Madaling araw ako gumigising habang halos tanghali naman si Chanel.
Wala pa ring kapalit si Joel kaya imbis na hindi ako natutulog sa unit ni Chanel ay natutulog na rin ako.
May kuwarto naman siya na sinisiguro niyang locked pero mas madalas na narito lang siya sa labas nagbibihis. Hindi ko alam kung pino-provoke niya ako para mapaalis niya rin sa trabaho kagaya nang sinabi ni Joel na pinaalis siya sa trabaho dahil kay Chanel. Pero nang makausap ko naman si Mr. Villaluna ay sinabi niyang alagaan ko lang ang kanyang anak at as much as possible ay bantayan ito. Sinabi ko rin naman ang tungkol sa sitwasyon na nasa iisang lugar kami ng anak niya pero parang wala lang ‘yon sa kanya.
Pangalawa sa pinakamayaman sa bansa si Mr. Villaluna. May-ari sila ng iba’t ibang business—parang lahat na nga pinasok nila. Siya ang may-ari ng Villaluna Development Corporation at nagsu-supply ng mga most equipped steel fabrication sa domestic at international markets.
Doon siya nakilala ni papa noon. Noong magkakilala sila ay ka-ga-graduate niya lang noon at si papa naman ay nagta-trabaho bilang construction worker. Ang kuwento ni Mr. Villaluna ay isang masipag at maaasahan ang aking ama at naging magkaibigan sila. Noong umpisa raw ay nasa site siya bilang foreman na unang assigned sa kanya ng ama. Hanggang makalipat na sa Nueva Ecija si papa at mas nagpokus na sa palayan ay nawalan na sila ng contact. Pero nang nasa hospital si papa ay napunta siya at sinagot ang mga gastusin at kahit tapos ako ng kolehiyo ay kinuha niya ako bilang bodyguard ng kanyang anak. Hindi naman ako tumutol dahil pinahiram niya kami nang malaking halaga para tubusin ang lupa namin na naisanla. Kaya malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya.
Spoiled brat ang anak niya, iyon ang una nitong paalala sa akin kaya gusto nito na pagpasensiyahan ko ang kanyang anak. Pero higit pa nga sa inaasahan ko ang kanyang anak. Iniisip ko na may tantrums ang makikilala ko at masyadong pala-utos pero hindi gano’n si Chanel, para nga lang siyang kabarkada. Ang ‘di ko lang inaasahan sa kanya ay ang paraan niya nang pananalita at buhay pero hindi ko naman ‘yon dapat pakialamanan. Gusto ko siyang paalalahanan katulad nang madalas gawin ni Lola at mama sa mga babae sa pamilya, pero bakit ako makikialam sa kanya? Sa tingin ko ay kaya niyang i-handle ang kanyang sarili. Iyong kinalakihan kong mga paalala, maaaring iba ang kanya.
Nang tanungin niya ako kung ano ang tipo kong babae, totoo na kahit na ano ay tatanggapin ko. Pero may inaasahan pa rin naman ako, iyong kapag uuwi ako ay nasa bahay lang, ang postura at pananalita ay magalang at respetado. Kung may malapit na deskripisyon siguro iyong Maria Clara ang datingan nang babaeng inaasahan kong magugustuhan kong maging asawa.
Pero nang makilala ko si Chanel, hindi naman ako nawalan ng respeto at galang sa kanya. Sa totoo lang hinahangaan ko siya sa pagiging confident niya at kakayanang dalhin ang sarili. Nagkaroon nga ako ng realization na hindi maaaring ipilit nang lalaki ang lahat nang gusto niya sa isang babae dahil may sariling desisyon ang mga ito. Masyado lang siguro akong lumaki sa pamilyang conservative.
“Wow, ang galing talaga ng mga artista ‘no?”
Nanonood siya nang T.V. at pinapanood ang talkshow kung saan naroon ang ex niya at bagong leading lady naman.
“Isipin mo ‘yon, five months ko na siyang boyfriend pero one year na raw siyang walang karelasyon? G*go lang?” natatawa pa siya. Hindi ko talaga nakikita na nasasaktan siya maliban sa mukhang iritable. “Hindi naman siya kawalan sa ‘kin, hindi ko lang mapigilang matawa sa lokong ‘yan at ang daming kasinungalingang sinasabi.”
“Hindi lang naman siya ang ganyan.”
Napatingin siya sa ‘kin.
“Yeah, may iba pang artista na ganyan. Hiniwalayan niya ako dahil may nakakapansin na raw sa ‘min at malaki ang project niya ngayon at hindi dapat palampasin. Pero babalik daw siya kapag okay na? G*go ‘di ba? As if naman babalikan ko pa siya,” tumawa siya pagkatapos no’n. “Napakaraming lalaki, tumagal nga lang kami dahil magaling siya pero wala naman siyang kuwentang boyfriend.”
“Normal ba sa magkarelasyon ‘yan?”
Napatitig siya sa ‘kin, “Ang alin?”
“Kapag naghiwalay iyong pribadong bagay na dapat sa kanila lang ay ilalabas?”
Natigilan ako. Hindi ko lang napigilang itanong.
“Ah,” nawalan din siya nang isasagot.
“Sorry, miss. Nawala lang ako sa huwisyo.”
“It’s okay,” kalmado naman siya, “Pero tama ka nga ‘no? Ako kasi ay ganito talaga kapag naghihiwalay kami ng boyfriend ko, nasasabi ko sa iba ang mga private thingy lang dapat sa pagitan namin. Pero ‘di ko naman naiisip na masama ‘yon dahil galit ako.”
Nginitian ko siya, “Kung nagmahalan naman kayo siguro mas magandang maging pribado pa rin ang ibang bagay, miss.”
Nangiti naman siya, hindi siya na-offend.
“Well, yeah. Hindi ko man masasabi na nagmahalan kami pero nag enjoy at natuwa rin naman kami sa isa’t isa.”
“Hindi ka talaga nagkaroon pa ng karelasyon ‘no?” tanong niya.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Nangiti siya lalo, “So, you really are a virgin?”
Hindi ako sumagot.
Napasimangot siya, “Minsan iyong biro ko dahil lalaki ka ay dire-diretso ako. Ganito ako sa ibang lalaki. Pero kapag ganyan bigla kang natatahimik naiisip ko na ang rude itanong sa babae nang itinanong ko sa ‘yo kaya rude din iyon sa ibang lalaking katulad mo.”
Nangiti ako. Hindi ko alam, pakiramdam ko natututo siya sa katahimikan.
Totoo na iyong sinasabi niya ay hindi naman niya dapat sabihin pero marami rin namang lalaki na mas gusto ang babaeng sumasakay sa lahat nang biro at hindi sensitive. Hindi naman ako sensitive na lalaki pero dapat niya pa ring matutunan na hindi lahat nang lalaki ay katulad nang iniisip niya.
“Samahan mo na nga lang ako sa parlor.”
**
“Hmm, sino kaya ang tatawagan ko ngayon?”
Ang tinutukoy niya ay mga listahan ng mga lalaking nakikilala niya sa bar.
Naisipan niya ngayong gabi na sa unit niya lang at hindi mag party kaya pahinga rin ‘to para sa ‘kin.
“Wala ka bang sasabihin?” tanong niya nang marami na siyang nasasabi.
“Kailangan mo ba, miss?”
Natawa siya at napailing, “You’re impossible.”
“Are you not worried about me?” aniya na dinadaan na naman ako sa pagtingin niya sa ‘kin na tila inaakit ako. Walang lalaki ang hindi naman maaapektuhan sa kanya. Iyon lang ay normal naman ang aking pag-iisip para patulan ang ganitong pagbibiro ng isang babae.
“Iniisip ko lang na baka magbunga ang ginagawa mo lalo at mukhang hindi ka seryoso sa mga nakikilala mo, miss.”
Pinagkatitigan niya ako.
“It’s a safe s—x.”
Tumango na lamang ako.
“You know what, ang guwapo mo talaga habang tumatagal.”
Hindi ko siya pinansin.
“Hey, ang kill joy mo talaga.”
“Nalalasing ka ba sa wine, miss?”
Natawa siya, “Nalalasing akong titigan ka.” Natawa siya pero kaagad napasimangot, “Hindi ka man lang natawa, atleast?”
“Ha-ha-ha,” sarkastiko kong sabi.
Umikot na naman ang mga mata niya at doon ako nangiti.
“Magpahinga ka na—”
“No. Uubusin ko pa ‘to at iyong isang alak do’n sa ref—well, mapapadali ako kung sasabayan mo ‘ko.”
“Babantayan pa kita, hindi ako puwedeng antukin.” Nakainom na rin naman ako sa probinsiya.
“Wow, ang sarap naman pakinggan no’n.” Aniya.
Hindi ako kumibo.
“Kunin mo sa ref ‘yong beer, dalawa lang. Para sa ‘ting dalawa and I’ll sleep, I promise. Unless, iniisip mong may gagawin akong masama sa ‘yo? Sa ganda kong ‘to at liit ng katawan ko kesa sa bato-bato mong katawan at laking tao?”
“Marami ka na kaagad sinabi.”
Natawa siya. Sinunod ko na lang siya nang matapos na. Nauubusan din ako nang enerhiyang kausap ang babaeng ‘yon.
Isinalin ko na rin sa dalawang mug ang beer at inilapag ‘yon sa kanyang harapan.
“Oh, ice pa!” ngiting-ngiti siya.
“Ngiting-ngiti ka—“
“Siyempre, ang guwapo nang bodyguard ko. Hindi ba ‘ko magiging masaya no’n?”
Kumuha na lang ako ng ice cube at inilagay ‘yon sa isang ice bucket bago bumalik sa kanya. Iyong ngiti niya kakaiba maging ang pagtapik niya sa katabi niyang puwesto. Mabango siya, nagpabango siya nang bago dahil may kasangsangan pa ‘yon.
Dinalawang lagok ko lang ang beer dahil ayokong tumagal sa ‘king puwesto.
“Wow, madaling-madali?” natatawang tanong niya.
“Yes, lalabas na muna ako—”
“Nope, seat there. Hintayin mo akong matapos.”
Hindi na ako tumutol nang mapabilis na siya. Tinitipid niya ang beer kaya natatagalan siya. Puro rin siya daldal—iyong kahit ano lang ba? Kahit nga iyong mga nakilala niya sa shopping, grocery, at concert kinukuwento niya. Wala naman akong interes ro’n pero dahil maganda ang boses niya at hindi naman nakakairita ay nakakasanayan ko na siya.
Pero bakit parang habang lumilipas ang mga minuto parang palabo siya nang palabo. Inaantok ba ‘ko? Pero twenty minutes na yata simula nang uminom ako. Namasahe ko ang aking noo.
“May problema ba?” pabulong sa ‘king tainga ‘yon.
Nabigla ako sa init nang hininga niya sa ‘king tainga kaya naitulak ko siya dahil sa kakaibang init na naramdaman ko.
“Hindi ko sinasadya,” nag-aalalang hinawakan ko ang braso niyang naitulak ko. Kompara sa ‘king katawan, ang kaunting tapik ko ay makasasakit sa kanya.
“Masakit nga,” aniya sa anyong nasasaktan.
Lalo akong nag-alala kaya kinuha ko ‘yon para mas tingnan. Pero nabigla ako nang sa hita ko niya ‘yon idantay. Kakaiba iyong arousal na nararamdaman ko sa amoy at pagkakalapit ng katawan namin.
“I’m sorry, miss…”tatayo sana ako pero parang walang lakas ang aking mga binti. Anong nangyari sa ‘kin?!
“May problema ba?” hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya. Napalunok ako nang halos magkadikit ang aming labi.
“It’s okay, no one will know.” Ngumiti siya bago ako hinalikan sa labi.
Hindi ako maalam sa paghalik maliban sa mga ilang palabas na napanood ko sa mga action movie. Kontrol ko pa ang sarili ko kahit alam ko na masyadong nakakawala nang pag-iisip ang lambot ng labi niya, mabangong amoy at maging ang katawan niya. Pero naubusan din ako nang kontrol nang umupo siya paharap sa ‘kin.