NAPATINGIN si Ava sa gawi ng pinto ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggagaling doon.
Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan kung sino ang nasa labas ng kwarto niya. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita na si Claire na nakatayo doon. Wala na ang lungkot sa mga mata nito kanina noong makita niya itong umiiyak.
May bahagi sa puso ni Ava ang nakakaramdam ng saya sa isiping hindi tuluyang tinanggal ni Dimitri si Claire sa trabaho. Pero may bahagi din sa puso niya ang nakakaramdam ng kaba para sa sarili sa posibleng mangyari sa kanya sa mga susunod na araw. Lalo na sa sinabi niya na gagawin niya ang lahat para hindi lang nito tanggalin si Claire sa trabaho. Hindi nga niya maiwasan ang mapaisip kung ano ang mga ipapagawa ni Dimitri sa kanya.
Ipinilig na lang ni Ava ang ulo para maalis iyon sa isip niya sa sandaling iyon.
"Bakit?" tanong naman ni Ava kay Claire ng magtama ang mga mata nila.
"Miss Ava, pinapatawag po kayo ni Sir Dimitri sa library," imporma ni Claire sa kanya.
Hindi naman napigilan ni Ava ang mapalunok sa sinabi nito. Hindi din niya napigilan ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Makikita na niya si Dimitri ng personal. Sa loob ng halos tatlong araw na pananatili niya sa mansion nito ay never pa niya itong nakita, nakakausap naman niya ito pero hindi naman siya nito hinaharap. Wala nga siyang ideya kung ano ang hitsura nito. Wala nga siyang nakikita na picture o portrait sa mansion. Naisip niyang baka hindi mahilig maglagay o mag-display si Dimitri ng portrait nito sa mansion. But she was sure that Dimitri was not yet an old man based on his voice.
Dimitri's voice is deep and baritone. Kahit na mahihimigan sa boses nito ang kalamigan.
She sighed and nodded at her. "Samahan ko na po kayo sa library," wika ulit nito sa kanya.
Tumango ulit si Ava bilang sagot. Lumabas naman na siya ng kwarto niya. Pero bago sila tuluyang humakbang ay tinawag ni Claire ang atensiyon niya.
"Miss Ava."
"Hmm?"
Saglit naman itong hindi nagsalita. "Gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo," wika nito sa kanya.
Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay niya. "Magpasalamat para saan?" tanong naman niya.
Nagyuko ito ng ulo. "N-nalaman ko po kasi na kinausap niyo si Sir Dimitri para hindi niya ako tanggalin sa trabaho," wika nito habang nakayuko pa din. "Salamat po, Miss Ava. Kailangan na kailangan ko po kasi ng trabaho. Ako lang po kasi inaasahan ni Nanay na tutulong sa kanya para sa mga kapatid ko. Hindi kasi sapat ang trabaho niya bilang labandera sa probinsiya namin sa pang-araw araw na pamumuhay nila doon. W-wala na kaming tatay at ang babata pa po ng kapatid ko," dagdag pa na wika nito sa garalgal na boses. Nakita nga din niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito pagkatapos nitong sabihin iyon sa kanya. Pero mabilis din nito iyong pinunasan.
Kinagat naman ni Ava ang labi habang nakatitig siya kay Claire. Hindi nga din niya napigilan ang makaramdam ng awa para sa babae. Mabuti na lang at nagawan niya ng paraan para hindi ito tuluyang matanggal doon.
Hinawakan naman niya si Claire sa balikat dahilan para mag-angat ito ng tingin sa kanya. Kita niya ang pamumula ng mga mata nito. "Wala namang dahilan para pasalamatan mo ako, Claire," wika niya sa babae. "Wala kang kasalanan para tanggalin ka ni...Sir Dimitri dahil ginagawa mo ng maayos at tama ang trabaho mo. At...ako ang may kasalanan dahil sumubok pa din akong lumabas sa gabi kahit na sinabi mo sa akin na hindi pwede. At gusto ko ding humingi ng sorry sa 'yo. Dahil ako ang may kasalanan kung bakit muntik ka ng mawalan ng trababo," sabi niya dito. "Sorry, Claire."
Bahagya namang namilog ang mga mata ni Claire sa paghingi niya ng sorry dito. "Hindi niyo kailangan mag-sorry sa akin, Miss Ava," wika nito sa kanya.
"Pero gusto ko," pilit naman niya. "Kaya sorry, Claire." pagpapatuloy pa niya.
"T-tinatanggap ko po ang sorry niyo," sabi na lang nito sa kanya.
Ngumiti lang naman siya bilang sagot. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makababa sila mula sa pangawalang palapag at huminto sila sa isang nakasarang pinto.
Binuksan naman iyon ni Claire. "Pasok na po kayo, Miss Ava," wika nito sa kanya.
Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago siya pumasok sa loob. Agad naman niyang iginala ang tingin sa paligid para hanapin si Dimitri. Pero nang hindi niya ito makita doon ay nilingon niya si Claire.
"Wala dito si Sir Dimitri?" tanong niya.
"Hintayin niyo lang po. Utos po kasi niya na dalhin kayo dito," sagot nito sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot. Nagpaalam na din si Claire sa kanya. At nang maiwan siyang mag-isa doon ay hindi niya ulit napigilan na igala ang paningin sa loob ng library. May mga shelves do'n na may lamang libro, puro mga business books. Sa gitna ay may executive table at sa gilid ng library ay may nakita siyang sofa at sa gitna niyon ay center table.
Lumapit naman si Ava sa sofa para umupo at doon na lang hintayin ang pagdating ni Dimitri. Hindi nga din niya napigilan ang pamamawis ng kamay habang hinihintay niya ang pagdating nito. Wala naman siyang ideya kung ano ang pag-uusapan nila kung bakit siya nito pinatawag. Pero gagamitin na din niya iyong pagkakataon para pakiusapan ito para pakawalan na siya nito.
At handa siyang bayadan kung magkano man ang ibinayad nito sa stepmother niya kahit na paunti-unti.
Mayamaya ay napaayos si Claire mula sa pagkakatayo ng makarinig siya ng mahinang katok. Agad din niyang tinutok ang tingin sa gawi ng pinto ng bumukas iyon at pumasok doon ang isang hindi pamilyar na lalaki.
Siya ba si Dimitri?
"Miss Ava," wika nito nang harapin siya nito. No, he's not Dimitri, sigurado siya. Iba ang boses nito.
Humakbang ito palapit at inilahad ang isang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito. "Attorney Sarmiento," pagpapakilala nito sa kanya.
Tumango naman siya. Umupo na din si Attorney Sarmiento sa harap niya.
"Nasaan si Sir...Dimitri?" tanong niya dito mayamaya.
"In his office," sagot nito dahilan para kumunot ang noo niya.
Office?
"Hindi...ba siya pupunta dito?" nagtatakang tanong niya. "Pinatawag daw niya ako?" dagdag pa na wika niya.
"Hindi. He has an urgent meeting in his office," sagot nito sa kanya. "At ako ang nautusan niya para kausapin ka," dagdag pa na wika nito.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya, gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit inutusan ito ni Dimitri na kausapin siya.
"Tungkol sa kondisyon kung bakit ka narito," sagot nito sa kanya.
Hindi naman siya magsalita, nanatili siyang nakatitig dito habang hinihintay niya na dugtungan nito ang ibang sinasabi. "Nabanggit naman na sa 'yo na ibenenta ka ng stepmother mo kay Sir Dimitri, hindi ba?" wika nito.
Tumango naman si Ava bilang sagot. Nabanggit na sa kanya iyon ni Mr. Mancini--ang lalaking sumalubong sa kanila sa Mansion na iyon. Nabanggit nito sa kanya na ibenenta siya nito kay Dimitri ng twenty millon.
"And that means you belong to Sir Dimitri," wika nito. "You're Sir Dimitri property," dagdag pa na wika ni Attorney Sarmiento sa kanya.
Hindi naman napigilan ni Ava ang pagkuyom ng mga kamao na nasa ibabaw ng hita niya. "Pero hindi ako bagay na pwedeng ariin ng kung sino man. Tao ako, Attorney Sarmiento, hindi ako isang bagay na pwedeng bilhin at ariin," hindi niya napigilan na sabihin.
"That's not my problem anymore, Miss Ava," wika naman nito sabay kibit-balikat. "Simula noong ibenta ka ng Stepmother mo ay naging pag-aari ka na ng boss ko," pagpapatuloy pa na wika nito.
Sa sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng galit para sa Tita Minerva niya. Anong karapatan nitong ibenta siya?
"You know what, Attorney Sarmiento? This is illegal? This is human trafficking. And being here without my consent is also illegal. This is an illegal detention," hindi niya mapigilan na sabihin dito. "Pwede kayong makulong ng boss mo sa ginagawa niyo sa akin," pananakot niya dito.
"My boss is powerful man, Miss Ava. He was ruthless and dangerous man," idiniin pa nito ang 'ruthless and dangerous man.' " Sa tingin mo ba, makukulong siya kapag sinumbong mo siya sa mga pulis? And no one will believe you," wika nito sa kanya, mukhang hindi man lang ito natakot sa pagbabanta niya dito.
Nalaglag naman ang balikat niya sa sinabi nito. Hindi na din niya magawang makapagsalita sa mga narinig niya. "And anyway, nabanggit sa akin ni Sir Dimitri ang sinabi mo sa kanya na gagawin mo ang lahat ng gusto niya," mayamaya ay wika nito.
Napaayos naman si Ava mula sa pagkakaupo niya sa sofa habang nakatitig siya sa lalaki.
"At may isa siyang gustong gawin mo."
Isa? "What?" tanong niya.
"You need to obey what he wants," wika nito sa gustong mangyari ni Dimitri.
"I-iyon lang?" tanong niya. Kung iyon lang ang gustong gawin ni Dimitri at madali lang para sa kanya iyon. Kung gusto nitong mag-trabaho siya doon ay gagawin niya hanggang sa mabayaran niya ang twenty million na nagastos nito para bilhin siya.
"Yes," sagot ni Attorney Sarmiento.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay," pagpayag na lang niya.
Napansin naman niya ang pag-angat mg dulo ng labi ng lalaki. "And Sir Dimitri wants to have children. He wants you to be the mother of his child. And you have to follow what he wants," wika pa ni Attorney Sarmiento sa gustong mangyari ni Dimitri.
Hindi naman niya napigilan ang manlaki ng mga mata.
What the...hell?