Hindi ko alam kung anong iniisip ng lalaking ‘to.
Pero gusto ko iyong sinabi niya na ayaw niya pa ng relasyon dahil hindi siya financially stable. Hindi ko alam, basta parang ang manly niya ro’n. Parang nakokonsensiya ako na sinisira ko ang mga plano niya pala sa buhay dahil lang sa kalandian ko.
Nagkaroon kami ng maayos na pag-uusap ngayon.
Iniiwas ko ang sarili ko sa pag-iisip tungkol sa mabango niyang amoy, matipuno niyang dibdib, guwapo niyang hitsura, at lalaking-lalaking kulay. Hindi ko naman ‘to tipo noon, pero parang nagkaroon ako ngayon ng kagustuhan sa mga kakulay ni Emil.
Siguro para sa iba ko maramdaman ‘tong libog na ‘to na hindi ako pinatatahimik, kailangan kong humanap ng kakulay, kasing-taas, at kasing-katawan ni Emil. Dahil kung hindi, paniguradong siya ang kukulitin ko lalo pa at mabilis akong bumigay sa temptasyon kesa sa utak ko. Mabuti nga at off-limits para sa ‘kin ang mga nasa relasyon na lalaki.
Mamaya makikipagkita ako sa kakilala kong showbiz personality pero hindi ako nakararamdam ng excitement. Gusto ko kaagad i-cancel.
“Manood pa tayo. Anong gusto mo?” tanong ko.
Gusto ko pang manatiling nakasandal sa kanya.
“Kumain ka na muna ng tanghalian. Dalawang oras bago pa matapos iyong bagong panonoorin mo.”
Nangiti ako. “Nagluto ka ba?”
“Tinola, baka magutom ka na naman at magwala diyan.” Tumayo siya.
Aaminin ko na gusto ko ang presensiya ni Emil.
Masyado siyang maalaga at gusto niyang hindi lumagpas sa boundary. Kahit pa nga malaking oportunidad na para sa kanya ang makipagtalik sa ‘kin, wala namang nakatingin at makakaalam maliban sa ‘ming dalawa. Pero nananatiling ayaw niya o hindi niya rin nagustuhan.
No! Nagustuhan niya ‘yon, lalo kung aalalahanin ko ang gabing ‘yon.
Pero ako rin ang nag su-suffer ngayon dahil lang gusto ko siyang laruin. Kung hindi ko nilagyan ang inumin niya, hindi naman tataas ang libido niya at magiging sensitibo. Dahil nangyari na nga, hindi ko naman ngayon alam ang gagawin at mukhang gusto ko pang ulit-ulitin.
Maraming magagaling na lalaki at halata kay Emil na vanilla s*x lang alam niya which is ayoko talaga no’n. Pero bakit gano’n? Gusto ko pang kasiping siya, turuan, at maging partner in bed. Iyong nangyari sa ‘min, imbis na maging end of attraction mas nagpatindi pa ng attraction ko sa kanya.
Ano ba ang kailangan kong gawin para kunin siya?
Ofcourse, ayoko ng love, allergic na ‘ko sa ganoong tema at hindi ko na ‘yon nararamdaman.
As long as sexually fit kami ng lalaki ay okay na sa ‘kin and I think, fit kami ni Emil sa isa’t isa.
Ayoko na ring lagyan siya ng gano’n sa inumin, sinubukan ko lang at malaking pagkakamali na ‘yon. At panigurado na hindi ako mapatatawad ng lalaking ‘to oras na malaman niya na ang minamahal niyang virginity ay nawala hindi dahil gusto niya kung hindi dahil sa pakiramdam na ibinigay ng gamot sa kanya.
“May eggtart ka pa sa refrigerator, ilalabas ko ba?” tanong ni Emil.
Ibinigay niya sa ‘kin ang tasa ng tinola at kanin ko na alam na alam niyang sukat ng half rice.
“Kulang ‘to kung luto mo.” Turo ko sa kanin.
“Ikukuha kita kapag naubos mo na.”
“Ang suwerte ng magiging asawa mo, ang natural sa ‘yo mag-alaga ‘no?” nasabi ko lang ng biglaan.
“Nasanay lang ako.”
“Puwede ba ‘kong pumunta sa lugar ninyo?” tanong ko nang makaupo siya sa tapat ko.
“Puwede naman kung magsusuot ka ng maayos.” Nagkatitigan kami.
Nauunawaan ko naman ‘yon, nangiti pa nga ako.
“Ibig kong sabihin, matatanda na rin ang mga tao sa ‘min at baka manakit lang ang tainga mo kapag pinagsabihan ka ng mga tao sa bahay. Hindi nila nakukuha iyong mga ganyang kasuotan sa babae.”
“Pero sa harapan mo naman puwede na maiiksi ang suot ko?” tanong ko sabay ngiti.
“Wala namang bago ro’n,” kaswal na sagot niya.
“Masarap kang magluto, kung asawahin mo na lang kaya ako total ako naman naka-virgin sa ‘yo.”
Tiningnan niya lang ako ng nanunukat na tingin pero nangiti na lamang ako.
“What do you think of me as a wife, Emil?”
“Hindi, ayoko.”
“Ouch,” pero tunay masakit ‘yon, ah!
“Dahil kung kani-kaninong lalaki na ‘ko pumatol? Hindi na ‘ko virgin ng makuha mo?” nanunubok na tanong ko sa kanya.
“Hindi. Gusto ko lang ng babae na katulad ko lang ng buhay.”
Natigilan ako.
“Gusto kong sa bukid manirahan pa rin, ipagpatuloy ang palayan, at magkaroon ng magandang buhay mula sa sarili kong paghihirap at pagod. Ikaw, puwedeng magustuhan mo sa bukid pero hindi habang-buhay gugustuhin mong manatili roon. Magkaiba tayo sa maraming bagay.”
Natigilan ako. Hindi ko alam, wala naman siyang sinabi na kakaiba o patama sa ‘kin pero bigla akong nahiya dahil alam ko sa sarili ko na ang perang ginagastos ko ay hindi ko pinaghirapan. Hindi ko naman kailangan dahil gusto ni daddy na ibigay sa ‘kin lahat, at sa tingin ko naman hindi ko kasalanan na maging anak niya at i-spoiled niya. Pero sa harapan pala ng taong nagsusumikap sa buhay, nakahihiya na may kakayahan akong magtrabaho o kahit man lamang kumilos para kumita pero hindi ko ginagawa. Unang dahilan na, ang maliit na kita ay hindi ko ma-a-apreciate dahil marami ang daddy ko no’n at bakit pa ‘ko magpapakapagod magtrabaho kung marami nga kaming ways of living with luxuries?
Naiirita ‘ko sa sarili ko na lalong gusto ko siyang kunin.
Bakit nagkakaroon ako ng ganitong nakaiinis na pag-uugali?
Kumain na kami ng tahimik at hindi ko na siya pinagkukulit. Nawalan din ako ng ganang kumain ng marami.
**
Sa isang luxurious motel kami nagkita ni Scoth no’ng gabing ‘yon.
Marami talagang lalaking todo effort para lang makagalaw ng babae.
Flowers, luxurious food and room, and a gift. As if, doon niya ‘ko makukuha. Not knowing na siya ang gagawin kong parausan sa gabing ‘to.
“Hey, Scoth, can you do me a favor?” Hinila ko ang kanyang necktie.
Sa labas ng room na ‘to nariyan si Emil. Ofcourse, hindi naman niya maririnig ang ginagawa namin dahil soundproof.
Naiinis ako dahil kahit alam ko na magaling si Scoth, nahihirapan akong mag-concentrate.
Naiisip ko si Emil. Gusto ko ang paraan ni Emil. Gusto ko si Emil na gumagawa nito sa ‘kin.
How come in just a night, naging ganito ang nararamdaman ko para sa kanya?
Isang one night stand, my goodness!
Nang matapos kami ay kaagad akong naligo.
Habang nagbibihis ako sa couch ay tinatawagan ko naman si dad using videocall. Hiwalay naman ang living room ng kuwarto sa bedroom at tulog na tulog naman si Scoth.
“Hey, dad!” bati ko sa kanya.
Sakto na nakabihis na ‘ko nang sagutin niya.
“Still in office?” tanong ko nang mapansin ko na nasa office pa siya.
“Yes. Are you going home tonight, honey?” malambing na tanong ni dad.
“Yes, dad. And I wanna talk to you about my bodyguard.”
Nakita kong nagtaka siya at nag-alala.
“Is Emil did something bad?” tanong niya.
“No, dad. I just wanna ask you a favor about him. Can we talk it tonight?”
“Yeah, sure, let’s see each other at home.”
“Thanks, dad!”
Nang makalabas ako ay naabutan ko pang nakasandal si Emil malapit sa pintuan. Madilim ang hitsura niya. Siguro dahil natagalan ako. Pero hindi naman siya nagkomento.
Hindi niya ‘ko kinikibo hanggang makalabas kami ng gusali at makasakay ng sasakyan.
“Pupunta ko kay dad baka doon na tayo magpalipas ng magdamag,”bukas ko sa usapan.
Tumango lang naman siya. Mukhang wala sa mood o napapagod na.
Inipon ko ang buhok ko at inipon ko ‘yon bago iniikot at tinalian.
“Gusto mo ng coffee?” tanong ko nang matigil kami sa stop light. “Puwede tayong mag coffee muna—”
Nilingon niya ‘ko. “Hindi na, miss—”
Iyong hitsura niyang tila palaging walang pakialam ay nabigla. Hindi ko siya pinansin pero gusto ko ‘yong pagkakatitig niya. Well, it’s my plan na mapatingin siya sa ‘kin.
“Hey, green na!” nginitian ko siya.
Nakita kong napaiiling siya.
Sinadya kong magpalagay ng mga kissmark sa leeg.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang magagawa ko sa kabaliwan ko.
“Ilugay mo ‘yong buhok mo, daddy mo ang pupuntahan natin.”
“H-ha? Why?” maang-maangan ko.
“Panigurado naman na alam mo ang dahilan. Sa hitsura ng mga kissmark mo mukhang nanghahapdi na.” Sarkastiko ang kanyang boses.
Nahawakan ko ang leeg ko. Kunwari ay nabigla pa.
“Oooh, thank you. Hindi ko talaga nararamdaman pa. Siguro dahil mas nalamog ang katawan ko?” dingtungan ko ‘yon ng tawa bago ilugay uli ang buhok ko. Pinasira ko lang ang leeg ko para magpapansin.
Hindi na siya nagsalita pero mukhang iritable base sa pagkakadikit ng kilay. Nanatili naman siyang safe pag-da-drive ang speed.
“Matatakpan naman siguro ‘to ng make-up.”
Gusto kong pagmasdan ang pag-igting ng kanyang panga. Maging ang mahigpit na pagkakakapit niya sa manibela. Sa pagtitig ko pa lang sa palad niya naalala ko ang pakiramdam na pisil-pisilin ng palad niya ang aking dibdib. Mainit, malaki at saktong-sakto ang dibdib ko sa palad na ‘yon.
Pinipilit kong huwag maging spoiled, iyon ang pangako ko sa sarili ko nang huli akong mag birthday. Pero hindi ko maiwasan ngayon na gamitin ang pagiging spoilet brat ko para sa lalaking ‘to. Dad will surely ask me a lot about him. Pero desidido akong makuha si Emil. Lalo pa nga at hindi ako nag-enjoy sa pakikipagtalik kanina. Pakiramdam ko si Emil lang ang gusto ng katawan ko. And maybe, another wrong move na gamitin si dad para sa lalaking ‘to.
Kung sakaling may makakikila ng tunay kong katauhan panigurado kandidirihan ako ng tao. Hindi dahil sa pakikipagtalik kung kani-kaninong lalaki na kahit ‘di karelasyon, kung hindi dahil sa mga balak ko dahil lang sa sexually attracted ako sa bodyguard ko.