Chapter 8

1843 Words
"DON'T make mad, Ava. Dahil iba ako kung magalit." Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis-alis ni Ava sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ni Dimitri sa kanya noong nakaraang gabi no'ng subukan niyang tumakas. At kapag naalala niya iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng panginginig sa katawan. She was scared of his word, na para bang kapag inulit niyang muli ang ginawa, ang pagtakas. Kapag ginalit niya itong ay may masamang mangyayari sa kanya. Dimitri is scary, lalo na kapag tinitingnan niya ang walang emosyon na mga mata nito. Binalaan nga din siya nito na huwag ulit niyang subukan na tumakas. Dahil kahit na anong gawin niya ay hindi na daw siya makakawala sa poder nito. And Dimitri is right dahil kung nitong nakalipas na araw ay pwede siyang lumabas ng kwarto niya ay ngayon naman ay hindi na. Naka-lock nga ang pinto sa labas, hinahatidan lang siya ni Claire ng pagkain niya do'n. At pinupuntahan siya nito sa kwarto para tanungin kung may kailangan siya. Sinubukan naman niyang kausapin si Claire para tulungan siyang makatakas do'n. Pero humingi lang ito ng sorry sa kanya at saka na ito umalis. Mukhang loyal ito kay Dimitri at kahit na anong pakiusap niya dito ay hindi siya nito tutulungan. At simula noong engkwentro nila ng lalaki ay hindi na niya ito muling nagpakita pa. Hindi naman niya alam kung nasa mansion ba ito o wala. Pero mas mabuti na lang na hindi niya ito makita dahil kapag nasa harap niya ito ay pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. At sa sandaling iyon ay walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili niya. At kung gusto niyang makawala doon, kung gusto niyang makaalis sa poder ni Dimitri ay kailangan niyang mag-isip ng paraan para makatakas. Iyong magtatagumpay siya. Dapat may gawin siya kung gusto niyang makawala sa poder nito. Mayamaya ay napatingin si Ava sa gawi ng pinto ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling do'n. Bumukas iyon at sumilip do'n si Claire. "Miss, Ava. Pinapatawag ka sa library," imporma ni Claire sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Kumabog naman ang dibdib ni Ava nang marinig niya ang sinabi ni Claire. "Si...Sir Dimitri ba ang nagpapatawag?" tanong niya dito. Umiling naman ang babae. "Si Attorney Sarmiento, Miss Ava. Gusto daw kayong kausapin," sagot naman nito. Medyo nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi si Dimitri ang kakausapin niya. "Sige," sagot niya dito. Nang umalis ito sa harap niya ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Tumingin siya sa salamin na nasa loob ng kwarto para tingnan kung presentable siyang tingnan. Tumaas naman ang isang kamay ni Ava para haplusin ang labi niya. May maliit na sugat iyon at ang may kagagawan ay walang iba kundi si Dimitri. Dahil sa paghalik nito ng marahas sa kanya noong nakaraang gabi kung bakit nasugatan ang labi niya. Ipinilig na lang ni Ava ang ulo. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya sa kwarto para magtungo sa library. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Pinihit niya ang seradura pabukas at pumasok siya sa loob. Agad naman niyang nakita si Attorney Sarmiento. Nakaupo na ito sa mahabang mesa na naroon. "Take a seat, Miss Ava," wika ng lalaki sa kanya. Walang imik naman na naglakad siya. Humila siya ng upuan at umupo siya do'n. "I will go straight to the point, Miss Ava. I would like to ask what your decision is about what we discussed last time," wika nito sa kanya. And Sir Dimitri wants to have children. He wants you to be the mother of his child. And you have to follow what he wants, naalala ni Ava ang sinabi ni Attorney Sarmiento sa gustong mangyari ni Dimitri. "And may I remind you, Miss Ava," wika pa nito bago pa siya sumagot. "Even if your answer is no, Sir Dimitri will not accept it." "So, bakit kailangan niyo pa akong tanungin? Bakit kailangan ko pang sumagot? Kung hindi naman pala tatangapin ni Sir Dimitri ang sagot ko?" Sa halip naman na sagutin siya ni Attorney Sarmiento ay muli itong nagsalita. "You don't know Sir Dimitri. You never know what he can do. At mas nakakatakot ang pwede niyang gawin kapag tumanggi ka sa gusto niyang mangyari. After all, Sir Dimitri gets what he wants in any way." "I'm not scared of him," wika ni Ava sa lalaki kahit na ang totoo ay nanginginig na siya. Napansin naman niya ang pagtaas nito ng isang kilay habang nakatingin siya kanya. "I wasn't scared of him and my answer is no, final and will never change," matapang ang boses na wika niya dito. "Well, just prepare the consequences of your decision, Miss Ava," wika nito sa kanya. "Hoping you won't regret your decision." Talaga. Hindi-hinding magsisisi si Ava sa naging desisyon niya. "f**k!" Dimitri gripped his phone when he heard the bad news his associates informed him. "And how did the f*****g police find out about the transaction?" tanong niya sa mariing boses. May illegal na transaction ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa Pilipipinas. At ang illegal na transaction na iyon ay mga firearms. Iba't ibang klaseng baril iyon. Sila ang nagsu-supply ng mga illegal firearms sa Pilipinas at sa ibang bansa sa mga sindikato. At kapag illegal na transaction ay mga tauhan niya ang nakikipag-transact. In-inform lang siya ng mga ito. Dimitri Gotti is half Italian and half filipino. His father is Italian and his mother is a Filipino. Ang pagkakaalam niya ay nakilala ng Tatay niya ang Nanay niya noong bumisita ang Tatay niya sa Pilipinas para sa isang negosyo. Nagustuhan ng Tatay niya ang Nanay niya kaya ginawa nito ang lahat para makuha ang Nanay niya. What his father want, he gets. Kaya nito nakuha ang Nanay niya. And eventually, they fall in love with each other. Dinala ng Tatay niya ang Nanay niya sa Italy kung saan ito nakatira. Doon din nalaman ng Nanay niya ang tungkol sa lalaking minahal nito. Damian Gotti--a mafia leader, he was the leader of the secret organization called, Occulto. Isang criminal organization sa Italy at puro malalaking tao ang miyembro ng nasabing organisasyon. Marami din negosyo si Damian. Both legal and illegal. At kapag sinabing illegal ay kasama na doon ang human trafficking, illegal possession of fire arms and Arms Dealing. Kinatatakutan din si Damian ng ibang businessman, kaya walang gustong kumalaban dito. Dahil sa isang pitik lang nito ng kamay sa mga taong gustong kumalaban dito, lahat ng pag-aari ng mga ito ay isa-isang mawawala, walang matitira. And the next thing you knew, your f*****g beggar. At sa kabila ng nalaman ng Nanay niya tungkol sa tunay na pagkatao ng ama niya ay hindi pa din nito iniwan ang ama niya. Kaya nga din siya naisilang sa mundo. And at the age of ten, his mother died. Namatay ito sa kamay ng kalaban ng Tatay niya sa illegal na negosyo. At sobrang nagalit ang Tatay niya sa gumawa noon sa nanay niya. He seeks revenge and the one who did that to his mother is died in brutal way. Hindi lang iyon pinabagsak din ng ama niya ang illegal na negosyo ng pamilya ng pumatay sa nanay niya. And now they are living in the street with no money in their pocket. At simula din noong nawala ang Nanay niya ay tinuruan na siya ng ama niya sa negosyo nito. Legal at illegal man iyon. Pati na nga din ang tungkol sa organisasyon na pinamumunuan nito, unti-unti na din siya nitong tinuturuan. At pagtungtong niya sa tamang edad, his father stepped down to his posistion in Occulto. And he took the place. He was now the leader of Occulto. Marami ang hindi naging sang-ayon sa naging desisyon ng ama, hindi daw siya karapat-dapat na maging leader, maraming nagdududa sa kakayahan niyang mamuno. Pero naging sarado ang isip ng ama sa sinasabi ng iba. Malaki kasi ang tiwala nito sa kanya na magagampanan niya ang responsibilad na ibinigay nito sa kanya. So, he did not disappoint his father. Ipinakita niya dito at sa mga taong nagdududa sa kakayahan niya na kaya niya, na kaya niyang pamunuan ang Occulto. And he exceeds the expectation of his father, dahil nilagpasan niya ang ginawa nito sa organisasyon. Maraming pumasok na transaction na illegal na negosyo noong siya ang namuno. Halos trumiple ang naging network ng organisasyon sa loob lang ng isang taon na pamumuno niya. At napabilib din niya ang mga ilang nagdududa sa kakayahan niya. And now, Dimitri Gotti is the powerful Mafia Leader. At kung kinakatakutan ang ama niya noon ay mas domoble ang takot ng mga kalaban sa kanya. They fear him. Kinatatakutan siyang maging kalaban ng mga ito dahil wala siyang sinasanto. Inuubos niya ang lahat ng mayro'n ang gustong kumalaban sa kanya. "H-hindi pa namin alam, Sir Dimitri," nabakasan niya ang takot sa boses nito. "Find out how the police came to know about our transaction." utos niya. "And would like to know that tomorrow," pagbibigay niya ng ultimatum dito. Gusto niyang malaman kung paano nalaman ng pulis ang transaction niya. For the first time ay ngayon lang nangyari iyon. And he was a hundred percent sure that there's someone behind this. At kapag nalaman niya kung sino? He'll pay big time. Ibinagsak naman ni Dimitri ang cellphone sa executive table niya. Hindi nga din niya napigilan ang mapahilot ng sentido dahil biglang sumakit ang ulo niya. "f**k!" He cursed silently. He was in that position when his cellphone rang again. Kunot ang noo na kinuha niya ang cellphone at nakita niyang si Attorney Sarmiento ang tumatawag sa kanya. "What?" wika niya nang sagutin niya ang tawag nito. "Sir Dimitri, I already talked to Miss Ava," wika nito sa kanya. "And?" he asked, his brows still furrowed. "Her answer is still the same. And she said it will never changed," sagot nito. His brows were furrowed even more. Mukhang hindi alam ng babae kung sino siya. Sinabi niya dito na huwag siya nitong galitin dahil iba siya kung magalit. "Let me handle it. And I make her change her mind in my own f*****g ways," sabi niya dito sa mariin na boses. At kapag sinabi niyang in my own ways, ay hindi nito magugustuhan iyon. Because by crook or by hook, he gets what he wants Nang matapos niya itong makausap ay tinawagan naman siya ang kanang kamay niyang si Rocco. "Come to my office," wika niya dito ng sagutin nito ang tawag niya. Hindi naman nagtagal ay nakarinig siya ng katok. At mayamaya ay pumasok do'n si Rocco. "Yes, Sir Dimitri?" "I have something to order from you," wika niya kay Rocco. "What it is, Sir Dimitri?" tanong nito sa kanya. Sinabi naman niya ang gusto niyang i-utos. Yumukod naman ito ng marinig nito ang inuutos niya. "I'll follow your order, Sir Dimitri," wika nito bago ito lumabas ng opisina niya para sundin ang pinag-uutos niya. Let's see how brave you are, Ava. He couldn't help but to smirk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD