HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Ava nang maramdamang naka-lock pa ang pinto sa kwarto na tinutuluyan. Tatlong araw na yata siyang hindi nakakalabas ng kwarto niya. Tatlong araw na din siyang hindi nasisinagan ng araw dahil sa pagkakakulong ni Dimitri sa kanya sa loob ng kwarto.
Umalis naman na siya sa harap ng pinto at bumalik sa kama. Umupo siya sa gilid niyon at hinintay na lang niya na pumunta doon si Claire para hatidan siya ng pagkain niya.
At makalipas nga ng isang oras ay nakarinig siya ng mahinang pagkatok na nanggaling sa labas ng pinto. At mayamaya ay napansin niya ang paggalaw ng seradura hanggang sa bumukas ang pinto.
At pumasok do'n si Claire habang bitbit nito ang tray na naglalaman ng dinner niya.
"Miss Ava, ito na po ang dinner niyo," wika naman nito sa kanya.
Pagkatapos niyon ay humakbang ito patungo sa center table na naroon sa loob ng kwarto para ilapag ang dinner niya.
"Kain na po kayo," wika din nito bago ito humakbang paalis. Pero hindi pa ito tuluyan nakakalabas ng kwarto ng mapatigil ito ng tawagin niya ang pangalan nito.
"Claire."
Nilingon naman siya ng babae. "Bakit, Miss Ava?" tanong nito nang magtama ang mga mata nila.
Saglit naman siyang hindi nagsalita. "Pwede bang, huwag munang i-lock ang pinto sa labas?" pakiusap niya dito. "Pangako, hindi ako tatakas," dagdag pa na wika niya ng hindi pa ito nagsasalita.
"Pasensiya na, Miss Ava. Pero mahigpit pong binilin ni Sir Dimitri na i-lock ang pinto sa kwarto niyo. Malilintikan po ako kung hindi ako sumunod," wika nito sa kanya.
Tumango na lang naman si Ava. Alam niyang sumusunod lang ito sa utos ng boss nito. Tuluyan naman itong umalis. Humugot nga ulit siya ng malalim na buntong-hininga ng tuluyan ng isara ni Claire ang pinto. Saglit nga din siya doon na napatitig hanggang sa ilipat niya ang tingin sa pagkain niya. Wala siyang ganang kumain pero naisip niyang kailangan niyang pilitin na kumain para magkaroon ng lakas. Kung gusto niyang makatakas doon ay kailangan niyang maging malakas kaya tumayo siya at lumapit do'n.
Sinimulan din niyang kainin ang pagkain niya hanggang sa maubos niya iyon.
Bumalik ulit si Claire para kunin ang pinagkainan niya. Pero sa pagkakataong iyon ay may bitbit itong laptop. Nagtataka nga siya ng inabot nito iyon sa kanya. "Miss, Ava, pinabibigay ni Sir Dimitri sa inyo," wika nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay. Mukhang naisip nitong bigyan siya ng pagkakalibangan habang kinukulong siya nito do'n. May malasakit ba ito? O pakitang-tao lang para pumayag siya sa gusto nito? "At inutos din niya sa akin na huwag ko nang i-lock ang pinto sa kwarto niyo," dagdag pa na wika nito.
Ang isang kilay naman niya ang tumaas sa sinabi nito. Ano kayang nakain nito at nagbago ang isip nito?
Nagpaalam na muli si Claire sa kanya. Saglit naman siyang napatitig sa laptop na hawak niya. Hanggang sa naisip niyang buksan iyon hindi para manuod, kundi para buksan ang social media account niya. Kailangan niyang i-message si Bianca para humingi ng tulong dito.
Akala ba niya matalino si Dimitri? Hindi ba nito alam na pwede niyang gamitin ang laptop na binigay nito para makahingi siya ng tulong?
Pagkabukas niya ng laptop ay napakunot siya ng noo nang may nag-appear do'n na isang video sa screen.
Naka-pause iyon. At dahil sa kuryusidad kung ano iyon ay plinay niya.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Ava nang mapanuod niya ang naturang video. Hindi iyon isang ordinaryong palabas o movie.
Dahil ang pinapanuod niya ay ginawang pagkidnap ng ilang kalalakihan sa bestfriend niyang si Bianca at kay Manang Esvi. Nakita nga din niyang nakagapos at nakapiring ang mga ito sa isang abandonadong gusali. Nakita at rinig na rinig din niya ang iyak ng mga ito habang humihingi ng saklolo. At habang patuloy niyang pinapaunod iyon ay parang may malaking kamay na sumasakal sa puso niya dahil hindi siya makahinga. Ang dalawa na lang kasi ay naging pamilya niya simula noong mawala ang mga magulang niya. Mahalaga si Bianca at si Manang Esvi sa kanya.
At napaawang ang labi niya nang nakita niya sa naturang video si Mr. Mancini--ang lalaking tauhan ni Dimitri.
At nang makita ni Ava ang lalaki ay do'n niya na-realize ang lahat. At sigurado siyang si Dimitri ang mastermind sa pagkidnap sa bestfriend niya at kay Manang Esvi.
At do'n din niya na-realize na hindi lang basta ibinigay ni Dimitri ang laptop sa kanya para malibang, may ulterior motive ito, gusto nitong mapanuod niya ang pagkidnap nito sa dalawa.
And for what? To threaten her? At paano nito nalaman ang tungkol kay Bianca at kay Manang Esvi? Kilala ba siya nito o sinabi ng stepmother niya ang tungkol sa dalawa.
Just prepare the consequence of yoir decision, Miss Ava. Hoping you won't regret your decision, naalala niya na sinabi ni Attorney Sarmiento sa kanya ng mariin niyang tinanggihan ang gusto ni Dimitri na mangyari.
Iyon ba ang consequence na tinutukoy nito sa kanya? At ang consequence na iyon ay ang pagkidnap sa mahal niya sa buhay?
At doon na-realize ni Ava kung bakit inutos ni Dimitri kay Claire na huwag nang i-lock ang pinto dahil alam ni Dimitri na pupuntahan niya ito sa kwarto nito kapag napanuod niya ang naturang video.
Oh, f**k him!
Nagmartsa naman siyang lumabas ng kwarto. At nang makarating siya sa pinto ng kwarto nito ay agad siyang kumatok do'n. Pero ilang sandali na siyang nakatayo doon pero wala pa ding nagbubukas sa kanya.
Muling tumaas ang isang kamay niya para kumatok pero naiwan na iyon sa ere ng biglang bumukas ang pinto. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Ava nang makita niya si Dimitri.
He was half-naked. Tanging manipis lang na tuwalya ang tumatabing sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito. Mukhang katatapos lang nitong naligo dahil tumutulo pa ang tubig sa basang buhok nito patungo sa dibdib nito. May maliit na puting tuwalya ngang nakapatong sa ulo nito.
And that's when she noticed how masculine he is? He had a chiseled body and he had eight pack abs. At do'n din niya napansin ang malaking tattoo nito sa tagiliran na umabot yata sa bandang leeg nito. At ayaw niyang ibaba ang tingin sa ibabang bahagi ng katawan nito dahil may bukol siyang napansin don.
Nawala ang tingin niya doon nang tumalikod ito sa kanya. At sa pagtalikod nito ay do'n din niya napansin ang malaki ding tattoo sa likod ng lalaki.
Umupo naman ito sa harap ng kama. Pinagpatuloy din nito ang pagpupunas sa basang buhok nito habang nakatingin sa kanya.
"So, what brought you here?" tanong nito sa kanya sa malamig pa ding boses.
At sa tanong ni Dimitri ay doon naman bumalik sa isip niya ang dahilan kung bakit niya ito pinuntahan sa kwarto.
"You know why I'm here," wika naman niya. Sigurado kasi siyang inaasahan nito ang pagpunta niya do'n pagkatapos nitong ibigay ang laptop sa kanya.
"And?"
"Let them go, Dimitri," wika niya sa lalaki. "Pakawalan mo sina Bianca at Manang Esvi."
His brows furrowed. "And who the hell are you to order me?" he said in a deep but cold voice.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Wala silang kasalanan sa 'yo kay pakawalan ko sila," sabi niya.
"The decision is up to you if I let them go," sabi nito sa kanya.
Kumunot ang noo niy. "What do you mean?"
"Well, I let you choose, Ava," wika nito sa kanya bago nito itinukod ang dalawang kamay sa kama. Nang hindi pa siya sumasagot ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Change your mind and I will set them free or be stubborn at they will stay in that place," wika nito sa pagpipiliin niya. "Now choose."
Napaawang naman ang labi niya sa sinabi nitong pagpipilian niya. Lahat kasi ng choices nito ay hindi pabor sa kanya. "Don't waste my f*****g time, Ava," untag nito ng hindi pa siya sumasagot.
"N-no," sagot niya.
"Are you sure that's your final answer?" wika nito, nakita niyang dinampot nito ang cellphone nitong nakalapag sa ibabaw ng kama nito.
Nang hindi pa siya sumasagot ay may tinawagan ito. "Rocco, do what I command you. Torture them."
Nanlaki naman ang mga mata ni Ava sa narinig na sinabi ni Dimitri. "W-wait," wika niya dito dahilan para mapatitig ito sa kanya.
"What?"
"Anong...gagawin mo sa kanila?"
"Don't ask because you won't like my answer either," malamig ang boses na wika nito sa kanya. "Rocco, do what I--
"P-papayag na ako," putol niya sa iba pang sasabihin ni Dimitri sa kausap nito. Napansin naman niya ang pagtitig nito sa kanya. "Papayag na ako sa gusto ko, huwag mo lang silang sasaktan," dagdag pa niya.
Gaya ng sinabi niya ay ang dalawa na lang ang natitirang pamilya niya at ayaw niyang may mangyaring masama sa mga ito. At hindi din kaya ng konsensiya niya na may masamang mangyari sa dalawa.
"Stand by Rocco. Wait for my call," wika ni Dimitri bago nito pinatay ang tawag.
"What is it again, Ava?"
"P-pumapayag na ako sa gusto mong mangyari basta huwag mo lang silang sasaktan at...pakawalan mo sila," wika niya.
"Come here," wika nito sa halip na sagutin siya nito.
Sa halip naman na sundin ito ay nanatili siya sa kinatatayuan.
Nagsalubong naman ang kilang nito. "Not following what I say is one of the things I hate the most."
Sa narinig na sinabi nito ay mabilis siyang humakbang palapit dito. Huminto naman siya ng nasa harap nito. "Come closer."
Humakbang pa siya hanggang sa tumama ang tuhod niya sa tuhod nito. "Sit on my lap," utos nito sa kanya sa raspy na boses.
Nanlaki naman ang mata niya sa gusto nitong gawin niya.
"What did I say earlier?" he asked in a cold voice.
Napalunok naman siya. Pinagdikit ni Ava ang ibabang labi nang sinunod niya ang inuutos nito. Umupo siya sa kandungan nito. Pero mukhang hindi kontento si Dimitri sa posisyon nilang dalawa dahil hinawakan nito ang binti niya at itinaas nito iyon.
She was now straddling him. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng may maramdaman siyang matigas na bagay na tumutusok sa pwetan niya.
And she was not too innocent to know what it is. At sa lapit ng katawan nila ay ramdam niya ang init nito, amoy na amoy din niya ang sabon na ginamit nito.
Hinawakan naman ni Dimitri ang baba niya at inangat iyon para magpantay ang tingin nila.
At doon niya napansin kung gaano kaitim ang mga mata nito. Right now, his eyes were filled with desire.
"Don't try to fool me, Ava. Because you really won't like what I do," wika ni Dimitri sa kanya sa mariing boses. Naamoy nga din niya ang mabangong hininga nito ng magsalita ito, amoy mint iyon.
Isang tango lang naman ang isinagot niya dito. Napansin naman niya na bumaba ang tingin nito sa lani niya. "Now, I want you to kiss me so we can seal our agreement," husky ang boses na utos nito.
Pero hindi pa niya nasusunod ang inuutos ni Dimitri sa kanya ng tinawid nito ang natitirang distansiya ng labi niya.
He claimed her lips in a passionate kiss.