Chapter 16

2203 Words
TATLONG araw na ang lumipas pero hindi pa din maalis-alis sa isip ni Ava ang mga narinig niyang sinabi ni Dimitri sa kanang kamay nito na si Rocco. Sa mga narinig ay hindi nga siya masyado pinatulog niyon. She was thinking who is really Dimitri? Is he really a member of the syndicate? A serial killer? And it looks, yes. Dahil kung hindi ay bakit uutusan nito si Rocco na pumatay. Pagkatapos nga niyang marinig ang inuutos ni Dimitri kay Rocco ay mabilis niyang tinatapos ang paglilinis sa sugat nito. At nang matapos nga ay dali-dali siyang nagpaalam para umalis. Mabuti na nga lang din ay hinayaan naman siya nito na umalis. Hindi kasi niya matagalan ang mga inuutos nito kay Rocco. Hindi nga din niya mapigilan mapaisip kung sino ang ipapatay nito. Hindi ba ito natatakot? Hindi pa ito natatakot sa mga pulis? At hindi ba ito nakakaramdam ng konsensiya para mag-utos ito para pumatay? Pakiramdam nga niya ay walang kinatatakutan si Dimitri, pakiramdam niya lahat ng sinasabi at ginagawa nito ay batas. Humugot na lang si Ava ng malalim na buntong-hininga. At mayamaya ay nakarinig siya ng katok na nanggaling sa labas ng kwarto niya. At nang buksan niya ang kwarto ay si Claire ulit ang napagbuksan niya. "Miss Ava, nandiyan sa baba si Sir Rocco, may pupuntahan daw kayo," wika ni Claire sa pakay nito kung bakit ito naroon. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Saan daw?" tanong niya sa babae. "Hindi ko po alam. Basta pinapasundo kayo ni Sir Dimitri sa kanya," sagot nito. Gusto naman niyang magtanong pa pero alam naman niyang iisa lang ang magiging sagot ni Claire. At dahil maayos naman ang suot niya sa sandaling iyon ay sumabay na din siya kay Claire na bumaba. Sinamahan nga siya ni Claire hanggang sa labas ng mansion. At naroon nga si Rocco at gaya ni Dimitri ay malamig din ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi nga din niya napigilan na mapalunok nang maalala niya ang inutos ni Dimitri dito. Sinunod ba talaga nito ang utos ni Dimitri? Pinatay ba talaga nito ang mga kumalaban kay Dimitri. Nang makita siya ni Rocco ay binuksan nito ang pinto sa may backseat. "Hop in, Lady Ava," wika nito sa malamig na boses. Pinagdikit naman ni Ava ang mga labi niya ng humakbang siya palapit sa sasakyan at pumasok na siya sa loob. Maingat nitong isinara ang pinto bago sumakay sa driver seat. At habang nasa daan sila ay nakita niyang may tinawagan ito. "I'm with, Lady Ava, Sir Dimitri. And we are on our way there," sagot ni Rocco, mukhang tinawagan nito ang boss nito para ipaalam na nasundo na siya nito. Gusto naman niyang magtanong kay Rocco kung saan sila pupunta pero pinili na lang niyang tumahimik. Hindi naman nagtagal ay hininto ni Rocco ang sinasakyan nito sa malaking building. Hindi naman sila bumaba do'n pero nakita niyang may tinext si Rocco. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang malaking signage na nakasulat do'n. Gotti's Group of Companies, basa niya sa nakasulat. Mukhang pag-aari iyon ni Dimitri. At makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto sa gilid niya at pagkalipas ng tatlong araw ay ngayon lang ulit niya nakita si Dimitri. Hindi pa din nagbabago ang lalaki, he still had this cold and serious aura. "Let's go, Rocco," utos nito sa baritonong boses. "Yes, Sir Dimitri," sagot nito bago nito pinaandar ang sasakyan paalis. At dahil wala naman siyang sasabihin ay tahimik lang siya habang nakatingin sa bintana. Umayos lamg siya mula sa pagkakaupo niya nang humingo ang sinasakyan nila sa isang kilalang boutiques shop. Ava pursed her lips. Kung siguro nakapagtapos siya sa pag-aaral, ay pinu-pursue na siguro niya ang pangarap niyang maging fashion designer, siguro mayroon na siyang sariling boutique. "Ava." Napatingin siya kay Dimitri nang tawagin nito ang pangalan niya. "We're going inside. And don't make uneccessary move or else..." sadya pa nitong binitin ang sinasabi, pero alam naman niya kung ano pa ang sasabihin nito. Na para bang may ginawa siyang hindi nito gusto ay may mangyayari sa kanya. Tumango lang naman siya bilang sagot. "Good," wika nito. Nauna nang lumabas si Rocco, napansin nga din niya ang paglinga-linga nito sa paligid bago nito binuksan ang pinto sa gawi ni Dimitri. Bumaba ito at sumunod din siya ng senyasan siya nito. Inayos nga din nito ang itim na coat na suot nito. Pagkatapos ay nagulat na lang siya ng bigla siya nitong hapitin sa baywang at naglakad na papasok sa loob ng nasabing establishemento. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. Nakasunod lang din naman si Rocco sa kanilang likod. Pagpasok nga nila ay agad silang sinalubong ng isang babae. At sa tingin niya ay ito ang may-ari ng nasabing boutique shop. "She need a gown," wika nito agad sa pakay nila kung bakit sila naroon. Napatingin naman sa kanya ang babae. "For what occasion, Ma'am?" tanong nito sa kanya. At sa halip na sumagot ay tumingin siya kay Dimitri, hindi kasi niya alam kung bakit kailangan niya ng gown, kaya wala siyang kaidi-ideya kung para saan iyon at kung anong okasyon ang pupuntahan niya. "We're attending parties," si Dimitri na ang sumagot. "Oh, this way, Ma'am," yakag sa kanya ng babae. Sumunod siya dito, sumunod din si Dimitri, mukhang binabantayan siya nito kung may iba siyang gagawin. Ipinakita naman sa kanya ng babae ang mga ready to made na gown. Hinayaan na lang naman niya ang babae na pumili ng gown para sa kanya. "Do you want this one, Ma'am?" tanong nito sa isang backless na gown, kulay itim iyon at may slit sa gilid. Tumango lang naman siya. Pinasukat sa kanya ang gown, lumabas siya nang fitting room ng sabihin ng babae na titingnan nito ang gown na suot niya. At hindi niya inaasahan na paglabas niya ng fitting room ay si Dimitri ang unang makikita niya. At pansin niya na titig na titig ito sa kanya ng sandaling iyon. Wala siyang makita na anumang emosyon sa mga mata nito. But Dimitri eyes were focus on her. Iniwas naman ni Ava ang tingin kay Dimitri ay inilipat niya iyon sa babae nang magsalita. Pero sa sandaling iyon ay ramdam pa din niya ang init ng titig ni Dimitri sa kanya. "Hindi ko maisara ang zipper sa likod kaya hindi ko matingnan ang fitting niya sa akin," wika niya sa babae. "Oh, may I help you then," wika nito sa kanya. Akmang lalapit ito sa kanya nang mapatigil ito ng magsalita si Dimitri. "Let me," wika nito. Napansin siya dito at napakurap-kurap siya ng humakbang ito palapit sa kanya habang ang mga mata ay nanatiling nakatuon sa kanya. Hindi naman maintindihan ni Ava kung bakit bigla na lang tumibok ang puso niya. At mayamaya ay huminto ito sa harap niya. Dahil matangkad ito ay kinakailangan pa niya itong tingalain para magpantay ang paningin nila. At napalunok si Ava nang tumaas ang isang kamay ni Dimitri at nagtungo iyon sa likod niya. Napaigtad pa nga siya ng maramdaman niya ang init na kamay nito sa likod niya. At dahil backless ay ramdam na ramdam niya iyon. Hindi inaalis ni Dimitri ang tingin nito sa kanya ng dahan-dahan nitong itinaas ang zipper ng suot niyang gown. At pakiramdam niya ay nagsisitaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa tuwing dumadaiti ang kamay ni Dimitri sa likod niya. At nang matapos nitong maisara ng tuluyan ang zipper ng gown at nang bahagya itong lumayo sa kanya ay doon lang niya napansin na kanina pala niya pinipigilan na huminga. INAKALA ni Ava na uuwi na sila sa mansion pagkatapos ang sadya nila sa Boutique Shop. Pero isinama siya ni Dimitri sa Gotti's Group of Companies. Hindi naman sila masyado nagtagal do'n dahil makalipas lang ang isang oras ay nagyaya nang umuwi si Dimitri. Inakala ulit niya na uuwi na sila sa mansion pero may tumawag dito. At sa halip na dumiretso ng mansion ay tinahak na naman nila ang pamilyar na daan papunta sa lugar kung saan siya sinama ni Dimitri noon. Sa lugar kung saan maraming armadong lalaki ang nagbabantay. "Stay here, Ava," utos ni Dimitri ng lingunin siya nito sa kanyang tabi ng maihinto ni Rocco ang sinasakyan nito. Hindi naman na pinilit ni Ava ang sarili na sumama, baka may masaksihan na naman siya do'n. Bumaba na ito ng sasakyan. At mula sa bintana ng kotse ay nakita niyang nakipag-usap ito sa tauhan nito. Nakita nga din niya ang pagtango ng tauhan nitong armado. Humakbang naman si Dimitri palayo, kasama nito si Rocco. Ang tauhan naman nitong kausap nito ay nanatili sa harap ng sasakyan kung nasaan siya, animoy nagbabantay. Halos tatlumpong minuto din siyang naghintay bago bumalik si Dimitri, nakita ulit niyang nakipag-usap ito sa mga tauhan nito doon bago ito sumakay ng kotse. Umalis naman na sila do'n. At habang nasa biyahe ay nanatili ang tingin niya sa labas ng bintana. At mayamaya ay may nakita siyang umagapay sa kanila na isang motor, sa mismong gawi niya. May angkas ang motor at pawang naka-helmet. Nanatili naman ang titig niya sa mga ito. At mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niya na may itinutok ang angkas nito sa gawi. At nang titigan niya iyon ay nakita niyang baril. At hindi niya napigilan ang mapasigaw nang makitang kinalabit ng lalaki ang hawak nitong baril. Rinig na rinig niya ang alingawngaw ng putok mula sa baril. Agad naman niyang tiningnan ang sarili kung may tama ba siya ng baril pero wala siyang nakita. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang hindi man lang nabasag ang bintana ng kotse, hindi man lang tumagos ang bala sa loob. Napatili muli siya ng muli na namang umalingawngaw ang putok ng baril, sunod-sunod. At hindi na lang iisang tao ang nagpapaulan ng bala sa sinasakyan nila. At sa sobrang takot na nararamdaman ay napabaling siya kay Dimitri at hindi niya maiwasan na mapayakap siya dito. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Dimitri sa kanya. "Rocco, my gun," wika nito sa malamig na boses, hindi man nga lang niya nabakasan sa boses nito ang takot habang pinapaulanan ng bala ang sasakyan nito. At do'n lang din niya na-realize na bulletproof ang sasakyan nito kaya walang ang tumatagos do'n. Mayamaya ay inalis ni Dimitri ang kamay nitong naka-akbay sa kanya. Napansin din niya ang pagtanggal nito sa suot nitong seatbelt. "Cover your ears, Ava," narinig niyang utos ni Dimitri. Sa nangininig pa ding katawan ay nagmulat siya ng mga mata. At hindi na naman niya napigilan ang paglalaki ng mga mata nang makita ang hawak nito ng sandaling iyon. Isang baril. At nang mag-angat siya ng tingin patungo sa nga mata nito ay nakita niya ang seryosong ekspresyon ng mga mata nito. Parehong-pareho sa ekspresyon ng mga mata nito na nakita niya noong kausap nito si Rocco na inuutusan nitong pumatay. Because right now, Dimitri eyes were ready to kill. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghinto ng sinasakyan nilang kotse. At mas lalo yatang nanlaki ang mga mata niya ng binuksan ni Dimitri ang pinto sa gawi nito. At walang takot sa buhay na bumaba ito ng kotse. Naramdaman din niya ang pagbaba ni Rocco ng kotse, they both have a gun. At halos manginig ang buong katawan niya dahil sa sunod-sunod na namang pag-alingawngaw ng putok ng baril. This time, hindi lang iyon mula sa baril ng mga taong humahabol sa kotse nila, kundi galing na din iyon kina Dimitri na ngayon ay nakikisabayan na din sa pagbaril. At kahit na anong gawin niyang pagtatakip sa tainga niya ay rinig na rinig pa din niya ang malalakas na pitok na baril na para bang nabibingi siya. Sobrang lakas din ng t***k ng puso niya dahil sa nararamdamang takot para sa sarili niya. Hindi naman niya masisisi ang sarili dahil iyon ang unang pagkakataon na naranasan iyon. Her tears keep brimming in her eyes right now because of so much fear. She also felt like she couldn't breathe. At makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang putok ng baril, nanatili nga din nakatakip ang kamay niya sa tainga habang nakapikit siya. Patuloy din sa pagtulo ang luha sa mga mata. Mayamaya ay naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa braso niya. At hindi niya napigilan ang mapatili sa takot na baka ang mga bumabaril sa kanila ang humawak sa kanya. Napasiksik nga din siya sa dulo ng kotse. "Ava," narinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Dimitri. Nagmulat siya ng mga mata. At agad na nagtama ang mga mata nila Dimitri. At kahit na nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha ay napansin niya ang kakaibang emosyon na bumalatay sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang sarili. She can't breath. "Who... really.. are you?" tanong niya sa nahihirapang boses, sinapo din niya ang kaliwang dibdib. At halos makusot na niya ang suot na damit. Dimitri's eyes furrowed as he stared at her. "Are you-- Dimitri didn't finish the rest of what he was going to say when her vision suddenly darkened. And the next thing she knew, she surrendered in darkness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD