Kabanata 4

4071 Words
ARAW NG Sabado at walang pasok. Lihim akong nagsisisi nang hindi ko man lamang sinagot ang tawag ni Rico kagabi. Nakaligtaan ko ang kaarawan nito. Siguro, dahil na rin sa nangyari kagabi, at sa totoo lang din ay wala rin ako sa tamang huwisyo. Isa pa, hindi ko kayang magsaya lalo na at okupado pa ang isipan ko sa pagkamatay ng aking ina. Napahilot ako sa sariling sentido. "Good morning," bati sa'kin ni Nanay Neri. "Good morning, nay. Kumusta naman po kagabi?" "Kaninang umaga inihatid si Julia sa mansion ng kapatid ni Ma'am Celina. At alam mo bang umamin si Julia sa naging kasalanan niya?" Nagulat ako sa narinig mula kay Nanay Neri. Sinasabi ko na nga ba, ramdam ko kagabi nga si Julia nga ang may gawa no'n. At sigurado akong inutusan ito ni Seth. Damn! Konti na lang talaga at masasapak ko na ang anak ng ginagalang kong mga amo. Damn that jerk! "Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kagabi, nay. Ako man ay ramdam kong siya ang may gawa no'n." "By the way, nasa labas si Sir Rico at hinahanap ka." "Po?!" bulalas ko. "Hindi mo ba naalala si Sir Rico? Hinihintay ka raw niya sa birthday party niya pero hindi ka raw sumipot. Tinawagan ka pa nga raw ng ilang beses ngunit hindi mo raw sinasagot ang kanyang tawag." "Gosh, hindi ko alam nay na siya 'yong panay tawag kagabi. Paano ba naman po kasi unknown number ang naka-register. Alam niyo naman pong hindi ko sinasagot ang tawag na hindi naka-save sa contact list ko." "Hala, bumangon ka na riyan at harapin mo si Sir Rico. Tiyak kong nagtatampo na 'yon sa'yo." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo ako mula sa aking kama at tinungo ang banyo para maligo. Mabilis ang bawat kilos ko, pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis. Pagdakay lumabas ng kwarto at tinungo ang kinaroroonan ng aking panauhin. Nang makita ako ni Rico, medyo nagulat ito na. Ramdam ko ang kakaibang titig nito na tila ngayon lang nakakita ng pangit na katulad ko. Ipinilig ko ang sariling ulo para alisin ang kakaibang atmosphere. I hate awkward moment sa totoo lang. Ngumiti ako rito ng tipid. Aaminin kong nakaramdam ako ng konting guilt. Damn! "Good morning!" halos sabay na tugon naming dalawa. Napangiti ako at naupo sa katapat na couch. "Masaya akong makita ka, pero aaminin ko sa'yo na may tampo ako dahil hindi mo man lang sinagot ang ilang mga tawag ko. Nakalimutan mo yata ang birthday ko kahapon," may himig pagtatampo ang boses nito. Tumikhim ako at matapang na sinalubong ang mga mata nito. "I'm so sorry, Rico. Alam mo namang may problema ako at kasalukuyang nagluluksa sa pagkamatay ng ina ko. Kahit ikaw man sa kalagayan ko ay hindi mo magawang maging masaya kung sa kasuluk-sulokan ng bahagi ng puso ko ay nanatili itong malungkot at binabalot ng kalumbayan." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Rico. Ngumiti ito sa'kin. Sinuklian ko lang ito ng isang tipid na ngiti. "I see, I'm so sorry. Pwede ba kitang imbitahan ng dinner mamaya?" "She can't dahil hindi pa kami tapos sa dapat naming pag-usapan Mr. Tan," singit ni Seth na ngayon ko lang din napansin ang presensiya nito. Iniiwasan kong huwag mapalingon sa gawi nito. Narinig kong muli ang marahas na buntong-hininga ni Rico. "Alright, tatawagan na lang kita kung kailan ka available, is it okay?" "Sige, pero ayokong umasa ka," sagot ko rito. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito. Damn! Gusto kong diretsahin si Rico na tantanan na ako nito pero ayoko rin namang maging bastos. Argh! Hindi naman ibig sabihin na isa akong hard to get na babae. Pero sadyang hindi ko priority ang mga ganitong eksena. How I wish masabi ko ito rito. But I can't. Maybe in a right time. Hindi naman ako manhid para hindi ma-gets ang nais nito. "I guess, I have to go." "Mag-iingat ka," saad ko rito. Lumapit ito sa'kin sabay halik sa aking pisngi. Medyo naasiwa ako roon. Damn! Nang tuluyan nang makaalis si Rico, akmang aalis na rin sana ako para tulungan si Nanay Neri ngunit maagap na narinig ko ang sinabi ni Seth. "Balak mo yatang pagsabayin ang mga kaibigan ko. Devon and Rico? Ganyan ka na ba talaga ka hayok sa mga lalaki, Ms. Galvez?" "I don't know what are you talking about, sir. Pero kung insulto lang din naman ang lalabas diyan sa bibig niyo. I guess, wala po akong panahon para patulan kayo!" sarkastikong sagot ko rito. Mabilis ang aking kilos na tinalikuran ko ito. But not so fast dahil mas maagap ako nitong napigilan sa kabila kong braso. "Ayusin mo ang pakikipag-usap sa'kin. Amo mo ako at isa ka lang sampid sa bahay na 'to! Naiintindihan mo?" "Then, respect me as I respect you, sir. Ipinapakita ko lang ang ugaling ipinapakita mo sa'kin. Hindi ako ang tipo ng tao na basta na lamang na magpapa-api. Nawalan na ako ng ina, at itatayo ko ang sarili ko laban sa mga taong naglugmok sa'kin sa putikan!" "Umalis ka na rito para sa ikatatahimik ko!" "Hindi ikaw ang amo ko rito, bakit ako makikinig sa'yo?" "Really?" tudyong saad nito sa'kin. Napasinghap ako nang maramdaman ang mga labi nito sa aking leeg. F*ck! Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti sa'kin. Sh*t! "You smell good," may panunudyo sa boses nito. Pilit kong inilayo ang sarili rito pero mas malakas ang hudyo kaya wala akong magawa. "Let me go, Mr. Montenegro!" matapang kong saad dito. "Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa'yo, Ms. Galvez?" sarkastikong tanong nito sa'kin. Nagbigay iyon ng libu-libong sakit sa aking puso. "Maniniwala ka ba kung lampas sampu sila?" inis kong sagot rito. "I see, so, inamin mo nga na katulad ka rin ng kaibigan mong si Delilah?" "Hindi ko akalaing ganyan ka pala kung makapanghusga sa kapwa mo, Mr. Montenegro." "Dahil 'yon ang ipinapakita mo sa'kin. Hanggang kailan ka ba lalayas sa pamamahay na ito?" "Hangga't mauna kang umalis sa mansion na 'to?" inis kong tudyo rito. Napangiwi ako nang mas lalo nitong hinigpitan ang hawak sa aking braso. "Sino ka para pagsabihan ako na lumayas rito?" "At sino ka rin sa tingin mo para sundin ko ang nais mo, aber?" "Anak ako ng may-ari, at ikaw na sampid ay ang may karapatang lumayas rito!" "Paano kung ayoko may magagawa ka ba? Hangga't nandito ako at buhay pa ang mga magulang mo hinding-hindi ako mawawala sa pamamahay na 'to!" Nakagat ko ang pangibabang-labi nang dilaan ni Seth ang aking makinis na leeg. Damn it! Bakit tila parang nag-init ang buo kong katawan. F*ck! Pilit kong pinapatatag ang sarili. "Utang na loob, Mr. Montenegro. Just let me go!" "Kaya kong gawin ang nais ko sa'yo," ani Seth at mabilis na hinila si Beauty. Wala itong choice kundi ang sumunod sa kanya. Dinala niya ito sa office library sabay sara ng pinto. At walang-gatol na inangkin niya ang mga labi nito. Pilit itong nanlaban pero wala itong lakas para talunin siya. Damn! Hindi niya maitatangging naghatid ng init sa buo niyang katawan ang matatamis nitong mga labi. Natigil lamang siya nang kagatin nito ang kanyang mga labi at tuhurin ang gitnang hita niya dahilan para mapahiyaw siya sa sobrang sakit. What the f*ck! Mabilis ang kilos na nilisan ni Beauty ang naturang office library. Damn it! Dumiretso siya sa kanyang kwarto at tinungo ang kanyang banyo at itinapat ang sarili sa malamig na shower. Bullsh*t! Bago sa kanya ang pakiramdam na ipinalasap ni Seth sa kanya. At natatakot siyang mangyari ulit iyon sa kanila. Mabuti na lamang at nakawala siya rito. Halos mabingi siya sa malakas na kalabog ng kanyang puso. No! Bakit nakadikit pa rin sa mga labi niya ang mga maiinit na mga labi ni Seth. Bigla niyang naalala ang ilang babae na naging girlfriend nito. Paniguradong mas higit pa roon ang ginagawa ng mga ito. Damn! "Beauty, nariyan ka ba sa loob?" "Opo, nay. Naligo po ako ulit nay," sagot ko rito. "Bilisan mo na riyan at magpapatulong ako sa'yo, nak. Kailangan kasi nating maghanda para sa birthday party ni Ma'am Celina." Napasinghap ako. Oo nga pala, kaarawan ngayon ni Ma'am Celina. Nakalimutan ko pa talaga. Naalala ko ang binili kong regalo para sa kaarawan nito. Mabilis ang kilos na lumabas ako ng banyo. Napasimangot ako. Bwesit na Seth. Muli nagbihis ako ng damit. Habang nagbibihis, tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong sinagot nang tumawag ang manager nang fastfood na pinagtatrabahoan ko. "Yes, ma'am?" "Hello, Ms. Galvez. I am sorry to inform you na kailangan ka na naming tanggalin. Alam mo namang mahina ang kita sa fastfood. So, we decided na isali ka sa tatanggalin since newbie ka. Nakakaawa naman kasi kung 'yong mga matagal na ang tatanggalin namin. Bata ka pa at marami ka pang trabaho na mapapsukan. I hope you'll understand," saad ng aking manager. Sa totoo lang, nanlumo ako sa balitang narinig. Wala naman akong magagawa. "It's okay, ma'am. Naiintindihan ko po," sagot ko naman rito. "Goodluck and God bless, Ms. Galvez." "Thank you po." Matamlay na lumabas ako mula sa kwarto. Dumiretso na ako sa kusina para tumulong sa pagluluto. Mukhang busy nga ngayon lalo na at birthday ni Ma'am Celina. "Nay Neri ano bang mga lulutuin?" "Tapos na magluto, punta na lang tayo sa malawak na hardin do'n sa may Gazebo para dalhan ng snacks ang ilang mga naroon." Dinampot ko ang isang tray. "Sige po, teka nay, sino ba ang mga naroon?" tanong ko at sumunod kay Nanay Neri. Si Nanay Neri ang pumalit kay inay bilang mayordoma ng mansion. Nakasunod lang ako rito. Tinungo namin ang Gazebo at nadatnan namin doon ang ilang mga organizers. Dala ang tray na may lamang mga snacks para sa mga ito. Inilapag namin sa mesa na naroon at tinawag ni Nanay Neri ang mga ito. Nakangiting lumapit ang mga ito sa amin. Sumilay ang ngiti sa akin mga labi. "Narito na po ang snacks ninyo, ma'am, sir," ani ko. "Thank you so much sa inyo," ani ng isang gwapong lalaki na halata namang bading. Ngiti lang ang naging tugon namin. Muli, bumalik kami ni nanay Neri sa loob. Pero bago pa man kami tuluyang pumasok sa loob. Narinig ko ang pagtawag ni Sir Seth. "Beauty, dalhan mo kami ng drinks at saka snacks," utos nito sa'kin. "Yes, sir." "Hi, Ms." Narinig kong tawag sa'kin ng kasamahan ni Seth. Damn! Ayoko mang i-entertain ito pero magmumukha naman akong bastos kung hindi ko ito pakikitunguhan ng maayos. "Hello, po," sagot ko na lamang sabay ngiti rito. "By the way, I'm Leonard Maxwell. And you are?" ani nito sa'kin sabay lahad ng mga palad sa aking harapan. "Beauty Galvez po, n—nice meeting you, sir," nahihiya kong tugon rito. Napansin ko ang kakaibang awra ni Seth. Tila parang naalibadbaran na naman ito sa aking presensiya. Damn! "My pleasure to meet you, too. Don't you know that you are beautiful?" Namula ang pisngi ko sa sinabi na iyon ni Leonard. Hindi na bago sa'kin iyon pero hindi pa rin talaga ako nasanay na tawaging maganda. Sh*t! "Hindi naman po," saad ko rito at napayuko. "Yes you are, a head turner girl. You really catch my attention." "Thank you, sir. But I need to go now, para maihatid ko na po ang snacks na inutos sa'kin ni Sir Seth," saad ko rito. "You're blushing, more prettier," ani nito sa'kin. Argh! Mas lalong namula ang aking pisngi. "Again, thank you, sir. I have to go," ani ko at mabilis na tumalikod sa mga ito. Halos liparin ng aking mga paa ang kusina. Damn! "Kahit kailan talaga, hija, takaw-pansin 'yang ganda mo," saad sa'kin ni Aling Melba. "Hindi naman po ako kagandahan Aling Melba. Ewan ko po ba. Halos lahat po yata ng mga kaibigan ni sir Seth ay napapansin ako," naiiling na tugon ko. "Natural kasi ang ganda mo, mabait pa. Hindi mayabang. Humble ka pa. Mahinhin. Matalino pa! Ano bang height mo, hija?" "5'9 po ako," sagot ko rito. "Tangkad mo rin kasi. Nasalo mo yata ang lahat ng kagandahan nang magpa-ulan ang diyosa ng kagandahan." Natawa na lamang ako sa sinabi ni Aling Melba. Inayos ko na ang ilang pizza sa tray at ilang lemonade para muling dalhin sa hardin kung saan naroon sina Seth at Leonard. "Wala na bang kulang 'yang mga dadalhin mo?" "Okay na naman po ito," saad ko kay Aling Melba. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tinungo ang hardin para ihatid ang naturang snacks. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. But I'm trying to manage the tension deep within me. Mahirap man pero kailangan kong maging matatag. Alam kong masama na naman ang nasa isip ni Seth patungkol sa akin. Well, sanay na naman ako. Ano pa bang bago? Nakangiting inilapag ko ang tray sa center table. Nagulat ako nang tulungan ako ni Leonard. Nakagat ko ang pangibabang-labi nang aksidenteng mahawakan nito ang aking mga kamay. Nagulat ako roon. Kaya, napasulyap ako rito. "Sorry," halos sabay na tugon namin sa isa't isa. Mula sa aking peripheral vision pansin ko ang naiiritang anyo ni Seth. Damn! Alam kong naiinis na naman ito sa presensiya ko. "Enjoy sa snacks," nakangiting saad ko rito. Pagdakay nagpaalam na ako rito. Sh*t! (SETH POV) "SHE'S so beautiful," saad ni Leonard sa'kin. "Really? For me, she's not. Isa pa, hindi kayo bagay," sagot ko sa kaibigang si Leonard. "Woah! Sino ba ang bagay sa kanya? Ikaw?" pabirong turan nito sa'kin. Inis na dinampot ko ang isang baso ng lemonade at kumuha ng isang pizza. "Alam mong hindi siya ang tipo kong babae." "Pero pwedeng magbago ang standards mo kung puso na ang siyang pumili. Naniniwala ako riyan," nakangising sagot nito sa'kin. "I don't believe in love magmula nang iwan ako ni Juris without any reason," nagtangis ang aking bagang nang maalala ang pinakamamahal kong nobya na bigla na lamang nawala na parang bula. F*ck! Naikuyom ko ang sariling kamao. God knows how much I love her. "Speaking of Juris. You have all the connections pero bakit hindi mo siya matagpuan?" "Mahirap hanapin ang taong magaling magtago. And I hated her for hurting me so much! Pare-pareho lang ang mga babae!" saad ko sabay igting ng aking mga panga. Pinipigilan kong 'wag itapon ang baso na aking hawak. Ramdam ko ang unti-unting pagbangon ng poot at galit sa aking puso. Si Juris ang dahilan kaya ayoko ng magmahal. Kaya ako nawalan ng tiwala sa lahat ng babae. Kaya para sa'kin, ginagawa ko na lamang parausan ang mga ito. "Huwag mong i-generalize ang lahat ng mga babae. Sobra ka lang nasaktan, maybe, the right one will come for you, Seth. Hindi parin tamang magalit ka sa lahat ng mga babae at isiping hindi lahat mapagkatiwalaan. Alalahanin mong may mga kapatid kang babae at ina. Hindi ba't babae rin sila? Then, how can you say that harsh thing to all women?" naiiling na saad ni Leonard sa'kin. Medyo naliwanagan ako sa sinasabi nito. Yeah, may punto rin ito. Medyo gumaan ang aking pakiramdam nang maalala ko ang aking ina. My loving mom, Celina. "Do you like her?" tanong ko rito. Tinutukoy ko si Beauty. "I am, she's beautiful. And I think, she's kind." Nailing na lamang ako sa sagot nito. "Tinamaan ka agad? Stupid!" ani ko rito. "Alam kong nagagandahan ka rin sa kanya, Seth. Kaya 'wag kang plastic. She's an attractive girl." "Wala naman akong sinabi na she's not attractive, right?" sagot ko rito. "But it's show to your action that you deny her perfect attractive beauty," diretsang saad sa'kin ni Leonard. Lihim akong nakaramdam ng inis. Damn! Ano'ng meron ba ang babaeng 'yon at lahat ng lalaki ay nabighani nito? May sa demonyo ba ito? "I'm not, hindi ko lang talaga gusto ang babaeng 'yon. She irritates me, isa pa, hindi mo alam kung ano talagang dahilan para maalibadbaran ako sa presensiya niya. And it's not my obligations to tell you all our personal matters, right? Pwera na lang kung may lahi kang Marites?" sarkastikong saad ko kay Leonard. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "C'mon, Seth. Relax, okay? We're here to chill hindi para pagtalunan ang ano pa man." "Mas maigi na 'yong klaro," sagot ko rito. Nailing na lamang ito sa inasal ko. "Sabagay, sanay na ako sa ugali mo. Hindi na bago sa'kin 'yan, Seth. Hindi tatalab sa'kin 'yan. At alam kong alam mo 'yan." "Good, then let's go to our main topic," nakangiting saad ko rito. (BEAUTY'S POV) Inayos ko ang suot kong maid uniform. Napasulyap ako sa orasan. Ang bilin sa'kin ni Nanay Neri ay huwag lumapit sa mga ka edad ko dahil paniguradong may gulo na namang mangyayari. Minsan naisip kong sirain ang mukha na meron ako. Hindi maiiwasang lapitin ako ng mga lalaki. At iyon ang siyang isa rin sa mga problema ko. Hindi ko kailanman iniisip na maganda ako. Pero maraming nagsasabing mala-dyosa raw ang kagandahang taglay ko. Which is really suit my name, Beauty. "Ready na ba ang lahat?" Nag-angat ako nang tingin nang marinig ang boses ni Nanay Neri. "Opo nay," sagot ko. "Beauty, doon ka sa mga bisita mag-serve, okay? Tulad ng sabi ko, iwasan mo ang ilang mga kalalakihan. May tendency kasi na mababastos ka na naman." "Tatandaan ko po 'yan, nay. Sige po," sagot ko kay Nanay Neri. Kahit na nga sabihing pagod ako at masakit din ang ulo ko. Pero kailangan kong tumulong. Ayoko ring maging feeling prinsesa. "Where's Beauty?" Napalingon kaming lahat nang marinig ang boses ni Ma'am Celina. "Narito po ako, Ma'am," sagot ko. Sumimangot ang maganda nitong mukha nang marinig na naman nito ang pagtawag ko rito ng ma'am. Gusto kasi nitong tawagin ko itong Tita. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Tita ang itawag mo sa'kin? Hindi ka nababagay rito. Let's go at kailangan mong magbihis. Ikaw ang kapares ni Seth kaya huwag mong tanggihan ang nais ko. This is my special day kaya pagbigyan niyo na ako." Wala akong nagawa kundi ang ngumiti rito. Ayoko ring basagin ang ngiti na nakapaskil sa maamo nitong mukha. Damn! Bakit ba gusto nitong naglalapit kami ni Seth kahit alam naman nitong hindi kami magkaintindihan ng anak nitong may saltik at palagi na lamang kunot-noo sa tuwing nakikita ako. Kumbaga, bad trip mood 'pag nasisilayan nito ang aking mukha. "S—sige po," sagot ko na lamang rito at pinaunlakan ang nais nito. Napasulyap ako kay Nanay Neri. Nakangiting napatango lang ito sa'kin. "It's my birthday kaya dapat lang na pati ikaw ay maganda. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pamilya ang turing namin sa'yo. Kung iniisip mo si Seth, then, ignore his temper. I know someday na ma-handle mo rin ang tulad niya." Hindi ko alam pero bakit parang may kahulugan ang sinasabi nito? Don't tell me nais nitong kami ni Seth ang magkatuluyan. Damn, that's impossible dahil ni konting gusot nga lang ay para na kaming aso't pusa. Gusto kong matawa sa nais iparating ng aking kaisipan. O sadyang assuming lang ako? Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo. "Nakakahiya naman po, T—tita," nauutal kong saad rito. Nagpatangay na lamang ako rito, pumasok kami sa isang kwarto kung saan naroon ang ilang mga makeup artist. "Hey, guys. I'd like you to meet, Beauty. Look at her, she's pretty, right?" Napayuko ako sa narinig mula kay Tita Celina. Naramdaman ko agad ang pag-init ng dalawa kong pisngi. "Yeah, she is. You know what, Mrs. Montenegro. Pwede siyang maging modelo!" ani ng isang bading na tila excited pa. Lihim akong napangiwi. No way! Omg, never in my entire life na magmodelo ako. I hate spotlight. "Halika rito, hija at kailangan mo ng mag-makeover," turan ng isang bading rin at pinaupo ako nito sa isang upuan. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Sa totoo lang, ngayon ko lang napagmasdang muli ang maamo kong mukha. A sinful beauty. Dahil sa mukhang meron ako, palaging nasa peligro ang buhay ko. "You know what, girl. You are naturally beautiful. Kahit hindi ka pa lagyan ng makeup, para ka paring may make-up. Tingnan mo nga naman 'yang pink lips mo, gosh! Ang mga attractive eyes mo, jusko! Mata mo palang nakakabighani na girl!" Napangiti na lamang ako sa tinuran ng bakla. Napasulyap ako kay Tita Celina. Sa ngayon, mapapansin na may kausap ito sa sariling cellphone. I'm wondering kung ano'ng susuotin ko. Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan. Lalo na nang malaman kong ako pala ang partner ni Seth. Damn! Alam kaya nito ang ninanais ng ina? Gustuhin ko mang tanungin si Tita Celina pero hindi ko magawa. Light makeup lang ang inilagay ng bakla sa aking mukha which is ipinagpasalamat ko naman. Sa totoo lang hindi ko talaga ugali na maglagay ng kolorete sa mukha. Ponytail lang din ang aking buhok. Which is good. "Here, ito ang dapat niyang suotin." Napalingon ako at nagulat sa napakagandang damit na ibinigay ni Tita Celina sa baklang nag-aayos sa'kin. Damn! Alam kong sanay na sanay si Tita Celina na magsuot ng mga damit na napapalibutan ng mga diyamante. Pero ang damit na susuotin ko ngayon ay nakakalula. What the! "Omg! You bought this, ma'am?!" bulalas ng bakla. "This is the Nightingale of Kuala Lumpur designed by Fei. Sa naalala ko, ang damit na ito'y may value sa halagang $20 million!" palatak ng bading na halos mahimatay na nakatitig lang sa damit nitong hawak. "You're right, but I'm not the one who bought that. Of course, it's from my husband. Since same lang kami ng katawan ni Beauty, there's no issue para hindi niya maisuot 'yan, hindi ba, beauty?" "Yes po, Tita. Pero sobra na sobra na po ito," ani ko. "Na-tempt nga po akong itakbo na lang ito," pagbibiro ni Beauty. "This beautiful dress is such a wonderful one, it's made of crimson silk and tafetta, and has over 750 real diamonds sew into it. Remember, real diamonds." Napasinghap ako sa narinig mula sa mga labi ni Tita. "Gosh, Tita it's an honor na masuot ko ang damit na 'yon," ani ko rito. "Pero, okay lang po ba para kay Tito Lucas na ako ang magsusuot niya'n?" "Don't worry about your, Tito. Alam na niya ang lahat ng mga nais ko. Pumayag na siya, at wala iyong pakialam sa nais kong gawin," nakangiting tugon sa'kin ni Tita Celina. "Pero Tita, sino ba naman ako para suotin ang isang mamahaling damit?" "Huwag mong isipin para hindi mo maitanong sa sarili mo. Just go with the flow, okay? Ayokong i-bully ka ni Seth, you should look stunning tonight. Gusto ko ikaw ang pinaka-magandang babae na makikita niya," nakangiting tugon nito sa'kin. "Tita naman, don't tell me balak mo kaming mapalapit sa isa't isa. Kahit kailan hindi po 'yan mangyayari," saad ko rito na nakasimangot. "Ikaw ang gusto ko para kay Seth, tapos," saad nito sa'kin dahilan para mapasinghap ang lahat ng mga kasamahan namin. Ako man ay sobrang nagulat din. "P—pero Tita!" bulalas ko. "No, buts. Basta, kayo ang magkatuluyan in the near future," pinal na tugon ni Tita Celina. "Jusko, hindi mo pwedeng pangunahan ang anak mong si Seth, Mrs. Montenegro. Mahirap na kalaban ang anak niyo. Isa pa, matinik sa babae. Palagi na lang sa headlines, paiba-iba ang girlfriend. Minu-minuto sinu-sino na lang ang kasama. Sabagay, hindi maipagkakailang maraming Marites at puno ng kasinungalingan ang sinasabi," palatak ng isang bading. "Hindi naman dating ganyan si Seth. Nag-umpisa lang nang hindi na niya makontak 'yong babaeng ka-LDR niya. He take the risk para lang sa babaeng 'yon pero sinaktan niya ang kawawa kong anak. Ang kapal ng mukha!" "Tita, hindi natin alam ang side ng babae. Baka may problema lang," saad ko kay Tita Celina. "No, she hurt my son. At dahil sa babaeng 'yon kaya walang sineseryosong babae si Seth. He's still into her. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para tumino na ang anak ko. I know that this kind of thing are crazy, pero lahat gagawin ko para sa anak ko. Hindi naman siya lugi sa'yo, Beauty. Nasa iyo na ang lahat, beauty and brain. Plus, that kind and pure heart of yours, darling." Gusto kong matawa sa imposibleng mangyari ni Tita Celina. How stupid. Paano ko magagawa 'yon kung presensiya ko pa lang ay kamumuhian ako ng gagong si Seth? Damn, bilang pagtanaw na utang na loob sa mga magulang nito, wala akong choice kundi isakripisyo ang kasiyahan ko. Pero never akong magpapa-api sa lalaking 'yon. Over my beautiful face! Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD