"I'M WARNING you, Ava. Don't make me mad," wika ni Dimitri sa kanya ng lingunin siya nito nang ma-ipark ni Rocco ang minamaneho nitong kotse sa parking lot sa hotel kung saan gaganapin ang a-attend-an nilang party.
Tinanong niya si Dimitri kanina kung kaninong party ang attend-an nila at nabanggit nitong anibersaryo ng isang kompanya kung saan ito nag-invest.
Ang De Asis Empire.
Tumango lang naman si Ava sa sinabi ni Dimitri sa kanya pero kahit ang totoo ay may binabalak siya.
Binabalak niyang tumakas kapag nagkaroon siya ng pagkakataon mamaya. Sigurado naman siya na wala sa kanya ang atensiyon nito mamaya at kapag nangyari iyon ay doon niya isasagawa ang balak.
"Let's go," yakag na nito sa kanya.
Bumaba naman si Dimitri sa kotse nang pinagbuksan ito ni Rocco. Bumaba na din siya. Napansin niya ang pagsulyap ni Dimitri sa kanya kaya lumapit siya dito.
Napatingin naman siya sa braso nito nang ilahad nito iyon sa harap niya. Agad siyang nakuha ang ibig nitong sabihin kaya walang imik na um-abrisyete siya braso nito. At nang magdikit nga ang mga balat nila ay naramdaman niya ang parang kuryente na dumaloy sa buong katawan niya pero hindi na lang niya iyon masyado pinagtuunan pa ng pansin.
Sabay naman silang naglakad papasok sa loob ng nasabing hotel kung saan gaganapin ang nasabing anibersaryo.
At bago sila makapasok sa loob tinanong muna ang pangalan nila para tingnan sa list kung imbitado sila. At nang banggitin ni Dimitri ang pangalan ay pinapasok na sila sa loob.
"Ava?" Mayamaya ay napatingin siya sa kanyang gilid nang marinig niya ang boses na tumawag sa kanya.
"Chelsea?" wika naman niya nang makilala niya ang babae na tumawag sa kanya.
Sumilay naman ang ngiti sa labi nito. "It's really you," wika naman nito sa kanya.
Bumitaw naman siya mula sa pagkakahawak niya kay Dimitri nang lumapit ito sa kanya. She kissed her cheeks. "It's been a while, Ava. How are you?" tanong nito sa kanya.
Bubuka sana ang bibig ni Ava para sagutin si Chelsea nang maramdaman niya ang paghawak ni Dimitri sa likod ng baywang niya. Mukhang gusti nitong ipaalala sa kanya ang banta nito kanina.
Saglit naman niyang sinulyapan ang lalaki bago niy binalik ang tingin kay Chelsea. "I'm okay, Chelsea. How about you?" tanong din niya.
Chelsea was her classmate back then. Pareho sila ng kurso na kinuha at iyon ay fashion design. Hindi nga lang niya natapos ang pag-aaral. Samantalang si Chelsea, namayagpag na sa larangan ng fashion katulad ng ina nitong si Chassy na isang sikat na fashion designer. Unti-unti na nga ding nakilala ang pangalan nito.
"I'm good," wika nito sa kanya. "I didn't know that you're invited her," mayamaya ay wika nito sa kanya.
"She's with me," sagot naman ni Dimitri sa tanong na iyon ni Chelsea.
"Oh," bulalas naman nito.
"And will you excuse us," wika pa ni Dimitri.
Alanganin na nginitian naman niya si Chelsea. Mukhang ayaw ni Dimitri na nakikipag-usap siya sa ibang tao. "Sige, Chelsea. Let's talk other time," sabi naman niya.
"Sure, sure," sagot naman nito sa kanya na nakangiti.
Umalis naman na sila sa harap nito. Mayamaya ay may lumapit sa kanilang isang lalaki, mukhang staff ng hotel, in-assist naman sila nito kung saan ang designated table nila.
At hindi nga niya napigilan ang mapakunot nang noo nang makita niya kung sino ang kasama nila sa iisang table.
It was her stepsister Melissa and her boyfriend Austin.
Napansin nga din niya ang pagkunot ng noo ni Melissa nang makita siya nito, mukhang hindi nito inaasahan na makikita siya nito do'n. Well, the feeling is mutual.
Pero nang makita nito ang lalaking katabi niya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Para na itong maamong tupa. Napansin nga din niya ang malagkit na titig nito kay Dimitri.
Iiling lang naman siya. Kasama nito ang boyfriend nito pero kung makatitig sa ibang lalaki ay parang walang boyfriend.
Poor Austin.
Pero sa ibang banda ay naisip niyang may pagkapareho ang dalawa dahil ganoon din ni Austin. Pansin din kasi niya ang lagkit ng titig nito sa kanya kapag nakikita siya nito kapag binibisita nito si Melissa.
"Ava?" mayamaya ay banggit ni Austin sa pangalan niya ng mag-angat ito ng tingin sa gawi niya.
"Austin," wika naman niya.
Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo nito. Lumapit ito sa kanya. At akmang makikipagbeso ito sa kanya ng mabilis siyang umatras.
Sa kanyang pag-atras ay nabunggo niya si Dimitri. Pero hindi man lang ito natinag, and she just felt his hand possessively wrapped around her waist.
Nilingon naman niya ito sa kanyang likod. And Dimitri was glaring at Austin now with furrowed brows and pursed lips.
Mayamaya ay napansin niya ang pagtayo ni Melissa at lumapit din ito sa kanya.
"Oh, Ava. You are here, too?" nakangiting wika nito, para itong anghel ng sandaling iyon pero alam niyang balatkayo lang iyon.
She knew the real face of Melissa. At hindi pa nga din nawawala ng inis iya dito dahil sa ginawa nito, dahil sa pagnakaw nito sa mga alahas niyang bigay ng magulang sa kanya.
Hindi na nga din siya nito hinayaan na magsalita dahil tumingin ito sa lalaking nasa likod niya.
"You're with him, Ava?" tanong nito sa kanya.
She want to rolled her eyes. Obvious naman na kasama si Dimitri pero tinatanong pa nito.
"Hi! My name is Melissa," mayamaya ay pagpapakilala nito sa sarili kay Dimitri. Nakita nga din niyang inilahad pa nito ang kamay sa harap ni Dimitri. "Stepsister of Ava," dagdag pa na wika nito.
Pero sa halip na tanggapin ni Dimitri ang pakikipagkamay ni Melissa ay tiningnan lang nito iyon gamit ang malamig na ekspresyon. Hindi nga din tinanggal ni Dimitri ang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya.
She didn't like Dimitri's attitude. He was cold-hearted and rude. But she seemed like it now. She was enjoying him being rude to Melissa.
Pekeng ngumiti naman si Melissa. At dahan-dahan din nitong ibinaba ang kamay na nakalahad. At pansin nga din niya sa mukha nito ang pagkapahiya pero dahil two face si Melissa ay mayamaya ay ngumiti ito na para bang walang nangyari.
PANSIN na pansin ni Ava ang pasulyap-sulyap ni Melissa kay Dimitri. Pero si Dimitri, hindi man lang sinusulyapan ang babae. Kunot pa din ang noo at habang seryoso ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin sa harap. Pansin nga din niya ang pagkabagot nito ng sandaling iyon, pansin niya na gusto na nitong umuwi.
Si Austin naman ay napapansin niya na patingin-tingin ito sa tabi niya pero hindi din niya ito pinapansin.
Inalis naman na niya ang atensiyon kay Melissa ay itinuon na ang pansin kung paano niya tatakasan si Dimitri.
Hanggang sa napatingin siya dito. At mukhang naramdaman nito na nakatingin siya dahil nilingon siya nito. "What?" wika nito sa malamig na boses ng magtama ang mga mata nila.
Bahagya naman niyang inilapit ang mukha dito. "I'm going to restroom," paalam niya dito sa mahinang boses.
Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito sa sinabi niya. "What?"
Inulit muli niya ang sinabi nito. "I'm going to the restroom."
"I'm going with you," wika naman nito.
Hindi naman niya napigilan ang mapaawang ang labi. "Ha?"
Sa halip naman na magsalita si Dimitri ay tumayo ito mula pagkakaupo nito. Tiningala naman niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kanya.
"Let's go," wika nito sa seryosong boses.
Sa halip naman na tumayo ay nanatili siya na nakaupo habang sinasalubong niya ang titig nito.
Paano siya tatakas kung sasama ito sa kanya?
"Come on, Ava," wika nito sa kanya nang hindi pa siya kumikilos.
Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Inayos ni Dimitri ang suot nitong tuxedo bago ito humakbang. Sumunod naman siya dito.
Pero nakakatatlong hakbang lang ito nang mapatigil ito ng may lumapit na isang may edad na lalaki at sa hitsura nito ay mukhang businessman at mukhang kakilala din si Dimitri.
"Mr. Gotti," wika ng lalaki kay Dimitri.
"Mr. Valdez," wika naman nito sa baritonong boses, mukhang magkakilala ang dalawa.
At nag-usap ang dalawa tungkol sa negosyo. Kinuha naman niya iyong pagkakataon para umalis.
She excused herself. Napansin nga niya ang pagkunot ng noo ni Dimitri pero hindi na lang niya ito pinansin, tuloy-tuloy siyang humakbang patungo sa dereksiyon ng restroom. At kahit na nakatalikod siya ay ramdam niya ang init na titig ni Dimitri sa kanya.
At nang makapasok si Ava sa loob ng restroom ay do'n lang niya pinakawalan ang kanina pa pinipigilan na hininga. Hindi nga din niya napigilan ang pamamawis ng magkabilang kamay dahil sa kaba na nararamdaman.
She took a deep breath. At mayamaya ay napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon.
At napakunot siya ng noo nang makita niya si Melissa. Isinara nito ang pinto at saka ito sumandal sa likod niyon. Pinag-krus nga din nito ang magkabilang braso sa ibabaw ng dibdib nito habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanya.
"What are you doing here, Ava?" tanong ni Melissa sa kanya, mukhang sinundan siya nito doon para itanong lang iyon sa kanya.
"I'm invited here," sagot niya.
"Mga kilala lang sa larangan ng business at kapamilya ng mga De Asis ang imbitado dito, Ava," wika nito sa kanya. "You are not a family and you are not in business."
"So, why are you here?" Hindi naman niya napigilan na itanong. "You are not family and you are not in business, too," binigyaan diin pa niya ang huling sinabi. Hindi naman kasi ito pamilya ng De Asis at lalong-lalo na wala itong alam sa negosyo. Eh, ang alam lang nito ay ang maglustay ng pera.
At mukhang hindi nagustuhan ni Melissa ang sinabi niya dahil matalim ang tingin na pinupukol nito sa kanya. "Ang tapang mo na ngayon dahil wala ka na sa poder namin," wika pa nito.
Pero sa halip na pansinin ito ay tinalikuran niya ito. Tumingin siya sa salamin na naroon. Wala siyang oras para makipagtalo dito. May gagawin pa kasi siya and she was out of time.
Naramdaman niya ang paglapit nito dahil sa lagutok ng takong na suot nito. "Huwag mo akong tatalikuran, habang kinakausap pa kita," wika nito sa kanya, hinawakan nga din siya nito sa braso at sapilitang pinaharap. Agad naman niyang pinigsi ang kamay nito.
"Ano bang problema mo, Melissa?" Hindi niya napigilan na sabihin dito.
"You. You're my problem when I see you," wika nito sa kanya.
Eh, di ipikit mo ang mata mo para hindi mo ako makita, gusto sana niyang sabihin pero sinarili na lang niya. "Kung ayaw mo ng problema ay huwag mo akong lapitan," sabi na lang niya dito.
"Who is that man?" tanong nito mayamaya sa kaya. "Boyfriend mo? Nilandi mo para patulan ka?" Nag-uuyam na wika nito.
"Hindi naman ako kagaya mo na malandi," wika niya dito.
Hindi na nga din niya hinintay si Melissa na makapag-react dahil tinalikuran na niya ito. Humakbang na siya palabas ng restroom. Hindi din kasi siya makakapag-isip ng maayos dahil naroon si Melissa.
At pagkalabas niya ay nagulat siya nang makita si Dimitri do'n. Nakasandal ito sa pader habang magka-krus ang dalawang kamay sa ibabaw ng dibdib nito. Sobrang magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap--
Hindi na natapos ni Melissa ang iba pa nitong sasabihin nang makita nito si Dimitri na naroon din.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Ava. Kailangan ka babalik sa bahay. Mama misses you," pagpapatuloy na wika ni Melissa, medyo lumambing nga din ang boses nito ng sandaling iyon. Ibang-iba noong sila lang dalawa.
Two face talaga at ang galing nitong uma-acting.
"Let's talk other time," sabi na lang niya kay Melissa.
Pagkatapos niyon ay sinulyapan niya si Dimitri. "I'll be back to our table," sabi niya dito.
Humakbang na si Ava pabalik sa mesa nila. Hindi naman niya naramdaman ang pagsunod ni Dimitri sa kanya, pero ng nilingon niya ito ay nakita niya na kinakausap nito si Melissa sa seryosong ekspresyon ng mukha.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makabalik siya sa table. Napansin naman niya ang pag-ngiti ni Austin sa kanya.
Hanggang sa hindi ito nakatiis at kinausap siya.
"How are you, Ava? Hindi na kita nakikita sa bahay niyo. Melissa said, lumayas ka daw? Saan ka tumutuloy?"
Wala naman siyang balak na sagutin ang tanong nito. At mabuti na lang at hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para sagutin ito dahil bumalik na si Melissa sa mesa nila. At napansin niyang halos hindi ito makatingin sa kanya, may napansin nga din siyang kakaiba sa ekspresyon ng mukha nito.
And it looks like she was scared. Pero saan naman?
Naalis naman na ni Ava ang atensiyon kay Melissa ng may lumapit na lalaki sa kanya, ito iyong lalaking nag-assist sa kanila sa designated table nila.
"Ma'am, pinapaabot po sa inyo," wika nito sa kanya sabay abot sa maliit na papel, nakatupi iyon. Napansin nga din niya na parang may nakasulat.
Nagtataka man ay tinanggap niya ito. "Kanino galing?" tanong niya.
"Sa kasama niyo po kanina," sagot nito.
Kay Dimitri?
"Salamat," wika niya dito.
Bahagya itong yumukod bago nagpaalam. Tumingin naman siya sa papel na hawak niya. Saglit siya doon nakatitig hanggang sa binuksan niya iyon para tingnan ang nakasulat.
At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng mabasa niya kung ano ang nakasulat sa papel.
Go to the men's restroom now.