Brixton’s POV “H-huwag! Huwag po maawa kayo sa daddy ko...” Ang umiiyak na sabi ni Lily sa tonong nagmamakaawa. Nakatayo ito sa gilid ng sofa habang yakap ito ng kan’yang ina. Nagulantang ang buong pamilya sa biglaang pagpasok ng grupo ko sa loob ng kanilang tahanan at napangiti ako ng makita ko ang takot sa mukha ng buong mag-anak. Sinenyasan ko ang isang tao ko na mabilis namang lumapit sa padre de pamilya at kaagad na inundayan ito ng isang suntok sa sikmura. “Ahhkk!” Napaigik ito sa lakas ng suntok kaya paluhod itong bumagsak sa sahig habang sapo ang nasaktan na sikmura. “Daddy!” “Nestor!” Ang magkasabay na sigaw ng mag-ina na hindi malaman kung ano ang gagawin dahil sa matinding takot. Halos hindi gumagalaw ang mga ito sa kanilang kinatatayuan natatakot sa maaaring mangyari.