“Wow!”
Wala akong ibang reaksiyon kung hindi ‘Wow’ hindi ko mapaniwalaan na iyong inosenteng anak ni Don Crisostomo Villaluna ay may ganito katinding lihim.
Namasahe ko ang aking sentido habang tinitiis ang mga ungol at mga bastos na salita sa bibig ng babaeng inakala kong anghel. Kung puwede lang akong umalis sa pintuan na ‘to at ako na lang ang mahihiya sa kanilang dalawa. Pero hindi puwede, kailangan ko siyang bantayan at unang araw ko ngayon, kailangan kong makuha ang tiwala ng Don para naman masabi niyang hindi siya nagsayang ng pera at panahon sa ‘kin na kuhanin pa ako sa Nueva Ecija.
“Aaaaah! Ang sarap naman niyan, Ren!” halos isigaw ‘yon ni Chanel, ang anak ni Don Villaluna.
“Aaaaah! Aaaaah! Chanel, ganito ba ang gusto mo, hah! Ganito ba!” tila gigil na gigil si Ren, isang showbiz personality na sikat daw. Hindi ko lang kilala dahil hindi nga ako mahilig sa telebisyon at mas paborito kong tumambay sa bukid kasama ang mga kaibigan ko kung may libreng pagkakataon.
“Ayan! Ganyan nga ang gusto ko, Reeeen!”
Huminga ako nang malalim at saka bumuga nang dahan-dahan. Kalahating oras ko rin ‘yong tiniis bago lumabas si Ren na taas ang noo at hindi man lang lumilingon.
“Emil, pumasok ka nga rito.” Sabi ni Chanel nang bumungad sa pintuan.
Pumasok ako sa loob sa isiping nakabihis na siya pero kaagad akong napatalikod dahil nakaroba lang siya at hindi pa maayos ang pagkakatali no’n dahil kitang-kita ang kanyang nagyayabang na dibdib.
Narinig ko siyang natawa at kahit gusto kong alamin kung bakit, hindi ako nagtanong.
“May darating akong food delivery, ito ang pambayad.”
“Miss, naiayos mo na ba ang kasuotan mo?” tanong ko bago lumingon sa kanya.
“Yep.”
Komportable na akong lumingon pero muntikan na akong tumumba nang umatras ako dahil imbis na ayusin niya ang suot ay parang lalo lang lumantad ang kanyang katawan. Hindi bumaba ang tingin ko nang mapansin ko na nga na hindi na nakatali ang kanyang roba.
Natawa na naman siya at halos ‘di na matigil.
“Pulang-pula ka! Virgin ka ba?” nagbibirong tanong niya.
“Miss.” Hindi ako natutuwa.
“Here,” iniabot niya ang one thousand bill. “Dalhin mo rito sa loob kapag dumating. Maliligo lang ako.”
Kinuha ko na ‘yon at kaagad nagpaalam saka umalis.
Napailing na lang ako.
Kung aalalahanin ko ang hitsura ni Chanel Villaluna, mukha talaga siyang artista, anghel, at hindi ko naman naisip na napakapilya niyang babae. Parang wala lang sa kanya ibalandra ang kanyang katawan. Hindi ko rin inaasahan na wala siyang pakialam kung malaman ng iba ang kanyang ginagawa kasama ang kanyang boyfriend na dapat ay pribado lang sa kanilang dalawa.
Dumating naman ang kanyang food delivery paglipas nang dalawampung minuto. Ipinasok ko ‘yon sa loob ng kuwartong okupado niya at ibinaba sa isang mesa kasama ang kanyang sukli na tatlong daan. Kinuha ko na rin siya ng pinggan at kutsara niya maging inumin para hindi na siya mahirapan pang kumilos. Lumabas na rin ako kaagad dahil hindi magandang nagtatagal ako sa loob ng kanyang silid. Kahit pa wala naman nasabi roon ang kanyang ama, given na iyong hindi ako dapat masyadong lumalapit sa kanyang anak lalo at babae ito. Kahit pa sabihing ‘Wild’ ang anak niya na baka hindi niya rin alam.
Bumukas ang pintuan kaya nilingon ko ‘yon dahil baka may kailangan siya.
“May kailangan ka pa, miss?” tanong ko.
“Kumain na tayo.”
“Mamaya na lang ako kapag dumating na iyong kapalitan ko, miss.”
“Anong pagdating pa niya? Alam mo ba kung anong oras pa si Joel? Three p.m.! Huwag kang mag-alala, alam ni dad na hindi ako sanay kumain mag-isa, that’s why I need you or hindi ako kakain? You choose…”
“Miss—”
Hinila na niya ako, “Dalian mo sobrang gutom na ako.”
Naamoy ko pa ang mabango niyang amoy, hindi ko alam kung shampoo o sabon ‘yon. Nakasuot na siya ng T’shirt at maiksing short. Ipinilig ko ang aking ulo.
“Masanay ka na, okay? Hindi magagalit si dad, kilala niya ako. Let’s eat.”
Nang ibukas niya ‘yon ay hindi rin ako pamilyar sa luto. Ang alam ko lang ay karne at gulay iyon na kasya sa tatlo o apat na tao.
“You want rice? Kumuha ka na lang sa rice cooker.”Aniya.
Dahil mas sanay ako sa kanin ay nagpaalam akong kukuha.
“Sure, kuha ka lang diyan. Feel at home.”
Pagbalik ko ay nagsisimula na siyang kumain at wala siyang rice.
“Mahilig ka sa vegies?” tanong niya.
“Yes, miss. Marami kaming pananim na gulay sa probinsiya.”
Tumango-tango naman siya, “Wow, mukhang maganda sa inyo? Malaking taniman ba?”
“Hindi naman, miss, pangbakuran lang iyong lupa namin na may kalakihan ay palayan naman namin.” Sagot ko. “Salamat pala rito, miss.”
Umirap siya, “Masanay ka na. Next time ayoko na nang nagpapasalamat at nagpapaalam ka sa ‘kin sa maliit na bagay. Mas gusto ko kasi iyong tropa lang tayo gano’n.”
“Hindi naman puwede iyon, miss—”
“Sus!” Minsan nilalagyan niya rin ako nang ulam.
Beef ang karne nang matikman ko, kahawig ng lasa ng caldereta. Iyong halo-halong gulay naman ay halos half cooked lahat kaya malulutong pa kung kainin.
May pagkakataon na titig na titig siya sa ‘kin at kapag nahuhuli ko siya ay nginingitian niya lang ako.
“May experience ka na ba?”
Nabigla ako sa tanong niya.
“Hindi naman siguro kasama sa trabaho ko, miss ang sagutin ‘yon, hindi ba?” Pinaseryoso ko ang aking boses.
Akala ko ay maiinis siya o matatahimik pero gumuhit pa lalo ang ngiti niya saka tumango.
“Wanna try it with me?”
Muntik na akong mahulog sa upuan sa naging tanong niya.
“Miss—”
Narinig ko ang paghagalpak niya nang tawa. “Joking, let’s eat.”
Ilang araw pang naulit ang ganoong routine niya sa artistang boyfriend.
May pagkakataon din na nag bar siya at naninibago ako lalo hindi ko ‘yon nagawa noong nasa Nueva. Pero wala talagang ipinagbabawal sa kanyang anak si Mr. Villaluna dahil ang bilin lang nito ay sundan ang anak at siguruhin ang kaligtasan. Pero hayaan ito sa gusto nitong gawin sa buhay para hindi ito masakal.
Napapaisip din ako kung talaga bang ganoon ka open minded si Mr. Villaluna? Kilala kaya talaga niya ang kanyang anak? O nagbabase rin ito sa hitsura nito? Pero wala naman siyang itinatanong kung saan kami pumupunta. Basta kung ano lang ang tanong niya, iyon lang din ang sinasagot ko. Ayoko rin namang pagsimulan nang kanilang away kung magdaragdag pa ako. Naniniwala kasi ako na lahat ng tao, kahit pa kapamilya ay nangangailangan ng privacy kahit sa mag-asawa.
“Natanggal si Joel?” tanong sa ‘kin ni Miss Chanel habang namimili ng susuotin sa isang boutique.
“Yes, ma’am.”
Hindi siya kaagad nagsalita.
“Bakit?”
“Private reason, ma’am. Hindi rin ako nagtatanong.”
Halos umikot ang kanyang mata. “Alam mo ang hirap sa ‘yo kailangan kang tanungin ‘no bago ka magpaliwanag?” natawa rin siya kahit tila iritable. “Kapag ganito na nagtatanong ako sa ‘yo, puwede ba na may paliwanag na kaagad hindi iyong hihintayin mo pa ang bakit ko?” binalingan niya ako.
Hindi naman ako natinag sa kanya, “Miss, ang tanong mo lamang sa ‘kin ay kung natanggal si Joel. Wala ang bakit na kasunod do’n—”
“Ay, whatever!”
Nangiti ako.
“Alam mo kung ganyan ka katipid magsalita at nananahimik ka palagi, ewan ko kung hindi maboring ang girlfriend mo sa ‘yo. Kahit anong guwapo mo kung boring ka naman, wala rin!”
Hinayaan ko lang siya magsalita nang magsalita hanggang mapagod siya at simangot na simangot nang tingnan ako. “Wala kang reaksiyon?”
Nagkibit-balikat ako.
“Hay nako!”
Nangiti ako nang palihim nang tumalikod siya.
“Saan mo gustong kumain?” tanong niya sa ‘kin nang makalabas kami sa boutique.
Ganoon kabilis mawala ang toyo niya, paglabas wala na kaagad.
“Kung saan mo gusto, miss. Hindi naman ako gutom.”
“Alam mong kahit ‘di ka gutom, kailangan mo akong sabayan.”
Hindi na lang ako kumibo.
Sumakay kami sa sasakyan nang mailagay namin sa compartment ang mga pinamili niya.
“Parang gusto ko magkanin ngayon, parang naubusan ako nang lakas sa ‘yo.”
“Saan tayo, miss?”
“Iyong fastfood diyan,” nangiti siya.
“Fastfood?”
“Oo, iyong may matabang mukhang estatwa na nakangiti!” nangiti siya nang husto.
Nangiti ako dahil kilalang-kilala ko ‘yon.
“Maraming tao ro’n?”
“Ayos lang, basta kanin gusto ko ‘yong mga favorite food ko ang kakainin ko.”
Nang makarating kami ro’n ay nagpa-picture pa siya sa ‘kin sa estatwa at ngumiti nang abot tainga at pinagtawanan ang kanyang sarili saka iyong ipinost sa kanyang social media account. Siya ang umorder dahil gusto raw niyang mamili.
“Ikaw?” nilingon niya ako. “Kahit ano?” tinaasan niya ako nang kilay.
Nangiti ako at tumango.
“Haynako naman talaga itong si Emil!”
Nagsisimula na naman siyang toyoin hanggang pag-upo. Pero nang makita ang mga inorder niya na tila pang buong pamilya ay tuwang-tuwa siya.
“Uubusin mo lahat ‘yan?” tanong ko.
“Oh, nauna kang magtanong ngayon?” pang-aasar niya.
“Miss,”
“Kailangan ko nang lakas!” nagsimula na siyang mamili nang uunahin.
Para siyang bata habang kumukuha ng fries at kung saan-saan ‘yon sinasawsaw na sauce. Maging ang sauce ng sianghai ‘di pinalampas.
“Balat ng chicken,” aniya na pinilas pa ‘yon na tila nasa komersiyal.
Napapailing na lang ako.
Nasanay na rin akong kumakain kasabay niya habang nagkukuwento siya tungkol sa paborito niyang pagkain noong bata at comfort food niya kapag na-stress siya. Iniisip ko kung na-stress pa ba siya? Parang nasa kanya naman lahat. Nakapagtapos siya ng kolehiyo at kukuha ng Masteral sa susunod na taon dahil nagpapahinga raw muna siya. Lahat nang gusto niyang bilhin at gawin madali niyang nagagawa. Napakasuwerte niya ng tao.
Napukaw ang atensiyon niya sa isang balita. Para makita ko ‘yon kailangan ko pang lumingon sa ‘king likuran kaya pinakinggan ko na lang.
“Oh,” reaksiyon niya na parang wala lang.
Sinabi ng isang talk show host na napapabalitang nililigawan ng boyfriend ni Chanel ang artistang makakatambal nito.
Mahirap sigurong magkaroon ng karelasyong artista.
Nang tingnan ko siya ay tila wala lang sa kanya pero maaaring itinatago niya lang. Nagpatuloy rin siyang kumain at dumaldal.
Bumalik kami sa kanyang unit at katulad nang madalas pinapapasok niya ako.
“Miss, lalabas—”
“No. Anong malay mo kung may pumatay sa ‘kin sa loob?”
“Imposib—”
“Dito ka na sa loob.”
“Hindi ka ba natatakot?”
“Hindi. Isa pa, kung may mangyayari sa ‘kin ikaw lang din naman ang sisisihin, ‘di ba?” aniya.
Naupo siya sa sofa. Mukhang hirap na hirap siyang tanggalin ang strap ng sapatos niya sa pagod kaya lumuhod ako para tulungan siya.
“Wow, alam mo tatagal ka sa ‘kin, talaga…”
Hindi ko ‘yon pinansin.
“Pero depende rin,” dugtong niya.
Inalis ko ang kanyang sapatos at kaagad naman siyang nahiga sa sofa. Walang pakialam kung ang maiksi na nga niyang bestida ay umangat pa.
Kinuha ko ang throw pillow sa kanyang paanan at ibinigay ‘yon sa kanya.
“Para saan ‘to?”
Hindi na ako sumagot at dinampot ko na lang ang mga kalat niya sa lapag.
“Ang sipag mo naman, ikaw na lang kaya ang asawahin ko? Mukhang hindi ako ma-stress sa ‘yo, parang sobrang understanding mo—” aniya sa boses na inaantok na.
Napagod na siya kasasalita kaya naman nang balikan ko siya nang tingin ay tulog na tulog na. Masyado siyang anghel tingnan. Lumabas na rin ako at sa labas na lang nagbantay. Sumubok akong tumawag sa bahay. Dahil tulog na tulog naman siya ay tumagal din ang pag-uusap namin.
Paglipas nang isang oras dumating ‘yong artistang boyfriend niya as usual wala naman siyang pakialam.
“Excuse, sir.”
Kusa na niyang ipinakapkap ang kanyang sarili.
“What’s the point?” Iritang aniya na ‘di na nasanay sa protocol naming mga guard ni Miss Chanel.
Nagkibit-balikat lang ako at hinayaan siyang pumasok kagaya ng instruction ni Miss Chanel.
Hindi ako tatagal sa pagiging bodyguard. Mas gusto ko ang trabaho sa bukid. Siguro dahil nga nasanay ako sa mas maraming kausap at mas gusto ko pa rin ang palayan kesa sa naglalakihang building. Pero aminado naman ako na ang Maynila ay maganda ring lugar, namangha rin ako nang unang linggo ko. Mas marami ring eskuwelahan kompara sa ‘ming lugar na mahabang biyahe pa ang kailangan bago makarating sa eskuwelahan.
Narinig kong nag-aaway na sila kaya humanda na rin akong pumasok kung sakaling tumagal ang pagtatalo. Iniingatan ko siya, at hindi siya dapat masaktan sa pangangalaga ko. Mas lumakas ang mga boses pero bago pa ako pumasok ay lumabas na ang galit na galit na lalaki.
Pumasok ako kaagad. Nakita ko si Chanel na galit ang hitsura habang nakahalukipkip sa pagkakaupo.
“Nasaktan ka ba, Miss?” tiningnan ko siya para siyasatin.
“Tigilan mo nga ako!” sigaw niya.
Mukha namang wala siyang kagalos-galos kaya naman dumiretso na ako nang tayo para sana umalis.
“Dito ka lang.” Mariing aniya.
Hindi naman ako tumutol at tumayo ako sa ‘di kalayuan sa kanya.
Maya-maya ay iritang-irita na siyang nagwala at naghahagis nang kung ano-ano pero nanatili akong nakatayo. Nang mapagod siya at kumakalma na saka ako naglinis.
“Huwag ka munang tumayo diyan,” saway ko sa kanya nang tatayo siya.
“Ano bang pakialam mo?”
“Maupo ka, miss.”
Galit niya akong tiningnan pero nakita niya sigurong sobrang seryoso ko kaya inirapan na lang niya ako.
“Ayokong masaktan ka. Hintayin mo akong makatapos magpulot ng mga binasag mo.”
Hindi ko alam kung bakit namumula siya at ayaw tumingin sa ‘kin.
“O-okay.”