts? Takot ka ba sa kanila?!"
"No, mas pipiliin ko ang tama kaysa ang makipag-basag-ulo. Do you understand? Wala tayong mapapala kung papatulan natin ang mga 'yan. Remember, huwag mong ipagpalit ang piso sa singko," matapang kong sagot kay Delilah at mabilis na hinila ito palabas ng cafeteria.
"F*ck!"
"Magmura ka lang diyan, I don't care. Sa labas na lamang tayo, mas makatipid ka pa," saad ko rito.
"May magagawa pa ba ako? Naku, kung hindi mo pa ako pinigilan malamang sinapak ko na ang mga 'yon!"
"Ang tanong, ano'ng mapapala natin kung sakaling nagkagulo na talaga kanina?"
"Suspension siyempre."
"Kaya nga, ilang beses ka ng nadawit sa gulo. Isa pa, last warning mo na 'yan, hindi ba?"
"Yeah, at surely suspension na ang susunod nito."
Nagpatiuna na akong maglakad sabay iling. Kahit kailan talaga lapitin sa gulo ang kaibigan ko. Hindi yata nagkakalayo ang kapalaran namin.
"Doon tayo!"
"Tara," sagot ko rito. Agad na naglakad kami patungo sa isang karenderya. Tamang-tama gutom na rin ako. Muli, bigla kong naalala ang mga masasakit na salita na ibinato sa'kin ni Seth. F*ck! Hindi ba ako kagalang-galang na babae para tratuhin siya nito na parang pokpok? Hindi porket kaibigan niya si Delilah gano'n na rin ang tingin nito sa kanya. Naikuyom niya ang dalawang kamao. Bullsh*t!
"Hey, kanina pa ako nagsasalita rito ni hindi mo man lang ako pinakinggan. May iniisip ka na naman?"
"Yes, nasaktan lang ako sa mga salitang binitiwan ni Sir Seth patungkol sa'kin," sagot ko rito.
Pumasok kami sa karenderya at naghanap nang uulamin. Pinili ko ang pansit at nanghingi na rin ng sabaw. E, 'di nakatipid pa ako.
"Mahirap nga 'yan. Malaking problema din."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Dala ang aking kanin at ulam. "Ate, 'yong hinihingi ko pong sabaw, salamat po," saad ko.
"Sige, ineng ihahatid ko na lang."
"Ikaw talaga, ba't 'yan lang pinili mong ulam? Hindi ba't sabi ko libre ko?" palatak ng kaibigan kong si Delilah. Ngumiti ako rito.
"Sapat na 'to, okay na ako rito," saad ko rito. Saka naupo sa upuan, pinili ko ang pinakasulok na mesa. Maya-maya ay dumating ang sabaw na kanyang hiningi. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi. Sumakay kami ng jeep pauwi. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Unknown number.
"Sino 'yan?" takang tanong sa'kin ni Delilah.
"Hindi ko kilala, e. T'saka, hindi ko sinasagot ang mga unknown numbers," saad ko rito. Hinayaan ko na lamang na mag-ring ang aking cellphone.
"Baka importante 'yan."
"No, hindi ko kilala. Kaya ikaw 'wag kang magpalit-palit ng cellphone number para sagutin ko ang tawag mo."
Hindi naman nagtagal ay naunang bumaba sa'kin si Delilah. Nakangiting nagpaalam ito sa'kin. Kumaway ako rito.
"Ingat," ani ko.
"Ikaw din, ingat."
"Pará po, dito lang po ako kuya. Salamat po," sigaw ko kay Manong driver. Agad na akong bumaba sa naturang jeep.
Nakangiting sinalubong ko ang dalawang security guards ng mansion ng mga Montenegro kung saan ako nakatira at nagtatrabaho.
"Magandang gabi po," ani ko.
"Magandang gabi naman, hija. Alam mo bang nagkagulo sila sa loob dahil nawawala ang kwintas ni Ma'am Celina."
"Po?!" bulalas kong tugon. Kumunot ang aking noo. Mabilis na pumasok ako sa looban ng mansion. Nadatnan ko sina Ma'am Celina at Seth na nagtatalo.
"How could you, Seth?!" galit na turan ni Ma'am Celina sa anak.
Napasapo ako sa aking dibdib. Ano kayang pinagtatalunan ng mag-ina? Nang makita ko si Aling Melba ay agad akong nagtanong rito.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko.
"Ikaw kasi ang pinagbibintangan ni Sir Seth na nagnakaw ng kwintas ni Ma'am Celina. Pero hindi naniniwala sa kanya si ma'am," sagot nito sa'kin.
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Damn! What the, paano naman mangyayaring nanakawin ko ang kwintas na hindi sa'kin?
"H—hindi po ako nagnakaw," saad ko. Akmang lalapitan ko ang mag-ina, nang biglang pigilan ako ni Aling Melba.
"Ang mabuti pa, 'wag ka na munang lumapit sa kanila. Puntahan mo ang kwarto mo at tingnan mo roon ang kwintas at baka pakulo na naman ito ni Seth para tuluyan ka na talagang mapalayas dito."
"Napakasama niya talagang tao. F*ck him!"
Inis na nagmartsa ako patungo sa aking kwarto. Nang biglang maramdaman ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Siguradong si Seth ang naglagay ng naturang kwintas kung sakali mang naroon talaga ito sa aking kwarto. Gano'n na ba talaga ito ka desperado na paalisin ako sa buhay nito? Well, hindi siya magtatagumpay. Bilang ganti ko sa mabait na mag-asawa, hindi ako magpapaapekto sa mga pananakot nito. Never! Matapang kung haharapin ang sukdulang galit nito sa'kin.
Mabilis ang kilos na pumasok ako sa aking kwarto, at gano'n na lamang ang gulat ko nang matagpuan ko si Julia.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nagulat ako nang makita ang kwintas na hawak nito. "Magnanakaw!" sigaw nito.
"What?!" bulalas ko.
"Huling-huli ka na magsisinungaling ka pa ba, Beauty?" sarkastikong turan nito sa'kin.
"At sa tingin mo aamin ako sa kasalanang hindi ko ginawa? O baka ikaw ang magnanakaw?" inis kong saad rito. Medyo napaigtad ito. At dahil do'n, naging lead 'yon sa'kin na parang heto ang nagnakaw. O baka naman kakutsaba ito ni Seth? Wow, ang galing naman yata kung gano'n.
"Hoy, babae. Huwag na huwag mo akong pagbibintangan. Nakita ko ito sa mga gamit mo!"
"Wow, ang galing naman. Ano 'yan may paa na basta na lamang napunta riyan sa mga gamit ko?!" inis kong saad dito.
"You can't fool me, Beauty. Alam kong ninakaw mo 'to!"
"Then, prove it!" galit kong asik rito.
"At patutunayan ko 'yon! Makikita mo!" asik ni Julia sa'kin at walang-gatol itong lumabas ng aking silid.
Nailing na lamang ako. Damn! Kahit kailan hindi ko ugali ang magnakaw. Pabagsak na naupo ako sa aking kama. Damn!
"Beauty, hija?"
"Po? Pasok ka nanay Neri," sagot ko. Sinalubong ako nito sa tila nag-aalalang tingin. "Naniniwala po ba kayo sa paratang sa'kin ni Seth?"
"Kahit kailan hindi gano'n ang pagkakilala ko sa'yo, anak."
"Nanay Neri gusto ko ng umalis dito. Gulo lang kasi ang dala ko sa pamamahay na 'to. Nang dahil sa'kin kaya namatay ang ipinagbubuntis sana ni Ma'am Celina. Kaya ganyan si Seth dahil sinisisi niya ako sa nangyari noon. Nanay Neri, nasasaktan rin po ako. Ginawa ko ang lahat para lang maging mabuting tao pero bakit ang hirap maging mabait?" Hindi ko na napigilan ang sarili at napaluha ako. This is so insane! Bullsh*t!
Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Nanay Neri. "Sssh, tahan na hija. Magiging okay din ang lahat, huwag mo na lang isipin para hindi ka ma-stress. Ramdam kong may naglagay ng kwintas sa mga gamit mo. Masama man ang magduda pero si Julia ang alam kong napansin kong pumasok dito kanina."
Napaigtad kami nang marinig ang ilang mga yabag at ang pagtawag ni Ma'am Celina sa pangalan ng anak.
"Seth, come back here!"
"No, ma'am. Dapat lang na turuan ng leksiyon ang taong magnanakaw!" asik ni Seth.
"You! Bakit ayaw mong aminin na ninakaw mo ang kwintas? Si Neri mismo ang nakakita nito rito sa kwarto mo!"
"Seth, utang na loob, stop this! Nakita na naman ang kwintas pero bakit kailangan mo pang palakihin ang naturang issue?"
Marahas na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Hinarap ko ang mapagbintang na lalaki.
"Pwede ba, sir, gamitin mo ang utak mo. I hate to say this to you, but you force me to disrespect you," diretsang tugon ko rito. Sinalubong ko ang galit nitong mga titig na puno nang panghuhusga, oh, well, ano pa nga bang bago sa mga tingin nito sa'kin?
"Manang Neri, hindi pa ba dumating si Lucas?" narinig kong tanong ni Ma'am Celina kay Nanay Neri.
"Hindi pa po, ma'am."
"Please, son. Ayokong magtalo kayo ng dahil lang sa kwintas na 'yan. Kahit ano'ng gawin mo, hindi ako mapapaniwala na si Beauty ang nagnakaw nitong kwintas ko."
"Really, and who do you think you are, slut?"
Narinig ko ang pagsinghap ni Ma'am Celina. Tila parang dinurog ang aking puso sa masakit na namang akusa ni Seth sa akin. Damn! Ang sakit lang, tagos yata iyon hanggang buto.
"I am who I am, that's me. And accusing me a slut is bad, Mr. Montenegro. Kahit sino ka pa, asahan mong hindi kita uurungan. Pwede kitang kasuhan sa mga paratang na ibinato mo sa'kin. May pruweba ka bang isa akong pokpok at ako ang nagnakaw nang kwintas ng 'yong ina?" sarkastikong saad ko rito. Gigil ako sa sobrang inis. Damn it!
Sinalubong ko ang mga mata na iyon ni Seth. Ngumisi lang ito ng nakakaloko. At inis na iniwan ako sabay tulak sa'kin ng marahas dahilan para mapaupo ako sa aking malambot na kama.
"Sorry, sweetheart. Pagpasensiyahan mo na si Seth," hinging paumanhin sa'kin ni Ma'am Celina. Niyakap ako nito. Damn, sobrang bait talaga nito. Pero bakit ba hindi pa nag-mana ang anak nito rito?
"Sumusobra na po ang anak ninyo, patawad po kung nasagot ko siya. Kahit kailan hindi ko magagawang magnakaw ng gamit," saad ko rito.
"Of course, naniniwala ako sa'yo. Isa pa, alam kong parang planado ang lahat. I secured our room already, hindi ko alam kung paano nalaman ng magnanakaw ang passcode ng kwarto namin. Tatlo lang naman kayo ang nakakaalam. Ikaw, si Aling Neri at Julia."
"Ibig sabihin lang niya'n, ma'am. Nasa tatlo ang traydor," diretsang saad ko rito.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Ma'am Celina. "Yes, pero alam ko na kung sino. Sana lang mali ako."
"Sino po ang pinagdudahan niyo?" tanong ko rito.
"Si Julia."
"Siya rin ang po ang alam kong may gawa," sagot ko.
"Pero batid kong hindi pagnanakaw ang pakay niya. Siguro, ikaw ang target niya, Beauty. Gusto ka niyang bigyan ng kasalanan para mapaalis dito sa mansion."
Nagulat ako sa rebelasyong sinabi sa'kin ni Ma'am Celina. Nailing ako. "Matagal na rin pong may lihim na galit sa'kin si Julia, Ma'am."
"Kaya nga, maybe, ililipat ko siya sa mansion ng kapatid kong si Thirdy. Total naghahanap sila ng isa pang katulong. Ayoko ring paalisin ang batang 'yon dahil magaling naman iyong magtrabaho, ang problema lang sa kanya may hatred siyang nararamdaman para sa'yo."
"Sige na, magpahinga ka na. Kakausapin ko lang si Seth. Kailangang kong maliwanagan ang utak no'n. Dahil kung hindi ay baka tuluyan ka na niyang ibalibag sa labas."
"Sige po, ma'am. Salamat po," saad ko.
Nagpaalam na sa'kin si Ma'am Celina. Sa wakas, makapagpahinga na rin ako. Damn! Hindi ko akalaing magagawa iyon ni Julia sa'kin. Itinuring ko pa naman siyang kapatid. Pero ahas pala.
Narinig ko ang pagsara ng pinto, tanda na umalis na si Ma'am Celina. Mabilis na niyakap ko ang aking malambot na throw pillow at nahiga sa aking kama. Pagod na pagod ang hapo kong katawan. Bukas ko na lang siguro tatrabahuin ang aking ilang mga assignments.
Muli, biglang tumunog ang aking cellphone, still, I ignored it. Ayoko nang may istorbo sa tuwing nagpapahinga talaga ako. I want to sleep. Para walang istorbo I turn off my cellphone.