Chapter 5

1737 Words
Demetriou POV Mahigit dalawang buwan na akong pabalik-balik sa restaurant. Nagbabakasakali na makita muli ang babaeng sumampal sa akin noong gabing tinuldukan ko na ang anumang ugnayan ko sa long time girlfriend ko na si Charlotte. Ngunit lagi akong umuuwing bigo sinubukan ko ring ipacheck ang mga CCTV sa restaurant na ‘yon at nakakuha ako ng mga copy ngunit kahit isa sa mga tao roon ay walang nakakakilala sa babae ayon sa kanila ay first time lang daw pumunta ng babae sa lugar na ‘yon. Pakiramdam ko ay frustrated ako sa hindi malamang dahilan, dumagdag ang ex-girlfriend ko na pinagpipilitan pa rin ang sarili sa akin. Makailang beses na sinubukan ni Charlotte na lumapit sa akin ngunit pinablock ko ito sa aking kumpanya kaya kailanman ay hindi na ito nabigyan ng pagkakataon na makausap ako. Ito naman ang gumawa ng dahilan upang magalit ako dahil nahuli ko itong nakikipagsex sa loob ng sasakyan ng aking business partner na si Jhon. Ang lakas naman ng loob nito na gaguhin ako! Wala akong kamalay-malay na pinagtatawanan na pala ako ng gagong Jhon na ‘yon dahil naisahan niya ako. Nang malaman ko ang tungkol sa kanilang relasyon ay kaagad kong pinutol ang pagiging business partner naming dalawa. Pinull-out ko na rin ang lahat ng investment ko sa company ng kanilang pamilya at ipinatigil ko na rin ang lahat ng mga ongoing projects. Sigurado ako na pilay na ang kanilang negosyo at ilang panahon na lang ay babagsak na ang mga ito. Hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon dahil sa nasaktan ako sa panloloko ni Charlotte sa akin ginawa ko iyon dahil natapakan ang ego ko. Masyado yatang minaliit ng mga ito ang kakayahan ko, ayaw ko sa lahat ng pinagtatawanan ako o nasasapawan ng ibang tao. Dahil ako ay isang Aragon at walang sino man ang magnanais na banggain ang isang tulad ko. Nagkamali sila ng binangga dahil hindi nila alam ang mga kaya kong gawin pasalamat sila at nagkaroon pa ako ng awa, kaya hindi ko na pinulbos ang kanilang mga negosyo. Dahil abala ako ngayon sa paghahanap sa babaeng tinangay na yata pati ang puso ko kaya pakiramdam ko ay hindi na ako kumpleto ngayon. Tumingin ako sa madilim na kalangitan at pinagmasdan ko ang nag-kikislapang mga bituin. Mula roon ay nakikita ko ang mukha ng babae na hanggang ngayon ay hindi mabura sa aking isipan. Lalo na ang mga mata nitong grey, kakaiba ito sa lahat dahil nararamdaman ko pa rin ang mga titig nito sa akin noong unang gabi na magkita kami. Kasalukuyan akong nasa terrace ng aming Mansion at nagpapahangin. Dito ako madalas na tumambay dahil sa magandang view na makikita mula rito. Kay sarap pagmasdan ang mga punong isinasayaw ng hangin habang ang mga ingay na nagmumula sa mga kulisap ay parang musika sa buong paligid, napaka-tahimik ng gabi at tanging ito lang ang iyong maririnig. At sa tuwing dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat ay naghahatid ito ng ginhawa sa aking pakiramdam. “Son, kailangan mong tumungo sa Europe dahil nanganganib na bumagsak ang isa sa mga negosyo natin doon. Malaki ang nawawalang pera sa kumpanya dahil sa biglang pagbagsak ng sale’s ngayong buwan, kung hindi ito maagapan mapipilitan tayong ishutdown ang kumpanya.” Ang seryosong pahayag ng aking Ama mula sa aking likuran. Hindi ko na namalayan ang pagsulpot nito dahil sa lalim ng aking iniisip tungkol sa babae. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga ng marinig ko na naman ang problemang ito. Humigpit ang kapit ko sa beranda dahil pakiramdam ko ng mga sandaling ito ay bumigat ang aking dibdib. Labag sa loob ko ang lumisan ng Pilipinas hanggat hindi ko pa nakikita ang babaeng iyon. Ngunit wala akong magagawa dahil tanging ako lang ang inaasahan ni Daddy sa mga negosyo ng pamilya. Dahil ang magaling kong kapatid ay hindi mahagilap. Wala na itong ginagawa sa buhay kung hindi ang magpasarap. Hindi rin ito makontrol ni Daddy dahil napakatigas talaga ng ulo nito. Mas pinili nito ang magliwaliw kasama ang mga barkada nito na wala namang naidudulot na maganda kundi gulo at problema. “Ok Dad, just give me a two day’s kailangan ko munang ayusin ang lahat sa kumpanya bago ako umalis.” Anya sa aking ama na walang makikitang anumang reaksyon. Mabigat ang desisyon na ito sa aking kalooban. Tumango lang ito at nakangiting tinapik ng dalawang beses ang aking balikat bago ako nito tinalikuran. Nang mapag-isa ay napabuntong hininga akong muli at tila binalot ng lungkot ang puso ko. Wala akong magagawa kung hindi ang isantabi muna ang aking nararamdaman para sa dalaga ngunit pinapangako ko kapag naayos ko na ang problema sa kumpanya ay ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa dalaga. Sa edad 26 ay wala akong naging seryosong relasyon maliban na lang kay Charlotte na umabot din ng isa’t kalahating taon ang pagiging magnobyo naming dalawa. Akala ko ay nasaktan ako dahil niloko ako nito ngunit ng makita ko ang babaeng sumampal sa akin ay napagtanto ko na nasaktan lang pala ang ego ko. Hindi ko mahal si Charlotte at isa lang ito sa mga babaeng nagdaan sa aking mga kamay bilang parausan. At sa kauna-unahang pagkakataon ay may pumukaw sa natutulog kong damdamin at sana ay muling pagtagpuin ng langit ang aming mga landas. Malungkot na muling tumingin sa madilim na kalangitan na tanging mga bituin lang ang nagbibigay liwanag dito. Para sa akin ay kasing panglaw ng langit ang nararamdaman ko para akong isang ligaw na tupa na naghahanap ng isang kalinga at para sa akin ang babaeng iyon ang aking kanlungan. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok sa opisina, kailangan ko kasing icheck ang lagay ng kumpanya at pirmahan na ang mga dapat pirmahan lalo na ang mga ongoing project na hindi pwedeng madelay. Halos pagod ako buong maghapon ang masaklap pa ay tumawag ang secretary ni Daddy sa Europe na kailangan na raw ang presensya ko doon dahil marami na sa mga investor ang gustong umatras. Sobrang stress ang inabot ko ng mga oras na ito kaya hindi ko na napigilan ang mapahampas sa aking table dahil sa matinding galit. “Ano ba ang silbi n’yo d’yan!? Sinasahuran kayo ng maayos kaya gawin ninyo ng maayos ang mga trabaho n’yo! Kung hindi lahat kayo ay mawawalan ng trabaho!” Ang galit kong bulyaw sa mga manager at supervisor na kausap ko sa zoom. Nagkaroon kami ng urgent meeting via zoom upang iparating ko sa kanila ang matinding disappointment ko sa kanilang mga performance. Walang naglakas loob na magsalita kahit isa sa kanila at ang iba ay napayuko na lamang dahil sa aking mga sinabi. Nang mga sandaling ito ay napuno na ako kaya walang paalam na pinatay ang aking laptop. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang tumulak patungong Europe mamayang gabi. Mapapa-aga ng husto ang flight ko dahil sa lumalalang problema sa kumpanya. Pansamantala si Daddy muna ang mag-aasikaso ng mga negosyo ko dito sa Pilipinas dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap ang aking kapatid. Nakausap ko ang isa sa mga kaibigan nito at ayon dito ay kasalukuyang sumasali sa isang competition ang kapatid kong si Drakos. Isang competition na para sa akin ay pag-aaksaya lamang ng oras, isang walang kwentang bagay! Napaupo ako sa aking swivel chair habang hinihilot ang aking sintido dahil bigla itong sumakit. Sa dami ng problema ko hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ipinikit ko ang aking mata at sumandal sa sandalan upang irelax ang aking isipan, ngunit sa tuwing pumipikit ako ang galit na mukha ng babae ang lumilitaw sa aking balintataw. Nang masilayan ko ang mukha ng dalaga sa aking isipan ay dagling naglaho ang galit at bigat sa aking dibdib. “Kumusta na kaya siya? May boyfriend na kaya siya? O baka mamaya ay ikakasal na pala ito… huwag naman sana.” Ang piping dalangin ko sa aking isipan. Hindi ko yata matatanggap kung sakaling may boyfriend na ito o may nagmamay-ari na sa kan’ya dahil para sa akin ay akin lang s’ya. Kung sakaling mangyari man ang aking kinatatakutan ay gagawin ko ang lahat maagaw ko lang s’ya. Kung saan-saan na napadpad ang aking isipan hanggang sa huli ay natauhan ako dahil kailangan ko pang paghandaan ang flight ko mamaya. Tumayo na ako sa aking swivel chair at dinampot ang susi ng aking sasakyan lumabas ako ng aking opisina habang bitbit ko ang aking attaché case. Nagmamadali kong tinungo ang aking kotse at ng makasakay ay mabilis na inistart ang sasakyan saka pinaandar. Kasalukuyan na akong nasa kahabaan ng Edsa patungong Forbes Park sa Makati kailangan ko muna na dumaan sa Mansion upang kunin ang aking maleta na pinahanda ko na sa maid kanina. Nakaramdam ako ng inis ng makita ko ang matinding traffic ngunit natigilan ako ng nahagip ng aking paningin ang isang babae na nagmamadaling sumakay sa isang itim na kotse nakasuot ito ng isang plain white t-shirt at maong pants simple man ang ayos nito ngunit kailanman ay hindi ko makakalimutan ang mukha nito. Kumirot bigla ang dibdib ko ng makita ko ang isang lalaki na humabol dito at tulad nito ay may pagmamadali sa mga kilos nito na sumakay ng kotse. Nang mga sandali na ito ay tila hindi na nakapag-isip ng tama ang utak ko at mabilis akong bumaba ng kotse ngunit mabilis na pinaharurut ng babae ang sasakyan kaya tanging usok ng sasakyan nito ang aking naabutan. Kaagad akong bumalik sa aking kotse at sinundan ito ngunit maraming kotse ang nakahambala sa aking harapan kaya galit akong nagbusina ng malakas. Nagalit ang ilang mga motorista dahil sa aking ginawa ngunit wala akong pakialam dahil ang nais ko ay ang maabutan ang babae. Lalo akong nagngingitngit sa galit ng tuluyan ng naglaho sa aking paningin ang sasakyan nito. “s**t!” Anya sa galit na boses bago malakas na hinampas ang manibela. Napakamalas ko naman kung kailan natagpuan ko na siya ay ganito pa ang sitwasyon, traffic na nga umuulan pa.” Habang patuloy sa pagdadrive panay ang lingon ni Demetriou sa mga sasakyan na kan’yang nakaka-salubong umaasa na muling masilayan ang dalaga. Bagsak ang balikat na tinahak ang daan patungo sa kanilang Mansion dahil bigo siya na mahanap ang dalaga. “May pagkakataon pa kaya na magtagpo ang mga landas namin? O baka talagang hindi kami ang para sa isa’t-isa?” Mga katanungan na labis na gumugulo sa isipan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD