"AVA."
Napatigil si Ava mula sa paglabas ng dining area nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Tita Minerva.
Saglit naman niyang ipinikit ang nga mata bago niya ito nilingon. "Po?"
"Sumabay ka na sa amin na kumain," wika nito sa kanya.
Hindi naman siya agad nakasagot sa sinabi nito, sa halip ay tumitig lang siya dito. Mula naman sa gilid nang kanyang mga mata ay napansin niya ang pagsulyap sa kanya ni Manang Esvi. Mukhang pati ito ay hindi makapaniwala sa narinig.
"Mamaya na lang po ako kakain," sagot naman niya ng makabawi siya sa pagkabigla. Sa totoo lang ay ayaw niyang makasabay ang mga ito na kumain. Simula noong mawala ang Papa niya ay hindi na siya pinapasabay ng mga ito kapag kakain na. Ang madalas na makasabay niya ay si Manang Esvi.
"I'll take no for an answer, Ava," wika naman ni Tita Minerva. Pagkatapos niyon ay sumulyap ito kay Manang Esvi. "Manang magdagdag kayo ng plato sa hapag," utos nito. "Sasabay sa amin si Ava."
Saglit namang nakatitg si Manang Esvi sa kanya bago walang imik na sinunod nito ang inutos ni Tita Minerva dito.
"Sit down, Ava. Masamang pinaghihintay ang pagkain," nakangiting wika ni Tita Minerva sa kanya.
"What are you still standing there?" mayamaya ay wika ni Melissa sa kanya, tila naiinip ito nang hindi pa siya kumikilos mula sa pagkakatayo niya.
"Melissa," sita naman ni Tita Minerva sa anak. Isang irap lang naman ang sinagot ni Melissa dito. At nang sumulyap ulit si Tita Minerva sa kanya ay napansin niyang muli itong ngumiti. Medyo napapaisip tuloy siya sa nangyayari. "You may sit down, Ava. Para makakain na tayo."
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Ava. Pagkatapos niyon ay walang imik na umupo siya sa harap ng mesa. Alam naman kasi niyang hindi siya mananalo dito.
Napansin naman ni Ava ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Tita Minerva pero pinagkibit balikat na lang niya iyon.
"Let's eat," anunsiyo nito.
Nag-umpisa namang kumain ang dalawa. Siya naman ay saglit niyang ipinikit ang mga mata at taimtim na nagdasal para magpasalamat sa pagkain na nakahain sa mesa. At nang matapos ay nagsimula na siyang kumain. Halos binilisan nga niya ang pagkain para matapos na siya agad at makaalis na siya.
"Tapos na po ako," wika niya nang matapos siya sa pagkain. Tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya. "Excuse me po," paalam niya.
Akmang maglalakad na siya palabas ng dining area nang mapatigil siya nang tawagin siya ni Melissa. "And where do you think your going? Aalis ka? Sino ang magliligpit nitong table?" inis na wika ni Melissa sa kanya. Ito pa ang may gana na mainis sa kanya, eh, sa kanilang dalawa ay ito ang may atraso.
Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng unahan siya ni Tita Minerva. "Sige na, Ava. Ako na ang bahala dito. Magpahinga ka na," wika naman nito.
"Ma!"
"Shut up, Melissa," suway naman ni Tita Minerva dito. Mas lalo namang napasimangot si Melissa.
Hindi naman na siya nagsalita. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nagtungo siya sa kwarto niya.
Pagdating nga niya sa kwarto ay hindi niya mapigilan ang mapaisip sa kakaibang kinikilos ni Tita Minerva.
Nagtataka siya kung bakit nagpapanggap itong mabait sa kanya. Eh, alam naman niya ang totoong ugali nito.
Ipinilig na lang naman ni Ava ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Humakbang naman siya patungo sa closet. Kumuha siya ng damit at saka siya pumasok sa loob ng banyo. Maliligo na kasi siya dahil nakakaramdam siya ng init. Summer na kasi ng mga panahon na iyon.
Medyo nagtagal nga siya sa loob ng banyo. Do'n na din siya nagbihis. At nagulat siya nang paglabas niya ay nadatnan niya si Tita Minerva na nakaupo sa gilid ng kama. May hawak itong isang paper bag. At nang makita siya nito ay tumayo ito at humakbang palapit sa kanya.
"Here," mayamaya ay wika nito sabay abot sa hawak nitong paper bag.
Sa halip naman na kunin ang inaabot nito ay tiningnan lang niya iyon. "Ano po iyan?" tanong niya dito.
"Hmm...dress," sagot ni Tita Minerva. "And I want you wear it now dahil may pupuntahan tayo," dagdag pa na wika nito.
Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. "Saan po tayo pupunta?" tanong niya.
"Basta," makahulugan na sagot nito. Pagkatapos niyon ay tiningnan nito ang suot na wristwacth. "I wait you downstair. Don't make me wait, Ava." dagdag pa na wika nito.
Hindi na nga nito hinintay na magsalita siya. Sapilitan na binigay nito ang hawak na paper bag at walang salitang lumabas ito sa kwarto niya.
Nasundan na lang naman ni Ava ang pintong nilabasan ni Tita Minerva.
"K-KANINONG bahay po ito, Tita Minerva?" nagtatakang tanong ni Ava kay Tita Minerva nang ihinto nito ang minamanehong sasakyan ng pumasok sila sa malaking gate.
"Hindi lang iyan bahay, Ava. Mansion iyan," sagot naman nito ng patayin nito ang makina ng kotse. "Baba ka na," utos nito sa kanya ng tanggalin nito ang suot na seatbelt. Hindi na din siya nito hinintay na magsalita. Bumaba na ito ng sasakyan at kahit na nagtataka ay bumaba na din siya.
Inayos pa nga niya ang suot na puting dress na gustong isuot ni Tita Minerva sa lakad nila.
Napatingin naman si Ava sa bahay. Tama nga si Tita Minerva, hindi lang simpleng bahay iyon, kundi mansion. At masasabi niyang maganda ang exterior nang nasabing mansion. At alam niyang milyon-milyon ang nagastos para lang mapagawa iyon. Naisip niyang sobrang yaman ng may-ari ng mansion.
Mayamaya ay napatingala si Ava sa bintana na nasa pangalawang palapag ng mansion nang may maaninag siyang nakatayo do'n. Bahagya namang kumunot ang noo niya nang makitang nawala na parang bola ang aninong nakita niya. Pero nakita niyang gumalaw ang kurtina do'n. Kaya sigurado siyang may nakasilip doon kanina.
"Ava."
Inalis naman niya ang tingin sa bintana sa pangalawang palapag nang marinig niya ang pagtawag ni Tita Minerva sa kanya. "Let's go," yakag na nito sa kanya.
Naglakad naman na ito papasok na agad niyang sinundan. May sumalubong naman sa kanila na isang lalaki, foreigner. At hindi niya napigilan na mapatitig sa lalaki dahil parang pamilyar ang mukha nito, parang nakita na niya ito, hindi lang niya alam kung saan.
"Mr. Mancini," nakangiting wika naman ni Tita Minerva sa lalaking sumalubong sa kanya.
"Mrs. Ceralde, nice meeting you again," wika naman ni Mr. Mancini dito. Mukhang magkakilala ang dalawa. At mayamaya ay napatingin ang lalaki sa gawi niya. Ngumiti ito nang magtama ang mga mata nila, hindi naman niya alam kung ano ang gagawin. Pero dahil ayaw niyang maging bastos ay gumanti din siya ng ngiti dito. "Siya na ba si Ava Ceralde?" tanong ni Mr. Mancini kay Tita Minerva ng bumalik ang tingin nito.
"Yes, yes," nakangiting sagot ni Tita Minerva."
"She's really beautiful. No wonder," makahulugang wika ni Mr. Mancini. "Oh, shall we?" mayamaya ay yakag na nito sa kanila papasok sa loob ng mansion.
"Sure," masigla ang boses na wika ni Tita Minerva. Nag-umpisa namang maglakad ang dalawa papasok sa loob ng mansion. Naiwan naman siya sa kinatatayuan, hindi kasi niya alam kung susunod ba siya o hindi. May kakaiba kasi siyang nararamdaman.
At mukhang naramdaman ni Tita Minerva na hindi pa siya susumunod dahil huminto ito at nilingon siya. Napansin nga niya ang pagkunot ng noo nito nang makita siya. "Let's go, Ava."
Bumuntong-hininga siya bago siya humakbang. Hindi naman napigilan ni Ava ang paggala ng tingin sa loob mansion ng nakapasok siya. The house's interior is a sight to behold. At halatang mamahalin ang lahat ng naroon sa loob.
"Take a sit, Miss Ava. May pag-uusapan lang kami ni Mrs. Ceralde," mayamaya ay wika ni Mr. Mancini sa kanya.
"O-okay po," sagot naman niya. Umalis naman ang dalawa sa harap niya. Napaupo naman si Ava sa malambot na sofa na naroon habang hinihintay na bumalik ang mga ito.
Mayamaya ay napatingin siya sa kanyang gilid ng makarinig siya ng mga yabag. At nakita niya ang isang babae na may bitbit na isang tray na may lamang pagkain. At base sa suot nitong uniform ay mukhang kasambahay ito doon.
"Good afternoon, Ma'am," bati nito sa kanya ng tuluyan nakalapit.
"Good afternoon," ganting bati din niya dito.
"Mag-meryenda po muna kayo," wika naman ng babae bago nito inilapag ang hawak nito sa center table. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanya.
Sa halip naman na pagtuunan niya iyon ng atensiyon ay muli siyang sumulyap kung saan nagpunta si Tita Minerva at si Mr. Mancini Hindi din niya napigilan ang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa at kung ano ang ginagawa nila doon. Wala kasi siyang ka-idi-ideya.
Hindi nga din niya maiwasan ang makaramdam ng kaba nang medyo magtagal ang pag-uusap ng dalawa. At makalipas ng ilang minuto ay napaayos siya mula sa pagkakaupo nang makita niya ang dalawa na pabalik sa kinaroroonan niya. Napatingin naman siya kay Tita Minerva nang mapansin niya na ang matamis na ngiti sa labi nito, kita nga din niya ang ningning sa mga mata nito, mukhang masaya ito.
"Thank you, Mr. Mancini," wika ni Tita Minerva sa lalaki, mukhang nagpapalaam na ito.
Nang marinig niya iyon ay tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa.
"Aalis na po tayo, Tita Minerva?" singit naman ni Ava.
Nilingon naman si Tita Minerva sa kanya. At saka ito nakangiting umiling, mukhang masaya ito. "No. Ako lang ang aalis, Ava. And you stay here," wika nito sa kanya.
"Po?" gulat na tanong naman niya. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?"
"From now on ay dito ka na," sagot naman nito. Pagkatapos niyon ay muli nitong nilingon ang lalaki. "Sige, Mr. Mancini. Mauna na ako," pamamaalam na ni Tita Minerva.
Nag-umpisa naman itong humakbang. Pero nakakadalawang hakbang lang ito ng hawakan niya si Tita Minerva sa braso dahilan para mapatigil ito sa paglalakad.
"A-ayoko pong maiwan dito, Tita Minerva. Sasama po ako sa inyo," wika naman niya.
Sa halip naman na sagutin siya ni Tita Minerva ay hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak dito at binaklas nito iyon.
"No," matigas na wika ni Tita Minerva. "You stay here, Ava. At huwag matigas ang ulo para hindi uminit ang ulo ko," dagdag pa na wika nito sa mahinang boses. Mukhang ayaw nitong iparinig ang sinabi nito kay Mr. Mancini.
Para naman siyang na-estatwa mula sa kinatatayuan ng magpatuloy sa paglalakad si Tita Minerva. At nang tuluyan itong mawala sa paningin niya ay doon lang naman siya nakakilos. At akmang susundan niya si Tita Minerva nang mapatigil siya ng magsalita si Mr. Mancini.
"Saan ka pupunta, Miss Ava?" tanong ni Mr. Mancini sa kanya.
Nilingon naman niya ito. "U-uuwi na po ako," sagot niya dito.
Umiling-iling naman ito. "You can't," wika ni Mr. Mancini sa kanya.
"Po?"
"You can't leave this mansion, Ava. Because Mrs. Ceralde, your stepmother, sold you to my boss, Mr. Dimitri Gotti."
Hindi naman napigilan ni Ava ang pag-awang ng bibig nang marinig niya ang sinabing iyon ni Mr. Mancini.