NANG magising si Ava kinabukasan ay hindi na niya hinintay si Claire na umakyat sa itaas para tawagin siya nito dahil kusa na siyang lumabas ng kwarto.
Hindi naman maiwasan ni Ava ang mapatingin ulit sa nakasarang pinto ni Dimitri. Hindi niya alam kung naroon ba ito o maaga na namang umalis. And she hoping na sinunod nito ang sinabi niyang magpatingin ito sa doctor dahil hindi biro ang sugat na natamo nito kagabi.
Inalis na lang ni Ava ang tingin do'n at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makababa siya ng hagdan. Dumiretso siya patungo sa kusina at nadatnan niyang abala sa pagluluto ang mga kasambahay na naroon.
"Oh, Miss Ava," wika ni Claire nang makita siya nito.
"May maitutulong ba ako?" tanong naman niya.
Umiling naman ito. "Kaya na po namin ito, Miss Ava," sagot naman sa kanya ni Claire. "Maupo ka muna habang hinihintay na maluto ang almusal mo," dagdag pa na wika ni Claire sa kanya.
"Mamaya na lang," wika niya, wala din naman kasi siyang ibang ginagawa sa loob ng kwarto kundi humiga at umupo. Gusto naman niyang tumulong pero ayaw niyang maging uncomfortable ang mga ito sa presensiya niya kung tutulong siya kaya pinili na lang niyang isinandal ang katawan sa may bar counter at panuorin ang mga ito sa ginagawa.
"Claire?" tawag niya nang may maalala siyang itanong.
Nilingon naman siya ni Claire. "Bakit, Miss Ava?"
"Hmm...si D-dimitri? Nandito pa ba o umalis na?" tanong niya.
Akmang sasagot sana si Claire nang mapansin niya ang pagtagos ng tingin nito sa likod niya, napansin din niya ang panlalaki ng mga mata nito. At akmang lilingon din siya sa kanyang likod nang mapatigil siya nang marinig niya ang malamig pero baritonong boses na iyon ni Dimitri.
"And why are you looking for me?" tanong nito sa kanya.
Mabilis naman siyang napaayos mula sa pagkakatayo niya. Mabilis din siyang napalingon sa likod pero napaatras siya ng muntik na siyang tumama sa matitipunong katawan nito. Ang lapit-lapit lang pala nito sa kanya. At sa katunayan ay amoy na amoy niya ang panlalaking amoy nito na nanunuot sa kanyang ilong.
And why his smell is freaking good? Ipinilig na lang niya ang ulo at dahan-dahan na nag-angat ng tingin.
Dimitri was towering her at kailangan pa niyang tumingala para magpantay ang paningin nilang dalawa.
Napalunok naman siya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. And of course, his brows furrowed.
"Why are you looking for me?" tanong ulit nito ng hindi oa siya sumasagot.
"G-gusto ko lang malaman kung nandito ka pa ba," sagot niya.
"And why?" tanong nito ulit.
"Gusto.. gusto ko lang malaman," sagot ulit niya.
Hindi naman nagsalita si Dimitri. Pero mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya ng hawakan nito ang magkabilang baywang niya. Binuhat siya ni Dimitri at pinaupo siya nito sa stool sa harap ng bar counter.
Nanlalaki pa din ang mga mata niya ng ipag-parte nito ang mga binti niya at pumuwesto ito sa pagitan niyon. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng lingunin niya sina Claire at nakita niya ang papalayong likod ng mga ito palabas ng kusina.
Nawala ang tingin ni Ava sa mga ito ng hawakan ni Dimitri ang baba niya at pinaharap siya nito sa kanya. At saktong pagkaharap ay agad na sinalubong siya ng mga labi nito.
Her eyes grew wide even more. Lalo na noong maramdaman niya ang pagpasok ng dila ni Dimitri sa loob ng bibig niya.His tongue explores every inch of her mouth. Hindi naman niya napigilan ang mapakapit sa balikat nito habang hinahalikan siya ni Dimitri ng mariin sa labi.
And every time he kissed her, she felt like she was running out of breath because of the intense kiss. Halos humigpit nga ang pagkakakapit niya sa balikat nito kapag hinihigop nito ang labi niya.
Hindi man lang nito hinayaan na makawala siya sa paghalik nito dahil mariin nitong hinawakan ang batok niya. Dimitri sucked her lower lips before kissing her again hard. Pakiramdam niya ay wala itong kasawa-sawa sa paghalik sa kanya.
At habol na naman ni Ava ang hininga nang pakawalan ni Dimitri ang labi niya. At pakiramdam niya ay namamaga na naman ang labi niya dahil sa intense na halik na pinagkaloob nito.
"It looks like you're looking for me because you want a good morning kiss," he said in a hoarse voice.
Hindi naman niya magawang makasagot sa sinabi nito, habol pa din kasi niya ang kanyang hininga.
Umalis naman na si Dimitri sa harap niya. Awtomatikong pinagdikit niya ang mga binti ng makaramdam ng kakaiba ang p********e niya dahil sa ginawang paghalik nito sa kanya.
At sa sandaling iyon ay halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito dahil sa hiya. Pati nga din kina Claire, halos hindi din siya makatingin sa mga ito ng bumalik ang mga ito para i-prepare ang almusal nilang dalawa ni Dimitri.
At sa unang pagkakataon simula noong napunta siya sa mansion, ngayon lang niya makakasabay si Dimitri na kumain.
"What are you still sitting there?" tanong naman ni Dimitri nang lingunin siya nito. Nanatili pa din kasi siyang nakaupo sa stool kung saan siya nito pinaupo.
Mabilis naman siyang bumaba mula sa pagkakaupo niya do'n. At pagkaapak niya ng mga paa sa sahig ay muntik na siyang ma-out of balance ng maramdaman niya ang panginginig ng mga binti. Mabuti na nga lang at nakahawak agad siya para kumuha ng suporta.
Napansin naman niya ang lalong pagsalubong ng mga kilay ni Dimitri. At nang sa tingin ni Ava na okay na ang mga binti niya ay humakbang na siya palapit sa dining table.
Umupo siya sa tabi nito. Pagkaupo nga niya ay agad na kumuha si Dimitri ng kanin para lagyan nito ang plato nito. At sa halip naman na kumuha ng kanin ay bahagya niyang ipinikit ang mga mata para tahimik na magpasalamat sa maykapal sa pagkain na nakahain sa mesa.
At nang matapos ay nagmulat siya ng mga mata at hindi niya napigilan na mapasinghap nang makita niyang nakatitig sa kanya si Dimitri.
Wala siyang mabasa na anumang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Iniwas na lang niya ang tingin dito ay kumuha na din ng pagkain niya. Tahamik lang din naman sila habang kumakain na dalawa.
At mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapatingin sa balikat nito ng may mapansin siya do'n. Nakasuot ito ng puting T-shirt kaya kitang-kita niya ang kulay pula na tumagos sa suot nito.
And if she is not mistaken, it was blood from her wound. Kanina ay wala pa iyon pero nang maalala niya ang ginawa niyang paghawak nito nang halikan siya nito. At ang paghigpit ng pagkakahawak niya ng mas pailalimin pa nito ang paghalik sa kanya.
At mukhang naramdaman nito na nakatingin siya dito dahil bumaling ito sa kanya.
"What?"
"D-dumugo ang sugat mo," sabi niya ng mag-angat siya ng tingin dito.
Tiningnan naman nito ang sugat nitong dumudugo at parang wala lang iyon dito dahil walang salitang nagpatuloy ito sa pagkain.
Halos patapos na ito pero hindi pa niya nakakalahati ang nasa plato niya dahil ang nasa isip niya ay ang sugat nito.
Bakit ayaw nitong magpatingin sa doctor?
Mayamaya ay napatingin siya kay Dimitri nang tumayo na ito. Humakbang ito, akala niya ay lalagpasan siya nito pero huminto ito sa gilid niya.
Naramdaman nga niya ang pagtukod ng kamay nito sa kinauupuan niya.
Tumingala naman siya dito at agad na sumalubong sa kanya ang itim na mga mata nito.
"B-bakit?" tanong niya sa nauutal na boses.
Sa halip na sagutin siya nito ay yumuko ito. Awtomatiko nang pumikit ang mga mata niya. At ilang segundo lang ay naramdaman muli niya ang mainit na labi ni Dimitri sa labi niya.
He just sucked her lower lips. Nalalasahan nga niya sa bibig nito ang inulam nito at alam niyang ganoon din siya.
"Come to my room after you eat," he said as he moved his lips away from hers.
HINDI alam ni Ava kung susundin ba niya si Dimitri o hindi. Pinapapunta kasi siya nito sa kwarto nito pagkatapos niyang kumain.
At parang ayaw niyang sundin ang inuutos nito dahil may ideyang pumasok sa isip niya kung bakit siya nito pinapapunta.
Paano kung ulitin nito ang ginawa nitong magpaparusa sa kanya? At paano kung sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siya nitong angkinin? Hindi nga nakaligtas sa paningin niya ang umbok ng p*********i nito sa suot nitong pajama.
"Miss Ava," mayamaya ay napatingin siya kay Claire nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya.
May napansin siyang takot sa mga mata nito.
"Bakit?"
"Miss Ava, tumawag si Sir Dimitri. Hinahanap ka na," wika nito sa kanya.
Saglit nga siyang hindi nagsalita pero mayamaya ay humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "P-pupunta na ako," sabi niya dito.
Lumabas naman na siya ng kusina para umakyat sa pangalawang palapag. Sa pangalawang pagkakataon ay humugot muli siya ng malalim na buntong-hininga bago aiya kumatok ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya.
"Come in," she heard his deep and cold voice.
Binuksan niya ang pinto at saka siya dahan-dahan pumasok do'n. Agad naman niyang iginala ang tingin para hanapin si Dimitri, nakita naman niya ito na nakaupo sa sofa na naroon. Nakasandal ang walang sugat braso nito sa sandalan ng sofa.
He is half naked, too. Kaya kita niya na puno ng dugo ang gauge na inilagay niya sa sugat nito.
At mukhang kanina pa hinihintay ni Dimitri ang pagpasok niya sa kwarto nito. "Come here, Ava," tawag nito sa kanya.
Tumikhim naman siya bago siya humakbang palapit dito sa gawin nito. "B-bakit?" tanong niya ng tuluyang makalapit.
Sa halip naman na sagutin siya nito ay sumulyap ito sa center table. Sinundan naman niya ang tiningnan nito at nakita niya ang first aid kit na nakapatong sa center table.
"Clean my wound," utos nito.
Hindi naman na nito kailangan ulitin ang sinabi dahil kinuha niya ang first aid kit at saka siya umupo sa tabi nito.
Saglit niya itong tiningnan bago niya inilipat ang tingin sa sugat sa braso nito. Tumaas ang kamay niya para tanggalin ang gauge na puno ng dugo sa braso nito.
Binuksan din niya ang first aid kit para simulan na linisin ang sugat nito. At habang ginagawa niya iyon ay ramdam niya ang init na titig nito sa kanya.
Medyo naasiwa siya sa titig nito pero wala naman siyang magawa para sitahin ito.
Knowing, Dimitri. He will do what he wants and no one can stop him.
"A-ayaw mo talagang magpatingin sa doctor?" tanong niya habang ang mata ay nanatiling nakatingin sa sugat nito.
"I don't trust them," malamig ang boses na sagot nito sa kanya. At sa pagkakataong iyon ay nag-angat siya ng tingin at sumalubong ulit sa kanya ang itim na mga mata nito.
"You should trust them. They are doctors. And the oath to save lives," wika niya sa lalaki.
"I don't trust anyone, Ava," sabi naman nito.
"But you trust me," hindi naman niya napigilan na sabihin iyon dito. Naisip niyang kung wala itong tiwala sa kanya ay hindi siya nito uutusan na gamutin ang sugat nito sa pangalawang pagkakataon.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ava ng ilapit ni Dimitri ang mukha sa kanya. "I don't trust you, Ava. Naniniwala lang ako sa sinabi mo na hindi ka masamang tao at hindi mo hihilingin na mamatay ako," sagot nito bago inilayo ang mukha sa kanya. "And stop talking now and just f*****g clean my wounds," wika nito sa galit na namang boses.
Pinagdikit na lang naman niya ng mariin ang labi habang ginagamot niya ang sugat nito. At mayamaya ay tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Napatigil siya saglit ng abutin iyon ni Dimitri para sagutin.
"What, Rocco?" narinig niyang wika ni Dimitri sa pangalan ng kanang kamay nito. Hindi ito nagsalita pero napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito, napansin din niya ang galit na bumalatay sa mga mata nito. And he looks like he was ready to kill.
Inalis niya ang tingin dito at itinuon na ang atensiyon sa paglilinis sa sugat nito. Gusto niyang bilisan ang ginagawa para matapos siya agad, para makaalis na siya do'n.
Are they the perpetrators of the attack on me last night? Dimitri asks with gritted teeth. She can also feel his clenched jaw.
Hindi ito nagsalita, mukhang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap. "You already know what to do. Kill all of them."
Kasabay ng pagsinghap ni Ava ay ang pagdiin niya sa hawak na bulak mula sa paglilinis niya sa sugat ni Dimitri.
Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagbaling ni Dimitri sa kanya habang akusap oa nito si Rocco.
Nag-angat siya ng tingin at halos manginig siya sa takot nang makita niya ang ekspresyon ng mga mata nito.
His burning eyes were clearly visible. "They know that one of the things I hate the most is that fooling me," he said in a murderous voice. "You know what to do, kill all that motherfucker, Rocco. Show them who they are up against and show no mercy,' he said while his eyes were not leaving her.
Nabitawan ni Ava ang hawak dahil sa takot na biglang lumukob sa katawan niya sa narinig na sinabi ni Dimitri.