Chapter 3

1669 Words
"YOU can't leave this mansion, Ava. Because Mrs. Ceralde, your stepmother, sold you to my boss, Mr. Dimitri Gotti." Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Ava ang sinabing iyon ni Mr. Mancini sa kanya. Hindi nga siya makapaniwala sa narinig, ayaw ngang i-absorb ng isip niya ang sinabi ng lalaki sa kanya. She was shocked, and because of the shock she did not think properly. Her mind is completely blank. Hindi na nga niya alam ang mga nangyari kanina ng sabihin nito iyon sa kanya. Basta ang natatandaan lang niya ay sinabi nitong magpahinga muna siya at saka na lang sila mag-uusap na dalawa. Pagkatapos niyon ay may tinawag itong katulong at pinasama siya sa magiging silid niya doon. Pero ngayon nang nasa tamang pag-iisip na si Ava ay nagiging malinaw na ang lahat sa kanya, naging malinaw na ang sinabi ni Mr. Mancini Benenta siya ni Tita Minerva kay Dimitri Gotti. And she sold her for twenty million pesos! Twenty million lang ang halaga niya para kay Tita Minerva para ibenta siya nito sa lalaking hindi niya kilala! Well, alam naman niyang hindi siya importante kay Tita Minerva pero hindi niya sukat akalain na magagawa siya nitong ibenta. Ano siya? Isang bagay na for sale? At si Dimitri Gotti? Sino ito? Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. Hindi niya ito kilala. At hindi din niya napigilan ang mapaisip kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos nito. O kung anong dahilan nito kung bakit siya nito binili. Anong gagawin ni Dimitri sa kanya pagkatapos niya nitong bilhin ng dalawampung milyon kay Tita Minerva? Anong balak nitong gawin sa kanya? Maging utusan siya nito? O maging s*x slaves nito? Sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang mangilabot. Hindi din niya napigilan ang makaramdam ng takot para sa sarili niya. Gusto niyang umalis o tumakas doon pero alam niyang hindi siya basta-basta makakaalis doon. At sa isiping iyon ay hindi napigilan ni Ava ang mamasa ng mata dahil sa nagbabadyang luha. Hanggang sa dahan-dahan na pumatak ang luha sa kanyang mga mata, na para bang nagmistulang water walls iyon dahil sunod-sunod iyon sa pagpatak. She felt vulnerable at that moment. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Akala niya ay tanging si Tita Minerva at Melissa lang magiging problema niya. Pero hindi pa siya nakakawala sa problema niya ay nadagdagan na naman. At nasa ganoong posisyon si Ava nang mapatigil siya nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto kung nasaan siya ng sandaling iyon. Napasiksik naman siya sa gilid ng kama dahil sa takot na nararamdaman niya. Paano kung si Dimitri ang nasa labas? Mas lalo nga lang siyang napasiksik sa gilid ng kama ng maramdaman niya ang pagpihit ng seradura at nang pagbukas niyon. At sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang isang pamilyar na babae na pumasok sa loob ng kwarto. Ito iyong kasambahay kanina na nagdala sa kanya ng meryenda. Mabilis naman niyang pinunasan ang pisngi niya dahil sa luha. "Magandang gabi po, Ma'am," magalang na bati nito, medyo nag-alangan pa nga ito na batiin siya. Lumapit naman ito at doon niya napansin na may hawak itong isang tray at nang tingnan niya iyon ay nakita niyang mga pagkain iyon. "Hindi po kayo bumaba kanina. Baka nagugutom na po kayo," wika nito sa kanya. Kanina ay tinatawag siya para kumain pero hindi siya bumaba. Nanatili siya sa loob ng kwarto. Inilapag naman nito ang hawak na tray sa bedside table. "Kumain na po kayo," magalang na wika nito sa kanya. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "H-hindi ako nagugutom," sagot niya, kahit na ang totoo ay nagugutom na siya. Konti lang kasi ang kinain niya kanina dahil halos magmadali siyang kumain para makaalis siya sa harap nina Tita Minerva. "Ma'am kumain po kayo kahit konti. A-ako po ang mapapagalitan ni Sir kung hindi po kayo kumain," sagot nito, napansin niya ang takot sa boses nito sa huling sinabi. "N-nandito ba si Dimi-Sir Dimitri?" tanong niya. Tumango ito. "Opo. At...siya po ang nag-utos sa akin na hatidan kayo ng pagkain," sagot nito. "At mahigpit din niya akong binilinan na pakainin kayo dahil kung hindi..." Hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin. At kahit na hindi nito tapusin ay naintindihan niya iyon. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "Kakain na ako. P-pakisabi na lang sa kanya na kakain ako para hindi siya magalit," wika naman niya sa babae. Ayaw talaga niyang kumain kahit na nagugutom siya pero hindi naman kaya ng konsensiya kung mapagalitan o masibak ito sa trabaho dahil sa pagmamatigas niya. At halatang takot ito kay Dimitri dahil sa takot na bumalatay sa mga mata nito kapag hindi siya nito napakain gaya na lang ng utos ng boss nito. Napansin naman niya ang relief na bumalatay sa mga mata nito. "Maraming salamat po. Balikan ko na lang iyan mamaya kapag tapos na kayong kumain," wika nito sa kanya. Isang tango lang naman ang isinagot ni Ava sa babae. PABALING-baling si Ava mula sa pagkakahiga niya sa kama. Kanina pa siya nakahiga pero hindi pa din siya dalawin ng antok. Mukhang namamahay siya o hindi talaga siya makatulog dahil sa nangyayari sa kanya. At nang hindi pa din siya dalawin ng antok ay napagpasyahan niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Napatingin din siya sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng kama at nakita niyang alas onse na ng gabi. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sampung oras na siyang nasa mansion ni Dimitri. Naisip niya kung hinahanap ba siya ni Manang Esvi. Alam naman kasi nitong hindi siya umaalis ng bahay ng hindi nagpapaalam dito. By now, siguro nagtataka na ito kung bakit wala pa siya, kung bakit hindi pa siya umuuwi ng bahay. At hindi niya napigilan na makaramdam ng pag-asa. Alam niyang kapag hindi pa din siya umuwi bukas at kung hindi pa siya nito mamikita ay alam niyang magre-report ito sa pulis. Kilala niya si Manang Esvi, sa bahay na nila ito nagta-trabaho simula noong pinanganak siya. Sa katunayan ay parang pangalawang ina na niya ito at itinuring na din siya nitong tunay na anak. Ito nga ang nagsasabi sa kanya noon na umalis na lang siya sa bahay para hindi na siya pahirapan nina Tita Minerva pero hindi siya nakinig. Napatingin din si Ava sa baso na nakalapag din sa ibabaw ng bedside table. Dinampot niya iyon at hindi niya napigilan ang madismaya nang makitang wala ng laman iyon. Nauuhaw pa naman siya, pakiramdam niya ang matutuyan na ang bibig niya. Inalis naman niya ang tingin sa hawak na baso at napatingin siya dereksiyon ng pinto. Saglit siya doong napatitig hanggang sa napagpasyahan niyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng kama. Nagulat nga siya nang makitang hindi naka-lock ang pinto ng kwarto niya. Inaasahan kasi niyang naka-lock iyon. Baka isipin ni Dimitri na tumakas siya. Tuluyan naman na niyang binuksan ang pinto at saka siya lumabas. Tahimik na do'n, mukhang natutulog na ang mga tao na naroon sa mansiyon. Kagat naman ang ibabang labi ni Ava ng humakbang siya. Good thing is ay hindi pa nakapatay ang ibang ilaw kaya nakikita pa din niya ang dinadaanan niya. Bumaba siya ng hagdan at kahit na malaki ang mansion ay nahanap pa din niya kung nasaan ang kusina. Agad naman niyang nilagyan ang hawak na baso ng tubig at saka niya ininom. Nang matapos siya ay hinugasan na din niya ang hawak na baso. Saktong matapos siya ng biglang dumilim ang paligid, mukhang nag-brown out. Napagpasyahan naman na niyang bumalik sa kwarto na inuukupa niya. At kahit na madilim ang paligid ay pilit pa din niyang humakbang pero hindi niya inaasahan na may mabubunggo siya. Inakala pa nga niya na pader iyon dahil naramdaman niya ang tigas niyon. Pero sigurado siyang hindi iyon pader. Lalo na ng maramdaman niya na bulto iyon ng isang tao. At mukhang tama siya dahil mayamaya ay nakarinig siya ng isang baritonong boses. "What are you doing here?" Halos dumagundong sa loob ng kusina sa baritono na boses nito. At dahil maglapit lang sila ay agad na tumama ang mainit na hininga nito sa mukha niya. Agad ngang nanuot ang mabangong hininga nito, may naamoy nga din siyang alak pero mas nanuot sa ilong niya ang parang mint na hininga nito. "S-sino ka?" tanong naman niya sa halip na sagutin ang tanong nito, pilit din niyang inaaninag ang mukha nito pero dahil madilim ang paligid ay hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking nasa harap niya. "You have the nerve to ask me questions without answering me?" He said in a deep and cold voice. Napaatras si Ava ng isang hakbang nang marinig niya ang boses nito. Ewan niya pero bigla siyang nanginig sa takot dahil sa lamig ng boses ng lalaki. Sunod-sunod din siyang napalunok. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagwalang bahala sa tanong nito. "P-pasensiya na." Hindi niya napigilan ang boses. "N-nauuhaw kasi ako kaya ako nandito," medyo natataranta na din siya sa pagsasalita. Kahit na madilim kasi sa paligid ay ramdam pa din niya ang init ng titig nito. "Hmm...sige. Maiwan na kita dito. A-akyat na ako," wika niya. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita. Sa halip ay humakbang siya kahit na hindi niya nakikita ang dinadaanan niya. Sinigurado nga niyang hindi niya ito mabubunggong muli. Nagtagumpay naman siya, hindi niya ito nabunggo pero hindi naman niya inaasahan na mabubunggo niya ang pader. "Aw," daing niya ng tumama ang noo niya sa matigas na pader. Nasaktan siya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya, nagmamadali kasi siyang umalis. "f**k!" narinig naman niya ang malutong na mura ng lalaki. Mas lalo yata siyang natakot. "Don't f*****g move," galit na wika nito. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Nanatili siyang hindi gumalaw mula sa kinatatayuan niya pero hawak-hawak niya ang nasaktang noo. Mayamaya ay nakarinig siya ng mga yabag paalis. At kasabay ng pagliwanag ng buong paligid ay nawala na din ang lalaking kausap niya kani-kanina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD