TAGATAK na ang pawis sa noo ni Ava Ceralde habang hinihintay niya ang susundo sa kanya. Katatapos lang niyang mag-grocery sa isang malaking mall ng sandaling iyon dahil nautusan siya ng Stepmother niyang si Minerva. May darating kasi na bisita ang stepsister niyang si Melissa sa bahay nila.
Tiningnan naman ni Ava ang wristwatch na suot. At napabuntong-hininga siya nang makitang sampung minuto na siyang naghihintay sa labas ng Mall dahil sa paghihintay kay Tita Minerva.
Tita Minerva dropped her at the Mall. At sinabi nitong babalikan siya nito doon kapag tapos na siya. Nang matapos nga siyang mag-grocery ay tinext niya ito para ipaalam na tapos na siya. At sinabi naman nito sa kanya na hintayin na lang siya nito sa labas. Ayaw daw kasi nito na pinaghihintay. Kaya kahit na mainit sa labas ay hinintay pa din niya ito para hindi siya nito pagalitan.
At ang sampung minutong paghihintay ay nadagdagan pa ng limang minuto. Saglit naman niyang ibinaba ang hawak na plastic bag at saka niya kinuha ang panyo sa loob ng bag at saka niya pinunasan ang pawis sa noo. Saktong pinupunasan niya ang noo nang mapansin siyang may humintong isang kotse sa harapan niya. Nag-angat naman siya ng tingin at nakita niya ang isang itim kotse. At hindi lang isang simpleng kotse iyon, kung hindi siya nagkakamali ay isang mamahaling kotse ang tumigil sa harap niya. Ilang milyon din ang halaga at tanging bigating tao ang makakabili ng ganoong kotse.
Mayamaya ay napatingin siya sa gawi ng driver seat nang makita niyang bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki, sa tantiya niya ay lagpas trenta anyos ang lalaki. Matangkad at mukhang foreigner dahil sa features nito. Gwapo din ang lalaki.
Inalis na din niya ang tingin sa lalaki nang makitang nagmamadaling umalis ito.
Muli naman niyang itinutok ang tingin sa itim na kotse. Sa pwesto nga niya ay nasa harap siya ng tinted na bintana sa gawi ng backseat. Hindi nga niya alam kung may tao ba sa loob dahil tinted ang mga bintana ng kotse. She couldn't explain why she couldn't get her eyes off the car window. Para kasing may magnetiko na naghihila sa kanya na titigan iyon. Ilang saglit siyang nakatitig doon hanggang sa mag-focus ang atensiyon niya sa sariling repleksiyon sa salamin. At kitang-kita niya ang pagod sa mukha niya. Kita nga din niya ang pawis sa mukha at sa kanyang leeg.
Ipinagpatuloy naman niya ang pagpupunas sa noo niya. Bahagya nga din niyang inangat ang mukha para mapunasan ang pinagpapawisan na leeg. At nang matapos siya ay kinuha niya ang cellphone sa bag para tawagan si Tita Minerva. At habang nagri-ring iyon ay nakita niyang bumalik na ang lalaki at pumasok na ito sa loob ng driver seat. Pero nagtaka siya kung bakit hindi pa din umaalis ang kotse sa harap niya. Nanatili pa din iyon na nakatigil sa harap niya. Mukhang may hinihintay pa.
Nawala naman na iyon sa atensiyon ni Ava nang mayamaya ay sinagot ni Tita Minerva ang tawag niya.
"Tita Minerva, nasaan na po kayo?" tanong niya ng sagutin nito ang tanong niya.
"Nasa bahay na, Ava, " sagot naman nito dahilan para magtaka siya.
"Po?" sambit naman niya. "Akala ko po ay babalikan niyo po ako dito?" tanong niya. Iyon kasi ang sinabi nito sa kanya kanina noong i-text siya nito.
"Nakalimutan ko. Mag-commute ka na lang."
"Sana sina-
Hindi na natapos ni Ava ang iba pa niyang sasabihin nang mawala na sa kabilang linya si Tita Minerva. Kagat naman niya ang ibabang labi na ibinaba niya ang cellphone.
Hindi ka pa nasanay, Ava? Eh, wala namang pakialam ang stepmother mo sa 'yo, wika naman ng bahagi ng isipan sa kanya.
Tita Minerva is her stepmother. At the age of 21, her Dad introduced Aunt Minerva to her as his girlfriend. And just a few months after he introduced Aunt Minerva, the two got married.
Wala namang problema sa kanya kung pakasalan ng Papa niya si Tita Minerva. Kita naman niya ang saya sa mukha ng Papa niya habang kasama nito si Tita Minerva na matagal na niyang hindi nakikita simula noong mamatay ang Mama niya limang taon na ang nakakalipas dahil sa isang malubhang sakit. Inakala niyang hindi na niya muling makikita pa ang kislap sa mga mata ng Papa Robert niya pero noong dumating sa buhay nito si Tita Minerva ay muli niya iyong nakita. At hindi naman siya selfish para ipagkait iyon sa ama kaya tinanggap niya ang desisyon nitong magpakasal muli.
Tumira nga din si Tita Minerva sa bahay nila at kasama nito ang anak nitong si Melissa. Mag ka-edad din silang dalawa.
Wala naman siyang problema sa dalawa dahil mabait ang mga ito sa kanya, tinuring nga din siya ng dalawa na parang tunay na kapamilya. Oh, she just thought that. Dahil habang tumatagal na nakakasama niya ang mga ito ay do'n lumabas ang tunay na ugali ng Tita Minerva at ni Melissa. Lalo na kapag wala ang Papa Robert niya sa bahay.
Binawi niya ang sinabi niya na mabait ang mga ito. Dahil masama ang ugali ng mag-ina. Hindi naman siya makapag-sumbong sa Papa niya dahil binalaan siya ng Tita Minerva niya. Kapag nagsumbong siya ay iiwan daw nito ang Papa niya. Hindi naman niya magawa dahil ramdam niya na mahal ng Papa niya si Tita Minerva. Kaya siya na lang ang nag-adjust.
Pero hindi inaakala ni Ava na mas lalong madadagdagan ang problema niya nang mamatay ang Papa niya dahil sa isang car crash.
And her life turns upside down since then. Literal kasing naging Cinderella ang buhay niya sa kamay ng stepmother at stepsister niya.
Hindi na niya natapos ang pag-aaral niya kahit na last sem na lang dahil pinatigil siya ni Tita Minerva. Inalila din siya ng mga ito, pinag-resign ng mga ito ang dalawang kasambahay nila sa bahay at si Manang Esvi na lang ang natira. Inalila siya ng mag-ina sa sarili niyang pamamahay. Nilulustay din ng mga ito ang perang naiwan ng ama. Wala din naman siyang nagawa dahil legal na asawa ng Papa niya si Tita Minerva.
Sa totoo lang ay gusto ni Ava na umalis sa bahay pero hindi niya magawa dahil hindi niya maiwan ang memories ng magulang sa bahay. At ang mga kamag-anak niya ay nasa malayong lugar at ayaw naman niyang pati problema niya ay problemahin din ng mga ito.
Kaya kahit nahihirapan ay nagtitiis siya. She was 24 years old now and she endured for four years.
Nagpakawala naman si Ava nang malalim na buntong-hininga. Ibinalik na niya ang cellphone sa loob ng bag at saka niya dinampot ang mga plastic bag na inilapag niya sa sahig kanina.
Nagsimula na din naman siyang humakbang patungo sa kinapaparadahan ng Taxi. At habang naglalakad siya ay doon lang din niya napansin ang pag-usad ng mamahalin na kotse na nakahinto kanina sa harap niya.
NAPATIGIL si Ava sa paglalakad nang maulingan niya ang boses ni Tita Minerva at Melissa. Mukhang may masinsinan na pinag-uusapan ang dalawa.
"Mama, paano iyan? Kailangan kung sumama sa mga kaibigan ko. Sinabi ko na sasama ako sa kanila sa pagbabakasyon nila sa ibang bansa. Ayaw kung mapahiya sa kanila kung bigla akong magba-back out," rinig niya ang frustration sa boses ni Melissa habang kausap nito ang Mama nito. "Wala ba kayong maibibigay sa akin?"
Hindi na niya narinig ang magiging sagot ni Tita Minerva kay Melissa dahil umalis na siya sa kinatatayuan. Sa narinig ay mukhang problema ni Melissa ang pera. Melissa is happy go lucky person. Mahilig itong mag-shopping. Mahilig din itong mag-travel abroad at alam niyang ang naiwan na pera ng Papa niya ang ginagamit nito sa mga luho nito. Wala naman kasing trabaho si Melissa kahit na nakapagtapos ito ng pag-aaral, umaasa lang din ito sa Mama nito.
Ipinilig na lang naman ni Ava ang ulo para maalis sa isip niya ang dalawa. Gusto niyang maging stress fee ang isip niya kahit ngayon gabi lang. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa garden sa labas ng bahay.
Umupo siya sa hammock na naroon at saka siya tumingala sa langit. Kahit papaano ay napangiti pa din siya nang makita niya ang mga bituin na nagkikislapan sa kalangitan. Kahit papaano ay gumaan pa din ang pakiramdam niya.
Ilang oras nga din siyang nanatili sa kinauupuan hanggang sa napagpasyahan na niyang bumalik sa kanyang kwarto.
Pagpasok nga niya sa loob ng kanyang kwarto ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mapansin na bukas ang closet niya. Napansin din niyang magulo iyon na parang hinalughog. Hindi naman niya napigilan na makaramdam ng kaba ng sandaling iyon ng patakbo siyang humakbang patungo sa closet niya. Agad niyang binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang mga alahas niyang bigay sa kanya ng magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. At ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang walang natira sa mga alahas niya.
Hindi din niya napigilan ang mapakuyom ng mga kamao dahil sa biglang galit na naramdaman niya. May ideya na kasi siya kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto niya at kung sino ang kumuha sa mga alahas niya. Sa totoo lang ay hindi siya nakaramdam ng galit noong inalila at pinahirapan siya ng dalawa. Hindi siya nagalit kapag sinasaktan siya ng pisikal. Pero iba ngayon. She was mad dahil iyong iniingatan niya ay kinuha na lang basta sa kanya. Nakakuyom nga ang kamay niya nang lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Melissa.
Pagkarating niya doon ay agad niyang binuksan ang pinto ng hindi man lang kumakatok.
Napansin niya ang gulat na bumalatay sa mga mata ni Melissa nang mag-angat ito ng tingin sa biglang pagpasok niya sa loob ng kwarto. "Austin, I call you later," mayamaya ay paalam nito sa kausap.
At nang maibaba nito ang tawag ay tumayo ito mula sa pagkakasandal nito sa kama at nakapamaywang na hinarap siya nito.
"What the f**k are you doing in my room?!" Galit na wika nito sa kanya.
Sa halip naman na sagutin ito ay inilahad niya ang kamay sa harap nito. "Akin na," wika niya dito.
Nagsalubong naman ang kilay nito. "What do you mean?"
"Akin na iyong kinuha mo sa kwarto ko," sabi niya dito.
"Hindi ko kinuha ang alahas mo!" pagalit na wika nito sa kanya.
"Wala pa akong sinabi na mga alahas ko ang kinuha mo pero binuking mo na ang sarili mo," wika niya dito, napansin naman niya na saglit itong natigilan pero mayamaya ay napansin niya ang nag-aapoy na mga mata nito habang nakatingin iyon sa kanya.
"Pinagbibintangan mo ba akong ninakaw ang mga alahas mo?"
"Yes. Kaya akin na," wika naman niya dito.
"Wala akong ninanakaw," mariing tanggi naman nito.
Sa halip naman na magsalita ay nagpatuloy siya sa paghakbang patungo sa closet nito. Binuksan niya iyon at akmang hahalughugin niya iyon ng may marahas na kamay ma humawak sa braso niya at pinaharap siya. At agad ma sumalubong sa kanya ang isang malakas na sampal sa kanyang pisngi.
"Get out of my room now!" sigaw ni Melissa sa kanya, itinulak pa nga siya nito dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo siya sa sahig.
Kumuyom naman ang mga kamao niya habang nakatitig siya kay Melissa. Sobrang talim naman ang titig na pinagkakaloob nito sa kanya.
Tumayo si Ava mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.
"I will report you to the police," hindi niya napigilan na bantaan si Melissa. Gusto kasi niyang maibalik sa kanya ang alahas na ninakaw nito sa kanya dahil importante iyon sa kanya.
At akmang tatalikod siya para umalis ng mapatigil siya nang marinig niya ang boses ni Melissa. "Go ahead. Report me to the police," paghahamon nito sa kanya.
Nilingon niya ito. "Pero tingnan natin kung sino ang mapapahamak sa pagsusumbong mo. You know me, Ava. I can twist words. And I am good at acting. Sasabihin ko sa mga pulis na hindi ako ang nagnakaw sa mga alahas mo. Sasabihin ko sa mga pulis na si Manang Esvi ang nagnakaw ng mga iyon." Napaawang naman ang labi ni Ava sa narinig na sinabi ni Melissa sa kanya. Tanging si Manang Esvi na lang ang taong kakampi niya sa bahay at mahalaga ito sa kanya. "Hmm....do you want that, Ava?"
Nalaglag naman ang mga luha sa mga mata niya. At nang makita iyon ni Melissa ay unti-unting umangat ang dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi.
Alam kasi nito na talo siya.