Chapter 6: EMIL VIVENCIO

1702 Words
 Ipinilig ni ko ang aking ulo. Nakagawa ako nang malaking pagkakamali kay Mr. Villaluna. Ano na lang ang sasabihin niya sa ‘kin? Sobra ang tiwala niya sa ‘kin, ganoon na rin ‘yong bigat ng itinulong niya para kumilos at magkamali pa ‘ko ng gano’n. Mas marami at matapang naman ang iniinom ko dati pero bakit parang hindi ko nagamit ang isipan ko sa mas tamang paraan kagabi? Bakit ako nagpadala sa temptasyon? Pakiramdam ko dahil sa pagkakamaling ‘yon may hawak sa ‘kin si Chanel. Ngayon, abala siya sa pagbabasa ng script habang nagsasalita ang may kalakihang lalaki na tinatawag nitong ‘Mother Jimmy’ at mayroon pa ‘tong kasamang lalaki. Nagkakaroon ng discussion ang apat. Dito nila napiling magkita sa isang coffee shop na hindi naman karamihan ang tao. Nakaupo lang ako malapit sa kanila dahil hindi gusto ni Chanel na para akong guard niya na palaging nakatayo kung nakaupo siya. Siya rin ang nagpabigay sa ‘kin ng kape n aini-order niya. Mukhang masaya naman siya sa mga naririnig niya. Kapag ganitong napapalayo ako ng bahagya sa kanya at nagkakaroon ako ng oras para mag-isip, ang palaging pumapasok sa isipan ko ay kung bakit ang isang babaeng mukhang anghel ay nakikipaglaro sa iba’t ibang lalaki na parang wala lang? Paano niya nagagawang maghubad sa harapan ng lalaking hindi niya mahal? Maiintindihan ko pa siguro kung trabaho niya ‘yon, pero hindi. Nasa kanya ang lahat, at maraming lalaki ang magkakandarapa para lamang makarelasyon siya? Hindi ko rin nakikitang nasasaktan siya sa pagkakahiwalay nila ng ‘ex’ niya. Pero maaaring palihim? Pero hindi talaga, masaya siyang tingnan. Ang nangyari sa ‘min kagabi ay hindi ko pinangarap. Gusto ko ang babaeng gugustuhin ko ang aasawahin ko na rin. At wala akong plano na makipaglaro habang hindi ko pa nahahanap ang babaeng gusto ko. Umaasa ako na siya rin ang unang magiging karanasan ko. Pero kagabi nangyari ‘yong hindi ko inaasahan. At aaminin ko na kakaiba iyong pakiramdam, hindi ko masasabing gusto ko na ‘yong huminto dahil ang isang gabing ‘yon parang binigyan na kaagad ako ng adiksiyon na dapat kong kontrolin. Hindi na ‘yon mauulit. Kailangan mas maging malaki ang pagitan namin sa isa’t isa. Malaki ang utang na loob ko sa kanyang ama. Hindi dahil may pagkakataon kukunin ko ‘yong oportunidad. “Malayo ang tingin mo!” Napaigtad ako nang magsalita si Chanel sa harapan ko. Nakangiti siya sa ‘kin at naupo na sa ‘king harapan. “Tapos na kayo, miss?” “Yep,” nakangiting tumango siya. “Mag-stay muna tayo rito. May gusto akong kainin.” Tumawag siya ng isang waitress. “Anong gusto mo?” tanong niya. Panay ang tingin niya sa iba’t ibang sliced-cake na nasa menu. Gusto kong dagukan ang sarili ko dahil sa napadaan ang tingin ko sa kanyang leeg. Naalala ko bigla kung gaano ‘yon kabango at kasarap halikan. Tumayo ako kaya nabigla siya. “Saglit lang ako, miss.” “Oh, okay,”sagot niya pagkaturo ko sa comfort room. Nang bumalik ako ay naglalapag na ng order ang waitress na siya ring kumuha ng order. “Ako na ang pumili sa ‘yo,” turo niya sa isang sliced black forest cake. Napansin kong inalis niya ang cherry sa ibabaw no’n at hindi ko naman ‘yon pinanghinayangan dahil lasang gamot ‘yon sa ‘king panlasa. “Pagkatapos nito saan tayo pupunta?” tanong ko. “Hmmm…” mukhang nag-isip siya. Nabigla ako nang isunod niya ang tangkay ng cherry sa bibig matapos makain ang mismong cherry. Nginunguya ba niya ‘yon? Bahala nga siya, kung ano-anong alam niya. “Dahil tinanggap ko ‘tong project na ‘to, magpapahinga na muna ako.” Muli isinara niya ang bibig at ngumuya. Halos magdikit na ang kilay ko dahil sa kanyang kawirduhan. Iniangat ko ang kape habang kunot na kunot ang noo dahil sa pinaggagawa ni Chanel. Inilabas niya ang dila at ipinakita na nakabuhol na ang tangkay ng cherry. Naalala ko bigla kung paano gumalaw maging ang pakiramdam ng dila niyang ‘yon. Kumain naman siya ng maayos na. Galaw siya nang galaw at alam ko ang ginagawa niya ay para akitin ako nang paulit-ulit. PInatatag ko ang hitsura’t postura ko pero naaapektuhan ako ng bawat galaw niya. Paanong hindi ako maaapektuhan kung sariwa pa sa alaala ko kung ano ang hitsura niya kagabi at ang mga pinaggagawa namin. “I’m horny,” nakasimangot na aniya. “Kanina lang sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita kukulitin pero anong gagawin ko kung na-ho-horny akong tingnan ka?” parang gusto pa niyang magpapadyak. “Emil, hindi mo ba talaga gustong maging s*x partner ko?” “Hindi.” “Emil, hindi mo ba nagustuhan?” Napasimangot siya. Hindi ako sumagot. Nagustuhan ko pero pinagsisisihan ko at ayoko ng maulit ‘yon. “Emil—” “Kung ipipilit mo, kailangan ko na mag-resign dahil anak ka ng boss ko. Safety mo ang trabaho ko rito hindi ang maging s*x partner mo, miss.” “Fine!” Hanggang sasakyan nakasimangot siya pero panay ang browse niya sa kanyang social media. May sinagot siyang tawag after fifteen minutes. “Hey, how are you?” Masigla na siya at ngiting-ngiti na. “Oh, can we do it in your place?”    “Akala ko magpapahinga ka?” tanong ko matapos ang pakikipagtawanan niya sa kausap. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa madalas naman niyang gawin. “I told you, I’m horny.” “Sa ilang oras nating ginawa ‘yon, ganyan pa rin ang pakiramdam mo?” “Bakit parang galit ka?” sinimangutan niya ‘ko. Hindi na lang ako kumibo. Bakit ba ‘ko nagpapadala sa emosyon ko. “Pero kung papipiliin mo ‘ko sino ang gusto kong kasama sa kama, siyempre ikaw, sabihin mo lang at i-ka-cancel ko kaagad ang—” “Sinabi ko na sa ‘yo na una’t huli na ‘yon.” Matigas na sagot ko. “Fine!” Tumahimik naman siya sa tabi ko pero panay ang cellphone. Umuwi muna kami dahil ibang oras pa ang usapan nila ng kausap. “Magluluto ba tayo o o-order ka?” tanong ko nang makaupo na siya sa sofa. “Naiinis ako sa ‘yo, ‘wag mo muna akong kausapin.” Iminuwestra niya ang kamay na tila pinapaalis ako. Hindi ko na lang siya ginulo at kusa na lang akong nagluto dahil maya-maya magugutom na siya at maiirita na wala siyang kakainin. Habang tumatagal ako sa kusina lalo akong naiirita. Kulang na lang ibalibag ko lahat ng gamit dito. Napakahaba ng pasensiya ko pero bakit parang hindi ko ‘yon nagagamit ngayon? Ganoon ba talaga siya kahilig? Kagabi lang halos hindi na kami mahiwalay sa kama sa ilang beses naming ginawa ‘yon pero ngayon naghahanap kaagad siya ng makakasama sa kama? Ayos lang ba siya? Bahala nga siya sa buhay niya. Safety niya ang kailangan kong gawin dito hindi kasama roon ang galawin siya. Halos dalawang oras akong narito dahil magkakainisan lang kaming dalawa kung maglalapit. Kailangan palagi na kaming magkalayo para hindi na maulit ‘yon. Dahil aminado akong may nararamdaman akong atraksiyon sa kanya pero ayokong pagbigyan ang pakiramdam na hindi makabubuti sa ‘kin, sa ‘ming dalawa kahit pa nga alam ko na halos lahat naman ay pinapatulan niya. “Emil, bakit ba ang tagal mo diyan?!” Tumawag na nga siya. Nang pumunta ako sa sala ay nakasuot na lang siya ng roba at bagong paligo. Hindi na bago sa kanya ang ganyan. Naglalakad pa ‘yan kahit underwear lang ang suot. “May kailangan ka ba?” “Maupo ka sa tabi ko, manood tayo.” “May ginagawa ako—” “Maupo ka na nga, palagi mo ‘kong gustong iniinis.” Magsasalita pa ‘ko pero pinigil ko na ang sarili ko. Naupo ako sa tabi niya. Para naman siyang unggoy na dumikit sa ‘kin at sumandal. “Panonoorin ko ‘yong weekly episode no’ng gaganapan ko rin pero another story naman iyong akin. Ito ‘yong laman no’ng sa flashdrive na ibinigay ni mommy Jimmy.” Mukha namang hindi siya gagawa ng kakaiba ngayon kaya kumalma na ‘ko. “Isinulat daw ‘yan ng mga writers sa iba’t ibang online platform. Iyong akin ay may bed scene saka ang partner ko naman daw ay kabog sabi ni mommy Jimmy,”aniya na mukhang excited. “Sa bed scene ka excited?” “Hindi ko nga lang masabi na puwede naman naming totohanin.” Bumalik na naman ang nararamdaman kong iritasyon sa babaeng ‘to. “Iniisip ko nga na gumanap sa mga adult film, you know? Pero magmamaskara ako, siyempre, malaking kahihiyan ni dad kung makikilala ako ‘di ba? Pero parang ang wild kasi ng mga adult film.” “Kung puro kalaswaan ang sasabihin mo, ilabas mo na ‘ko.” Tatayo sana ako pero nayakap niya ‘ko sa braso. “No, hindi na, manood na tayo, Emil. Sorry na kaagad!” Umayos ako ng upo. Katulad naman ng sinabi niya, hindi na bastos ang laman ng kanyang bibig. Kapag ganitong matino ang mga sinasabi niya, mas bagay sa kanya. Malayo sa kung ano talaga siya. “Hindi mo ba gusto ng mas maayos na relasyon sa iisang lalaki?” Hindi ko alam bakit ko ‘yon natanong. “Kung ikaw, puwede naman.” Mabilis niyang sagot. “Pero kung iba, wala talaga akong plano at wala naman akong nararamdaman na gusto ko silang makarelasyon ng seryoso. Isa pa, mas maganda iyong walang emotional attachment na mas malalim, mas gusto ko na ‘yong ganitong pakiramdam na madali akong makaalis sa relasyon.” Humilig siya sa ‘king balikat. “Ikaw? Wala ka bang girlfriend sa Nueva?” “Wala, gusto ko rin na siya ang huli. Sa ngayon, hindi pa ‘ko financially stable kaya hindi ko pa planong makipagrelasyon.” “Wow,” komento niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD