Chapter 4

1793 Words
NAPATINGIN si Ava sa dereksiyon ng pinto ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling do'n. Saglit siyang napatitig sa pinto hanggang sa naisipan niyang tumayo para pagbuksan kung sino ang kumakatok. Naka-lock kasi iyon sa loob kaya hindi iyon mabubuksan kung sino ang tao na nasa labas. Ni-lock niya iyon kagabi ng makabalik siya sa kwartong tinutuluyan pagkatapos niyang maka-engkwentro ang lalaki sa may kusina. Hindi niya kilala ang lalaki. Pero sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya, sa paraan ng pagtatanong nito kung ano ang ginagawa niya sa kusina ay parang ito ang may-ari ng mansion. And his cold and baritone voice still echoed in her ears. And it must be Dimitri. Ang lalaki bang iyon si Dimitri? Hindi naman kasi siya nito sinagot ng tanungin niya kung sino ito. Sa halip nga na sagutin siya nito ay nagalit pa ito sa kanya. At sa maikling sandaling pag-uusap niya ay napansin niya na ang baba ng pasensiya nito. He gets mad so easily. He is impatience. Bigla niyang naalala iyong kasambahay nitong nakausap niya kagabi. No wonder, ramdam at pansin niya ang takot sa boss nito. Bumuntong-hininga muna si Ava bago niya binuksan ang pinto. At sumalubong sa kanya ang pamilyar na mukha ng babae. Ito iyong kasambahay na laging nagdadala ng pagkain sa kanya. "Good morning, Ma'am," bati nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Binati din ni Ava ang babae. "Dinalhan ko po kayo ng breakfast niyo," wika nito sa kanya. Napatingin naman siya sa hawak nitong tray. At nakita ulit niyang mga pagkain niya ang mga iyon. "Hmm...s-salamat. Pero next time, huwag mo na akong dalhan dito," wika niya sa babae. Napansin naman niya ang pag-protesta sa mga mata nito. At mukhang namis-interpret nito ang sinabi niya. "Ma'am mapapagalitan po ako ni S-sir kung hindi ko po kayo pinakain," wika nito sa kanya, may takot sa boses nito na kapag hindi nito sinunod ang utos ng boss nito ay may masamang mangyayari dito. Bakit takot na takot ang mga ito kay Dimitri? Umiling-iling naman siya dito. "That's not what I meant," sabi niya. "Hmm...ang ibig kung sabihin ay huwag muna akong dalhan ng pagkain sa kwarto. Ako na ang bababa para doon sa dining kumain," paliwanag niya dito. Simula noong namatay ang Papa niya ay hindi na siya sanay na pinagsisilbihin, nasanay na si Ava ang nagsisilbi. At saka ayaw naman niyang maging VIP kung lagi siyang dinadalhan ng pagkain sa kwarto. Alam naman niya ang estado niya dito. Mapait naman siyang napangiti ng maalala niya ang dahilan kung bakit siya naroon. "Sige po, Ma'am," wika nito sa kanya. "At...huwag mo na akong tawaging, Ma'am. Ava na lang," dagdag pa na wika niya. Napansin naman niya ang pagdadalawang isip nito sa gusto niyang itawag nito. Pero ng ngitian niya ito ay doon lang ito tumango. "Kung iyan po gusto niyo, Ava," wika nito. She just smiled at her. "Ipasok ko na po ito," wika naman nito. Gumilid naman siya para makaraan ito. Sinundan naman niya ito ng tingin patungo sa sofa na naroon sa loob ng kwarto. Nakita niyang ibinaba nito ang hawak na tray sa center table. Napatitig siya doon nang may mapansin siya. "Ano iyan?" tanong niya habang nakatitig siya sa plastic tube na nasa ibabaw ng tray. Sinundan naman nito kung ano ang tinitingnan niya. "Oinment po. Para po sa bukol niyo sa noo," sagot nito sa kanya. Napataas naman ang isang kamay ni Ava para haplusin ang maliit na bukol sa noo niya. Nagkaroon siya ng bukol dahil sa pagkakabunggo niya sa pader kagabi, sa lakas ng impact nauntog ang noo niya. Pero mayamaya ay napakunot noo siya ng may naisip. Paano nito nalaman na may bukol siya sa noo? Eh, ngayon lang ulit sila nagkita na dalawa? Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya dito. "Paano mo nalaman na may bukol ako sa noo?" tanong niya, mababakas sa boses niya ang pagtataka. "Si Sir Dimitri po," sagot nito sa kanya dahilan para mapaawang ang labi niya. Tama ba ang narinig niyang binanggit nitong pangalan? Dimitri ba? "S-sir Dimitri?" tanong niya. Tumango naman ito. "Opo. Nauntog daw kayo sa pader sa may kusina kagabi," sagot nito sa kanya. Hindi naman siya makapagsalita sa sinabi nito. Naisip na din niyang ang lalaki ang nakausap niya kagabi, pero hindi siya hundred percent sure kaya inalis din niya iyon sa isip niya. Pero ngayon, na-confirm niyang si Dimitri nga ang lalaking iyon. "At...may pinapasabi din po si Sir," pagpapatuloy pa na wika nito. "Sa susunod daw po ay huwag kayong lalabas ng kwarto niyo kapag gabi," dagdag pa na wika nito. "Bakit?" tanong niya. "Ayaw po ni Sir Dimitri," sagot nito sa kanya. "Kahit po kami ay mahigpit na pinagbawalan na lumabas ng kwarto kapag sumapit na ang alas nueve ng gabi," pagpapatuloy pa na wika nito. "Bakit pinagbabawalan kayo?" Hindi naman niya napigilan na itanong iyon dito. Naku-curious kasi siya. Bakit bawal? May nangyayari ba sa mansion ng ganoong oras kaya bawal lumabas ang mga ito? "Wala po akong ideya. Basta sinusunod lang namin ang utos niya. Bawal na hindi kami sumunod dahil magagalit siya," pagpapaliwanag naman nito. Nang magpaalam ito sa kanya ay naging palaisipan kay Ava ang mga nalaman niya dito. PAAKYAT na si Ava sa pangalawang palapag ng mansion ng mapatigil siya ng tawagin siya ni Claire--ang kasambahay na laging nakakausap niya sa mansion. Katatapos lang niyang kumain ng dinner sa may dining area. Sinunod nito ang sinabi niya na huwag na siya nitong dalhan ng pagkain sa kwarto niya at siya na ang bababa. At kahit na wala siyang ganang kumain at pinipilit pa din niya dahil ayaw niyang pagalitan ito ni Dimitri. "Bakit?" tanoniya niya dito ng nilingon niya ito. "Iyong...sinabi ko sa 'yo kaninang umaga. Huwag na kayong lumabas ng kwarto," pagpapaala nito sa kanya. Saglit naman siyang napatitig dito, pero mayamaya ay tumango siya. "Oo," sagot niya. Ngumiti naman ito. "Salamat," sabi nito. Ngumiti lang din naman siya pabalik bago siya nagpatuloy sa paglalalad. Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto na inuukupa niya. Akmang pipihitin niya ang seradura ng pinto ng mapatigil siya ng mapatingin siya sa dereksiyon ng isang nakasarang pinto. Wala ng ibang pinto maliban sa kwartong inuukupa niya at ang pintong tinitingnan niya ng sandaling iyon. Naisip niyang dadalawa lang ang kwarto na nasa pangalawang palapag ng mansion. Kwarto kaya iyon ni Dimitri? Saglit naman si Ava na nakatingin sa nakasarang pinto hanggang sa inalis niya ang tingin do'n. Tuluyan na din niyang pinihit ang seradura at saka pumasok siya sa loob ng kwarto. Hindi na naman niya napigilan ang mapabuntong-hininga nang makaramdam siya ng lungkot ng mapag-isa siya. Hindi nga din niya mapigilan ang makaramdam ng takot para sa sarili niya. She can't help but to worry about what happens to her. At iyong pag-asa na nararamdaman niya kagabi ay unti-unti na ding nawawala. Wala pa kasi siyang balita tungkol kay Manang Esvi. Hindi niya alam kung napansin nitong wala siya sa bahay. Si Manang Esvi at ang kaibigang si Bianca lang ang tanging pag-asa ni Ava, kung malaman kasi ng mga ito na wala siya, sigurado siyang hahanapin siya ng mga ito. Sa pangalawang pagkakataon ay humugot ulit siya ng malalim na buntong-hininga. Kailangan niyang mag-isip para makaalis siya doon. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makauwi na siya. Nag-isip siya ng gagawin niya. Hindi siya pwedeng basta na lang tumakas dahil alam niyang hindi iyon basta-basta magagawa. Alam niyang hindi siya basta-basta makakalabas ng mansion. Kausapin kaya niya si Dimitri? Pakiusapan na pauwin na siya nito. At babayadan na lang niya ang perang pinambili nito sa kanya. Naisip niyang mas madali iyong paraan para makaalis siya doon. Kaya kahit na paulit-ulit na sinabi ni Claire sa kanya na huwag na siyang lumabas ng kwarto ng ganoong oras ay lumabas pa din siya. She need to talk Dimitri. She wasn't sure if she could talk to him. At least she try. Lumabas si Ava ng kwarto. Napatingin din siya sa pinto na tinitingnan niya kanina hanggang sa nagsimula siyang humakbang. At habang palapit na palapit siya sa pinto ay hindi niya maiwasan ang pagbilis ng t***k ng puso niya lalo na noong huminto siya sa tapat ng pinto. Now or never. Tumaas ang isang kamay ni Ava para kumatok ng tatlong beses. Hinintay naman niyang may magbukas sa kanya pero ilang segundo na siyang kumatok ay wala pa ding nagbubukas ng pinto sa kanya. Muli siyang kumatok, this time ay medyo nilakasan niya. Naisip kasi niya na baka hindi siya nito naririnig kaya hindi pa din siya nito pinagbubuksan ng pinto. "S-sir Dimitri?" tawag din niya habang patuloy pa din siya sa pagkatok. Hindi nga din niya napigilan na itapat ang tainga sa pinto para makiramdam sa loob. Hindi niya kasi alam kung may tao ba doon o kwarto ba talaga ni Dimitri iyon. In-assume lang kasi niya iyon. Pero mayamaya ay napaayos siya mula sa pagkakatayo niya nang makarinig siya ng mga yabag. Sunod-sunod din siyang napalunok habang hinihintay niya na bumukas ang pinto. Hindi nga din niya napigilan ang makaramdam ng kaba ng sandaling iyon. Pero sa halip na bumukas ang pinto ay narinig niya ang malamig at baritonong boses mula sa loob. "Who's that?" Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "A-ava," sagot niya, hindi nga din niya napigilan ang pagpiyok ng boses. Wala naman siyang narinig na nagsalita mula sa loob. Kaya muli niyang inilapit ang tainga sa pinto. Pero mayamaya ay napaayos muli siya sa pagkakatayo niya ng muli niyang narinig ang boses nito. "What are you doing there?" he asked her in a still cold voice, pansin nga din niya sa boses nito ang galit. "P-pwede ba kitang makausap?" tanong niya dito. Umaasa siya na bubuksan nito ang pinto para makapag-usap silang dalawa. Hindi iyong nanatili pa ding nakasara ang pinto na para bang iyon ang kausap niya. "Go back to your room," wika nito sa halip na sagutin siya nito sa pakiusap niya. "M-mag-usap muna tayo kahit-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng muli itong nagsalita. "I said go back to your room!" he shouted. "Don't you understand?" Hindi naman niya napigilan ang mapaatras ng marinig niya ang sigaw nito mula sa loob. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang mababakas sa mukha nito ang galit dahil bakas sa boses nito iyon ng pinapabalik siya nito sa kwarto. Wala na din siyang narinig mula dito sa loob sa sumunod na sandali. Mukhang wala itong balak na kausapin siya. Saglit nga din nakatitig si Ava sa nakarasang pinto hanggang sa bagsak ang balikat na humakbang siya paalis para bumalis sa kwarto niya. And she couldn't stop thinking either. Why doesn't Dimitri want to face her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD