Chapter 3

1838 Words
Zoe’s POV 8:30 ng gabi, kasalukuyan akong nakayuko sa gilid ng kama ng aking kapatid. Hindi ko na kinaya ang matinding pagod. Kararating ko lang galing trabaho kaya latang-lata ang pakiramdam ko. Trabaho at hospital ang naging routine ko sa araw-araw. Kinailangan ko na kasing asikasuhin ang aming negosyo bago pa ito bumagsak. Kaya wala akong pagpipilian kundi ang ipagkatiwala sa private nurse ang pagbabantay kay Collin. Nagsisimula pa lang ako na makatulog ng naalimpungatan ako sa isang kamay na dumantay sa aking braso. Mabilis akong nag-angat ng ulo at ganoon na lang ang labis na kasiyahan ko ng makita kong gising na si Collin at nakatingin sa akin ang namumungay nitong mga mata. “A-ate...” ang tawag nito sa akin sa paos na boses, biglang nawala ang antok ko at mabilis akong napatayo mula sa aking kinauupuan. “C-Collin! Salamat sa Diyos at gising ka na!” Ang nagagalak kong wika. Mabilis kong pinindot ang emergency button sa bandang ulunan nito bago ako lumapit sa kanya. Hinalikan ko ito sa noo habang maingat na hinihimas ang mahabang buhok nito. Isang minuto lang ang lumipas ay biglang pumasok ang isang doctor na may pagmamadali sa bawat kilos nito habang sa kan’yang likuran ay nakasunod ang apat na nurse. Mabilis na sinuri ng mga ito ang aking kapatid habang ako ay nakatayo lamang sa gilid ng kama nakamasid sa kanilang mga ginagawa. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman ko. Hindi rin maawat ang labis na pasasalamat ko sa Diyos, dahil sa wakas ay nagising na rin ang kapatid ko. “Ms. Sullivan, maayos na ang lagay ng kapatid mo at sa nakikita ko ay tuloy-tuloy na ang pag-galing niya, ngunit kailangan pa rin ng ibayong ingat. Dahil sariwa pa ang ilang sugat at tahi niya sa katawan. I think next week pwede mo na siyang iuwi.” Ang nakangiting sabi ng Doctor sa akin. “Maraming salamat po!” Pagkatapos magpasalamat sa Doctor ay mabilis akong lumapit sa aking kapatid at hinawakan ko ang kamay nito. Nang makaalis na ang Doktor ay bumaling sa akin ang aking kapatid kaya nagtama ang aming mga mata. Nang mga sandaling ito ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang nagtatanong ang mga tingin nito sa akin na may halong pagtataka. Hindi ko magawang tumitig sa mga mata nito kaya mas pinili ko na lang na ibaling sa ibang direksyon ang aking paningin. “Ate sina Mommy at Daddy? nasaan sila? Ok lang ba sila? bakit wala sila dito?” Natigilan ako sa mga tanong ng aking kapatid kaya sinikap kong pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata. Tinanggal ko muna ang tila bara sa aking lalamunan at pilit na ngumiti sa kan’ya bago ko sinikap na pasayahin ang aking boses. “B-busy sila sa trabaho kaya ako muna ang mag-aalaga sayo.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay matamis akong ngumiti sa kan’ya. Ngumiti ito sa akin, ngunit ang ngiti nito ay walang buhay ramdam ko ang lungkot sa kan’yang presensya kaya mas pinili ko na lang ang manahimik. “Ihahanda ko lang ang pagkain mo, sandali ha.” Ang sabi ko sa kan’ya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Tumayo ako at maingat na inangat ang kan’yang higaan upang makaupo ito at makakain ng maayos. Lumapit ako sa maliit na lamesa kung saan nakalagay ang pagkain, sinimulan ko na itong iayus sa isang tray bago inilapit at ipinatong sa kan’yang kandungan at sinimulan na itong subuan. Napaka-tahimik ng buong kwarto at tanging ingay lang ng mga kubyertos ang maririnig sa loob ng kwarto habang nagpapakiramdaman lang kami sa isa’t-isa. Ramdam sa buong kwarto ang kahungkagan ng bawat isa, dahil mula ngayon ay hindi na kami tulad ng dati na puno ng kasiyahan at kulitan hindi na kami matatawag na isang pamilya. Mabilis na lumipas ang panahon ilang buwan na rin simula ng makalabas ng hospital si Collin at tuluyan na siyang gumaling. Nang malaman niya na wala na ang aming mga magulang ay labis na nalungkot ito, walang araw na hindi kami umiyak ng aking kapatid. Tila pasakit sa amin ang bawat araw na lumipas, dahil kahit saan kami tumingin ay nakikita namin ang mga bagay na nakakapagpaalala sa aming mga magulang. Napakahirap para sa aming mag-kapatid ang makabangon muli at magsimula ng panibagong buhay.” “Ate malelate na ko!” Ang narinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa sala’s, Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa school. Pinagsasabay ko ang aking pag-aaral at ang pag-aasikaso sa negosyong naiwan ng aming mga magulang. Hindi naman kami mayaman, simple lang ang buhay namin. Sapat naman ang negosyong naiwan ng aming mga magulang para sa amin ng kapatid ko upang maipagpatuloy ang pag-aaral namin at mabili ang mga pangangailangan sa pang araw-araw. Malaking pasasalamat ko talaga sa aking Ama dahil sa murang edad ay nahasa na niya ako sa pagpapatakbo ng aming mga groceries. Dalawang malaking groceries ang aking minamanage., Hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Daddy, maging ang mga tauhan namin na kaya kong gampanan ang lahat sa ganitong edad ko. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos takbuhin ko na ang mga baitang nito. “Sorry! Pasensya na nalate ng gising ang ate, next time aagahan ko na promise!” Ang nakangiti kong wika ng maka-upo na ako sa driver seat at mabilis na isinuot ang aking seatbelt. “Huwag ka ng magtampo baby Collin, sige ka papangit ka na n’yan at baka mapagkamalan ka pang ampon dahil mas maganda na ako sa’yo!” Natawa ako ng lalong nanghaba ang nguso nito, ang cute talaga nitong magtampo para itong bata. “Pwede ba ate don’t call me baby, my gosh! I’m a first year college student and you're still calling me baby!? Nakakahiya.” Ang nakangiwi nitong wika na tila naiirita na siyang ikinatawa ko habang nakatutok ang aking mga mata sa daan. Masyado akong maingat sa pagdadrive kaya naging tahimik na ang mga sumunod na sandali hanggang sa nakarating na kami sa Guardian Angel College Of San Jose Bulacan. Sa iisang University lang kami nag-aaral, pagkagaling namin sa school ay diretso na kaagad kami sa aming groceries, iyon na ang naging daily routine naming magkapatid. Pagbaba namin ng sasakyan ay halos lahat ng mata ng mga estudyanteng lalaki sa amin nakatingin. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit marami ang nagsasabi na maganda kaming magkapatid ika nga walang tulak kabigin sa aming dalawa. Kilala rin kami sa University dahil lagi akong napipiling ilaban ng school sa mga competition sa ibang eskwelahan. I’m 19 years old, fourth year college sa kursong Bachelor of Business Management habang ang aking kapatid ay first year college and same lang din kami ng course. Takaw atensyon sa lahat ang grey naming mga mata. Sapagkat si Daddy ay may lahing Europeo, kaya sa side nina Daddy kami nagmana. Sa taas kong 5’7 ay marami na ang nag-alok sa aking magmodel ngunit hindi ako interesado mas gusto ko ang makatapos muna dahil marami akong pangarap para sa aming magkapatid. Sa ngayon kasi mas prioritize ko ang aking kapatid dahil para sa akin siya lang ang meron ako. Sa isa’t-isa na lang kami humuhugot ng lakas para maging matatag at tanging sa kapatid ko lang umiikot ang mundo ko. Ako na ngayon ang tumatayong Ama’t-ina kay Collin, kaya isinasantabi ko muna ang sarili kong kaligayahan. Humalik si Collin sa aking pisngi bago ito tumungo sa kan’yang first subject, hinatid ko muna ito ng tingin at ng mawala na ito sa aking paningin ay saka ko palang sinimulang lumakad patungo sa aming classroom habang bitbit ang maraming libro. Nagulat ako ng biglang may umagaw ng mga dala kong libro, “ Niel!” ang tawag ko sa aking kaibigan. Ito ang madalas niyang gawin kahit noong mga elementary pa lang kami. Sa totoo lang ay matagal na itong nanliligaw sa akin, ngunit wala naman akong nararamdaman para sa kan’ya at tanging kaibigan lang ang kaya kong ibigay. “Over protective ka sa kapatid mo ah, dalaga na yan para ihatid mo pa hanggang room.” Ang natatawa nitong komento. “ Aba syempre, s’ya na lang ang meron ako no’ kaya hindi ako papayag na masaktan ang kapatid ko lalo na ng mga lalaking manloloko, aba mahirap na.” Ang nakangiti kong wika, napapailing na lang ito sa akin. “Iyong tiyahin mong hilaw bumalik pa ba sa inyo?” Sumeryoso ang mukha nito ng magtanong sa akin. Alam kasi ni Niel ang mga nangyayari sa aking pamilya dahil matalik ko itong kaibigan. “Dalawang beses itong nagpakita sa amin at pinagpipilitan niya na kesyo daw sa kan’ya kami ini-habilin ni Daddy at ang malala pa ay nagdala pa siya ng abogado! Akala siguro niya ay magpapasindak ako sa kanila, Hmp! Never.” Ang nakasimangot kong wika. Parang bumigat ang dibdib ko ng maalala ko ang aming tita Marga at ang maldita nitong anak. Malaki ang galit ko sa pinsan kong ‘yon, dahil sa ginawa niyang paninira sa akin noon. Ipinagkalat kasi nito na hindi na raw ako virgin na kesyo daw sawsawan ako ng bayan. Palibhasa kasi malaki ang inggit sa akin, lalo pa itong nagalit ng manligaw ang crush nito sa akin. Kaya wala ng ginawa ang pinsan kong si Chelsy kundi ang magkalat ng mga maling impormasyon. “Kunsabagay alam ko naman na ikaw ang klase ng tao na hindi magpapatalo, lalo na pagdating sa kapatid mo tinalo mo pa ang sundalo kung makapag bantay.” Anya na sinundan pa ng tawa. “Ikaw ha, napapansin ko, iba ang tingin mo sa kapatid ko, huwag mong sabihin na may balak kang ligawan si Collin!? Dahil ba basted ka sa ’kin!?” Pinandilatan ko ito ng mga mata. Biglang namula ang mukha nito at nahihiyang nag-yuko ng ulo habang nakahawak sa batok kaya naman bumunghalit ako ng tawa. Kilalang kilala ko kasi ito dahil sabay kaming nagkaisip nito at parehas lang ang edad namin. “Kung gusto mo talaga ang kapatid ko hindi naman ako tututol, kasi kilala na kita at alam ko na hindi mo sasaktan ang kapatid ko, may tiwala ako sayo Niel.” Ang nakangiti kong wika habang nakatingin ng diretso sa kan’yang mga mata, kaya kita ko ang pag-ningning ng mga mata nito. “Talaga!?” Ang tila hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. “Oo naman, pero hindi ibig sabihin non na pumayag na ako na ligawan mo na ang kapatid ko ha! Bata pa siya at kailangan muna niyang magtapos.” Ang masungit kong sabi sa kan’ya. “Don’t worry Ate maghihintay ako at babantayan ko rin si Collin.” Ang nakangiti niyang wika. “Ate ka d’yan!” Hinampas ko ito sa braso na siyang ikinangiwi nito. “Masakit iyon ha, ikaw! kung hindi lang kita kilala iisipin ko na bakla ka kasi para kang lalaki kung makahampas.” Anya bago tumakbo palayo sa akin habang bitbit ang mga gamit ko. “Aba’t! Hoy! Bumalik ka dito!” Ang galit-galitan kong sigaw bago ko ito hinabol.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD