Defenseless

1831 Words
Anong sabi niyo?” Gulat na wika ni Alexander nang sabihin nang pulis sa presinto ang natuklasan nila tungkol sa pulis. Nagpunta sila ni James sa presinto para magtanong sa pag-usad nang kaso nang batang si Ana. Sinamahan siya ni James dahil sa nalaman nilang nasa hospital ang lola nang bata dahil sa sakit nito. Nalaman din nilang si Elizabeth ang nagdala sa hospital sa matandang babae at siya ding nagbabayad nang hospital bills nito. Napagalaman nilang wala namang pulis na nag ngangalang Ben Havier. Ang Ben Havier na nagpakilala sa kanila ay isang dating security guard nang isang elementary school sa karatig bayan. Nasibak ito sa trabaho dahil sa reklamo nang isang batang babae sa panghihipo nito. Simula noon hindi na muling nalaman kung saan nagpunta ang lalaki. Nalaman din nilang bago masibak sa trabaho ang lalaki, pinaghihinalaan itong gumagamit nang ipinagbabawal na gamot. Nakumpirma nila ang sinabi nang karating bayan nang tanungin nila ang hepi nang pulis sa bayan na iyon. Tinanong din nila kung nakikilala nila ang pulis na nakakita kay Castro sa crime scene. Akala nila noon pulis sa bayan na iyon ang tinutukoy nila kaya naman omo-o sila ngunit nang banggitin nila nag pangalan ni Ben Havier. Biglang natigilan ang Hepi. Sinabi nito sa dalawang binata na wanted ang lalaki dahil sa kaso nang child molestation. “It Does make sense. Nang Araw na nasa crime scene siya gumagawa siya nang alibi niya. At ang walang kamalay-malay na si Castro ang ginamit niya para sa perpectong alibi nito.” wika nang Pulis kay Alexander at James. “Kung siya ang salarin, nasa panganib ang buhay nang mag-ina.” wika ni Alexander na ang tinutukoy ay ang mag-inang itinuro nang anak ni Castro. “Officer, pwede niyo bang puntahan ang bahay nina Mila?” wika ni Alexander sa mga ito. Napatingin naman ang mga pulis sa binata maging si James ay napatingin din sa chief niya. “What are you saying?” tanong ni James sa binata. “I just have a feeling that this can get worse.” Wika ni Alexander. Napailing lang si James. Mukhang may alam ang binata sa nangyayari nang hindi sinasabi sa kanila. “Anong gagawin natin ngayon, huhulihin na ba natin ang lalaking iyon?” Tanong nang isang Pulis. Napatingin naman si James at Alexander sa pulis. “Wala pa tayong kongkretong ebedensiya na magtuturo sa kanya na siya ang salarin sa nangyari sa batang babae, Unless, that woman ang her child will testify.” Wika nang Hepi. Napatingin naman ang dalawang Binatang doctor sa pulis. Tama naman ang sinabi nito, Hindi sila makakakilos o pwedeng hulihin ang lalaki kung wala silang matibay na edidensyang magdidiin sa lalaki. “Even the police can’t do anything sa kasong ito.” Wika ni James nang makabalik sila ni Alexander sa hospital. Napatingin naman ang lahat sa dalawang binata. Nagtataka sila kung anong pinag-uusapan nang mga ito. “Anong pinag-uusapan niyong dalawa?” tanong ni Margarette sa dalawang binata. “Remember that case about that child?” wika ni James. Tumango naman si Margarette. “Well, we just found out, na ang suspect na hinuli nila ay hindi naman talaga ang may kasalanan sa nangyari.” Wika ni James. “How is that possible. Nakita siya sa crime scene.” Wika ni Summer. “Well, it’s complicated.” Wika ni James. “Bakit parang kulang yata kayo.” Wika ni James na napatingin sa mga doctor na nandoon. Napatingin naman si Alexander sa mga doctor. “Umalis ba siya?” tanong ni Alexander nang mapansin kung sino ang nawawala sa grupo nila. “That Girl, really does wander around.” Wika ni Celine. Nang mapansin kung sino ang nawawal sa kanila. “Dr. Alexander.” Wika ni Sophia na dumating saka tumingin sa binata. Napatingin naman ang binata sa bagong dating. Napansin agad niya ang nag-alalang mukha nito at mahigpit ang hawak sa cellphone. “May nangyari ba?” tanong ni Alexander. “It’s Her High—It’s Dr. Elizabeth.” Wika ni Sophia. Napatingin naman ang lahat sa nurse at sa nag-aalalang mukhan ito. “I’ve been trying to reach her. But I failed.” Wika ni Sophia. “She might be wandering around.” Wika ni Summer. “It’s not something new, is it?” Lemuel. Napansin niyang tila hindi mapakali si Sophia. Mukhang may hindi magandang nangyari sa dalaga o masyado lang itong nag o-overreact. “Saan ka pupunta?” Tanong ni James nang makitang naglakad papalabas nang Binatang si Alexander. “Errands.” Wika nang binata saka nagpatuloy sa paglabas. Saka naman sumunod si Sophia sa Binatang doctor. Napatingin lang sila sa dalawang lumabas. “Alam niyo hindi ko minsan maintindihan Yan si Dr. Alexander. Galit ba siya kay Dr. Elizabeth or nag gagalit-galitan lang.” wika ni Lemuel. “As a chief doctor and the leader. He is just concerned sa mga nasasakupan niya. He is professional. Kahit naman galit siya sa clumsy doctor na iyon. Hindi naman iyon dahilan para pabayaan niya.” Wika ni Margarette. nagkibit balikat lang ang iba sa narinig mula kay Margarette. tama rin naman ang sinabi nito. *** Bakit ba ang kulit niyo. Sabi nang wala kaming alam.” Galit na wika nang Ina ni Mila nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Muli nilang tinanong ang mag-ina kung anong alam nila sa pulis na si Ben Havier ngunit nanatiling walang imik ang mag-ina. Napansin naman ni Alexander si Mila na nasa bahay nila at nakadungaw sa kanila. Sinamahan niya ang mga pulis na magpunta sa bahay nang mag-ina dahil sap ag-aakalang nandoon ang dalagang si Elizabeth. Naisip niyang baka kinukumbinsi na naman nito ang mag-ina na magsalita o kausapin si Mila tungkol sa kaso. Kaya lang nang dumating sila hindi niya Nakita doon ang dalaga. Habang nakatingin siya sa batang babae. Nakikita niya ang takot sa mga mata nito. Tila ba gusto itong sabihin ngunit dahil sa takot halos hindi bumubukas ang bibig nito. “Umalis na kayo dito. Bago pa ako maging bastos. Tahimik ang pamumuhay naming mag-ina bakit kailangan niyong guluhin.” “Mises. Mapanganib na tao ang inakala niyong pulis. Makinig naman kayo sa amin.” wika nang isang Pulis sa Ina nang bata. “Mas nasa panganib ang buhay namin kung patuloy niyo kaming guguluhin. Lubayan niyo na ang anak ko. Kami!” asik nito. Napabuntong hininga na lamang ang mga pulis dahil sa pagmamatigas nang babae. Dahil sa pagmamatigas nang babae. Walang ibang nagawa sina Alexander kundi ang umalis. Sinabi nang hepi nang pulis na isa sa kanila ang magpaiwan para bantayana ng mag-ina baka sakaling bumalik doon ang suspect. Kasama ang isa pang pulis. Napatulong si Alexander na hanapin si Elizabeth. Nagpunta sila sa clinic nang barangay. Wala ito sa clinic at sa kahit saang parte nang barangay. Humingi na sila nang tulong sa kapitan at sa mga tanod na tulungan silang hanapin ang dalaga. HIndi pa man sila nakakapagsimulang maghanap. Isang pulis ang dumating at sinabing nakatakas si Castro. Nagmamadali namang nagpunta sa presinto si Alexander at ang Kapitan. Para alamin ang nangyari. “Don’t you find it alarming. Kasabay nang pagkawala ni ELizabeth ang pagtakas ni Castro sa kulungan?” wika nang Kapitan saka napatingin sa Binatang si Alexander na tila malalim ang iniisip. “Ano namang ibig niyon sabihin?” Tanong ni Alexander. Hindi niya gusto ang tumatakbo sa utak niya. Habang lumalalim ang gabi lalo siyang kinakabahan. Hindi nila makita ang dalagang doctor. Ni hindi rin ito macontact ni Sophia. Maging ang mga volunteer doctor ay inutusan n ani Alexander na tumulong sa paghahanap sa dalaga. Nagpasya silang maghiwa-hiwalay upang hanapin ang dalaga at ang prisong nakatakas naman ay pinaghahanap na nang mga pulis. Sa paghahanap nina Alexander sa dalaga. Napadaan sila ni James kasama ang isang Pulis sa sementeryo. “Bakit?” tanong ni James nang mapansing napatingin si Alexander sa loob nang sementeryo. Maging ang pulis ay napatingin din sa binata. “Don’t tell me you are---” wika ni James saka tumingin sa binatang doctor. “Hindi siya pwedeng magawi sa lugar na iyan.” Wika nang Pulis sa Binatang si Alexander. “Alexander!” wika ni James nang biglang maglakad papasok nang sementeryo ang binata. “Gosh! What is he thinking.” Wika pa nito na wala ding nagawa kundi ang sumunod sa binata. Maging ang pulis ay wala ding nagawa kundi ang sumunod sa dalawang binata. Hindi naman nila alam kung bakit bigla nalang pumasok doon si Alexander. Madilim ang paligid pero patuloy parin nilang binaybay ang loob nang sementeryo para hanapin ang dalagang Doctor. *** Nagising si Elizabeth dahil sa mahinang hinimas sa binti niya. Nang magdilat siya nang mata napaigtad pa ang dalaga nang makita ang pulis nakahawak sa binti niya. Agad niyang inilayo ang binti niya sa lalaki. Tinangka rin niyang tumayo ngunit bigo siya. Doon lang niya napansin na nakatali siya sa isang haligi habang sa tabi niya ay ang isang lalaking nakahiga sa natutulog. Nakatali din ang kamay at paa nito. Wala itong suot na damit maliban sa boxer short sa ibabang bahagi nang katawan nito. Agad na nakilala ni Elizabeth ang lalaking nakahiga. Ito ang ama ni Ana na hinuli nang mga pulis na pinagbintangang gumahasa at pumatay sa isang bata. Napatingin siya sa lalaking nasa harap niya. Nakangisi ito sa kanya at nagniningning ang mga mata. “Alam mo ba Dr. Elizabeth na ikaw ang unang babaeng nagustuhan ko? Hindi ko gusto ang may gulang na mga babae dahil karamihan sa kanila may mga karanasan na. hindi na Dalisay. Ngunit nang makita kita, agad kung naisip na iba ka. Inosente gaya ang mga bata. Gustong-gusto ko nang sariwang laman.” wika nito at pinasadahan nang dila ang mga labi. Biglang kinilabutan si Elizabeth sa sinabi at kinilos nang lalaki. Napalingon siya sa paligid. Wala siyang ibang makita sa loob nang kubo kundi mga kandila at larawan nang mga bata. Nahagip nang mata niya ang larawan nang biktimang si Ana at si Mila. Napansin naman nang lalaki ang tinitingnan niya. “Nagustuhan mo ba ang koleksyon ko?” ngumising wika nito at tumayo saka lumapit sa dingding kung saan nakadikit ang mga larawan. “Sila ang mga tipo ko. Inosente at wala pang alam. Sariwa. Kaya lang, bakit ganoon? Kahit na ibinigay ko ang sarili ko sa kanila. Hindi pa rin nila ako gusto. Kaya naman kailangan ko silang patahimikin.” Anito. “You are crazy.” usal ni Elizabeth. “How can you do such a thing. Are you even human?” Tanong nang dalaga. Ang totoo niya. Labis-labis na ang kaba niya. Hindi niya akalaing dadanasin niya ang ganitong panganib. She was sheltered all her life. Being proctected at malayo sa mga panganib at sa isang iglap lang parang nasa pinto siya nang kamatayan ngayon. Hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya nang lalaki. Or if there is someone na magliligta sa kanya. Siguro dapat sinunod niya ang sinabi ni Alexander at bumalik nalang sa Costa Estrella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD