NAPATIGIL si Ava sa pagkusot sa kanyang balat nang maalala niya ang pagpaparusang ginawa ni Dimitri sa kanya kagabi.
She couldn't believe that he would punish him like that, he makes her c*m not just one, not twice. But multiple times! And no matter how many times he makes her c*m, it seems that he is still not satisfied. Tumigil lang ito ng magmakaawa siya na tigilan siya nito dahil sobra na siyang naghihina dahil sa sunod-sunod niyang orgasm. At kung hindi lang yata siya magmaakaawa na tigilan nito ay baka abutin pa sila ng umaga!
Ramdam na ramdam pa nga din niya ang pamamaga ng p********e niya dahil sa kakahalik nito do'n sa kanya kagabi.
Dimitri is insatiable. Paano pa kaya kung tuluyan siya nitong angkinin? She might not be able to walk, knowing his size. He is huge.
Oh, f**k! Ipinilig na lang niya ang ulo at pinagpatuloy na ang paliligo niya. Hindi naman nagtagal ay tapos na siya sa paliligo. Pinunasan niya ang katawan gamit ang tuwalyang naroon. Kinuha din niya ang isa para ipulupot sa buhok niya. At dahil naroon na din ang mga damit niya ay do'n na din siya nagbihis sa loob ng banyo. At saktong paglabas niya ay nakarinig siya ng mahinang katok sa labas ng kwarto niya. Lumapit naman si Ava do'n para pagbuksan kung sino ang kumakatok. At nakita niyang si Claire iyon.
"Good morning, Miss Ava," wika ni Claire ng magtama ang mga mata nila. "Ready na ang lunch niyo sa baba," imporma nito sa kanya.
"Sa baba?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito sa kanya. "O-okay lang kay Dimitri?" balik tanong niya. These past few days ay hinahatidan lang siya ni Claire ng pagkain sa kwarto, utos iyon ni Dimitri dahil sinubukan niyang takasan ito, hindi lang iyon, hindi din siya pinapalabas ng kwarto, nila-lock pa nga iyon sa labas. At inaasahan niyang ganoon ulit ang magiging kapalaran niya dahil sa binalak ulit niyang pagtakas.
"Yes, Miss Ava. Siya ang nag-utos sa amin na sa dining area na lang kayo kumain," sagot nito.
Natigilan naman si Ava. At inisip niya kung ano ang nakain ni Dimitri para magbago ang isip nito.
Your p***y, Ava, sagot namang malanding isip niya.
Nang marinig niya ang sagot na iyon ng isipan ay hindi niya napigilan na pamulahan ng mukha. At mukhang napansin iyon ni Claire dahil nagsalita ito.
"Okay lang po ba kayo, Miss Ava? May masakit ba sa inyo?" tanong nito sa kanya sa nag-aalalang boses.
Umiling naman siya bilang sagot. "Okay lang ako," sagot niya sa babae. "Hmm...sunod na lang ako sa baba," mayamaya ay wika niya dito.
"Sige po, Miss Ava," sagot nito bago umalis sa harap niya.
Tinanggal ni Ava ang tuwalya na nakapukupot sa basang buhok niya. Sinuklay niya iyon gamit ang brush, lumabas siya ng kwarto na basa ang buhok. Saglit nga siyang napatingin sa nakasarang pinto sa kwarto ni Dimitri bago siya nagpatuloy sa pagbaba.
Pagkarating nga niya sa dining area ay nakita niyang handa na ang pagkain niya sa mesa. Naroon din si Claire, mukhang hinihintay siya.
"Maupo na po kayo, Miss Ava," wika ni Claire nang makita siya nito.
"Kumain ka na?" tanong niya dito.
Umiling ito. "Sabay ka na sa akin," wika naman niya.
Umiling naman ito bilang sagot. "Mamaya na lang ako kakain, Miss Ava."
"Sabayan mo na lang ako, Claire.
Gusto sana niya itong pilitin na sabayan siya nito pero alam niyang tatanggi ito. Loyal pa naman ito kay Dimitri. At hindi na lang din niya ito pinilit baka kasi mapagalitan pa ito ni Dimitri sa kanya.
Hindi naman umalis si Claire sa gilid niya. Mukhang hinihintay nito kung may ipag-uutos siya. Simula noong inalipan siya ng stepmother niya at ng anak nito ay hindi na sanay si Ava na pinagsisilbihan, siya na ang nagsisilbi kaya hindi sita komportable na nasa gilid niya si Claire habang siya ay kumakain. Kaya binilisan naman niya ang pagkain.
"Ako na po diyan, Miss Ava," wika ni Claire nang makita nito na inililigpit niya ang pinagkainan niya.
"Tulungan na kita," giit niya.
"Hindi na, Miss Ava. Baka po magalit si Sir Dimitri."
Nang marinig niya iyon ay hindi na niya pinilit ang gusto. Mukhang takot din itong pagalitan ito ni Dimitri.
And speaking of him, bigla niya itong naalala. "Wala ba sa mansiyon si Dimitri?" tanong niya kay Claire dahilan para sulyapan siya nito.
"Maaga po si Sir Dimitri na umaalis ng mansion para pumasok sa trabaho" sagot nito sa kanya.
"A-alam mo ba kung ano ang negosyo ni Dimitri?" tanong niya, naalala kasi niya ang mga nasaksihan niya kagabi noong sumama siya sa pupuntahan ng mga ito.
"Siya po ang may-ari ng Gotti's Group of Companies, Miss Ava," sagot nito sa kanya.
"Maliban do'n? Wala ka na bang alam?" tanong niya.
Claire was working with Dimitri. So, posibleng may alam din ito sa iba pang negosyo ng lalaki. Sa nasaksihan niya kagabi ay alam niyang may iba pang negosyo si Dimitri maliban sa Gotti's Group og comapnies na binanggit ni Claire. And that business is something illegal.
Napansin naman niya ang paglikot ng mga mata ni Claire sa naging tanong niya.
"S-sige po, Miss Ava. Ililigpit ko na po ito. Marami pa kasi akong gagawin," mayamaya ay wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Hindi na nga ito hinintay na makapagsalita siya, halos magmadali ito sa pag-alis sa harap niya. Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong likod nito hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.
Sa pag-iwas nga ni Claire na sagutin ang tanong niya ay nasiguro niyang alam nito ang iba pang negosyo ni Dimitri. At sa pag-iwas nito ay mukhang tama ang iniisip niya na isang sindikato si Dimitri.
At sa sandaling iyon ay pakiramdam niya ay nagsitaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa isiping isang sindikato ang lalaki.
NAGISING si Ava nang makaramdam siya ng pagkauhaw. Binuksan niya ang lampshade sa gilid niya. At nang bahagyang lumiwanag ay inabot niya ang baso na nakapatong sa bedside table. Pero napanguso siya nang makita na wala nang laman iyon.
Gusto naman niyang bumalik na lang muli mula sa pagkalatulog pero alam niya sa sarili na hindi niya iyon magagawa kung nauuhaw siya.
Tuluyan naman siyang bumangon. At ipinagdasal niya na sana ay hindi naka-lock ang pinto sa kwarto niya. At mukhang dininig ang dasal niya dahil noong hawakan niya ang seradura pabukas ay bukas iyon.
Tuluyan naman siyang lumabas ng kwarto. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng mapatigil siya ng may maapakan siyang basa at malagkit na bagay.
Yumuko siya para tingnan kung ano iyon. At dahil medyo madilim ay hindi niya masyado makita. Hindi na kasi niya binuksan ang mga ilaw, naka-adjust na din kasi ang mga mata niya.
Hindi na lang niya iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makababa siya ng hagdan at dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. Nilagyan na din niya ang basong hawak niya para kapag nauhaw ulit siya ay hindi na siya bababa.
Bumalik na ulit siya sa kwarto. At napatigil ulit siya sa paglalalad ng may maapakan na naman siya. Malagkit at basang bagay.
And out of curiosity ay hinanap niya ang switch ng ilaw para tingnan kung ano iyong naapakan niya.
At nang lumiwanag ay tiningnan niya ang talampakan at ganoon na lang ang pag-awang ng labi ni Ava nang makita ang dugo sa talampakan niya. Tiningnan niya ang sahig at mas lalong umawang ang labi nang makita ang patak ng dugo sa sahig. Sinundan niya iyon hanggang saan ang patak at nakita niya na patungo iyon sa kwarto ni Dimitri.
Galing ba ang dugo kay Dimitri?
At sa sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang sarili na alamin kung kay Dimitri ba galing ang mga dugong nasa sahig.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang patungo sa kwarto nito.
Alam niyang magagalit ito sa kanya sa gagawin niya pero wala na siyang pakialam do'n.
Pinihit niya ang seradura ng pinto para buksan iyon. Nakabukas ang ilaw kaya kitang-kita niya ang patak ng dugo sa sahig. Sinundan niya iyon hanggang nakita niyang patungo din iyon sa loob ng banyo.
Dinala siya ng kanyang paa patungo do'n. At dahil bukas ang pinto sa loob ng banyo ay sumilip siya doon. At agad naman niyang nakita si Dimitri.
Nakababad ito sa bathtub. Nakapikit ang mga mata habang magkasalubong ang mga kilay. Wala itong suot na damit and she was sure that he is naked all over. Pero ang mata ay nanatiling nakatuon sa braso nito kung saan may dugo, nakita nga din niyang nagkulay dugo na din ang tubig sa bathtub?
Hindi ba ito mamatay dahil do'n? Hindi ba ito mauubusan ng dugo.
At mukhang naramdaman ni Dimitri ang presensiya niya dahil nagmulat ito. Agad namang nagtama ang mga mata nila. His eyes were dark.
"What the f**k are you doing here?" tanong nito sa kanya sa malamig na boses.
"What happen to you?" tanong niya sa halip na sagutin ito.
"Get out!" pagtataboy nito sa kanya sa halip na sagutin nito ang tanong din niya. "I said get out, Ava!"
Napaigtad siya ng dumagungdong ang boses nito. Sa pagkakataong iyon ay doon lang naman siya nakakilos, mabilis siyang umalis sa harap nito at saka mabilis na lumabas ng kwarto nito.
Hinihingal siya ng makabalik siya sa loob ng kwarto niya. Inisang lagok nga din niya ang laman ng baso niya.
Gusto niyang humiga para bumalik mula sa pagkakatulog pero hindi niya magawa dahil ang nasa isip niya ay na kay Dimitri.
Hindi ba ito pupunta sa ospital para ipagamot ang sugat nito? Ang daming dugong nawala dito, baka mamatay ito. At bakit ito may sugat? Saan nito iyon nakuha?
At hindi kaya ng konsensiya niya na hayaan ito ay kinuha niya ang medicine kit na nasa loob ng banyo. At saka niya binalikan si Dimitri sa kwarto nito.
Sakto din na lumabas ito ng banyo. Tanging maliit na tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"What the f**k are you here again?"
Sa halip naman na sagutin niya ito ay itinaas niya ang hawak. Napansin niya ang pagbaba ng tingin nito doon, salubong pa din ang kilay. "G-gamutin natin ang sugat mo," wika niya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.
Dimitri didn't speak, he just stared at her. Wala naman siyang mabasa na anumang emosyon sa mga mata nito sa sandaling iyon.
At sa halip na sagutin siya nito ay tumalikod ito at lumapit ito sa walk in closet nito.
Nakita niyang kumuha ito ng underwear nito. Mabilis naman niyang iniwas ang tingin ng walang sabing tinanggal nito ang tuwalyang nakatapi sa ibabang bahagi ng katawan nito. Pero nahagip pa din niya ang maumbok na pang-upo nito.
Her cheeks turn red.
Mula sa gilid nang kanyang mga mata ay nakita niya na sinuot nito ang underwear nito, nakita din niya na nagsuot ito ng pajama bago ito umupo sa gilid ng kama.
Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang nakapikit ang mga mata nito habang nakasandal ito sa headrest ng kama, ang mga binti ay nakalapag sa sahig.
Bumaba naman ang tingin niya sa sugat nito sa braso. May dugo pa ding tumutulo do'n.
Pinagdikit ni Ava ang labi ng maglakad siya palapit dito. Umupo siya sa gilid nito, alam niyang ramdam nito ang presensiya niya pero hindi pa din ito nagmumulat ng mga mata.
Humugot siya ng malalim buntong-hininga bago niya binuksan ang first aid kit para umpisahan na gamutin ang sugat ni Dimitri sa braso.
At habang ginagamot niya ang sugat nito ay nasisiguro niyang isang gunshot wound iyon. Mas lalo tuloy lumakas ang hinala niya na isa itong sindikato. Dahil kung hindi ay paano nito makukuha ang sugat nito na mula sa tama ng baril?
Sa tuwing dumadampi nga ang bulak na may lamang alcohol sa sugat nito ay siya ang napapangiwi, pakiramdam nga niya ay siya ang may sugat dahil siya ang nasasaktan.
Pero si Dimitri, wala man lang ka-reaksiyon ang mukha. Nakapikit pa din ang mga mata habang salubong pa din ang mga kilay.
At kung kailan siya natapos sa paglilinis sa sugat nito ay doon lang naman ito nagmulat ng mga mata.
"M-medyo malalim ang sugat na natamo mo. Have a doctor look at your wound, baka ma-inpeksiyon," hindi niya napigilan na sabihin iyon kay Dimitri habang sinasalubong niya ang malamig na titig nito, hindi nga din niya maiwasan na mabakasan sa kanyang boses ang pag-alala.
Napansin niya ang pagtaas ng isang kilay ni Dimitri habang nakatingin sa kanya. "You should be happy," wika nito sa malamig na boses.
Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa sinabi nito. Bakit naman siya magiging masaya?
At mukhang nabasa nito ang nasa isip niya dahil nagpatuloy ito sa pagsasalita. "I'm sure you're praying for me to die."
Saglit naman siyang hindi nagsalita. "Hindi naman ako ganoon," wika niya sa mahinang boses. "Hindi naman ako ganoon kasamang tao para hilingin na mamatay na ang isang tao kahit na hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin."
Kahit nga kina Tita Minerva at kay Melissa, kahit na mina-maltrato siya at inaalipin ay hindi niya hiniling na mamatay ang mga ito. Dahil kapag ginawa niya iyon, magiging pareho lang sila.
Dimitri didn't say anything, just stared at him with a cold expression in his eyes.