"AND Sir Dimitri wants to have children. He wants you to be the mother of his child. And you have to follow what he wants."
Natawa ng pagak si Ava habang paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang sinabi sa kanya ni Attorney Sarmiento sa kanya kanina. Nagugulantang talaga siya mga sinasabi nito sa kanya.
Una, iyong sinabi nito sa kanya na ibenenta siya ni Tita Minerva sa boss nito. At ngayon naman ay sinabi nito sa kanya ang gustong mangyari ng boss nito.
"Gusto akong anakan ni Dimitri?" wika niya sa sarili. As if naman ay papayag siya.
Sinabi niya kay Attorney Sarmiento ang desisyon niya sa gustong mangyari ni Dimitri. Sinabi niya dito na ayaw niya sa gusto nitong mangyari. Ayaw niyang magkaanak sa lalaking hindi niya gusto at sa lalaking hindi niya lubos kilala.
Yes. She wanted to have a child in the future. Pero gusto niyang magkaanak kapag may asawa na siya, iyong lalaking pipiliin niya para maging ama ng magiging anak niya.
And Dimitri is not his choice. Hindi pa niya ito nakikita pero hindi niya ito gusto. Hindi nga niya gusto ang pagbili nito sa kanya kahit na ibenenta pa siya ng Tita Minerva niya. Hindi pa niya ito nakikita ng personal pero naiinis na siya dito.
Alam naman ni Ava na sasabihin ni Attorney Sarmiento ang desisyon niya sa boss nito. At sinabi nga din niya sa lalaki na gusto niyang makausap ang boss nito. Sinabi niya dito na gusto niya itong makausap ng personal.
At hinihintay nga ni Ava na ipatawag ulit siya ni Dimitri para personal na harapin at sasabihin ng deretso sa mukha nito ang pagtutol sa gusto nitong mangyari. She was not afraid of him anymore, but she was eager to talk to him personally to tell him what she wanted to say!
Pagdating kina Tita Minerva ay puro 'oo' lang ang sagot niya sa mga gustong ipagawa ng mga ito sa kanya kahit na labag iyon sa loob niya. Kahit nga halos gawin na din siyang katulong sa pag-aari ng mga magulang na mansion. Hawak kasi siya ng mga ito sa leeg dahil lagi siyang binabantaan ng mga ito na palalayasin si Manang Esvi, na gagawan ng mga ito ng kasalanan para makulong. Pero ngayon, walang ibang hawak si Dimitri sa kanya na magpapa-oo sa gusto nitong mangyari.
Hindi siya papayag sa gusto nito.
Mayamaya ay napaigtad siya ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng kwarto siya. May ideya naman na siya kung sino ang naroon. Alam niyang si Claire iyon.
Binuksan naman ni Ava ang pinto at tama nga siya dahil napagbuksan nga niya ang babae.
"Good afternoon, Miss Ava," bati nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "Gusto daw kayong makausap ni Sir Dimitri," wika naman nito sa kanya.
She was right. Mukhang nakausap na ni Attorney Sarmiento ang boss nito. "Okay. Nasa library na ba siya? Pupunta na ako doon," wika naman ni Ava sa babae. Hindi naman na niya hinintay na magsalita si Claire, nagsimula na siyang humakbang pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng mapatigil siya ng pigilan siya nito.
"Saglit po, Miss Ava," wika nito sa kanya. "Wala po si Sir Dimitri sa library," wika nito sa kanya.
Bahagya namang kumunot ang noo niya. Pero mayamaya ay napasulyap siya sa kwarto nito. "Nasa kwarto?"
Umiling ulit ito dahilan para lalong kumunot ang noo niya. At akmang magsasalita siya ng mapatigil siya ng itaas ni Claire ang hawak nito. At nang bumaba ang tingin niya sa hawak nito ay doon niya nakita ang isang cellphone.
"Nasa linya po si Sir Dimitri," imporma nito sa kanya.
Hindi naman agad nakapagsalita si Ava. Nanatili siyang nakatitig sa cellphone na hawak nito. Nasa opisina pa din ba si Dimitri? Saglit siya doong nakatitig hanggang sa dahan-dahan niyang tinanggap ang cellphone na inaabot nito sa kanya. Nagpaalam naman si Claire sa kanya para bigyan siya nito ng privacy para makausap ang amo nito.
Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago niya inilagay ang cellphone sa tapat ng tainga niya.
"H-hello?" wika niya, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya.
"What?" Iyon agad ang narinig niya mula sa kabilang linya. His voice is husky, but there's an irritation with it. "Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Akala ko ba gagawin mo ang lahat? So, why change of mind? Niloloko mo ba ako, Ava?" tanong nito sa kanya, mababakas pa din sa boses ito ang iritasyon.
"Oo. Sinabi ko sa 'yo na gagawin ko ang lahat. Pero hindi ko sinabi na magpapaanak ako sa 'yo," she snapped back.
"That's what I want, Ava," mariin naman ang boses na wika nito sa kanya.
"Are you really serious?"
"I'm dead serious," sagot nito, mukhang seryoso talaga ito dahil mababakas sa boses nito ang ka-seryosohan.
"Why me?" Hindi niya napigilan na itanong. "Wala ka bang girlfriend na pwede mong anakan?"
Lalaki ito, imposibleng wala itong girlfriend. At mukhang mayaman din ito, sigurado siyang maraming babaeng magkakarandapa dito.
"It's you what I want," sagot lang nito.
"Pero ayoko sa gusto mong mangyari. Ayokong magkaanak sa 'yo," mariin na wika niya sa lalaki.
"You are my property now, Ava. I bought you already. And whether you like it or not, you will follow what I want. One of this day, you will bear my child," pagpapatuloy pa na wika nito sa madiin na boses bago ito mawala sa linya.
Nangilabot naman siya sa sinabi nito.
"s**t!" Hindi naman niya napigilan ang mapamura. Gusto din sana niyang ihagis ang hawak na cellphone pero napigilan niya ang sarili sa isiping hindi sa kanya iyon.
Napatitig naman siya sa hawak. At bahagyang namilog ang mga mata niya ng may ideya na pumasok sa isip niya.
At bago pa bumalik si Claire para kunin ang cellphone ay agad niyang dinial ang numero ni Manang Esvi para sana humingi ng tulong dito. Mabuti na lang at memorize niya ang numero nito. Pero ganoon na lang ang panlulumo ni Ava nang ma-realize na walang load ang cellphone, operator kasi ang narinig niya na nagsasabing out of balance iyon.
Mas lalo tuloy na-frustrate si Ava dahil do'n. Pero mabilis din niyang kinalma ang sarili dahil kailangan niyang mag-isip kung paano siya makakatakas sa poder ni Dimitri.
HUMINGA ng malalim si Ava. Kumukuha siya ng lakas ng loob para maisagawa niya ang binabalak na pagtakas sa mansion ni Dimitri. Alas onse na ng gabi at sigurado siyang wala ng ibang tao na nasa loob ng mansion, sigurado siyang nasa loob na ng kwarto ang mga ito. Alam niya ang bagay na iyon dahil nabanggit iyon ni Claire sa kanya. Nasabi nitong pinagbabawal ni Sir Dimitri na lumabas ang mga kasambahay nito sa loob ng kwarto sa oras ng alas nueve. Kaya kinuha niya iyon na pagkakataon para makatakas siya doon.
At nang magkaroon na si Ava ng lakas ng loob ay doon lang niya isinagawa ang kwarto. Lumabas siya ng kwarto. Wala naman siyang ibang dala kundi ang suot niya. Wala naman kasi siyang gamit doon. At mga sinusuot niya ay mga damit na nadatnan niya sa loob ng kwartong tinutuluyan. Hindi niya alam kung kaninong mga damit iyon pero hindi na niya masyadong pinagtuunan ang mga iyon ng pansin.
Hindi na din nag-aksaya pa ng oras si Ava. Mabilis siyang humakbang pero siniguro niyang hindi siya nakakagawa ng ingay para walang makapansin sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng makababa siya ng hagdan. Mabibilis ang mga hakbang ang ginawa niya para makalapit siya sa pinto. Dahan-dahan niya iyong binuksan. At medyo nakahinga siya ng maluwag ng makalabas siya ng mansion ng walang nakakakita sa kanya. Tinakbo naman niya ang kinaroroonan ng gate. She was thankful dahil walang guard do'n kaya malaya siyang nakalabas. Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang walang ibang kapitbahay si Dimitri. Wala siyang mahihingan ng tulong at kahit na madilim ay nakita niyang puro puno ang nasa paligid.
Darn. Nasa liblib yata na lugar nakatayo ang mansion ni Dimitri. Hindi niya iyon masyado napansin noong dinala siya ni Tita Minerva niya doon dahil wala siyang pakialam sa paligid niya.
Napayakap naman si Ava sa sarili ng umihip ang sariwang hangin. Nilakasan din niya ang loob para magpatuloy sa paglalakad. Kung gusto niyang makatakas ay kailangan niyang magpatuloy.
Tumakbo naman siya paalis sa lugar. Hindi niya alam kung tama ba tinahak niya pero nagpatuloy pa din siya. Nang medyo makalayo sa mansion ay naglakad na siya habang yakap pa din ang sarili. Hindi nga niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad pero sigurado siyang ilang minuto na iyon dahil sa pagod na nararamdaman niya at ang pananakit ng mga binti niya.
At habang naglalakad sa madilim na paligid ay hindi niya napansin ang nakausling bato dahilan para madapa siya.
"Aw!" daing niya ng makaramdam ng hapdi ang mga tuhod niya at ang mga palad niya ng itukod niya iyon para hindi tuluyang mapasubsob ang mukha niya sa daan.
Dahan-dahan naman siyang umayos ng tayo. At napangiwi siya ng mas maramdaman niya ang hapdi sa tuhod niya. Kahit na hindi niya iyon nakikita ay alam niyang nasugatan iyon. Napatingin din siya sa kanyang palad dahil pati iyon ay nakaramdam ng hapdi. At napakagat siya ng labi nang maaninag niya ang galos doon, may nakita nga din siyang dugo.
Humugot si Ava ng malalim na buntong-hininga. Saglit siyang nanatili sa kinatatayuan hanggang sa nagpatuloy sa paglalakad. Halos paika-ika na nga siya pero tiniis niya.
Pawisan na si Ava habang patuloy siya sa paglalakad. At pakiramdam niya ay walang katapusan ang nilalakad niya dahil hindi pa niya nakikita ang highway o wala pa siyang nakikitang kabahayanan. Pagod na pagod na din siya.
Mayamaya ay nakaramdam ng pag-asa si Ava ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan na paparating. Nakita din niya ang ilaw na nanggagaling doon. Hindi naman na niya pinalagpas ang pagkakataon, humarang siya sa gitna ng daan at saka niya itinaas ang dalawang kamay.
"Help!" wika niya. Napapikit nga siya ng mga mata ng tumama ang ilaw ng sasakyan sa mukha niya, nasilaw siya doob. At mayamaya ay naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan at ang pagpatay ng ilaw. Nagmulat siya ng mga mata. At naaninag niya ang pagbukas ng kotse mula sa driver seat at ang pagbaba ng sakay niyon. Naaning niyang malaking bulto ng isang lalaki iyon. Dahil madilim sa paligid ay hindi niya nakita ang mukha nito.
"Please, help me," wika naman niya nang makita niyang naglalakad ito palapit sa kanya.
"You have the guts to run away from me, ha?"
Kasabay ng panlalaki ng mga mata ni Ava ay ang pag-atras din niya ng isang hakbang ng makilala niya ang boses na iyon ng nagsalita. It's Dimitri's angry voice.
At nang makabawi si Ava mula sa pagkabigla ay agad siyang tumalikod dito. At handa na sana siyang tumakbo ng may matatag na braso na pumaikot sa baywang niya para pigilan siya sa gustong mangyari.
"And where do you think your going?" he said in a cold voice.
Sa halip naman na sagutin ito ay itinukod niya ang dalawang palad para itulak ito pero napangiwi lang siya ng mas naramdaman niya ang hapdi ng mga palad niya. "Let me go, Dimitri!" wika niya, tiniis niya ang sakit sa palad niya habang tinutulak ito. Pero para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang ito natinag.
"Don't test my patience, Ava," wika nito sa galit na boses. "Hindi mo magugustuhan kapag mas lalo akong nagalit sa 'yo," dagdag pa na wika nito sa mariing boses.
Ava did not listen to what he said. She used all her strength to push him. Nagtagumpay siya. At kinuha niya iyong pagkakataon para malayo pero mas mabilis ito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng walang kahirap-hirap siya nitong binuhat na parang sako. Medyo nakaramdam siya ng hilo sa posisyon niya.
"Put me down, Dimitri!" sigaw niya. Hindi din niya napigilan na paghampasin ito sa likod. "Put me down!"
Mayamaya ay huminto ito paglalakad. Naramdaman din niya ang pagbaba nito sa kanya.
Pero nanatili itong nakawak sa kanya. Pilit din niyang inaaninag ang mukha nito pero hindi niya maaninag dahil sa dilim ng paligid. Gusto kasi niyang makita ang mukha nito. "I already warned you woman, don't test my patience," he said in a gritted voice.
"Bakit? Anong--
Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng walang pasabing sinunggaban nito ang labi niya. Nanlalaki naman ang mga mata niya sa ginawa nito. Pero ng makabawi siya mula sa pagkabila ay mariin niyang itinikom ang bibig pero naramdaman niyang pilit nitong ipinapasok ang dila sa loob ng bibig niya.
She tried to push him too pero mas malakas ito dahil idiin pa nga siya nito hanggang sa tumama ang likod niya sa kotse. Naramdaman nga din niya ang kamay nito sa batok niya at marahan nito iyong hinapit palapit dito. Naramdaman nga din niya ang mariin nitong pagkagat sa ibabang labi niya. Napasinghap siya ng makaramdam siya ng hapdi sa pagkagat nito sa labi niya at kinuha nito iyong pagkakataon para mapasok nito ang loob ng bibig niya.
Naramdaman niya ang paggalugad ng dila nito sa loob ng bibig niya. Mapusok, mapaghanap at mapagparusa. Para naman siyang naitulos mula sa kinatatayuan sa ginawa ng dila nito sa loob ng bibig niya. Hindi din niya inaasahan ang mararamdaman ng sandaling iyon.
Dimitri kissed her harshly. Walang pag-iingat sa halik na pinagkakaloob nito sa kanya. Naramdaman nga niya ang pagparte nito sa binti niya at ipinuwesto nito ang isa nitong binti sa gitna ng mga binti niya habang patuloy pa din ito sa paghalik ng mararahas sa kanya. Naramdaman nga niya ang isa nitong kamay sa baywang niya at ramdam niya ang higpit na pagkakahawak nito doon.
Gusto niya itong itulak palayo sa kanya pero nanghihina na siya. Dahil siguro sa iba't ibang emosyon na nararamdaman niya.
Hindi nga niya namalayan na umiiyak na pala siya habang marahas siya nitong hinahalikan. Hindi din niya napigilan ang mapahikbi.
Despite her crying and sobbing, he has not stopped kissing her harshly. Para ngang wala itong balak na pakawalan ang labi niya dahil sa diin ng bawat paghalik nito sa kanya.
He pinned her down more. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. And she felt something hard poking her stomach.
At do'n lang nito pinakawalan ang labi niya nang magsawa nito. Halos habol naman niya ang hininga.
He stared at her with no emotion in his eyes. "Don't make mad, Ava. Dahil Iba ako kung magalit."