Chapter 5

1550 Words
NAGDALAWANG isip si Ava kung lalabas ba siya ng kwarto para bumaba o hintayin na lang niya si Claire na akyatan siya ulit nito ng pagkain sa kwartong tinutuluyan gaya na lang ng madalas nitong gawin. Pero naalala niya ang sinabi niya dito na huwag na siya nitong hatidan at siya na lang ang kusang bababa. At nang maalala niya iyon ay napagpasyahan niyang lumabas na lang ng kwarto. Pagkalabas nga ni Ava ay hindi niya napigilan ang mapatitig sa nakasarang pinto na naroon. She remember last night, naalala niya iyong pagsubok niya na kausapin si Dimitri para sana pauwiin na siya nito sa kanila, pero nabigo siya dahil hindi siya nito binigyan ng pagkakataon para masabi niya ang gusto niyang sabihin. Hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto para kausapin siya nito ng maayos. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Inalis na din niya ang tingin sa pinto at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makababa si Ava sa hagdan ay dumiretso siya sa kinaroroonan ng kusina. Malapit na siya ng mapahinto siya ng makarinig siya ng isang pag-iyak. Hindi naman niya napigilan ang makakunot ng noo. "P-paano na ako?" mayamaya ay narinig niya ang boses na iyon. Pamilyar sa kanya ang boses, kung hindi siya nagkakamali ay boses iyon ni Claire. "A-ano pong mangyayari sa akin, Manang July. Saan po ako titira?" narinig pa niya na wika nito sa garalgal na boses. Sumilip si Ava sa loob. At nakita niya si Claire na may kausap na isang may edad na babae. At nang mapatingin siya kay Claire ay nakita niya na umiiyak ito, napansin niya na mugto ang mga mata nito, mukhang kanino pa ito umiiyak. "W-wala po akong kamag-anak dito sa Maynila, Manang. At...ako na lang po ang inaasahan ng Nanay ko sa probinsiya namin. Ngayon pong tinanggal ako ni S-sir Dimitri sa trabaho ay saan po ako?" Napasinghap naman si Ava nang marinig niya ang sinabi ni Claire. Tinanggal ito ni Dimitri sa trabaho? Bakit? Anong kasalanan nito para tanggalin ito sa trababo? Akmang papasok si Ava sa loob para sana tanungin si Claire kung ano ang nangyari o kung bakit tinanggal ito ni Dimitri sa trabaho ng mapatigil siya ng magsalita itong muli. At sa pagkakataong iyon ay hindi na niya kailangan na tanungin si Claire dahil narinig niya ang dahilan kung bakit ito tinanggal. "Ginawa ko naman po ang trabaho ko, Manang. G-ginawa ko naman ang mahigpit na bilin ni Sir na sabihin kay Ma'am Ava na huwag siyang lumabas ng gabi. H-hindi ko naman po alam na lalabas pa din po siya." Muling napasinghap si Ava sa narinig na sinabi ni Claire. So, kasalanan niya kung bakit tinanggal ni Dimitri si Claire. Dahil inakala ni Dimitri ay hindi sinunod ng babae ang bilin nito na huwag siyang lumabas ng gabi sa kwarto. Lumabas pa din kasi siya para subukan na kausapin si Dimitri. Kinagat naman ni Ava ang ibabang labi dahil nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa pagsubok niya na kausapin si Dimitri kagabi ay nawalan tuloy ng trabaho si Claire. It was her fault. Humugot muli si Ava ng malalim na buntong-hininga. Gusto niyang gumawa nang paraan para hindi matanggal sa trabaho si Claire. Kasalanan niya iyon at hindi kaya ng konsensiya niya na walang gawin. Kaya sa halip na pumasok sa loob ng kusina ay bumalik siya sa pangalawang palapag ng mansion. Dumiretso siya sa kwarto ni Dimitri. Hindi niya alam kung kakausapin siya nito o kung pagbibigyan siya nito sa gusto niyang mangyari pero gusto pa din niyang sumubok. Tumaas ang isang kamay ni Ava para kumatok ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Sinabayan din niya ang pagtawag sa pangalan nito para malaman nito kung sino ang nasa labas ng kwarti nito. "S-sir Dimitri?" tawag niya. Nang wala pa siyang naririnig mula sa loob ay nilakasan niya ang pagkatok at nilakasan din niya ang boses. "Sir Dimitri, si Ava po ito," pagpapakilala niya. "What are you doing there?" mayamaya ay narinig niya ang malamig pero baritonong boses ni Sir Dimitri. "Go back to your room, Ava," wika nito sa malamig na boses. Umiling naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Babalik din ako sa kwarto ko mamaya," wika niya. "Gusto lang kitang makausap," wika niya dito. "If you want to talk to me about your stay here. Don't waste any more time. Hindi ka aalis dito na wala akong sinasabi," matigas ang boses na wika nito. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "H-hindi naman iyon ang dahilan ko," wika niya dito. Sa totoo lang ay iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit niya ito gustong makausap pero sa pagkakataong iyon ay isasantabi muna niya iyon. Gusto muna niya itong makausap tungkol sa ginawa nitong pagtanggal kay Claire. Wala namang narinig si Ava dito sa sumunod na sandali kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Gusto lang kitang makausap tungkol...kay Claire. Tungkol sa pagtanggal mo sa kanya d-dito," wika niya sa dahilan kung bakit niya ito gustong makausap. She heard him make a scoffs sound. "What about her?" narinig niyang wika nito, napanguso naman siya dahil hindi man lang nito magawang buksan ang pinto para magkaharap silang dalawa. Para kasing pinto ang kausap niya. "She deserves to be fired because she is not doing her job well. Simple instruction but she hasn't done it right yet," matigas pa din ang boses na wika nito. "Ginawa naman niya ng maayos ang trabaho niya," hindi niya napigilan na ipagtanggol si Claire dito. "And how did you say that?" he asked her. "Kung nagawa niya ng maayos ang trabaho niya, bakit ka pa din lumabas ng gabi?" Napayuko si Ava nang marinig niya ang sinabing iyon ni Dimitri. Pinaglaruan din niya ang mga daliri niya. Ganoon siya kapag kinakabahan o hindi siya mapakali. "Hindi niya iyon kasalanan. Kasalanan ko," wika niya sa mahinang boses pero alam niyang narinig nito iyon. Nag-angat siya ng tingin patungo sa pinto. "Ilang beses akong sinabihan ni Claire na huwag lumabas ng gabi pero lumabas pa din ako dahil...dahil gusto kitang makausap," paliwanag niya kay Dimitri. "Ginawa niya ng maayos ang trabaho niya kaya walang dahilan para tanggalin mo siya dito," pagpapatuloy pa na wika niya. "K-kaya pwede bang ibalik mo na lang siya sa trabaho? Wala siyang ibang kamag-anak dito, wala siyang mapupuntahan, wala siyang ibang matutuluyan dito sa Maynila. Kawawa siya," hindi niya napigilan na sabihin. Umaasa si Ava na maantig ang puso ni Dimitri sa posibleng mangyari kay Claire once na umalis siya ng mansion. Umaasa siya na maaawa ito pero mukhang matigas ang puso ng lalaki. "No," wika nito. "My decision is final," he said in a cold voice. Nanlaki naman ang mga mata niya. This man. He was ruthless! "A-ano?" tanong niya kahit na dinig na dinig niya ang sinabi nito. "Alam kong narinig mo ang sinabi ko, Ava. I won't change my mind," wika nito sa kanya. Nakarinig naman siya ng papalayong yabag, mukhang aalis na ito sa harap ng pinto. Pero bago pa ito tuluyang makaalis ay humawak ang dalawang palad niya sa nakasarang pinto na para bang sa pamamagitan niyon ay mapipigilan niya ang pag-alis nito. "S-sir Dimitri, saglit," wika niya. "Please, huwag mong tanggalin si Claire sa trabaho. Hindi talaga niya kasalanan ang lahat. It's all my fault," wika niya. "Go back to your room, Ava. Hindi na magbabago ang isip ko," wika nito. "W-wala po akong kamag-anak dito sa Maynila, Manang. At...ako na lang po ang inaasahan ng Nanay ko sa probinsiya namin. Ngayon pong tinanggal ako ni S-sir Dimitri sa trabaho ay saan po ako?" Naalala ni Ava ang mga narinig niyang sinabi ni Claire kanina sa may kusina. Saglit naman niyang ipinikit ang mga mata. "Please, Sir Dimitri. G-gagawin ko ang lahat huwag mo lang siyang tanggalin sa trabaho." That was the final straw for her. Hindi talaga kaya ng konsensiya niya na mawalan ang isang inosente. Baka hindi lang din siya makatulog o makakain sa pag-iisip kung ano ang mangyayari kay Claire at sa pamilya nitong sinuauportahan nito sa probinsiya. "Really?" Narinig niyang wika ni Dimitri. Hindi naman niya napigilan ang mapaatras ng isang hakbang dahil do'n. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam din siya ng kaba. Pero sa sandaling iyon ay mas nanaig sa kanya ang may gawin para manatili doon si Claire, para hindi ito matanggal sa trabaho. "O-okay," sagot niya sa mahinang boses. "Okay," wika din nito. "Ha?" "I will take back my decision..." Hindi naman siya nagsalita. Hinihintay niyang dagdagan nito ang iba pa nitong sasabihin. Pero habang naghihintay siya ay hindi niya napigilan ang pagdagundong ng dibdib dahil sa sobrang kaba. "Claire will stay here at work. In one condition,"wika nito sa kanya. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "A-ano?" "Gaya ng sinabi mo, gagawin mo ang lahat," simpleng wika nito sa kanya. Saglit siyang hindi nakasagot. "Oo," sagot niya sa halos pabulong lang na boses. Hindi siya sigurado kung narinig ba siya nito. "I didn't hear your answer. I think you want me to take back my decision, ha?" wika nito. He is impatience. "H-hindi," sagot niya. "Gagawin ko ang lahat manatili lang si Claire dito," mabilis na sagot niya kahit na grabe ang lakas ng t***k ng puso niya. "Hmm...good. Now go back to your room," mayamaya ay wika ni Dimitri sa matigas ulit na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD