"SHE'S okay, Sir Dimitri."
Naalimpungatan si Ava nang maulingan niya ang hindi pamilyar na boses na iyon ng nagsalita. Tuluyan naman siyang nagmulat ng mga mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
At agad na tumuon tingin niya dalawang lalaking nag-uusap sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Agad niyang nakilala ang isang lalaki, kahit kasi nakatalikod ito sa kanya ay kilalang-kilala niya.
It was Dimitri. Napatingin siya sa lalaking kausap nito, hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. Pero gaya ni Dimitri ay matangkad din ito at matitipuno ang katawan.
"Why is the reason why she lost consciousness?" tanong ni Dimitri sa malamig na boses sa lalaking kausap nito, wala man lang siyang mabakasan na worry sa boses nito habang tinatanong nito ang lalaki.
At bakit naman siya umaasa na may pag-alala si Dimitri? He is cold-hearted beast. At wala yata sa bokalorayo nito ang makaramdam ng ayaw.
"She lost consciousness because of fear," sagot ng lalaki.
Nang marinig niya ang sinabi ng lalaki kay Dimitri ay do'n lang bumalik sa alaala niya kung bakit nawalan siya ng malay. Do'n din niya muling naramdaman ang panginginig ng katawan ng maalala ang lalaking ankas ng motor na nagpaputok ng baril sa kotseng sinasakyan nila? Ang pagpapa-ulan ng bala sa sinasakyan nilang kotse, ang pakikipagpalitan din nina Dimitri at Rocco ng putok ng baril sa mga bumabaril sa kanila.
Sa sandaling iyon ay pakiramdam niya ay naririnig pa din niya ang pag-alingawngaw ng putok ng baril. And what happened to the one who fired gunfire on them. Are they dead?
"Oh, she's awake already," mayamaya ay narinig niya ang boses na iyon ng lalaki. At nang mapatingin siya dito ay nakita niyang nakatingin na ito sa kanya. Nakita nga din niya ang pagbaling ni Dimitri sa gawi niya sa sinabi ng kausap.
Seryoso ang ekspresyon ng mata ni Dimitri nang makita niya. Napansin din niya ang isang kamay nito na nakamulsa sa suot nitong pantalon ng sandaling iyon.
Lumapit sa kanya ang lalaking kausap ni Dimitri. Sinubukan naman niyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. At nang makita iyon ng lalaki ay in-extend nito ang dalawang kamay para tulungan siya. Pero hindi pa tuluyan nakakahawak ang mga kamay nito nang mapatigil ito ng magsalita si Dimitri.
"If you want a complete hand, Lorenzo. Hindi na ako magbabalak" wika ni Dimitri sa malamig pero baritonong boses.
Sabay naman silang napatingin ng lalaking nangangalang Lorenzo kay Dimitri ng magsalita ito. Nakita nila ang seryoso ang ekspresyon ng mukha nito, magkasalubong nga din ang magkabilang kilay nito habang nakatingin ito Lorenzo.
Napansin naman niya ang pag-ngisi ni Lorenzo habang nakatingin ito kay Dimitri. Umayos na din ito mula sa pagkakatayo, lumayo ito bahagya ay hindi na siya nito tinulungan na bumangon.
She finally got out of bed. And it looks like, Dimitri doesn't want anyone to help her.
And she doesn't need help. She can get up on her own. At kung may mangyayaring din naman masama sa mga taong gustong tumulong sa kanya? Huwag na lang.
"She is awake, Lorenzo. You have no business here anymore," mayamaya ay wika ni Dimitri sa lalaki sa malamig pa ding boses.
"No thank you?" Lorenzo asked.
Dimitri eyes sharpened as he stared at the man. I will transfer your p*****t to your account." matigas ang boses na wika nito.
Lorenzo just smirked. "See you again, Lady Ava," wika ng lalaki ng sulyapan siya nito, hindi na din siya nito hinintay na nagsalita, tumalikod na ito. Tinapik lang nito sa balikat si Dimitri bago ito naglakad palabas ng kwarto na kinaroroonan.
Naiwan naman silang dalawa ni Dimitri sa loob ng kwarto. Namayani din ang katahiman sa kanilang dalawa dahil walang gustong magsalita.. Pero ramdam niya ang init na titig ni Dimitri sa kanya. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. At sinubulan niya ang sarili na balingan ito. Tinatagan niya ang loob para salubungin ang mga mata nito.
At nang magtama ang mga mata nila ay naalala na naman niya ang ekspresyon ng mga mata nito habang pinapaulanan sila ng bala ng baril ng hindi kilalang mga lalaki. She remembered his deadly eyes.
"Who really are you?" Hindi niya napigilan na itanong iyon dito habang sinasalubong niya ang titig nito. "S-sino ka ba talaga?"
May ideya na si Ava kung sino talaga ito, pero gusto pa din niya ng kompirmasyon.
Saglit na hindi nagsalita si Dimitri, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. At mayamaya ay inalis nito ang kamay na nakasuksok sa bulsa ng suot nitong pantalon.
He walked towards her and stood there while his eyes were staring fiercely at her. "Just be good. And just follow my order, Ava. Nothing bad will happen to you," wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya.
Hindi na din siya nito hinintay na magsalita. Tumaliko na ito ay iniwan na siya nitong mag-isa sa kwarto.
Saglit naman nanatili ang tingin niya sa pintong nilabasan nito.
Nothing bad will happen to you, ulit na wika niya sa isipan sa sinabi nito. Sa halip nga na makaramdam ng kapayapaan ang puso niya sa sinabi nito, sa halip na makaramdam ng relief ay bakit mas lalo siyang natakot.
Dimitri was not good at her. Pakiramdam niya kapag nasa tabi niya ito, kapag nanatili pa din siya sa poder nito pakiramdam niya ay hindi siya ligtas, pakiramdam niya ang isang binti niya ay nasa hukay na.
Simula nga noong dumating sa buhay niya sina Tita Minerva ay pakiramdam niya ay nasa hell na siya. And it seems that her life went to hell even more.
At ayaw niyang manatili lang sa ganoon. She need to do something.
She had to think of a way to escape from Dimitri's grasp.
KUMUNOT ang noo ni Ava ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto ng may kumatok do'n ay nakita niyang hindi lamg si Claire ang naroon. At sa likod nito ay may nakita siyang dalawang babae na hindi pamilyar ang mukha sa kanya. Napansin nga niya na may bitbit ang mga ito, ang isang babae ay may bitbit na dalawang paperbag, isang malaki at isang maliit. At isa naman ay may bitbit na suitcase.
"Miss Ava, nandito na po ang mag-aayos sa inyo," mayamaya ay imporma ni Claire sa kanya.
Mas lalo namang kumunot ang noo niya. "Mag-aayos?" balik tanong niya. Bakit aayusan siya? Saan siya pupunta?
"Hindi po ba nabanggit ni Sir Dimitri sa inyo? May party po kayong pupuntahan ngayon," imporma nito sa kanya. At nang banggitin nito ang salitang party ay biglang bumalik sa alaala niya ang pagpunta nila sa isang kilalang boutique shop isang linggo na ang nakakaraan. Naalala niya ma binanggit ni Dimitri na may a-attend-an silang party. Nawala iyon sa isip niya dahil wala namang sinabi ang lalaki sa kanya, wala nga itong sinabi na ngayong araw na iyon. Knowing na nagkita silang dalawa kanina.
"At gusto ni Sir Dimitri na tapos na kayo sa pag-aayos ng alas singko ng hapon, Miss Ava," dagdag pa na wika ni Claire sa kanya. "Susunduin daw niya kayo dito mayamaya."
Nang sabihin iyon ni Ava ay niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto niya para anyayahan na pumasok ang dalawang babae.
Hindi na siya nagmatigas, kailangan niyang sumunod sa gustong mangyari ni Dimitri habang hindi pa siya nakakapag-isip kung paano niya ito tatakasan.
Yes. Kahit na nakakatakot si Dimitri, nakakatakot sa posible nitong gawin ay iniisip pa din niyang takasan ito.
At mayamaya ay bahagyang namilog ang mga mata niya nang may ideyang pumasok sa isip niya.
They have a party to attend. And it was her chance to escape. Naisip niyang hindi naman siguro na sa kanya ang atensiyon ni Dimitri lagi. At kapag nalingat ito ay kukunin niya iyong pagkakataon para makatakas siya dito.
At kapag nakatakas siya ay magpapakalayo siya, lalayo siya sa lugar na hindi siya nito mahanap.
At habang abala ang dalawa sa pag-aayos sa kanya ay abala din siya sa pag-iisip kung paano siya tatakas mamaya. At kung saan siya pupunta kapag nakatakas siya. Ayaw niyang bumalik sa bahay nila dahil alam niyang ipagkakanulo siya nina Tita Minerva, hindi din siya pwedeng tumuloy sa kaibigang si Bianca dahil ayaw niya itong madamay.
At makalipas ang halos isang oras ay tapos na siyang make-up-an at ayusan ng buhok.
"Ma'am, isuot niyo na po ito," mayamaya ay wika ng babae. At nang balingan niya ito ay nakita niyang hawak nito ang pamilyar na gown na binili ni Dimitri sa boutique shop.
"Sobrang ganda niyo po, Ma'am," komento ng babae nang maisuot niya ang gown. Tinulungan nga din siya nito na isara ang zipper sa likod. Sinuotan nga din siya ng kwentas at nang earring na mukhang galing din kay Dimitri.
Napatingin naman siya sa sariling repleksiyon sa vanity mirror. At muntik na niyang hindi makilala ang sarili nang makita ang hitsura.
Maganda ang pagkaka-make up sa kanya. Hindi iyon masyado makapal, sakto lang. Naka-pusod naman ang mahabang buhok, messy style.
"Miss Ava, nariyan na ang sundo niyo sa baba," wika ni Claire sa kanya ng pumasok ito sa kwarto niya.
Tumango siya. Tinulungan siya ng babae na isuot ang heels niya. Nagsusuot naman siya dati kaya hindi na siya masyado nahirapan.
Sabay-sabay naman na silang lumabas ng kwarto. Nauna ang tatlo sa pagbaba sa hagdan, nasa likuran naman siya. Dahan-dahan lang siya sa pagbaba sa hagdan dahil baka matapilok pa siya sa suot niyang heels.
At parang mas lalo yatang nag-slow mo ang paglalakad ni Ava nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Dimitri sa may living room ng mansion.
Nakita niyang may kausap ito sa hawak nitong cellphone. Pero napansin niyang natigilan ito habang nakatingin sa kanya.
And there's something different in his eyes when he looks at her. Admiration? She was uncertain if that was what she was seeing.
Ibinaba naman na ni Dimitri ang hawak nitong cellphone. Pero hindi pa din nito inaalis ang tingin sa kanya. Napalunok siya ng makailang ulit. At naramdaman nga din niya ang panginginig ng mga tuhod niya ng sandaling iyon.
And she was right, dahil noong magpatuloy siya sa paghakbang ay muntik na siyang mahulog sa hagdan kung hindi lang siya agad nakakapit sa handle ng hagdan.
Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Dimitri. He looks mad. Saan? Sa muntikan niyang pagkahulog sa hagdan? Why? Is he worried? Imposible, siya na din ang sumagot sa mga tanong ng isipan.
Mas humigpit ang pagkakakapit niya sa handle ng hagdan nang makita niya ang paghakbang ni Dimitri sa gawi niya.
Umakyat ito habang hindi pa din inaalis ang tingin sa kanya hanggang sa huminto ito sa harap niya. Kahit na isang baitang lang ang pagitan nila at kahit na nasa unahan siya ay kinailangan pa din niyang tumingala ng konti para magpantay ang paningin nila.
Amoy na amoy nga din niya ang pabangong gamit nito. At nahigit ni Ava ang hininga ng pumaikot ang isang kamay ni Dimitri sa baywang niya at hinapit siya nito palapit sa katawan nito.
"Watch your step, Ava. I don't want anything bad to happen to you. You haven't given me a child yet," he said in a deep and baritone voice.
And after that, he lifted her up. Agad namang humawak ang dalawang kamay niya sa balikat nito. At bumaba ito ng hagdan habang nasa ganoon silang posisyon.