Chapter 4

1962 Words
Zoe’s POV Kasalukuyan kaming nakatayo sa tapat ng puntod ng aming mga magulang, ngayon kasi ang death anniversary nila. Napakabilis ng panahon at isang taon na rin ang nakalipas simula ng pumanaw sila. “ Mom, Dad! Lagi po akong top1 sa klase namin, tatalunin ko po si ate at sisiguraduhin ko na mas marami ang medal ko sa kan’ya.” Ang may pagmamalaki na wika ni Collin sa puntod ng aming mga magulang habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Natutuwa ako na makitang nakarecover na siya sa traumang pinagdaanan nito mula sa aksidente at sa pagpanaw ni mommy at daddy, magaling na ito hindi lang sa physical maging sa emotional. Unti-unti na naming natatanggap ang lahat, nasasanay na rin kami sa takbo ng aming buhay na walang mga magulang na gumagabay sa amin. Naluluha na niyakap ko ito gamit ang kanang braso ko saka ko ito hinalikan sa may sintido nito, tumingin ito sa akin at tumugon ng isang mahigpit na yakap. “Namimiss ko na sila...” ang naluluhang wika ni Collin na bahagya pang pumiyok ang boses nito, kaya hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi. “ Mom, Dad, huwag po kayong mag-alala aalagaan ko pong mabuti ang kapatid ko hindi ko po siya pababayaan.” Ang madamdamin kong pahayag sa pagitan ng aking pag-iyak. “Mag paalam na tayo kina Daddy kasi mag-gagabi na.” Ang sabi ko kay Collin habang pinupunasan ko ang aking mga luha. Dumukot ako ng panyo mula sa aking bulsa at tinuyo ko ang luha ng aking kapatid. “Mom, Dad, babalik po ulit kami sa Saturday aalis na po kami, Mahal ko po kayo.” Halos pabulong na wika ni Collin. Nag-alay muna kami ng isang maikling panalangin bago namin tuluyang nilisan ang puntod ng aming mga magulang. “Sa labas na tayo kumain para makapagpahinga na tayo ng maaga.” Ang nakangiti kong sabi sa aking kapatid na siyang ikinatango naman nito. Sabay kaming sumakay sa loob ng kotse at ng macheck ko na maayos na ang lahat ay sinimulan ko ng paganahin ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa ay nakakita kami ng isang restaurant sa hindi kalayuan, maganda ang lugar at class ang dating ng restaurant na napili namin. “Restroom lang ako ikaw na muna ang mauna sa table.” Ang bulong ko kay Collin, nakangiti itong tumango sa akin bago tumungo sa isang bakanteng table na pang dalawahan lamang. Kaagad akong pumunta sa restroom ng makita kong maayos ng nakaupo si Collin. Ilang minuto lang ang lumipas ay kaagad akong bumalik sa table kung saan naghihintay ang aking kapatid. “Ate lipat na lang kaya tayo sa iba?” Ang mahinang bulong sa akin nito, tila hindi ito kumportable mula sa kan’yang kinauupuan. “Bakit may problema ba?” Ang nag-aalala kong tanong sa kan’ya. “Kasi ‘yong dalawang lalaki ang creepy kung makatingin.” Halos magpantay ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka kaya bigla ang ginawa kong paglingon sa aking likuran. Nahuli ko ang dalawang lalaki na nakatingin pa rin sa aming direksyon. Grabe ang mga titig ng mga ito, mababakas sa kanilang mga mata ang pagnanasa. Lakas-loob akong nakipagtitigan sa kanila, isang klase ng tingin na tila sinusukat ko ang kanilang pagkatao, kaya tumungo ang mga ito at nagkunwaring kumakain. Marahil ay hindi natagalan ang masamang tingin ko sa kanila. Sa palagay ko ay nasa edad 26 pataas na ang mga ito, gwapo naman sila kaso hindi ko gusto ang paraan ng kanilang tingin nakakabastos, para kang hinuhubaran sa lagkit ng tingin ng mga ito. “Ok lang yan nandito si Ate, hmmm? Huwag silang magkakamali, baka sa kanila ko unang magamit ang tear-gas ko.” Ang nakangiti kong saad na siyang ikinangiti ng aking kapatid. Lagi kasi akong may baon na tear-gas sa aking bag for self defense. Naagaw ang atensyon namin sa mga pagkaing dumating kaya nagsimula na kaming kumain. Kahit abala ako sa pagkain ay nanatili pa rin ang atensyon ko sa dalawang lalaki na nasa aking likuran. Sinusulyapan ko ito sa pamamagitan ng babasaging baso na nasa aking harapan, so far hindi na muling lumingon ang mga ito sa aming direksyon, hanggang sa natapos na kaming kumain. Lumapit sa amin ang waiter kaya inabot ko dito ang aking credit card, pagkatapos magbayad ay tumayo na kami. Kaagad naman akong lumapit sa aking kapatid at nilagay ko ang aking kaliwang braso sa kan’yang baywang, sabay kaming lumabas at tinungo ang aming sasakyan. Simula ng mawala ang aming mga magulang ay naging over-protective na ako sa aking kapatid. Kasalukuyan na akong nakahiga sa aking malambot na kama, Sunday ngayon at halos maghapon ako sa groceries kasama ang kapatid ko, kaya pagod ang aking katawan. May katiwala naman kami kaso hindi ko masyadong inaasa ang lahat, dahil wala akong tiwala sa ibang tao. Naghihintay na lang ako kung kailan dalawin ng antok ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. “Ate, pwede ba akong matulog dito? Hindi kasi ako makatulog,” ang sabi ni Collin habang nakasilip ang kalahati ng katawan nito sa may nakaawang na pintuan. “Oo naman, halika dito sa tabi ko hindi rin ako makatulog eh,” bago ngumiti ng matamis sa kanya, mabilis naman itong lumapit sa akin. Nakasuot ito ng paborito niyang pajama na hello kitty na kulay pink kaya nagmukha itong bata. Ipinasok nito ang sariling katawan sa ilalim ng kumot bago humiga sa aking tabi, mahigpit na yumakap sa aking baywang saka humambay sa akin ang may kabigatan nitong hita. Ito ang nagustuhan ko sa aking kapatid masyado itong malambing at halos hindi humihiwalay sa akin. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahinang paghilik nito, hanggang sa nakatulugan ko na rin ang pagmamasid sa maamong mukha ng kapatid ko. Kinaumagahan ay naalimpungatan kami dahil sa malakas na tunog ng alarm clock, inaantok man ay napilitan na rin kaming bumangon. Dumeretso na si Collin sa banyo upang maligo. kaagad naman akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina upang maghanda ng almusal namin ng magkapatid ko. Saktong tapos na ako sa pagprepare ng mga pagkain ay tapos na ring maligo si Collin, kaya ako naman ang naligo. “Oh, bakit hindi ka pa kumakain? Ang tanong ko sa kan’ya habang inaayos ang aking suot na uniporme. “Gusto ko sabay tayong kumain ate, nakakawalang gana kasing kumain kapag ako lang mag-isa.” Ang nakangiti nitong wika kaya naman lumabas ang beloy nito sa kanang pisngi na siyang nakadagdag sa kagandahan nito. Umupo na ako sa tabi nito at sabay naming pinagsaluhan ang munting pagkain na nakahain sa lamesa. Pagkatapos hugasan ang mga plato na ginamit namin ay nagmamadali na kaming lumabas ng bahay. Papalabas na kami ng bahay ng makita namin si Niel na nakatayo sa bungad ng gate na mat’yagang naghihintay. “Aba, ang aga natin ah, anong meron?” Anya na may halong pang-aasar, tila nahihiya naman itong sumulyap kay Collin na nakatingin sa kan’ya habang nakangiti. “Good Morning girls, sasabay sana ako sa inyo coding kasi ang kotse ko,” nahihiya nitong sabi habang nakasunod sa aming magkapatid patungo sa aking kotse. Magkapit-bahay lang kami kaya madalas din na dito sa bahay tumatambay si Niel. “Hello kuya Niel, good morning po.” Ang bati naman ng aking kapatid, natawa ako ng biglang nanghaba ang nguso ng aking kaibigan. “Sakay na po kuya,” ang pang-aasar ko dito, nakabusangot naman itong umupo sa driverseat dahil ito ang magmamaneho ngayon ng aking kotse. Masaya kaming nagkukwentuhan habang nasa biyahe patungong school. “Ate sinagot mo na ba si kuya Niel?” Biglang tanong ng aking kapatid na siyang ikinasamid ng binata. “Hindi naman nanliligaw sa akin yan, kasi may mahal na siyang iba.” Ang sabi ko sa tonong nang-aasar. “Ha? Totoo ba yon kuya Niel? Kawawa naman ang Ate ko basted agad hahahaha!” Tila natutuwa ito sa narinig kaya ang magaling kong kapatid ay pinagtatawanan pa ako. “Oo, mas maganda siya sa Ate mo at may balak nga akong ligawan s’ya.” “Aba’t kayong dalawa pinagkakaisahan n’yo ako ha!” Umarte pa akong galit at nanghahaba ang nguso, umusod si Collin papalapit sa akin bago malambing na niyakap ako. “Ikaw, kuya Niel ha! Nag-iisang maganda lang ang ate ko at siya rin ang pinakang da best ate in a whole world kaya love na love ko ang ate ko. Kaya kuya ingatan mo ang ate ko ha, lalo na kapag wala ako sa tabi n’ya.” Ang malambing nitong sabi bago humalik sa aking pisngi. “Sus! Binobola mo lang ako, alam mo talaga kung paano maalis ang tampo ko no.” Sabay gulo sa kan’yang buhok na siyang ikinasimangot nito kaya natawa kaming dalawa ni Niel. Ilang sandali pa ay ipinarada na ni Niel ang sasakyan sa parking lot ng school at sabay kaming tatlo na pumasok sa entrance. “Una na ‘ko ate mag-iingat ka, I love you po.” Ang sabi ng aking kapatid bago humalik sa aking pisngi, naglakad na ito palayo sa amin. “Ang lambing talaga ng kapatid mong ‘yan,” ang sabi ni Niel habang nakamasid sa papalayong si Collin. “Inggit ka naman!” Ang nang-aasar kong sabi na bahagya ko pa itong sinulyapan bago muling tumingin sa aking kapatid na may sampong hakbang na ang layo mula sa aming kinatatayuan. Ngunit bigla akong natigilan at halos nahigit ko ang aking hininga. Pakiramdam ko ng mga sandaling ito ay nanlaki ang aking ulo, nanindig din ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala ang mga librong hawak ko habang nakatitig sa aking kapatid na malayo na sa amin. “Zoe! Zoe! Anong nangyayari sayo!? Ok ka lang?” Ang nag-aalalang tanong sa akin ni Niel na bahagyang niyuyogyog pa ang aking mga balikat. Nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha at nakaramdam ako ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko. “N-niel! Diyos ko! Bakit walang ulo ang kapatid ko!?” Ang nahihintakutan kong tanong sa aking kaibigan habang patuloy pa rin akong nakatitig sa direksyon ng aking kapatid na ngayon ay wala na sa aking paningin. “Ano bang sinasabi mo? Hindi magandang biro yan Zoe! Baka guni-guni mo lang yan.” Ang seryoso nitong saway sa akin, natataranta akong humarap sa kanya nanginginig na ang aking katawan kaya humawak ako sa magkabilang braso nito, dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutumba na ako. “Maniwala ka sa akin Niel, seryoso ako! Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko! Ang kapatid ko habang naglalakad palayo sa atin na wala itong ulo! Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n pero kinakabahan ako para sa kapatid ko Niel.” Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng dugo kaya namumutla na ang aking mukha at pinagpapawisan na rin ako ng malapot. “Walang masamang mangyayari sa kapatid mo magdasal lang tayo.” Hinimas nito ang aking likod at sinikap akong pakalmahin bago pinulot ang mga nagkalat na libro sa lupa. Huminga ako ng malalim at medyo gumaan na ang pakiramdam ko, inayos ko na ang aking sarili at mabilis na pinunasan ang aking mga luha. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga ilang estudyante na nakatingin sa akin. “Tara na baka mamaya isipin pa ng ibang tao na pinaiyak kita, yari ako kay Collin kapag nakarating sa kan’ya ‘yan.” Ang natatawang sabi nito bago ako hinila patungo sa first subject namin. “Salamat.” Ang bulong ko sa kan’ya, ngunit hindi pa rin maalis sa aking isipan ang labis na pag-aalala at matinding kaba para sa aking kapatid dahil sa nakita ko kanina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD