Limang araw rin akong nanatili sa unit dahil masakit ang balakang ko. Pero wala namang serious na nangyari sa ‘kin ayon sa tumingin sa ‘king espesyalista. Katulad ng madalas pinagsisilbihan akong parang prinsesa ni Emil. Namimili na lang din siya sa online palengke at mga supermarket online dahil hindi niya ‘ko maiwanan. Gusto ko ang pakiramdam na inaalagaan niya ‘ko nang husto. Pakiramdam ko talaga mag-asawa kaming dalawa. Sa limang araw na ‘yon walang nangyari sa ‘min dahil ayaw niya at isa sa rule na bawal ko siyang pilitin. Pero hindi naman niya ipinagdadamot kung gusto kong kumanta sa kanyang gintong baton. Minsan naman nasa pagitan din siya ng hita ko at ipinararamdam ang kagalingan ng kanyang dila hanggang mag-orgasmo ako. Ngayon ang ikaanim na araw at maayos na maayos na ang pa