“Where are you going?” tanong ni Cassie sa ‘kin. Sinubukan niya ‘kong sundan. Ayoko na sana ng long conversation sa kanya dahil baka topakin na naman si Chanel. Parang nawawala rin ang sense of reasoning ng babaeng ‘yon kapag nakikita si Cassie na kausap ko. “Kailangan ko kasing puntahan si Ms. Chanel,” nginitian ko siya. “Excuse—” “Ah, napansin ko kanina si Chanel kasama ‘yong artistang si Dave. Mukhang good friends sila base sa ngitian at tawanan nila with the directors.” “Dave?” Nilingon ko si Cassie. Tila naman nag-isip siya. “Yes, si Dave Evasco, iyong sikat na artista ngayon?” “Saan sila dumaan?” Hindi ko maiwasan pag-initan ng ulo. Sa pagkakatanda ko iyon ang ex ni Chanel na umabot ng limang buwan at itinangging may karelasyon sa isang interview. “Hmm, tingin ko dito sa mga private