Drakos Aragon’s POV
“San ka galing kagabi!?” Ang maawtoridad na tanong sa akin ni Papa, Ito kaagad ang bungad niya sa akin pagpasok ko sa dining room.
Hawak nito ang isang news paper at abala sa pagbabasa ng isang article, hindi man lang ito nag-abalang tapunan ako ng tingin.
Hindi ko inaasahan na dadatnan ko ito dito ngayon, dahil lagi naman itong wala sa bahay.
Lagi kasi itong nasa business trip at sa loob ng isang buwan ay halos isang beses lang kami nagkita.
Tahimik akong umupo sa isang bakanteng upuan na nasa right side nito imbes na sumagot sa tanong nito at dinampot ko na lang ang isang tasa ng mainit na kape at inabala ang sarili sa paghigop nito.
Alam ko rin naman na matinding sermon ang matatanggap ko ngayong araw mula sa kan’ya.
“Ganyan ba ang buhay na gusto mo!?
Puro ka na lang barkada! Walang magandang maidudulot ‘yang mga kaibigan mo sa’yo! Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo, nakapag pundar na ng sarili niyang negosyo. Ikaw? tumatanda ka na lang ng walang napapatunayan sa iyong sarili! 26 ka na Drakos at hanggang ngayon ay puro ka pa rin pasarap sa buhay!” Ang seryoso nitong sermon sa akin bago ibinaba ang newspaper sa gilid ng lamesa.
Tumingin ito sa akin at bakas sa mukha ng aking ama ang matinding disappointment nito sa akin.
“Lagi namang si kuya ang nakikita n’yo, bakit hindi na lang kayo mag focus sa kan’ya total s’ya naman ang laging magaling sa ‘yong paningin.” Ang walang gana kong sagot sa aking ama na hindi tumitingin dito, habang patuloy lang ako sa pagkain ng aking almusal.
“Talagang sinasagad mo ang pasensya ko Drakos!
Next week sasama ka sa Europe! Huwag mong subukan na taguan ako.
Dahil hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka ng mana!” Ang may babala nitong wika bago galit na tumayo ito at naiwan akong mag-isa sa hapag kainan.
“Lagi na lang ibinibida ng aking ama ang kapatid ko, lalo na ang mga achievement nito pagdating sa mga negosyo. Wala kasi akong hilig sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang tanging nagpapasaya sa akin ay ang pagsali ko sa mga racing na para sa aking ama ay isang kabaliwan at walang kwentang basura.
Maging sa mga Academics ko ay halos walang sinabi sa mga academics ng aking kapatid lagi itong valedictorian, samantalang ako ay halos mga pasang awa ang grades. Hindi naman ako bobo sadyang wala talaga akong hilig na mag-aral.
Lahat na yata ng magagandang katangian ay nasa aking kapatid na kabaligtaran ng aking katangian na labis kong ikinaiinis. Ang tanging pagkakapareho lamang namin ay ang aming personal appearance.
Bigla akong nawalan ng ganang kumain at padabog na tumayo, lumapit naman ang mga katulong upang iligpit ang mga pagkaing halos hindi pa nagagalaw.
Bumalik ako sa aking kwarto at hinanap ko ang susi ng kotse ko sakto naman na nag-ring ang aking cellphone kaya mabilis ko itong sinagot.
“Bro, naghahamon ang kabilang grupo malaki ang pustahan, ano, nasa condition ka ba ngayon?” Pagkasagot ko ng tawag ay ito kaagad ang bungad sa akin ng kaibigan kong si Henry mula sa kabilang linya.
“Parang hindi mo naman ako kilala, kailan ba ako umatras sa laban!? Sige hintayin mo ako d’yan paalis pa lang ako ng bahay.” Saad ko bago pinatay ang tawag. Nagmamadaling dinampot ko ang aking wallet kasama ang susi ng sasakyan.
Paglabas ko ng kwarto ay hindi ko na nadatnan pa si Papa sa labas, alam ko na busy na naman ito sa kan’yang opisina na nasa loob ng library dito sa Mansion.
Sa totoo lang ay masyadong pribado ang buhay ng aking ama, masyado itong malihim dahil kahit mismong ako na anak ay hindi ko masyadong kilala ang pagkatao nito.
Minsan nagugulat na lang ako kung paano nagiging triple ang yaman nito sa loob ng isang taon ganoon ito kalupit pagdating sa negosyo.
Sa kan’ya nagmana ang aking kapatid masyadong workaholic, bukod tanging ako lang ang naiiba sa pamilya, happy go lucky.
Matulin kong pinatakbo ang aking black sports car, patungong stadium dahil may laban ako ngayon.
Ang isang oras na biyahe ay naging 20 minutes lang sa akin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko sa aking sasakyan.
“Wow, Pare mukhang nasa kondisyon ka ngayon ah,” ang sabi ni Raul ng salubungin ako nito, kabababa ko pa lamang sa aking sasakyan.
“Kumpleto ang lahat ah, so magkano ang pustahan?” Ang agad kong tanong sa kan’ya, “Bro!” Ang narinig kong tawag sa akin ni Henry kaya hindi na ako nasagot ni Raul. Nakangiti naman akong lumapit sa dito habang sa aking likuran ay nakasunod si Raul.
“Asan ‘yong dalawa?” Ang tanong ko kay Henry ng makalapit na ako sa kan’ya nakita ko na pinahaba nito ang nguso na wari mo ay may tinuturo kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin.
Huminto ang aking mga mata sa dalawa kong kaibigan na abala sa pakikipaghalikan sa mga babaeng kapartner nila.
“Tsk! Ang hilig talaga ng dalawang ‘yan kahit saan na lang abutan ng libog sa katawan.” Ang natatawa kong wika bago bumaling kay Henry at Raul.
Sa aking mga kaibigan ang dalawang ito ang pinaka malapit sa akin.
“Bro five hundred thousand ang pustahan kapag nanalo ka may pang good time na tayo mamaya.” Ang nakangiting wika ni Henry, “Cool,” ang tipid kong sagot habang naglalakad pabalik sa aking kotse.
Mayayaman ang mga pamilya ng aking mga barkada, si Henry, Raul at ako lang ang medyo matino pa sa aming grupo. Dahil alak, sigarilyo at babae lang ang bisyo naming tatlo, samantalang sina Clinton, Brixton and Remz hindi lang alak, sigarilyo at babae ang tinitira ng mga ito gumagamit din sila ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan ang mga ito, marahil dahil sa pareho kami ng mga hilig sa racing kaya kami nagkakasundo.
Sinimulan ko ng paganahin ang makina ng aking sasakyan, kinundisyon ko muna ito bago isabak sa laban.
Ilang sandali pa ay may humintong red sports car sa gilid ng aking sasakyan, may kaangasan ang pagkakaparada ng sasakyan nito, narinig ko naman ang pagkatok ni Henry sa salaming bintana ng kotse ko kaya ibinaba ko iyon.
“Bro ‘yan ‘yong makakalaban mo, talunin mo para sa akin kanina pa ako nayayabangan sa isang ‘yan.” Ang sabi nito sa akin habang masama ang tingin sa kabilang sasakyan.
“Don’t worry, akong bahala ilalampaso natin ‘yan,” ang mayabang kong wika bago ngumisi dito, nabaling ang tingin ko sa kabilang sasakyan na sakto namang nakatingin ito sa akin.
Nakita ko ang pagsenyas nito ng kan’yang kamay na nakadirty finger habang nakangisi.
Napapailing na lang ako na itinutok ko ang aking mga mata sa unahan ng sasakyan.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang putok ng baril hudyat na simula na ng laban, matulin kong pinatakbo ang aking sasakyan, kita ko sa aking Peripheral vision ang pakikipagsabayan ng kalaban ko na nasa kanang gilid ko.
Isa akong sikat na racer at wala pang nakakatalo sa akin, kaya marami ang nagnanais na makalaban ako ngunit ang lahat ay umuuwing talunan.”
Ang lahat ay tahimik na nag-aabang sa magiging resulta ng laban at inaasahan na ng mga kaibigan ni Drakos ang kan’yang pagkapanalo.
Ngunit isa sa kan’yang kaibigan ay taliwas ang nararamdaman sa mga kaibigan nito.
Walang kaalam-alam ang mga kasama nito na may lihim itong galit kay Drakos at ang tanging nakakaalam lang ay ang isa sa mga kaibigan nila na malapit dito. Siya si Brixton Miller isang dating sikat na racer ngunit ng dumating si Drakos at makailang ulit siyang tinalo nito ay unti-unting nasira ang kan’yang career.
Wala sa loob na napangiti ang binata dahil sa isang masamang balak na nabuo sa kan’yang isipan.
“Yahoooooo! The best ka talaga pare! sabi ko na at matatalo mo ang mayabang na yan!” Tuwang-tuwa na sabi ni Henry ng makababa si Drakos sa kan’yang sasakyan.
Nakangiti namang kinamayan isa-isa ng binata ang kan’yang mga kaibigan, lumapit si Brixton kay Drakos at nakipagkamay dito hindi halata sa mukha nito na sa loob ng puso nito ay nagngangalit na siya sa matinding galit.
“So celebrate na natin ‘yan mamaya, dating gawi. May surpresa ako sayo.” Si Brixton habang nakapaskil ang isang ngiti sa mga labi nito na kung titingnan mo ay mukhang masaya para sa kan’yang kaibigan.
“Sure Pre, game ako d’yan, hindi ko tatanggihan ‘yan.” Ang masayang sagot ni Drakos, nagbitaw ng kamay ang dalawa at tinalikuran na ito ni Drakos lumapit kay Henry na hawak ang makapal na pera. Hindi na nakita ni Drakos ang mapanganib na ngiti ni Brixton habang nakatanaw sa binatang papalayo.
“Bro, ano, tuloy ba natin mamaya?” Ang pasimpleng bulong ni Clinton kay Brixton, nakatanaw din ito sa tatlo nilang kaibigan na nagkakasiyahan.
Sanggang-dikit ni Brixton si Clinton, magkasama ang dalawa maging sa mga transaction nito sa mga droga. Walang alam ang tatlong kaibigan nila sa mga illegal na kinasasangkutan ng dalawa.
Ang alam lang nila ay user lang sila Brixton at Clinton, ngunit hindi lingid sa kaalaman ng kanilang mga kaibigan na sila ang supplier ng shabu sa Manila na inaangkat pa nila sa Thailand.
“Lakas ng loob maghamon, eh, di nilampaso ka ngayon!” Ang nang-aasar na sabi ni Henry na sadyang ipinarinig sa nakalaban ni Drakos kanina.
Hindi nakapagpigil ang lalaki at mabilis na lumapit ito kay Henry at binigyan ito ng isang malakas na suntok sa mukha na siyang ikinagulat ng lahat.
Nagalit si Drakos ng makita ang duguang ilong ng kaibigan, kaya gumanti siya ng suntok sa kalaban. Ang suntukan ay nauwi sa riot, suntok doon, suntok dito ang ginawa ng isa’t-isa pati ang anim na kasama ng kalaban.
Mabilis na lumapit sina Brixton at Clinton na tila natutuwa sa mga nangyayari kaya nakisuntok din ang mga ito. Palibhasa ay may epekto pa ang shabu na hinithit nila kagabi kaya pakiramdam ng dalawa ay high na high sila halata sa mga mata nilang nanlilisik.