“Nakakairita, wala namang kasarap-sarap ‘yong mga ‘yon.”
Sabi ko kay Emil. As usual, para siyang bato sa ‘king harapan. Mahilig siyang tumayo sa ‘king harapan. Ayos lang naman dahil guwapo naman talaga siya—lalaking-lalaki ang dating. Matangkad siya sa ‘kin, hindi nga ako umabot sa balikat niya. Maging ang katawan niya parang ang titigas—sh*t.
Wala akong kaibigang babae na matatawag. Kakilala marami sa bar. Pero ayos lang, long time ago ay naahasan ako ng matalik kong kaibigan na kasama ko pa halos hanggang paglaki at daig ko pa ngang sugar mommy niya dahil ibinibigay ko lahat sa bestfriend ko na ‘yon pero at the end, ayon, inahas ang boyfriend ko.
“Miss, lalabas na ako.”
“Hindi ko talaga gusto ‘yang lalabas ka na, puwede kayang i-rephrase natin sa lalabasan ka na?”
Nakita ko ang hitsura niyang dumilim kaya natawa ako.
Ang bunganga ko ay bastos talaga at palamura. Iiispin ng iba na pariwara akong babae pero hindi. Ito lang talaga ako at nakasanayan ko na ‘to.
Hindi ako nakikipaglaro sa mga bodyguard ko dahil iyon ang gusto ni daddy. Alam niya ang mga relasyon ko, hindi ko naman masasabing supportive siya pero pinapaalalahanan naman niya ako at dahil nga doon inaalagaan ko rin naman ang sarili ko.
I love s*x, I lost my virginity when I was twenty—three years ago. Doon nga sa ex kong ulupong.
Pero hindi naman ako nagrerebelde, nawala lang ang tiwala ko sa iba pero masaya naman ako sa ‘king buhay. Hindi ko naman isinasara ang sarili ko sa pag-ibig pero parang hindi ko na kayang magmahal talaga katulad noon. May boyfriend ako pero ang nagpapatagal ng relasyon ko sa kanila ay s—x at enjoyment—kapag nawala ‘yong excitement at naging boring pati relasyon namin for sure na magtatapos na rin.
This is my body and this is my choice.
Walang dahilan para diktahan ako ng ibang tao sa kung paano ko dapat gamitin ang aking katawan o kung paano ako dapat kumilos.
Sa edad kong bente-tres, alam ko na ang consequences ng mga ginagawa ko at wala akong pagsisisihan dahil ginusto ko ‘to.
“Bihira kang mag-isip.”
Napakurap ako at napatitig kay Emil, “What do you mean?”
“Wala naman.”
Paano ba siya nakakapag-react nang ‘di nangingiti? Paano ba maging kasing bato ng lalaking ‘to? Sa lahat ng bodyguard ni dad parang ito ‘yong ‘di nakakakita ng appeal ko.
“Hey, Emil, wanna join me in bed?” sinubukan ko siyang ngitian at titigan sa paraan kung paano ko kinukuha ang mga lalaki.
“Not interested.”
Imbis na mairita ay natawa ako.
“Really? You are not interested?” Umayos ako nang pagkakaupo sa sofa at alam kong mapapansin niyang wala akong suot na bra pero wala talagang titibag sa lalaking ‘to dahil ang hitsura niya ay gano’n pa rin. Pero baka kinokontrol niya lang. Bumaba ang tingin ko at sigurado akong wala nga siyang reaksiyon maging ang p*********i niya, pero ang sukat no’n sa paningin ko ay promising.
Nakakainis na attracted ako sa kanya.
Pero paano ko nga pipigilin kung masyado siyang sexy? Iyong katawan at boses niya para akong hinahalina na humiga at bumukaka!
“Kung maghuhubad ako sa harapan mo, ano kayang reaksiyon mo?” nginisian ko siya.
“Dapat ba akong magulat?” tanong niya.
Napasimangot ako dahil mabilis din talaga akong toyoin sa lalaking ‘to. Simpleng mang-aasar kasi siya.
“Whatever, hahanap na lang ako ng ibang lalaki.”
Tinotoo ko ‘yon at habang nasa labas siya nagbabantay ay nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ang pag-ungol at dirty talk ko kahit ‘di ako nag-eenjoy sa lalaking nasa ibabaw ko. Napakawalang-kuwenta! Mas mahalaga sa kanya ang sariling kasarapan kesa sa kapareha niya. Iyong hitsura at yabang pa akala mo naman napakalaki ng kanya.
Alam ko naman na minsan inaasar ko lang si Emil pero nang maimahe ko siya sa ‘king ibabaw at pinagpapawisan, bumalik ang init ng katawan ko at pumikit na lamang ako. Nakalimutan ko nang mag-ingay. Masyado akong nadala ng hitsura ni Emil habang pawisan at humahataw ang katawan sa ‘kin. Kahit hindi ko na-enjoy ang lalaking kasama ko ay na-enjoy ko naman ang gabi na ‘yon sa imahinasyon ko.
Naliligo na ako at nakaalis na ‘yong lalaking si Nathan na wala na ako kaagad pakialam.
Gusto ko talagang makuha si Emil.
This is embarrassing na ako ang nagnanasa sa lalaki higit sa kanila!
Pero paano ba naman kasi ang hot niya at masyadong mailap sa ‘kin kaya mas tumataas ang interes ko sa kanya.
Romantic feelings? Siyempre wala, just pure lust.
I’m really craving for him.
Naabutan ko si Emil na papasok na and as usual iyon na naman ang mukha niyang seryoso.
“Hey, Emil, come here help me—”
Tiningnan niya ako saglit at muling ibinalik ang tingin sa mga nagkalat kong damit na pinupulot niya.
“Hey,” nilapitan ko siya.
“Magdamit ka na muna.”
Nangiti ako dahil nakatuwalya nga lang ako.
“Kaya nga help me—”
Tiningnan niya ako sa hitsura na alam na kaagad na mayroon na naman akong binabalak.
“Help me with this—” pakita ko sa ‘king bra.
“Malaki ka na.”
Napasimangot ako. “Dalian mo na,”
“Hindi ba ako mukhang lalaki sa paningin mo, miss?”
Lumapit ako at tumalikod sa kanya. “Here,” ibinigay ko ‘yon sa kanya.
“Miss—”
“You can touch me if you want,” kinindatan ko siya.
Hindi ko alam ang reaksiyon niya.
“Hurry, I’m cold!”
Ibinaba ko ang tuwalya sa baywang.
Nagulat pa ako nang makita ko ang palad niya. Napalunok ako dahil talagang isusuot nga niya sa ‘kin. Bigla akong kinabahan sa sarili kong kalokohan. Hindi kaba na natakot ako, kung hindi na-excite ako. Parang may init na namumuo sa ‘king katawan.
“Parang alam na alam mo, ah.”
Nanibago ako sa boses ko, parang arouse na arouse naman ako!
“Ginagawa ko ‘to sa lola ko, iniisip ko na lang na ikaw siya.”
Muntik ko na siyang masampal pero ang hot kahit nang pagtawa niya kaya pinaglapas ko ‘yon.
Nag-iinit ako lalo nang ‘di sinasadyang madantayan niya ang dibdib ko kahit anong ingat niya.
Malalaki ang kanyang palad.
Nang maikabit niya ‘yon ay kaagad din siyang lumayo sa ‘kin.
“Siguro naman kaya mo nang magsuot ng underwear.”
“Bakit disappointed ka ba na hindi ko ‘yon ipasusuot sa ‘yo?”
“Ha-ha-ha.” Iyon na naman ‘yong sarkastiko niyang tawa.
Pero ‘di ko na siya kayang paratingin pa sa ‘king underwear dahil pakiwari ko wet na wet ako. Nakakahiya para sa sarili ko na para akong babaeng maniac sa isang lalaki! Alam ko naman na mahilig ako sa lalaki, pero hindi naman ganito na para akong naghahabol ng karne!
Actually, ayoko sa bodyguard na may pagnanasa sa ‘kin. Ayoko ng involvement sa kanila dahil nga nariyan sila to protect me. Pero kapag nagsisimula silang magparamdam sa ‘kin ay sinasabi ko kaagad kay dad at inaalis naman sila kaagad. This teasing, kay Emil ko lang ginagawa dahil somehow attracted ako sa kanya bilang lalaking-lalaki siya at tanned skin na hindi ko naman hilig pero parang ang sexy talaga niya in that color at guwapo. Even the way he speak and move, ang sexy! Kaya nga no’ng paalisin si Joel at kumustahin ni dad si Emil, sinabi ko na mukha siyang patay na batang walang interes sa babae—totoo naman talaga, pero I’m really testing this man if he’ll bite the bait.
I’m really curious.
Dahil wala siyang kapalitan ay dito na siya rin sa unit ko kumikilos. Nag-aalala si dad, pero wala naman siyang nagawa sa ‘kin. Well, ganoon si dad sa ‘kin dahil may malaki talaga kaming problema noon bilang mag-ama dahil sa relasyon nila ni mommy at pagkakaroon niya nang ibang babae na dahilan ng pagkamatay ni mommy—atake sa puso. Simula noon hindi niya ako mapaghigpitan nang husto dahil talagang aalis ako katulad noon na halos anim na buwan akong ‘di nagpakita. Simula no’n sinikmura niya na lang siguro na ganito ako. At alam niya rin ang mga iba’t ibang lalaki na pinapapunta ko rito sa ‘kin—siguro alam niya na rin na may interes ako kay Emil.
Pero kahit naman nasa iisang lugar kami ay tila dipa-dipa naman ang layo na gusto nang lalaking ‘to sa ‘kin.
“Naliligo ka ba?” tanong ko sa kanya nang maupo ako sa sofa.
Hindi siya sumagot at inihanda lang ang hapunan namin na as usual ay order ko.
“Hoy, naliligo ka ba?”
“Hindi.”
Napahagalpak ako nang tawa. Paggising ko kasi palagi ay nakaayos na siya. Pormal ang suot niya madalas katulad ng mga bodyguard ni dad. Iniisip ko na ginagamit niya rin ang comfort room kung wala ako sa paligid siguro dahil ‘di ko nga siya nakikitang gumagamit no’n.
“Alam mo puwede mo naman gamitin lahat nang narito—”
Hindi talaga ako pinapansin nang lalaking ‘to.
“Kumain ka na.” Alok niya.
“Subuan mo ako—”
“Bodyguard, hindi babysitter.”
Gusto kong pigilang matawa pero humagalpak talaga ako nang tawa.
“Hay, Emil…” nasabi ko na lang.
Hindi ko na siya tinukso dahil gutom na rin ako at mas natutuwa akong pagmasdan siya kapag hindi siya napapatingin sa ‘kin.
Totoo nga kayang walang pakiramdam ang lalaking ‘to?
Wala ba siyang karanasan pa? Parang imposible naman!
Pero kung may nakauna na sa lalaking ‘to, ano kayang klase ng babae ang makakapagpalambot sa lalaking ‘to?
“Lalagyan ko nang laman, wala nang laman ‘yang sinisipsip mo kanina pa.”
Napatulala ako at literal na napahiya ako dahil nga wala nang laman ‘yong baso ko maliban sa yelo.
Hinayaan ko siyang lagyan ‘yon nang juice. Hindi ko raw babysitter pero alagang-alaga ako.
“Anong gusto mo sa babae?” seryosong tanong ko.
“Kung ano ang ibigay sa ‘kin tatanggapin ko.”
Ang seryoso niya at sigurado ako na walang biro ro’n, nangiti lang ako.
“So, wala pa ba?”
Nagkibit-balikat siya, “Hindi pa ako interesado. Bata pa naman ako.”
Here I thought na matanda na ako sa edad ko.
“Your age?”
“Twenty-Two—”
“Oh, I’m older?”
Tiningnan niya lang ako.
“I’m twenty-three, kahit hindi ka interesado!”
Nangiti siya, teka, teka, teka, parang may kung anong tumalon sa ‘king dibdib! Nahihirapan akong kumalma. Ang guwapo niya kasi talaga no’ng ngumiti at ang sexy no’n, woah!
Hanggang sa paghuhugas niya nakasunod ako. Nasa likuran niya lang ako para pagmasdan ang hugis ng kanyang sexy back. Itong taong ‘to hindi siya matanong, iyong iba kasi mahilig magtanong lalo kung may tiyansa. Parang walang pakialam ang lalaking ‘to sa buhay ng iba samantalang iyong iba parang gustong alamin hanggang kasuluk-sulukan ng tao.
“Hey, what if ako ang ibinigay sa ‘yo?” seryosong tanong ko.
“Ibabalik kita, sasabihin ko na i-check uli sa list baka nagkamali lang.”
Imbis na maasar natawa talaga ako.
“Akala ko ba tatanggapin mo lahat?” natatawang tanong ko.
“Ah, mali pala ang sagot ko.”
Lalo akong natawa kasi ang seryoso niyang sumagot.
“So, you don’t like me? Don’t you find me beautiful?”
Saktong kahaharap niya lang.
Tinitigan niya akong maigi. Alam ko naman na pang-aasar ang isasagot niya.
“You’re beautiful, one of the prettiest girl I ever met, miss.”
Nabigla ako pakiramdam ko nag-init nang husto ang mukha ko, sinabayan pa nang malakas na t***k ng puso ko na halos ayaw tumigil.
“Matulog ka na, para makapagpahinga na rin ako paghimbing mo.”
Nilagpasan niya na ako.
Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako makalma.
Madalas naman akong napupuri at confident ako sa hitsura’t katawan ko dahil iyan ang inaalagaan ko pero bakit parang ang bago pakinggan? Alam ko naman na nag-jo-joke siya sa seryosong tono minsan pero it hit’s really differently!
“Oh, gosh. I want him! Mahahawakan din kita sa leeg, Emil!”
Nabigla ako nang may humawak sa palad ko at laking gulat ko nang si Emil ‘yon at ilagay niya ang palad ko sa kanyang leeg.
“There you go, now, can you sleep?”
Napalunok ako.
Hindi naman siya nakangiti, and for sure way niya nang pagbibiro ‘to pero para akong lalamunin nang tingin niya. Masyado akong attracted lalo na nang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
Binawi ko ang kamay ko. Madalas lalaban ako sa asaran pero hindi ngayon.
Kinakabahan ako at isa pa, masyado siyang malapit at napakabango niya! Alam ko na hindi ‘yon pabango, puwedeng iyong damit niya o iyong mismong natural scent.
Hindi talaga ako nakalma magdamag dahil sa kanya!
Kinabukasan. Nakahanda na ang almusal ko paggising ko.
“Wow, instant maid ka rin pala!” bati ko sa kanya.
“Good morning.”
Walang kangiti-ngiti ang pagbati niya pero hindi ko mapigilang mangiti. Kailan pa naging ganito ang epekto ng good morning sa ‘kin?
Mahilig siya sa kape iyon ang napansin ko. Nagkakape siya sa umaga at bago matulog.
“May pupuntahan ka ba ngayon, miss?”
“Pupuntahan ko sana si dad, kaso nalaman ko na may business meeting siya kaya nag-iisip pa ako. Parang gusto ko ring manood ng cinema, let’s go?” nangiti ako.
“Puwede namang dito ka na lang sa bahay manood.”
Napasimangot ako pero kaagad ding nangiti.
“Okay, may ililista ako tapos bilhin mo—”
“Hindi ako puwedeng umalis sa tabi mo.” Diretso ang tingin niya sa ‘kin.
Oo nga pala, dati nauutusan ko pa ang isa sa kanila ni Joel, ngayon na nag-iisa siya. Puwede naman akong magpadeliver pero gusto kong maglakad.
“Tayo na lang dalawa?”
Hindi naman siya kumibo kaya alam kong ayos na ‘yon.
Pagkakain namin namili kami sa malapit na grocery store.
“Maganda pala ang may kasamang lalaki sa grocery, naaabot ‘yong mga ‘di ko maabot.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
As usual parang bato ‘yong kausap ko.
Naglagay ako ng coffee and cream sa ‘ming cart.
“Akala ko hindi ka umiinom ng kape?”
“Para ‘yan sa ‘yo, mukhang ‘di ka mabubuhay nang ‘di nagkakape.”
Natigilan siya at biglang napailing.
“Ito iyong ‘di ko puwedeng tanggihan.”
Natawa ako, “Ang honest mo rin minsan ‘no?”
“Bakit kailangan kong magsinungaling?”
Napangiwi naman ako. Ewan ko sa lalaking ‘to medyo wirdo naman talaga pero ang cool nang dating sa ‘kin.
Tumagal kami sa supermarket dahil naenjoy ko ang pamimili. Tinanong ko siya kung marunong siyang magluto ang sabi naman niya ay medyo. Gusto ko pa ring matikman ‘yong medyo na ‘yon. Hindi lang ngayon dahil sobrang dami kong nabili para sa chill moment sa bahay panonood ng movie.
Pagod na pagod ako nang makabalik kami.
“Bakit hindi ka magsuot ng mas komportable?”
Inalis niya ang sandals ko.
“Mas sanay ako sa may heels, para akong madadapa kapag wala.” Seryoso naman ako ro’n.
Nasanay na ako na inaalisan niya nang sapatos pero hindi sa pagmasahe niya sa ‘king paanan. Masarap ‘yon sa pakiramdam pati sa puso—ano naman ang connect ng puso?!
Hindi ko siya pinatigil dahil nga nare-relax ako pero hindi ko naman inaasahan na makakatulog ako sa sofa at mapapabalikwas na lang sa pagkakahiga roon.
“Gising na pala si Sleeping Beauty.”
Napahiya ako, “Sorry, hindi ko sinasadya.”
“Ipinagluto na kita nang tanghalian.”
“Nagluto ka?” sumigla na naman ako.
“Iyong excitement mo baka maging disappointment.”
Sa kitchen na kami kumain dahil mukhang mas komportable siya roon. Pero bago siya maupo ay ginawan na niya ako nang juice at naglapag na rin ng malamig na tubig. Hinintay ko siyang matapos kumilost makaupo bago ako nagsimulang kumain.
“Wow, ang sarap! Anong tawag dito?”
“Adobo.” Tila hindi makapaniwala ang hitsura niya.
Nangiti ako, “Adobo ba ‘to?” natatawang tanong ko.
Umangat ang isang kilay niya.
“Wow, ang taray!” masarap. Ewan ko rin bakit natanong ko kung ano ‘to kahit malinaw na adobo ‘to. O masyado nang matagal simula nang makakain ako nito. Si mommy lang ang nagluluto nito sa ‘min noon. Ayokong malungkot! Masigla na lang akong kumain.
“Miss, hindi kita pipigilan kung kumakain ka pero baka nakakalimutan mon a pangatlong cup mo na ‘yan—”
Natigilan ako at napatitig sa kanya. “Seryoso?”
Tumango siya at unti-unting gumuhit ang ngiti.
“Oh, gosh!” naibaba ko ang kubyertos.
Nang tingnan ko ang inumin ko ay wala ‘yong kabawas-bawas. Madalas kapag nakakain ako umiinom ako nang marami para mabusog kaagad. Pero ngayon hindi ko ‘yon nagalaw.
“Pero sayang naman ‘to,” iniangat ko kaagad ang kubyertos. “Hindi kaya madaling umani ng palay.” Inubos ko na lang ‘yon dahil bukod sa masarap ang chicken adobo na kapares ay wala naman akong hayop na puwedeng pagpakainin ng kanin na ‘to. Ayokong nagsasayang nito dahil naalala ko palagi ang sinasabi ni mommy.
“Sinasabi ng mommy ko palagi na kumuha lang kami nang kaya naming ubusin dahil hindi dapat sayangin ang pagkain kaya kailangan ko ‘tong ubusin.” Paliwanag ko.
Nakangiti siya, siguro sa lahat nang ngiti niya iyon ‘yong parang may damdamin.
“May maganda ka rin pala na sinasabi, miss…”
Napasimangot ako, “Ano bang tingin mo sa ‘kin, napakasama?”
Nangiti uli siya, “Hindi.”
Naalala ko na naman ‘yong sinabi niya kagabi, peste naman!
You’re beautiful, one of the prettiest girl I ever met, miss.”